Chereads / A Love To Last (DWEIYAH series #1) / Chapter 18 - CHAPTER 17

Chapter 18 - CHAPTER 17

Nakauwi na ako sa bahay at lahat pero nanatiling nakatatak sa utak ko yung sinabi ni Eli sa akin kanina.

Well, gaya nga ng nabanggit ko, kapag talaga si Eli ang bumabanat sa akin ng ganung line eh hindi ko maiwasang kiligin. Kasi sino ba namang hindi?

Mukhang tama nga si Delancy; na basta suplado, romantiko!

Nakakainis talaga!

Alam niyo yung feeling na dapat lukot ang mukha kong uuwi ng bahay kasi magkagalit kami ni mommy? Pero ano? Eto ako ngayon, abot tenga ang ngiti.

Wala eh, ginalingan masyado bumanat ni Eli!

"Hindi pa din ba kayo nagkakaayos ng mommy mo?" salubong sa akin ni nay Cora nang makapasok ako ng bahay.

Nakakagulat naman ang bigla niyang paglitaw, para siyang kabute!

"Mukhang matatagalan pa po yata yun." sabi ko at nanlalatang naupo sa sofa. Agad naman siyang sumunod sa akin at naupo din. "Hindi naman po kasi talaga ako yung kumuha ng P50,000 kay mommy kaya nga nakakagulat na bigla niya akong sinisi sa kasalanang hindi ko naman ginawa." pagpapatuloy ko.

Heto na naman, nag uumpisa na naman akong maiyak.

Hays, napakaiyakin ko talaga.

"Wag ka ng magulat, parang hindi ka na nasanay dyan sa mommy mo na mas pinapanigan si Macy kaysa sayo. At wag ka na ding magulat kung binaliktad man ni Macy ang kwento. Alam mo naman minsan ugali ng kapatid mong yun hindi ba? Pinaglihian yata ng mommy mo si Pinocchio nung nagdadalang-tao siya kay Macy kaya ayun, lumaking sinungaling."

Sumang-ayon ako sa sinabi ni nay Cora, dahil tama naman siya. May pagkasinungaling at demonyo yun si Macy, ang hilig niyang ibato sa akin yung mga kasalanang siya naman ang may gawa.

Palibhasa kasi, siya ang paboritong anak kaya ang lakas ng loob niyang magsinungaling kasi kahit magsinungaling siya, siya pa din ang paniniwalaan.

Bigla tuloy akong may naalala..

Flashback:

Bata pa kami ni Macy nito, siguro 13 years old siya habang 12 years old naman ako..

Sa Italy na kami nito nakatira at kasama namin dito sina mommy at daddy.

One time, bigla akong inaya ni Macy na pumunta kami sa kwarto nina mommy at daddy. Eh ako naman itong si tanga at sumunod sa kaniya.

"Ayokong matuloy sina mommy at daddy sa party na pupuntahan nila mamaya kaya gagawa tayo ng paraan para hindi sila matuloy." aniya saka ipinakita sa akin yung gunting na hawak niya. 

Sinubukan ko siyang pigilan pero hindi siya nagpapigil kaya naman wala akong nagawa kundi ang pagmasdan na lang siya habang ginugupit niya ang sa tingin kong mamahaling dress na susuotin ni mommy mamaya sa party na pupuntahan nila.

"Ayan!" masaya niyang sabi at ibinalandra pa yung dress na ngayon ay butas-butas na. "Hawakan mo saglit 'tong gunting." utos niya at agad ko namang inabot ang hawak niyang gunting..

Habang siya naman ay enjoy na enjoy na tinitignan yung damit na sinira niya.

"Anong ginawa niyo sa damit ko??!" nagulat kami ni Macy nang makita si mommy na papasok ng kwarto at galit na galit ang mukha nito.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.. Namalayan ko nalang na hinagis sa mukha ko ni Macy yung kaninang hawak niya na dress.

"Mommy!" sabi ni Macy saka lumapit kay mommy. "Si Magi ang may kasalanan! Ayaw niya kasing matuloy kayo ni daddy sa party mamaya eh kaya isinama niya ako at sinabi niyang sirain daw namin yung damit mo para hindi kayo matuloy.. Sinubukan ko siyang pigilan pero ayaw niyang magpapigil." dagdag niya pa at nagkunwaring umiiyak pa. "Ayan nga oh! Hawak niya pa yung gunting! Mukhang ayaw niya pang tigilan na sirain yung dress!" sabi pa niya saka itinuro yung gunting na hawak ko.

Galit na lumapit naman sa akin si mommy at hinila niya ang tenga ko papasok sa kwarto ko at patulak akong pinapasok sa loob.

"Talaga bang wala ka ng pag-asang tumino huh?! Pwes, dito ka sa kwarto maghapon at hindi ka kakain! Nang matuto ka ng leksyon mo!"

End of Flashback.

Oh diba? Bata pa lang kami eh may sungay na yung kapatid ko na yun kaya hindi na ako magtataka kung binaliktad man niya ang kwento at sinabi kay mommy na ako ang kumuha ng pera sa bank account ni mommy imbes na siya.

Naalala ko pa nga yung sinasabi niya dati tuwing ginagawa niya yun sa akin eh;

Sorry, Magi. Natatakot kasi ako kay mommy kaya imbes na magsabi ng totoo eh naituturo kita bilang ikaw ang may kasalanan.'

Pero kahit ganun ang ugali ni Macy eh magkasundo naman kami kahit papaano.

Hanggang ngayon nga eh.

Hindi ko nalang iniintindi pa kung minsan ginagawa niya yun, inuunawa ko nalang siya bilang kapatid ko siya eh.

"Matulog ka na, Magi. Wag ka na masyadong mag-isip, maaayos din ang lahat." sabi ni nay Cora kaya naman nakangiti ko siyang tinanguan at pumasok na sa kwarto ko.

Hindi na ako nag-abala pang kumain dahil wala din naman akong gana..

Hays.

-

Maaga akong pinapasok ni Mariz ngayong araw dahil niremind niya ako na ngayon daw pala ang elimination round para sa MUSIKAtan na magaganap sa friday.

Sinabi niya sa akin na sa AVR daw yun gaganapin kaya naman pagkarating ko sa campus ay sa AVR na ako agad nagdiretsyo.

Naabutan ko na walang tao sa labas kaya naman lumapit ako dun sa isang estudyante na nakaupo sa table sa may gilid ng pintuan.

"Tapos na ba yung elimination round for MUSIKAtan?"

"Hindi pa po nagsastart. Contestant po ba kayo?"

"Opo, Margaret Serrano po." sabi ko at hinanap naman niya sa listahan niya ang pangalan ko.

Nang mahanap ang pangalan ko ay pinalagay niya sa akin ang contact number ko at pinapirma at pagkatapos lang nun ay sinenyasan niya na akong pumasok sa loob.

Naabutan kong may tatlong tao na nakaupo sa hindi kahabaan na mesa.

Sa tingin ko eh sila ang judges.

"You can start now." sabi nung babaeng nasa gitna ng dalawang lalaki.

Ano ba yan? Mas lalo yata akong kinabahan kasi naman, napakaseseryoso ng mga mukha nila. Parang isang kasalanan yata na mapiyok at maging sintonado.

Wonderin' where you are tonight

Maybe you're that distant star

How I want you right here by my side

Now I see your face above

Could you take me where you are

Unafraid no matter what may come

Waiting for the hour of those many nights

When you wake up in the storm

Trees will all be standing tall

I come to you, you'll never be alone

When your hopes fall apart

Night is cold, day is dark

I give my heart, it's right where you belong

Right where you belong

Right where you belong

And we'll meet across the sky

So together we will fly

You're so near to me, you'll never be afar

Wanting every hours of those many nights

When you wake up in the storm

Trees will all be standing tall

I come to you, you'll never be alone

When your hopes fall apart

Night is cold, day is dark

I give my heart, it's right where you belong

Right where you belong

Right where you belong

Loving every hours of those many nights

When you wake up in the storm

Trees will all be standing tall

I come to you, you'll never be alone

When your hopes fall apart

Night is cold, day is dark

I give my heart, it's right where you belong

Right where you belong

Right where you belong

Matapos kumanta ay hindi ko maiwasang kabahan na naman.

Hays, tapos na nga akong kumanta kaya dapat hindi na ako kakabahan diba?

"Wait for the announcement of those who qualified, thank you." sabi nung lalaki sa kanan ng babae kaya naman yumuko ako ng bahagya para magpasalamat.

'Ay teh, koryana ka?'

Pagkalabas ko ng AVR ay naabutan ko ang pila ng mga makakalaban ko..

Shit, sa itsura pa lang eh mukha na silang mga magagaling ah?

Nako! Goodluck nalang talaga sa akin!

Hayy.

Nang makapasok ako sa room namin ay nagtaka ako nang may maabutan akong isang long stem rose sa upuan ko at ang isa naman ay toblerone.

Bakit may ganto sa upuan ko? Hindi kaya naligaw lang?

"Kanino 'to?" tanong ko dun sa dalawang busy sa kanilang ginagawa.

Si Julia na busy sa cellphone at si Delancy na busy magdrawing.

"Nasa upuan mo nakalagay diba? Malamang sayo!" sabi ni Julia.

Luh?

Galit?

"Galing kay Dylan yung toblerone tapos galing naman sa manok ko yung rose." sabi naman ni Delancy at saglit tumigil sa pagdodrawing. "Ang sweet ni Eli noh? May pabulaklak. Kaysa naman dun sa isa dyan, magbibigay ng chocolate? So cheap! May balak pa yatang pasakitin ngipin mo."

Kita ko namang inis na ibinaba ni Julia ang cellphone niya.

"Atleast yung chocolate ay nakakain, kumpara dyan sa bulaklak na yan? Aysus! Mabubusog ka ba kung tititigan mo lang yan?" pagganti naman ni Julia.

Hays, ayaw patalo ng dalawang 'to.

"Pinagmamalaki mo 'yang chocolate na yan? Eh sandali lang ubos yan! Buti pa 'tong bulaklak galing kay Eli, hindi man nakakain pero mas magtatagal pa 'to sa relasyon niyo ng lalaking kachat mo!" sabi naman ni Delancy. "Ops! Wala palang matatawag na relasyon kasi wala naman kayong label."

"Alam mo ikaw, kapag tumanda kang dalaga, ako ang unang-unang tatawa!" sagot naman nitong si Julia at inis na inis na talaga siya dito kay Delancy.

Napailing nalang ako sa kanilang dalawa.

"Nga pala, Magi.. Alam mo na ba ang balita?" ani Julia saka humarap sa gawi ko. "May bagong crush sa DWEIYAH si Delancy!"

Talaga 'tong si Julia, hindi talaga siya nagpapahuli sa mga chismis chismis na ganyan!

"Okay lang na ipaglakasan mo pa yan, Julia. Wala naman sina Dylan dito kaya wala akong pake." sabi naman ni Delancy.

At dun ko lang din napansin na wala pa nga sa classroom sina Dylan. Kaya lang bakit?

"Maaga silang pumasok para magpractice kasi may performance sila sa bukas diba?" pagpapatuloy pa ni Delancy.

Oo nga pala, suki pala sila ng performance tuwing may event na nangyayari dito sa campus.

"SSSSSHHHH! Hindi naman sila Dylan ang topic eh! Ikaw, Delancy ha?! Sumisimple ka." inis naman na sabi ni Julia. "Eto na nga.. Crush ni Delancy si Warren."

0.0

Isipin niyo nalang na gulat yang smiley na yan ha?

Kasi ba naman, sino ba naman kasing hindi magugulat sa balitang nalaman ko? Of all people, bakit si Warren?

"Balak yatang isa-isahin nitong kaibigan natin ang DWEIYAH eh. Tamo? Nagsimula kay Dylan ha? Tapos ngayon naman kay Warren? Baka bukas si Eli na ang huntingin mo! Baka bigla mong makalimutan na pambato mo yun!

Pero, mukhang okay na din yun. Kung sakaling may balak ka ngang agawin si Eli kay Magi, edi mabuti! Para wala ng kalaban si Dylan!"

Tignan mo ugali nitong si Julia, napaka moody! Manang-mana sa kapatid!

"Ang sama ng ugali mo! Hindi ako ganun, okay? Saka kaya ko lang naman nagustuhan si Warren kasi kahit chick boy siya, eh mukha naman siyang matino saka masaya kausap. Saka ang galing niya kaya maggitara kaya hindi ko naiwasang ma attract sa kaniya!"

"Aysus!" ani Julia saka kinuha sa desk ko yung toblerone na galing sa kapatid niya saka yun kinain.

Wow, siya ang nakinabang.

"Ang akin lang naman ay isang pangitain. Pero kung sayo na mismo manggagaling na wala kang balak isa-isahin ang DWEIYAH, edi sige."

"Hindi naman kasi ako kagaya mo na parang karinderya lang at bukas para sa lahat!" sagot naman ni Delancy saka humingi kay Julia ng chocolate kaya lang ayaw siya nitong bigyan. "Pahingi ako! Napakadamot mo!"

Agad namang nilayo ni Julia ang kamay niyang may hawak na toblerone para hindi yun maabot ni Delancy.

Nakakatawa silang dalawa, para silang mga bata.

"Maawa ka naman sa akin at mahabag, Delancy! Buong buhay ko, hindi ko pa nasosolo ang isang buong toblerone!" asik ni Julia.

PFFFT!

Ang drama naman nito!

"Anong akala mo? Maniniwala ako sayo ha?! Sa yaman niyong yan?! Ang sabihin mo, madamot ka! Hay! Sana talaga hindi kayo umabot ng isang buwan niyang ka MU mo!"

"Hindi naman talaga sila umaabot ng isang buwan, isinumpa yata si Julia na hindi siya tumagal sa mga nakaka MU niya." natatawa kong sabi.

Totoo naman kasi!

Hindi pa kasi nagkakaroon ng seryosong relasyon 'tong si Julia. Puro lang siya harot pero hindi naman niya siniseryoso. Ewan ko ba sakaniya, sinasabi niya lang na masyado pa daw siyang bata para pumasok sa isang seryosong relasyon..

Gaya ng sinabi ni Israel sa akin noong nagkausap kami sa veranda nung nakaraang nakaraang nakaraang linggo.

"Kapag talaga ako nakaranas ng anniversary, sinasabi ko sa inyo, ililibot ko kayo sa buong kalawakan!"

"Hindi na kami aasa ni Delancy diyan kasi parang naghihintay lang kaming pumuti ang uwak." pang-aasar ko pa sa kaniya.

"Oo nga, wala nga kayong label ng mga nakaka MU mo tapos aasa ka pa sa anniversary? Ayos ka lang ba, Julia? Walang magka MU na nagcecelebrate ng anniversary noh!" sabi naman ni Delancy.

Sabay kaming natawa nang makita ang inis na inis na mukha ni Julia.

"Kahit kailan, mga kontrabida talaga kayo! Konting-konti nalang talaga, hahanap na ako ng bagong kaibigan!"

"Di mo kaya." sabi ni Delancy habang hindi pa din tumitigil sa pagtawa.

"Masyado mo kaming mahal para palitan." sabi ko naman at ang gaga, ayun! Nag walk-out.

Halos mamula na kasi ang mukha niya sa sobrang inis sa amin ni Delancy eh.

Kung kay Delancy pa nga lang eh asar na asar si Julia, ngayon pa kayang nakisali ako sa kanila?

HAHAHAHAHAHA wala eh, tinoyo ako bigla.

-

Breaktime na kaya naman dahil hindi ako kumain kagabi eh bigla kong naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko.

Tinatamad man tumayo eh napilitan din akong sumama kina Julia at Delancy na kumain sa cafeteria.

Mabuti nga at wala akong Lerisse na naabutan dito. Nakakapanibago pa din talaga na bigla siyang hindi nanggugulo ngayon, hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka sa pananahimik niya ay may masama pala siyang balak.

Hay nako, sana naman wala.

Nang marating sa cafeteria ay naabutan naming puno ito ngayon ng estudyante kaya aayain ko na sana sina Julia at Delancy na sa labas nalang kumain nang magsalita si Julia.

"Ayoko sa labas kumain." aniya kaya kahit hindi sigurado kung may mauupuan kami ay bumili na din kami ng kakainin namin.

Nang matanggap ang order, bitbit ang tray, ay naghahanap kami ng bakanteng table at sakto namang nakita ko ang pagkaway ni Warren sa gawi namin.

Apat lang sila dito ngayon kaya kasya pa kaming tatlo kaya naman nakitable na kami sa kanila.

"Nakakagulat na biglang napuno itong cafeteria ngayon." sabi ni Alec.

Well, tama naman siya kasi ito yata ang first time kong naabutang punuan dito.

Kadalasan kasi eh maluwag dito at maraming bakanteng table kaya nakakagulat na ngayon eh dagsa ang mga estudyante.

"Nandito kasi ako kaya nagsitakbuhan sila ngayon dito para kumain. Alam niyo na, dahil gusto nilang magpapicture sa akin..

Hays, ang hirap maging gwapo." sabi naman ni Harris.

Jusko, nagpapalakasan ba sila ng hangin ni Yuwi?

"Hindi ko mahanap kung saan banda ka gwapo." pambabara naman ni Julia kay Harris habang kumakain.

Nako po, magsisimula na naman siyang makipag-asaran. Sana lang hindi siya ang mapikon sa huli! Tsk!

"Kunyari ka pa, nagagwapuhan ka lang sa akin, Julia eh." pang-aasar naman ni Harris.

"Hindi ka pa nasanay sa mga babae bro, kunwaring di napopogian sayo pero hindi mo alam, palihim ka ng pnagpapantasyahan." natatawang gatong naman sa kaniya ni Warren.

Ayan, nagkampihan na ang WARRIS.

"Yuck? Gwapo ka? Bakit ang panget mo sa paningin ko? Alam mo kung nagkataon lang na kasama ko ang mama ko at may hawak siyang posporo, baka sinunog ka na niya kanina pa! Sorry ha? Galit talaga sa mga panget ang mama ko."

Wow, palaban ang Julia namin.

"BURNED." natatawang sabi naman namim ni Delancy.

Well, supportive kami na kaibigan kahit pa biruan lang 'to.

"Galit pala sa panget ang mama mo? Mabuti at hindi ka niya pinalaglag?" sabat naman ni Yuwi at ang mga kaibigan niya naman ang nagsabi ng sabay-sabay ng;

"BURNED!"

"Wow naman. O sya sige, tama na ang tahol! Ganda yata ng lahi mo eh kaso yung ugali mo pang aso."

Okay mga kaigan, nagliliyab na nga po sa galit ang kaibigan namin. Beware of fire, hindi imposibleng magliyab bigla itong cafeteria.

"Palibhasa kapit sa plastic surgery para gumwapo eh. Ayan ha, sabihin mo, SALAMAT PLASTIC SURGERY!" dagdag pa ni Julia.

PFFFFT!

Dala siguro ng inis niya kay Yuwi kaya naubos niya agad yung pagkain niya habang kaming lima naman ay tamang nood lang sa pagsasagutan nung dalawa.

Kita ko namang natawa ng bahagya si Yuwi.

"Buti nga ako gumwapo sa plastic surgery eh, ikaw? Kahit yata plastic surgery susuko sa mukha mo eh. Kahit magpaplastic surgery ka, wala namang magbabago. Pangit ka talaga."

Mukhang mas nakakalamang itong Yuwi na 'to ah? Mukhang kailangan na namin siyang itumba mamaya!

"Alam mo bang ang sarap mong paputukan ng baril sa ulo?" kalmadong sabi ni Julia pero ramdam ko talaga na nagpipigil lang siya.

"Mas mukha kang terorista sa akin kaya ikaw dapat ang barilin sa ulo."

Hindi na namin naiwasan ni Delancy na maki BURNED kina Alec.

Sorry nalang, Julia. Wala yatang tatalo dito kay Yuwi sa pakikipagtrashtalk-an.

"Hoy kayong dalawa, bakit kayo nakiki BURNED dyan? Ano? Pati kayo tinatalikuran na ako ngayon ha?"

"Huh? Kaibigan ka pala namin?" pang-aasar ko sa kaniya. "Biro lang, saludo lang talaga kami kay Yuwi. Ang lupet eh!"

"Nakakawalang gana naman palang kausap 'yang kaibigan niyo, sandali lang eh pikon agad."

"At sinong nagsabi--"

"Tama na guys, mukhang nagkakapersonalan na." awat sa kanila ni Alec.

"Change topic nalang tayo." sabi naman ni Warren na hanggang ngayon ay hindi pa din tapos sa pagkain niya.

Aysus, nagpapahintay lang siya eh palibhasa siya nalang ang hindi pa tapos kumain.

SHIT.

Speaking of Warren! Kaya pala ang tahimik ni Delancy kanina pa kasi kaharap niya ngayon ang crush niya.

Jusko, mukhang naka move on na nga ang isang 'to kay Dylan.

"Dito kina Magi. Sa love triangle nila." dagdag niya habang tinataas-baba niya pa ang kilay niya. "Para sa amin ni Harris ha? Team Dylan kami. Hindi naman namin sinasabi na hindi bagay sayo si Eli, but what we're trying to say is, mas nakikita kong boyfriend material si Dylan kaysa kay Eli."

"Oo nga, agree ako sayo brother. " pagsang-ayon ni Harris kay Warren. "Si Dylan kasi yung tipo ng tao na maloko, corny siyang tao pero at the same time, willing gawin ang lahat para lang mapasaya ka. Pitong taon na kaming magkakakilala kaya kilalang-kilala na namin ang bawat isa.

Iisang beses lang yan nagseryoso sa babae at yun yung time na niloko siya ng babae, pagkatapos nun naging maloko siya ulit pero believe me Magi, nung makilala ka niya eh bigla siyang nagbago. Nakikita kong handa siyang magbago para sayo.

Nakikita mo pa ba siyang may kasamang kung sino-sinong babae? Hindi ba wala na?"

"Saka hindi na siya sumasama sa amin ni Israel sa bar. Nakakatampo nga yun eh, hindi ko tuloy maiwasang pagselosan ka kasi dahil sayo, hindi na sumasama sa amin si Dylan." natatawang sabi naman ni Warren.

Walangya, nasisi pa ako.

"Walang mali sa sinabi nila kasi lahat yun eh tugma talaga. Kaya nga Magi, kung dumating na yung oras na kailangan mo ng mamili sa kanilang dalawa, si Dylan ang piliin mo. Sa tamang tao ka pumunta!" sabi naman ni Julia.

Bakit parang sinasabi niya na kapag pinili ko si Eli eh ibig sabihin maling tao ang pinili ko?

"Team Eli naman kami ni Yuwi." paninimula ni Alec. "Para sa akin ha? Kahit sino namang piliin mo sa dalawa eh sure akong magiging masaya ka pero ano nga ba ang mapapala mo kung si Eli ang pipiliin mo?" luh? Ano ba 'to? Nangangampanya ba siya?

"Una, si Eli yung tipo ng tao na kahit sinagot mo na siya ay ipaparamdam niyang araw-araw kang mahalaga sa kaniya at araw-araw ka din niyang liligawan. Napaka sweet na tao ni Eli, hindi lang halata sa itsura." sabi naman ni Yuwi.

Okay?

Mukha nga silang nangangampanya.

"Pangalawa, kung siya ang pipiliin mo, hindi ka lang araw-araw na masaya kundi aaraw-arawin ka din niyang pakikiligin. Nasample-an ka naman na siguro ng mga banat niyang nakakakilig diba? Well, kami nagturo ni Yuwi sa kaniya nun at alam kong wala kang masasabi dun. Kahit hindi mo sabihin eh alam naming kinikilig ka dun."

Tama naman si Alec, kinilig nga ako kasi naman galing pala ang mga banat na yun kay Yuwi at sa ex crush ko kaya paanong hindi ako kikiligin dun diba?

"At pangatlo, kung kayang baguhin ni Dylan ang sarili niya syempre hindi naman yata papahuli si Eli. Alam mo Magi, fan na fan ako ng DWEIYAH kaya kahit hindi ko sila close dati eh kilalang kilala ko ang bawat myembro nila. At itong si Eli, gaya ng nasabi ko sayo nung nakaraan, napakasuplado niya. Hindi niya ugaling makipag-usap sa iba, tahimik lang din siya na parang si Yuwi.

At higit sa lahat, hindi siya nakikipag-usap sa babae pero ngayon nagagawa na niya, at dahil yun sayo, Magi. Binago mo ang dating Eli na kilala ng lahat.

From being suplado to being romantiko."

Agree naman ako sa sinabi ni Delancy dahil napansin ko nga yung pagbabagong yun kay Eli.

Actually, hindi ko nga naranasan na sungitan niya ako kasi unang pag-uusap pa lang namin eh naging mabait na siya sa akin. I mean, parang comfortable na siyang kausap ako, ganun.

"Kung ako sayo, Magi.. Si Dylan pipiliin ko. Kasi una sa lahat, isipin niyo ha?" sabi ni Harris. "Kapag pinagsama ang pangalan nina Magi at Eli, ang kakalabasan ay MaLi. Ibig sabihin, pati ang tambalan ng pangalan nilang dalawa ay kontra kung magiging sila naman! Ibig sabihin, MALI NA MAGING KAYO NI ELI!"

"Putangina ka, Harris. Ang taba talaga ng utak mo at naisip mo pa yun? Totoo ngang nananalaytay sa ugat mo ang dugo ng mga matatalino nating angkan!" sabi naman ni Warren.

PFFFT

Nagbolahan pa ang dalawa.

Anyway, alam nina Julia at Delancy na magkapatid sa ina sina Harris at Warren. Sadyang ako lang talaga ang walang kaalam-alam.

"Magkapatid nga kayo, pareho kayong may sayad." sabi naman ni Yuwi sa kanila.

"Para naman sa amin ni Yuwi, dapat si Eli ang piliin mo at wag si Dylan. Bakit nga ba wag si Dylan?" aniya saka huminto saglit. So ano? Ngayon naman ay ilalatag niya na ang plataporma nila? "Wag si Dylan ang piliin mo dahil.. Dahil nga ano ulit yun, Yuwi?"

"Wag si Dylan dahil DYLAN ikaw ang babae nun! Maniwala ka samin, sa una lang yan magaling. Hindi ka pa nasanay sa kapatid niyang hindi din mapakali sa lalaki, pwes, ganun din si Dylan."

"Inggit lang yan, Yuwi. Wag mong hayaang kainin ka ng inggit na yan. PAG INGGIT, PIKIT!" inis naman na sabi ni Julia.

Paborito kasi talaga nitong si Yuwi na inisin siya eh.

"Gisingin niyo nga 'yang kaibigan niyo, mukhang nananaginip nang gising." sagot pa ni Yuwi.

Sasagot pa sana si Julia nang hatakin na namin siya patayo ni Delancy.

Ang hilig naman kasi nito sa away, hindi marunong mapagod, hays!

Pagkabalik namin ng room ay naabutan namin itong sarado at nang silipin namin sa bintana ay nagulat kami nang may mga tao dun..

"Uwian na pala." sabi ni Delancy saka ipinakita sa akin ang chat ni Mariz sa gc namin. "At qualified ka daw, Magi. Goodluck bukas."

Shit.

Nabasa ko nga sa chat na qualified ako!

Bigla tuloy akong kinabahan.

"Umuwi na tayo, at ikaw Magi, inom ka luya." sabi sa akin ni Julia. "Ay mali, lunukin mo nalang. Mas effective yun."

Sinamaan ko nga ng tingin, napakamaldita eh!

-

This is really it!

Ito na yung araw na pinakahihintay ko and at the same time, pinakanakakatakot na araw na sana hindi nalang sumikat.

Pero nandito na rin lang ako, itodo ko na!

Hindi na ako nag-abala pang sabihan si mommy na magpunta kasi hanggang ngayon eh hindi pa din niya ako kinakausap dahil sa nangyari.

At isa pa, ayoko ng paasahin ang sarili ko na pag-aaksayahan niya ako ng oras na panoorin kasi eka nga niya, sayang lang ang oras niya na panoorin akong matalo.

Hays, gaano ba kahirap sa kaniya na maging proud man lang sa akin?

"Kaya mo 'yan, Magi." pagmomotivate ko sa sarili dahil kasalukuyan akong nandito sa backstage at hinihintay ang pangalan ko na matawag.

"Next in line, Margaret Serrano of Educ-Math!"

At ayun na nga ang signal para lumabas ako at magpakita sa mga estudyante at mga magulang na nanonood.

Kita ko pa ang mga kaklase ko sa bandang likod na todo kung  magwala dun habang iwinawagayway nila yung banner na talagang ginawa pala talaga nila. Akala ko kasi joke lang yun na may pabanner sila sa akin eh.

HAYYYYYY!

Hingang malalim bago umawit!

[Verse 1]

Nandito ako dahil sayo

Di ko alam kung kakayanin

Kung hindi kita kasama

Sa aking paglipad

Ikaw ang hanging nagdala sa akin

Sa mga bituin

[Chorus]

Pangarap ko ay ang pangarap mo

Iaalay sa 'yong s'yang unang nagbigay

Ng tiwala't pagmamahal na walang kapalit

Nang dahil sa'yo'y mabubuo

Ang pangarap kong pangarap mo

[Verse 2]

Nagtiwala kang kakayanin kong lahat

Nabura ang pag-aalinlangan ko dahil sa'yo

Pinakita mo sa akin mga kaya kong gawin

At wag matakot abutin at liparin itong

[Chorus]

Pangarap ko ay ang pangarap mo

Iaalay sa 'yong s'yang unang nagbigay

Ng tiwala't pagmamahal na walang kapalit

Nang dahil sa'yo'y mabubuo

Ang pangarap kong pangarap mo

[Bridge]

Ang lahat ng ito'y ginawa mo para sa akin

Saan man makarating ay dadalhin

Magtiwalang mapapasaakin

[Chorus]

Pangarap ko ay ang pangarap mo

Iaalay sa 'yong s'yang unang nagbigay

Ng tiwala't pagmamahal na walang kapalit

Nang dahil sa'yo'y mabubuo

Dahil sayo'y maaabot

Ngayo'y matutupad na ang lahat ng pangarap ko

Ang pangarap kong pangarap mo

'Hinga, Magi.'

Hindi ko maipaliwanag kung bakit nagpapalakpakan ang mga taong nanonood sa akin basta alam ko sa sarili ko na masaya ko dahil mukhang nagandahan sila sa performance ko.

Pagkatapos magperform ay bumalik na din akong backstage at naabutan kong walang tao dito maliban kay Lerisse.

'Anong ginagawa ng babaeng 'to dito?'

Nagslow clap siya papalapit sa akin.

"Ang galing mo naman, Magi. Magaling ka na ngang lumandi, magaling ka ding kumanta. Pa autograph naman minsan."

Hindi ko nalang siya pinansin pa at hindi na nag-abalang pumatol sa kaniya.

"Sa sobrang galing mo nga, kulang pa ang CLAP para saluduhan ka. Mas deserve mo ang SLAP!" aniya at akmang sasampalin ako nang biglang..

Biglang may pumigil sa braso niya.

"Hindi ko nga kinukurot si Magi kaya anong karapatan mong sampalin siya?" sabi ni Dylan saka tinulak palayo sa akin si Lerisse. "Subukan mo pang saktan siya, ako mismo babali sa buto mo."