"N-naririnig mo b-ba ang sarili m-mo, Dylan?!" hindi makapaniwalang tanong ni Lerisse.
"Malamang, hindi ako bingi. At mas lalong seryoso ako sa sinabi ko, hindi talaga ako magdadalawang-isip na balian ka ng buto kahit pa babae ka."
Pfft.
Hindi ko maiwasang matawa sa mukha ni Lerisse eh. Mukhang nalugi mga sis.
Mabuti nga yan sa kaniya! May pa mas deserve mo ang SLAP pa siyang nalalaman eh taob naman pala siya kay Dylan!
Matapos din non ay umalis na sa backstage si Lerisse na lukot na lukot ang mukha.
Sino ba naman kasing hindi malulukot ang mukha kung pinagsabihan ka ng crush mo na babalian ka niya ng buto diba?
Kaya nga hindi ko maikakaila na kinilig ako ng bahagya dun sa part na ipinagtanggol ako ni Dylan kay Lerisse.
Oo nga't nagmukha na naman akong mahina pero hindi ko yun inintindi. Mas nangibabaw sa akin yung kilig na nararamdaman ko.
Ang hirap nito mga sis. Pantay na pantay lang kasi ang kilig na nararamdaman ko kay Eli at Dylan eh HUHUHU
"Wag ka mag-alala, hinding-hindi ko hahayaan na may manakit sayo. Takot lang nila sa muscle ko noh?" aniya saka pinakita yung braso niya na wala namang muscle.
"Ang yabang mo, isang pitik ka lang baka tumumba ka na eh."
"Gusto mo ba isa-isahin ko sayo yung mga ginawa kong pagligtas sayo kasi mukhang nabagok kahapon 'yang ulo mo at nakalimutan mong may utang na loob ka sakin eh."
Inirapan ko naman siya.
Hmp! Hindi ko naman sinabi na gawin niya yun eh!
"Wow ha? PAGLIGTAS? Bakit? Ikaw ba ang bagong recruit na member ng Avengers?" sabi ko saka siya tinawanan. "Kung makapagsabi 'to ng ligtas parang sinalo mo ko sa pagkakahulog sa malalim na bangin eh. Okay ka lang?"
"Bakit ka ba ganyan sakin? Samantalang kay Eli eh ang bait bait mo saka ang sweet sweet mo tapos pagdating sa akin, kung makipag-usap ka eh parang ako ang dahilan kung bakit masakit ang puson mo!"
"Eh sa sumasakit talaga puson ko kapag kausap kita eh, wala ka ng magagawa dun!"
"Ang aarte niyo! Buwan buwan naman kayong nireregla eh kaya diba dapat sanay na kayo na sumasakit puson niyong mga babae kayo? Ginawa mo pa akong dahilan!"
"Pag walang pepe, di counted opinion ha?" inis kong sabi sa kaniya at akmang tatalikuran siya nang bigla siyang magsalita.
"Ang sama talaga ng ugali mo." aniya habang matamis na nakangiti sa akin. Luh? Baliw na ba 'to? "Alam mo bang gusto ko ng singkwenta na anak tapos gagawin kitang katulong?"
"At sino namang may sabi sayo na mamamasukan ako sayong katulong?!"
"Katulong gumawa ng baby."
GRRRRRRR!
Inirapan ko siya saka siya iniwan dun dahil tinatawag na ang mga contestants sa stage.
Elimination na kasi for the first round.
Dalawa ang matatanggal sa aming pito kaya sa second round, kung makapasok man ako, eh lima kaming maglalaban-laban and after the second round, dalawa ulit ang matatanggal at tatlong contestants nalang ang maglalaban-laban sa huling round.
Hayy.
Iniisip ko na sana makaabante ako sa second round pero naisip ko din na sana matanggal na ako para naman mawala na 'tong kaba na kanina pa gumugulo sa akin.
"We're sorry to say that Alfred Mercado from BSED EN 2-2 and Maricel Domingo of BSA 1-1 will officially eliminated. Thank you for sharing your talents." pag-anunsyo nung host.
So ayun, buhay pa ang laban ko.
At sa puntong ito, ako ay naiwan sa gitna ng entablado dahil ako ang malas na nakabunot ng numerong uno. It means, ako ang unang magtatanghal sa round na 'to.
"GOOOOOO MAGI!"
"LABAN, MAGI!!!!!!!!!!!!"
"GO GO GO!!!!! LET'S FIGHT MATH 1-1!!!!"
Bwiset 'tong mga kaklase ko, sa lahat ng supporters na nandito ngayon eh sila ang pinakamaingay at pinakahyper.
Sila ang dahilan ko para hangarin ko na sana manalo ako dahil ayoko naman sanang masayang yung banner na ginawa nila at syempre ayoko ding masayang yung pagsigaw nila para suportahan ako..
[Verse 1]
Tuwing ikaw ay nariyan
Sabay kong nadarama ang kaba at ligaya
Ang 'yong tinig wari ko'y 'di marinig
Pagkat namamangha 'pag kausap ka
[Pre-Chorus]
Kaya nais kong malaman mo
Ang sinisigaw nitong aking puso
[Chorus]
Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka
[Verse 2]
Ikaw kaya ay nais din
Akong makapiling at ibigin
O kay sarap namang isipin
Na tayong dalawa ay iisa ang damdamin
[Pre-Chorus]
Aking hinihiling na sabihin mo
Ang nilalaman ng 'yong puso
[Chorus]
Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka
[Bridge]
O kay tagal ko nang naghihintay
Na sa akin ay mag-aalay
Ng pag-ibig na tunay at di magwawakas
[Chorus]
Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka
Pangarap ko ang ibigin ka
At sa habang panahon, ikaw ay makasama
Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito
Pangarap ko ang ibigin ka
Matapos ng ginawa kong pagkanta ay nakita ko na namang mga nagwawala ang mga kaklase ko sa bandang likuran.
Para silang mga wild na hayop na pinakawalan sa zoo!
Jusko po! Sana lang walang sumita sa kanila dun.
Mabalik tayo sa kinanta ko..
Well, wala naman akong pinag-aalayan nung kanta. Baka kasi mamaya ay magtaka kayo kaya ngayon pa lang ay nagsasabi na ako.
Hindi naman sa pagiging defensive pero parang ganun na nga.
Pagkatapos nun ay syempre sa backstage ako dumiretsyo dahil wala naman akong ibang pupuntahan kundi dito lang naman eh.
Kaya lang pagdating ko dun ay nakita ko sina Julia at Delancy na tila inaabangan ako.
Hm? Kaya pala bigla silang nawala sa gym kasi nagtungo pala sila dito.
"Grabe ka, Magi! Hindi namin alam na NAPAKA galing mo palang kumanta! Dapat pala sa Tawag ng tanghalan ka na agad sumali eh, baka nagkapera pa tayo!" sabi ni Julia.
As usual, basta mukhang pera eh asahan niyong si Julia yun.
"True! Alam mo kung ako si Regine Velasquez eh baka pati paa ako sumaludo sayo!
Hindi ko naman sinasabing mas maganda yung pagkakakanta mo kay Regine Velasquez noh? Wag ka assuming, kasi syempre hindi mawawala na medyo may mga notang naliligaw and may flats and sharps ka na talagang mahirap iwa--"
"Judge ka sis?" pagputol ni Julia dito kay Delancy.
Kasi naman, yung comment ni Delancy sa performance ko eh akala mo isa siya sa mga magjajudge sa akin eh.
"Judgemental lang!" sabi naman ni Delancy. "Anyway, maganda yung performance mo kanina kaya feeling ko talaga eh makakapasok ka sa last round. Tiwala lang, Magi!"
"Isipin mong motivation na kailangan mong manalo dahil ililibre mo pa kami ni Delancy ng milk tea sa starbucks!"
"Mukha ka talagang libre! Tagtipid ka ba ngayon?"
"Wag ka na magulat, Delancy. Malamang may bago 'yang sinusustentuhan." sagot ko naman kay Delancy.
Ayy oo nga pala, wala nga pala munang away.
"Bakit ko ba kayo naging kaibigan?" sabi ni Julia na may halong inis.
HAHAHAHA
Tinawanan na lang namin siya na parang ganto kaysa naman mas lalo siyang asarin. Mahirap na at baka magkagulo pa.
Hayy.
Medyo mainit ngayon ha? Siguro dahil sa bigay-todo na performance ko eh kaya ako pinagpupusan ngayon dito ng malagkit.
Ano ba yan? Ang dugyot.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkukwentuhan nang biglang sumulpot dito sa backstage sina Eli at Dylan..
Si Dylan na naman???!
Purgang-purga na ako sa mukha niya, jusko!
"Eto, Magi." sabi ni Eli saka inaabot sa akin ang hawak niyang wipes.
"Magi, ito na lang." sabi naman ni Dylan saka inabot yung dala niyang tissue.
Takte.
Alin diyan ang kukunin ko ngayon?
"Mas magiging malagkit ka lang lalo kung wipes ang ipampupunas mo sa pawis mo. Mas okay 'tong tissue, hindi basa at mas okay pampunas ng pawis." sabi ni Dylan kaya lang biglang sumingit si Eli kaya sa gawi niya naman ako nakatingin.
"Wag kang gagamit ng tissue lang, dry nga pero wala namang amoy. Atleast itong wipes, kahit mamasa-masa eh mabango naman ang amoy kapag ipinunas mo sa mukha mo. Mas magiging presko ka na nga, mabango ka pa."
"Ito na nga lang, tissue! Wag ka ngang makulet dyan, Eli!"
"Bakit ba?! Ako naunang lumapit kay Magi kaya ikaw ang umepal at hindi ako!"
"Sabay tayong lumapit--"
"Mas nauna ako sayo ng isang hakbang!"
"At paano--"
"STATATATATA TATATATATATAPTAPTAATATATAP!!!!" pag-awat ko sa kanilang dalawa.
Jusko!
Sa kanila yata ako matutuyuan ng dugo eh!
"Palagi nalang kayong nag-aaway na dalawa! Hindi na ako natutuwa sa inyo, sa totoo lang! Sorry ha? Pero kung ako lang din ang magiging dahilan para masira ang friendship niyo, please lang.. Tigilan niyo na ang panliligaw sa akin."
At seryoso ako sa sinabi ko.
Nakakainis kasi, palagi nalang silang nag-aaway sa harap ko. Palagi silang nagpapagalingan. Natatakot ako na baka bigla silang dumating sa punto na magkalamat ang pagkakaibigan nila..
Gaya nung nangyari sa amin ni Delancy pero yung sa amin kasi ay naayos pa, pero paano kung sa kanila eh hindi na maaayos pa? Edi konsensya ko pa ganon?
"Ikaw kasi eh!" paninisi ni Dylan kay Eli.
"Anong ako? Ikaw kaya nanguna dyan!"
"Umepal ka kase kaya—"
"Putak na naman kayo ng putak! Wala ba kayong narinig kay Magi? Ano? Malalaki na din ba mga tutuli niyo sa tenga at hindi na kayo makarinig ng maayos ha?" at si Julia na nga ang umawat dun sa dalawa.
Nakakapagod din palang umawat. Jusko, yung natitirang pasensya ko eh paubos na. Hintayin lang talaga nilang maubos yun, nako! Baka kung anong magawa ko dun sa dalawa kapag hindi pa sila tumigil sa kakaaway dyan!
"May naisip ako." biglang pagsingit ni Delancy. "Para hindi na sila mag-away kung sino sa kanila ang poporma sayo, eh bakit hindi mo sila pagbigyan na idate ka?
Kunwari, ngayong araw ang kadate mo ay si Eli so buong araw kayong magkasama ni Eli. Walang Dylan dapat na e-extra kasi araw 'to ni Eli so dapat si Eli lang ang kasama ni Magi.
Tapos kinabukasan naman, araw naman ni Dylan. With that, baka maiwasan na mag-away 'tong dalawa na 'to diba?"
"Ano yun? One time lang? I mean isang beses lang yun mangyayari at hindi na mauulit pa?" usisa naman ni Dylan.
"One day free trial lang syempre. Isang araw lang yun kaya kung ako sayo, ibigay mo na yung best mo para mapasaya at mapakilig mo si Magi."
"Bakit naman isang araw lang?" reklamo naman ni Eli.
"Wag kang abusado! Boto pa man din ako sayo kaya magpakabait ka!"
Pfft.
"Okay, game. Ako na mauuna, simula nito bukas na ha?" tanong ni Eli.
"Yes."
Okay?
Bakit hindi man lang ako umapela sa napagkakasunduan nila?
Pero siguro okay na din yun, choosy pa ba sila na masosolo nila ako ng tag-isang araw.
'Ganda mo talaga, Magi. Naka Myra ka ba?'
Pagkatapos din ng kasunduan nila ay nagsilayas na sila sa backstage habang ako naman ay muling nandito sa stage dahil gaya nga ng nabanggit ko kanina, may elimination round na namang mangyayari.
Eto na, kinakabahan na naman ako.
"Ang unang magpapaalam sa round na ito ay si.." sabi ng host at nakakainis lang dahil may pabitin effect pa siyang nalalaman! "Cristen Mendoza of CpE 2-1."
Nagulat ako nang si Cristen ang isang natanggal samantalang ang ganda ng performance niya kanina.
Ang kinanta niya kasi ay ang kantang Pangako Sayo.
Shit.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka ako ang isang matanggal ngayong round dahil sa totoo lang, hindi ako totally confident sa naging performance ko kanina.
"At ang susunod na matatanggal sa kompetisyong ito ay si.."
Hays.
Eto na naman, binibitin na naman!
"Joven Cristobal of BSED MT 2-2."
Nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi mabanggit ang pangalan ko; ibig sabihin eh may pag-asa pa akong manalo.
Sana lang.
Magagaling din kasi itong kalaban ko na si Charisse Soleman ng BSA 1-2 at si Mary Joyce Abalos ng CpE 1-1.
Ang gagaling nila sa performance nila pero bahala na. Ang mahalaga naman eh kahit sa top 3 eh nakarating ako. Bonus na lang kung manalo.
Pero sana manalo.
Bago magsimula ang last round ay mayroon munang intermission from Mystica.
Yung banda ni Lerisse.
Tatlo silang babae at si Lerisse daw ang main vocalist nila.
(Lerisse)
I've been watching you for some time
Can't stop staring at those ocean eyes
Burning cities and napalm skies
Fifteen flares inside those ocean eyes
Your ocean eyes
Pagdating ng chorus ng kanta ay sabay sabay na sila.
Impernes nga eh, mas maganda yung nabubuong tunog kapag sabay sabay silang kumakanta.
No fair
You really know how to make me cry
When you give me those ocean eyes
I'm scared
I've never fallen from quite this high
Falling into your ocean eyes
Those ocean eyes
(Bianca)
I've been walking through a world gone blind
Can't stop thinking of your diamond mind
(Danica)
Careful creature made friends with time
He left her lonely with a diamond mind
And those ocean eyes
[Chorus]
No fair
You really know how to make me cry
When you give me those ocean eyes
I'm scared
I've never fallen from quite this high
Falling into your ocean eyes
Those ocean eyes
[Chorus]
No fair
You really know how to make me cry
When you give me those ocean eyes
I'm scared
I've never fallen from quite this high
Falling into your ocean eyes
Those ocean eyes
Nakakaloka din 'tong Mystica kasi naman, itong event na 'to ay ginawa to give tribute sa OPM songs tapos ang kinanta nila ay song ni Billie Eilish?
Hays. Sana ayos lang sila?
Matapos ng intermission number ng Mystica ay nagpatuloy na ang kompetisyon.
Mauuna si Mary Joyce, pangalawa si Charise at ako ang panghuli.
Sabi pa naman ng iba, nakakapressured kapag huli pero hindi na bale, bahala na si Darna sa akin.
Hayy.
Hingang malalim.
Nasa stage na ngayon si Mary Joyce at ang kinakanta niya ngayon ay ang Kung ako na lang sana ni Bituin Escalante.
At shit lang talaga!
Wala talagang kapintas-pintas sa ginawang pagkanta ni Mary Joyce. As in ang ganda ng pagkakakanta niya.
Ano ba yan?
Ang gagaling ng mga kalaban ko! Para tuloy ayoko nalang umasa na manalo.
Sumunod naman si Charisse at siya na ngayon ang kasalukuyang nasa entablado.
Ang kinanta niya ay ang Kilometro ni Sarah Geronimo.
Para sa akin lang ah? Hindi pang final round na bala yung kantang napili niya pero wala naman akong karapatan na husgahan siya kasi desisyon niya naman kung anong kakantahin niya.
Hay nako!
Mukhang nahahawa na ako kay Delancy sa pagiging judgemental ah?
Mayamaya lang din ay natapos na si Charisse sa pagkanta kaya naman eto na, ako na ang sasabak sa entablado.
Eto na naman, dinig na dinig ko na naman ang malakas na pagkabog ng puso ko. Para bang gusto na nitong lumabas sa katawan ko.
Hayy.
Huminga muna ako ng malalim bago mag-umpisa..
'Kaya ko 'to!'
Bakit hindi mo maramdaman
Ikaw sa akin ay mahalaga
Ako sayo ay kaibigan lamang
Pano nga ba't 'di ko matanggap
At ako pa ba'y iibigin pa
Ang dinadasal, makikiusap na lang
Akin ka na lang
Akin ka na lang
Ang dinadasal sa araw-araw
Akin ka na lang
Akin ka na lang
At maghihintay hanggang akin ka na
Giliw
At sa panaginip lamang
Nahahagka't nayayakap ka
At ako pa ba'y iibigin pa
Ang dinadasal makikiusap na lang
Akin ka na lang
Akin ka na lang
Ang dinadasal sa araw-araw
Akin ka na lang
Akin ka na lang
At maghihintay hanggang akin ka na
Giliw
At ako pa ba'y iibigin pa
Ang dinadasal makikiusap na lang
Akin ka na lang
Giliw
Akin ka na lang
Ang dinadasal sa araw-araw
At maghihintay hanggang akin ka na
Giliw
Sa sobrang dama ko sa kanta ay hindi ko namalayang nakapikit pala ako habang kinakanta 'to.
Iminulat ko lang ang mga mata ko nang madinig ang palakpakan ng mga taong nanonood sa akin at..
Hindi ko maiwasang mapaiyak kasi 'yung tatlong judge na nanonood sa akin sa baba ay mga nakatayo at pinapalakpakan din ako.
Shit.
Grabe naman!
Ayokong assuming pero gusto ko lang isipin na baka ako ang manalo ngayon. HAHAHAHAHAHA joke.
Nakakaiyak naman kasi, grabe yung palakpakan nila.
Kung sana nandito ngayon si mommy at pinapanood ako, siguro ganito din siya kaproud sa akin habang abot tenga ang ngiti niya habang pinapalakpakan ako?
Hays.
Eto na naman ako at umaasa na naman sa wala.
Matapos ng performance ko eh may intermission number naman ang DWEIYAH which is kanina pa talaga inaabangan ng mga kababaihan sa labas.
Maski mga nanay ay nakikitili sa mga anak nila eh.
Iba talaga ang karisma ng DWEIYAH eh.
[Verse 1] (ELI)
Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?
Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko?
Tatlong oras na akong nagpapacute sa'yo
'Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko
[Verse 2] (ISRAEL)
Ilang isaw pa ba ang kakainin, o giliw ko?
Ilang tanzan pa ba ang iipunin, o giliw ko?
Gagawin ko ang lahat, pati ang thesis mo
'Wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko
[Pre-Chorus] (HARRIS)
Sagutin mo lang ako
Aking sinta'y, walang humpay na ligaya
[Chorus] (DYLAN AND HARRIS)
At asahang, iibigin ka
Sa tanghali, sa gabi, at umaga
'Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba na
Tayo'y mabubuhay na tahimik at buong ligaya
[Verse 3] (DYLAN)
Ilang ahit pa ba ang aahitin, o giliw ko?
Ilang hirit pa ba ang hihiritin, o giliw ko?
'Di naman ako manyakis tulad nang iba
Pinapangako ko sa'yo na igagalang ka
[Pre-Chorus] (ELI)
Sagutin mo lang ako
Aking sinta'y, walang humpay na ligaya
[Chorus] (ELI AND ISRAEL)
At asahang, iibigin ka
Sa tanghali, sa gabi, at umaga
'Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba na
Tayo'y mabubuhay na tahimik at buong ligaya
[Outro] (DYLAN AND ELI)
At aasahang, iibigin ka
Sa tanghali, sa gabi, at umaga
'Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba na
Tayo'y mabubuhay na tahimik at buong
Ligaya
(ISRAEL AND HARRIS)
At aasahang, iibigin ka
Sa tanghali, sa gabi, at umaga
'Wag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Tayo'y mabubuhay na tahimik at buong ligaya
Ang ganda ng performance nila lalo pa at isa ang eraserheads sa paborito kong banda kasi bet na bet ko talaga mga kanta ng EHeads kahit na napaglumaan na ng panahon.
Ewan ko ba pero kuhang-kuha nila ang style ng pagkanta ng EHeads.
As usual naman, palagi namang ginagalingan ng apat na vocalist ng DWEIYAH na sina Dylan, Eli, Israel at Harris.
Pero siyempre hindi naman magiging maganda ang performance nila kundi dahil sa magandang pagtugtog ni Yuwi sa drums at sa maangas na paggigitara nina Warren at Alec.
Hindi nakagamit ng keyboard si Alec ngayon kasi daw nasira daw yata yung keyboard niya kaya ayun, nasa pagawaan kaya sideline muna daw siya bilang guitarist nila.
Ayos lang din naman yun kasi ang cool nga eh. Ang sarap lang talaga nila panoorin habang tumutugtog sila at umaawit ng mga OPM songs na gaya nito.
So ayun, tama na nga muna ang chika ko dahil matapos ng intermission number ng DWEIYAH ay pinabalik na din naman agad kami sa stage kasi ito na yung oras..
Ia-anunsyo na kung sino ang panalo.
Oo na, kinakabahan na ako. Actually kanina pa nga 'to eh tapos hanggang ngayon nandito pa din 'tong kaba na 'to. Ayaw man lang umalis sa katawan ko, badtrip na yan.
Hayy.
"For our second place.. Gathering an average score of 91.04%.."
Dugs.
Dugs.
Dugs.
Ang tagal namang i-announce nung host! Ayan na naman siya sa pabitin effect niya eh! Kung siya kaya ibitin ko patiwarik dyan?!
"Charisse Soleman of BSA 1-2!"
Shit.
Kami nalang ni Mary Joyce ang natitira.
Kinakabahan na talaga ako, and this time, yung kaba ko ay abot na sa milky way.
Shit.
Pinagpapawisan na yung kamay ko, magkahawak-kamay pa naman kami ni Mary Joyce.. Nakakahiya tuloy.
Baka ipagkalat niya sa mga kaklase niya na pasmado kamay ko!
"And for the champion! Gathering an average score of 96.75%.. Congratulations..."
Hingang malalim.
Relax.
Kalma lang.
Manalo o matalo, laban lang—
"Margaret Serrano of BSED MT 1-1!"
Huh?
Ako yung nanalo?
Saglit akong natigilan at nabalik lang ako sa ulirat nang batiin ako ni Mary Joyce ng congratulations.
OMG!
So totoo nga?
Kita ko namang nagwawala ang mga kaklase ko sa likuran at tuwang-tuwa sa pagkapanalo ko.
Shit.
Maski ako hindi ko maitago sa sarili ko yung tuwang nararamdaman ko ngayon.
At hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala at nagloloading pa din ang isipan ko sa mga nangyari.
Tulala ko ngang inabot dun sa isang judge yung trophy ko eh.
Kasi naman, ang hirap mabalik sa wisyo kasi hindi ko alam! Basta!
Basta ang alam ko eh masaya ako dahil nanalo ako!
Agad naman akong sinalubong nina Julia at Delancy dito sa stage ng sobrang higpit na yakap.
Yun bang papatayin nila ako sa sobrang sikip!
"Tanginaaaaa! Shit! Fuck you! Punyeta ka, Magi! Ang galing mo!" sabi ni Julia.
Pinalampas ko nalang yung pagmura niya sa akin kasi baka nasabi niya lang yun dahil sa sobrang saya niya.
Tangina nito, kaya siguro ang saya saya niya na nanalo ako kasi sa wakas eka malilibre ko na siya ng milk tea sa starbucks.
"Sabi ko naman sayo, Magi.. Alam kong kaya mo 'yan." nakangiting sabi naman sa akin ni Delancy.
Buti pa 'to si Delancy, marunong magpakaplastik kumpara mo naman kay Julia..
Hay, ewan.
"Salamat sa inyo, salamat sa suporta niyo. Para sa inyo 'to." natutuwang sabi ko at hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko na maiyak.
Sana lang talaga napapanood ako ni mommy ngayon. Sana nasaksihan niya yung pagkapanalo ko para sana siya na mismo ang bumawi sa sinabi niya sa akin noon na hinding hindi ako mananalo kahit saang contest pa ako sumali.
Kaya lang wala siya..
Wala si mommy.
Nakakalungkot lang na hindi niya ako napanood na manalo..
Pero kahit ganun, mahal na mahal ko si mommy..
At para din sa kaniya itong pagkapanalo ko..