Chereads / A Love To Last (DWEIYAH series #1) / Chapter 17 - CHAPTER 16

Chapter 17 - CHAPTER 16

Ano daw?

Hindi niya ako hahayaang masaktan? Ano bang sinasabi niya?

At..

Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit parang nararamdaman ko na naman yung feeling na kinuryente ako ng ilang boltahe?

Shit!

"Masakit ba?" hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun basta nakita ko nalang ang sarili ko na kinukuha ang braso niya at chinecheck kung nagkapasa ba 'to o ano..

Well, mabuti nalang at namula lang ang braso niya at hindi nagtamo ng sugat o kahit pasa.

"Bakit ka kasi sasali-sali sa volleyball kung tutulalaan mo lang 'yung bola? Hinahampas yun, Magi.. Hindi tinitignan lang." aniya at halata ko sa boses niya na nainis siya sa nangyari. "Ayan tuloy, sumakit tuloy yung braso ko para lang hindi ka matamaan!"

Literal na napanganga ako sa sinabi niya.

Teka nga! Sinisisi ba niya ako na nasaktan siya nang dahil sa akin? Bakit parang ang labas eh kinokonsensya pa niya ako sa nangyari???!

"Bakit? Sinabi ko bang humarang ka sa harap ko ha? Sinabi ko bang saluhin mo yung bola??!" hindi ko na naiwasan pa ang sarili ko at pinagtaasan ko na din siya ng boses.

Nakakainis naman kasi!

Napakakapal lang talaga ng mukha niya sa part na parang kasalanan ko pa na nasaktan siya!

"Hindi mo naman kailangang utusan pa ko sa ano at dapat kong gawin. Basta nakikita kong nasa panganib ka, hinding-hindi ako magdadalawang-isip na iligtas ka. Kahit ako pa yung masaktan."

Tignan mo 'tong tarantado na 'to! Daig pa niya ang babaeng may regla kasi ba naman, paiba-iba ang mood niya!

"Hindi ka naman moody noh?" asar kong sagot sa kaniya.

Ewan ko ha? Pero kapag kay Eli, literal na kinikilig ako sa banat niya pero dito naman kay Dylan, hay nako! Feeling ko mamamatay ako sa inis sa bwiset na 'to!

"Alam mo ikaw, imbes na tumanaw ka sa akin ng utang na loob eh sinusungitan mo pa ko! Bakit ka ganyan, Magi? Napakapanget ng ugali mo!" aniya saka umakbay sa akin. "Hindi ko maigalaw ng maayos ang kamay ko kaya kailangan mo ulit akong alagaan. Tutal, ikaw din naman may kasalanan kung bakit ako nasaktan eh." dagdag pa niya.

GRRRRR...

Parang gusto ko nalang bigla maging bomba tapos sasabog ako dito sa tabi ni Dylan para naman mamaya abo na siya pag-uwi.

Nakakainis!

"Ang haharot niyo namang dalawa! Tumabi nga kayo dyan! Istorbo kayo, kitang naglalaro kami!" sita sa amin ni Warren.

Ay shit, yung laro namin.

Akmang lalayo na sana ako sa tabi ni Dylan para sana bumalik sa paglalaro nang pigilan niya ako ng kamay niyang nakaakbay sa akin.

"Wag ka ng sumali sa kanila, hindi mo na ako magagamit bilang human shield mo dahil napuruhan na ko.."

"At sino namang nagsabing kailangan—" napahinto ako sa sasabihin ko ng iharang niya ang hintuturo niya sa labi ko.

"Pwede bang manahimik ka nalang at manatili ka dito sa tabi ko kahit ngayon lang?" seryoso niyang sabi.

'Bakit ka ba ganyan makatitig, Dylan?'

Yung titig niya kasi, parang isang minuto na lang ay matutunaw na akong parang ice cream dito.

Aysh!

Ano ba 'tong naiisip ko?!

Inalalayan ko siyang makaupo sa bench sa may gilid at matapos siyang maiupo dun ay nagpaalam na ako.

"Sina Warren at Harris na ang bahala sayo mag-uwi, mauuna na ako. Mag gagabi na din kasi." sabi ko at patalikod na sana ako nang bigla siyang magsalita.

"Mag-ingat ka, gusto pa kitang makita bukas at sa mga susunod pang bukas." makahulugan niyang sabi.

Hindi ko nalang yun pinansin pa at naglakad na palabas ng gate at nang makalabas ako ng gate ay agad akong sumakay sa kotse ko.

Ewan ko ba pero mula sa pagdadrive pauwi hanggang sa makarating ako sa bahay ay yun pa din ang nasa isip ko..

I mean, yun ang paulit-ulit na nagpeplay sa isip ko.

Mag-ingat ka, gusto pa kitang makita bukas at sa mga susunod pang bukas.

Mag-ingat ka, gusto pa kitang makita bukas at sa mga susunod pang bukas.

Mag-ingat ka, gusto pa kitang makita bukas at sa mga susunod pang bukas.

Ano ba yan? Pati utak ko ay boomerang na din!

Hays!

Ayoko na ngang isipin, baka mas lalo akong mabaliw!

Nang maiparada ang kotse ay agad akong pumasok ng bahay at nadatnan ko naman si mommy na nasa sala at may kung anong ginagawa sa IPad niya.

Lumapit ako sa kaniya at nagmano at akmang papanhik na sa aking kwarto nang magsalita siya.

"Umamin ka nga, Magi." panimula niya.

Nagtataka ko naman siyang hinarap.

"Po?"

Ibinaba niya ang hawak niyang IPad at hinarap ako.

"Ikaw ba ang nag withdraw ng P50,000 sa bank account ko?" aniya sa may mahinahong tono.

Anong sinasabi niya?

"H-hindi p-po." sagot ko at hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako nauutal sa pagsagot.

Malamang sa nakakatakot na mukha ni mommy.

"Uulitin ko.. IKAW BA ANG NAG WITHDRAW NG P50,000 SA BANK ACCOUNT KO???!" and this time, ramdam na ramdam ko na talaga yung galit niya.

Shit.

"H-hindi p-po a-ko, m-mommy. W-Wala po a-akong a-alam sa sina-sabi n-niyo."

"Kayo lang dalawa ni Macy ang may access sa bank account ko na 'yun! Alam kong hindi si Macy ang kukuha nun dahil wala naman siyang dahilan na kuhanan ako ng pera! Kaya kung hindi si Macy, malamang ikaw yun!

Jusko naman, Magi! Hindi pa ba sapat yung P20,000 na allowance mo buwan-buwan at kailangan mo pa kong kuhanan ng pera sa bank account ko huh?!

Malaki na nga yung P20,000 monthly allowance mo kaya bakit kailangan mong kumupit sa akin ng singkwenta mil??! Ha?! Ano? May sinusustentuhan ka bang lalaki??! May binibilhan ka ba ng motor?! O baka naman ngayon eh marunong ka ng magsugal??! Ano?!

Hindi na ako magtatataka kung pati ngayon eh sugalera ka na palibhasa 'yang mga kaibigan mo eh mga basagulera! 'Yang kaibigan mong si Julia, nabalitaan ko na laman ng casino 'yan at itong tatay naman ni Delancy eh lasinggero daw! Kaya hindi na ko magugulat kung pati ikaw naiimpluwensyahan ng mga kaibigan mo at ng mga pamilya nila!

Yun ba ang dahilan kung bakit ka nagnakaw sa bank account ko ng P50,000 huh?! Lintek naman, Magi! Pinag-aral kita sa mamahaling eskwelahan para matuto ka at hindi para maging bobo lalo!

Eto ha, paulit-ulit ko ng sinasabi sayo na tigilan mo na ang pakikipagkaibigan dyan sa Julia at Delancy na yan! Pero ano? Nakinig ka ba???!

PALIBHASA HINDI KA NA MARUNONG MAKINIG! SARILI MO NALANG ANG SINUSUNOD MO! KAYA MAGI, WAG KANG LALAPIT-LAPIT SA AMIN NG DADDY MO KAPAG IKAW NAPARIWARA ANG BUHAY MO NANG DAHIL DYAN SA MASAMANG IMPLUWENSYA SAYO NG MGA KAIBIGAN MO HA!?? AYAN NGA AT NAGSISIMULA NA, NATUTUTO KA NA MAGNAKAW! BAKA ISANG ARAW, MALASON NILA ISIP MO AT PATAYIN KAMI, LINTEK LANG! KAHIT ANAK KITA, HINDI AKO MAAAWA SAYO NA IPAKULONG KA! TANDAAN MO YAN!"

Pagkatapos niyang sabihin yun ay nilayasan niya ako dito sa sala.

Hindi niya man lang ako pinagpaliwanag. Hindi niya man lang ginusto na marinig yung side ko.

Kung kanina ay kinikilig ako sa nangyari sa gym, ngayon naman ay hindi ko maiwasang mapaiyak.

Bakit ganun? Buong akala ko ay ayos na kami ni mommy. Buong akala ko ay tanggap na niya ako bilang anak niya.. Buong akala ko ay kaya niya na akong mahalin kagaya ng pagmamahal niya kay Macy..

Kaya lang bakit ganun? Bakit biglang nawala yung pag-asa ko na magiging maayos ulit kami ni mommy? Bigla nalang naglaho na parang bula yung pag-asa kong mamahalin ako ni mommy.

Nakakainis naman kasi!

Hindi naman kasi talaga ako ang nag withdraw ng pera sa bank account niya. Hindi ko magagawang pagnakawan si mommy kasi parang sinira ko lang din yung tiwala niya sa akin na magkaroon ako ng access sa bank account niya.

Hindi naman kasi talaga ako yun kaya nga nagtataka ako na ako ang pinagbintangan niya.

Ang gara kasi eh, hindi niya kayang pagsuspetsyahan si Macy palibhasa paboritong anak. Kaya kahit hindi ako yung may kasalanan eh ako yung nasisisi.

Ewan ko ba pero mukhang bumabalik na naman yung pagtrato sa akin ni mommy dati na para bang hindi niya ako anak..

Bumalik na naman dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa!

Pati sina Julia at Delancy ay dinamay niya samantalang sa kanila ko lang naramdaman yung totoong pagmamahal na matagal ko ng hinahanap sa mga magulang ko.

Gustong-gusto kong magsalita kanina para ipagtanggol yung masasamang sinasabi ni mommy sa mga kaibigan ko pero para bang nanigas ang bibig ko at hindi ko ito magawang buksan.

Para bang sa pagkakataon na yun eh tila nawalan ako ng dila para makapagsalita.

Nakakainis lang na hindi ko naipagtanggol yung mga kaibigan ko kay mommy. Sobrang disappointed ako sa sarili ko!

At ang nakakainis pa, ang lakas ng loob ni mommy na sabihan ako na layuan sina Julia at Delancy kasi masamang impluwensya daw sila sa akin eh samantalang silang dalawa lang yung nagtanggol sa akin sa mga nambubully sa akin noong elem ako.

Silang dalawa ang naging dahilan para layuan ako ng mga nambubully sa akin kaya hinding hindi ko kayang layuan sila gaya ng gusto ni mommy samantalang noong time na binubully ako eh wala man lang silang ginawa! Pinabayaan lang nila na bully-hin ako! Gawain ba yun ng matinong magulang?!

Ang sarap lang sabihin lahat yan kay mommy kanina kaya lang dahil mahina ako, nanatiling tikom ang bibig ko.

Wala pa din akong pinagkaiba..

Ako pa din yung Magi na takot magsalita.. Takot lumaban.. Takot ipagtanggol ang sarili sa ibang tao.

At yun sana ang gusto kong malabanan ko..

Yung takot na kumakain sa buong pagkatao ko..

Kasi kung hindi ko matatalo yung takot na yun, ako ang kawawa. Ako ang tatalunin. Ako lang din ang masasaktan sa huli.

-

Pumasok ako at pilit isiniksik sa isipan ko na normal day lang 'to. Kailangan walang makahalata na galing ako sa matinding pag-iyak kagabi.

Hayyy..

Kaya mo 'to, Magi.

"Eto, tissue." sabi ni Israel saka inabot ang tissue sa akin.

Shit.

Nakakagulat naman 'to. Bigla-bigla siyang lumalabas sa kung anong sulok.

Mukhang galing siyang AVR kaya nung paakyat na ako sa hagdan patungong classroom ay bigla ko siyang nakasalubong.

"Halatang-halata na umiyak ka kagabi. Namumugto kasi mata mo." dagdag pa niya.

Kakasabi ko lang eh na sana walang makapansin kaya lang napansin pa ni Israel.. Nakakainis naman.

Naghilamos pa ako niyan ng maigi kanina ha tsaka naglagay pa ako ng concealer para lang itago kaya lang ang hirap palang itago yung kagaya nito kung ayaw naman nitong magpatago..

"Napansin mo pala." nahihiya kong sabi.

Nagulat pa nga ako kasi nang makaakyat na sa second floor ay sa veranda siya nagtungo imbis na sa room kaya naman sinundan ko siya dun.

Sa totoo lang, tinatamad pa din akong pumasok. Masyado pa kasing maaga kaya dito muna ako sa veranda para naman makalanghap ako ng sariwang hangin..

"Hindi kita pipiliting magkwento sa akin kasi halata sa mukha mo na hindi ka pa komportable na kausap ako..

Saka hindi naman kasi lahat ng problema ay dapat alam ng isang matalik na kaibigan. Minsan kasi, yung mga seryosong problema, mas mabuting tayo nalang ang nakakaalam niyan kaysa ikwento mo pa sa iba, hindi ba?" aniya saka tumingin sa direksyon ko.

Ewan ko kung sasang-ayon ako sa sinasabi niya pero nakita ko nalang ang sarili ko na tumatango sa kaniya na akala mo isa akong aso.

"Kung ano man 'yang problema mo, naniniwala ako na malalagpasan mo din yan. Gaya nga ng sinabi ni Lerisse kahapon sa debate niya, Walang ibibigay sa atin na problema ang Diyos na walang solusyon.

Isipin mo nalang, ang complicated math problem nga eh may solution, 'yan pa kayang problema mo? Basta maging matatag ka lang, wag mo basta-basta sinusukuan ang problema. Hintayin mong yung problema ang sumuko sayo.

Lahat naman tayo ay may problemang hinaharap sa buhay natin. Kumbaga binibigay sa atin 'yang mga problemang 'yan hindi para paiyakin tayo, kundi para gawin tayong mas matatag na tao. Kaya kung ako sayo, wag mong tignan ang problema bilang isang problema kundi tignan mo ito bilang motivation mo para patuloy na lumaban sa buhay."

Nakakagulat lang ang mga sinasabi ni Israel, para kasing ibang Israel na ang kausap ko ngayon.

Dahil sa sinasabi niya, para tuloy ang hirap maniwala na chick boy siya at maloko.

"Ang hirap maging matatag kung mahina kang tao. I mean, ang hirap hindi masaktan kung marupok ka. Ang hirap maging matapang kung ikaw yung tipo ng tao na duwag at takot magsalita o lumaban."

Ang hirap maging ako..

"Lahat naman tayo ay may kinatatakutan. Kaya lang minsan, walang naidudulot na maganda kung palagi mong paiiralin yung takot mo.

Mahirap talagang labanan ang takot, pero isipin mo, kung hindi mo lalabanan 'yang takot na nararamdaman mo, ano kayang mangyayari sa buhay mo? Saan ka kaya pupulutin?

Kaya kung ako sayo, Magi.. Kahit isang beses lang sa buhay ko eh mas pipiliin kong maging matapang. Isipin mo ha? Si Rizal, Bonifacio, Aguinaldo, lahat ng mga bayaning kilala natin at nababasa sa libro.. Sa tingin mo, bakit sila iko-consider na bayani kung mayaman lang sila?

Ang corny naman yata non. Ang ibig ko lang sabihin, kinilala silang bayani kasi matapang sila, kasi buong puso nilang ipinaglaban ang bansa natin sa mga mananakop. Matapang nilang hinarap ang kamatayan para lang ipaglaban ang ating bansa..

Kaya ikaw, be brave. Wag mong hayaang kainin ka habang buhay ng takot mo.. Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon ay may taong nasa tabi mo at handa kang ipagtanggol sa kahit kanino. Time will come na ikaw nalang mag-isa ang haharap sa isang pagsubok kaya kailangan maging matapang ka.

Sayang naman yung pagbuwis ng buhay ng mga bayani natin kung magiging duwag ka lang diba? Kung magiging bahag ang buntot mo at mananatili lang tikom ang bibig mo.."

Napangiti ako at tumango sa kaniya..

"Salamat, Israel. Salamat sa binigay mong oras para sabihin lahat ng yan." sinsero kong pasasalamat sa kaniya.

"Anong salamat? May kapalit 'yan!" aniya saka natatawa.

"Okay, kahit ano pa 'yan, ibibigay ko."

"Kahit house and lot sa Camella with brand new car?"

Sinimangutan ko naman siya sa sinabi niya.

Hays.

Matapos din ng pagkukwentuhan namin ay pumasok na din kami sa room ng sabay.

"Bakit kayo sabay ha?!" salubong sa akin ni Julia nang makitang sabay kaming pumasok ni Israel.

Aysus.

Nagseselos ba siya?

"Kapag walang label, don't selos." pang-aasar ni Delancy sa kay Julia.

"Kapag hindi kausap, wag sumabat!" sagot naman sa kaniya ni Julia.

At heto, nagsisimula na naman silang dalawa.

"Hala si Julia, nagseselos kay Magi kasi sabay sila ni Israel pumasok!" sabi pa ni Delancy at halatang pinaparinig kay Israel yung sinabi niya.

Pero itong si Israel naman ay naka earphone pala.

"Ang bobo mo sa part na ipinagsigawan mo 'yan samantalang naka earphone naman siya. Ano ka ngayon—"

"Naka earphone ako pero hindi nakasaksak." sabat ni Israel saka ipinakita yung earphone niya na hindi nga nakasaksak sa cellphone.

Burned!

Tinawanan namin si Julia ni Delancy kasi naman, 'yung mukha ni Julia eh akala mo kamatis sa sobrang pula!

"Thank you, men!" pasigaw na sabi ni Delancy kay Israel at sinaluduhan pa ito.

Luh?

Kailan pa sila naging close?

"Alam niyo, wala talaga kayong pagbait na dalawa noh? Kung nagkataong nasa akin ang brilyante ni Pirena, matagal na kayong tostadong dalawa!" nanggigigil niyang sabi sa amin.

PFFT!

Hindi ko talaga mapigilang matawa sa kaniya. Nakakatawa kasi siyang mainis eh, sorry na!

"Wow, Magi.. Tawang-tawa ha? Hinay-hinay lang sa pagtawa, baka mautot ka n'yan."

"Okay lang, wala namang amoy ang utot ko!" sabi ko pa.

"Ay weh? Ishare mo naman sa amin 'yang sikreto mo kung paano umutot ng walang amoy! Baka naman." inirapan ko lang si Julia.

Hay, bahala nga siya dyan!

"Tignan mo 'to si Magi! Nagtatanong lang ng tips kung paano umutot ng walang amoy eh! Ganda ka girl?! Irap irap ka pang nalalaman dyan! May muta ka pa nga sa mata!"

Agad ko namang kinuha ang cellphone ko para tignan kung may muta pa nga ba ako—

"Isang uto-uto spotted." dagdag niya at saka ako tinawanan.

Gaga talaga sa lahat ng gaga 'to.

"Ang ingay niyong dalawa, hindi tuloy ako makapagconcentrate sa pagdodrawing ko!" reklamo ni Delancy saka ipinakita sa amin ang hindi pantay na mukha ng idinodrawing niya.

PFFT!

"Ahh talaga ba, mam? So kami po ba ang mag a-adjust? Baka sinasampal kita dyan ha?! Dun ka sa table ng teacher magdrawing kung naiingayan ka!" sagot naman ni Julia kay Delancy.

"Hayyy! Alam mo hindi ko maiwasang mapaisip." sabi naman ni Delancy saka hinihimas-himas ang baba niya.

"Wow? Paano mo nagagawang mag-isip eh wala ka namang isip?" pag-epal naman nitong si Julia.

Hayy nako! Mga hindi marunong mapagod mag-away 'tong dalawang 'to!

"Wag kang epal! Basta, hindi ko talaga maiwasang mapaisip kung ilang guardian angel na ba ang ipinadala sayo para gabayan ka patungo sa kabutihan?"

PFFT!

"Burned!" sabat ko.

HAHAHAHAHAHA bwiset na Delancy 'to! Akala ko kung anong importante ang sasabihin!

"Hindi ko din alam eh.. Gusto mo paslangin na kita ngayon din para maitanong mo kay Lord kung ilang guardian angel na ipinadala niya sa akin?" sarkastikong sabi ni Julia saka inirapan itong si Delancy.

"Stop na nga, Delancy. Wag mo na patulan pa 'tong si Julia. Kitang broken hearted pa 'to sa hinarot niya sa bumble eh."

Kita ko namang nanlaki ang mata ni Delancy nang madinig yun.

Hindi niya yun alam kasi that time hindi pa kami magkakabati kaya hindi na ako nagulat.

"Naging sila ba?"

"Fuck you, Delancy." inis na sabi sa kaniya ni Julia. "Hindi na ako magtataka kung bakit hindi niya ako sinipot. Bukod sa pinigilan siya ng girlfriend niya eh malamang ang isang dahilan nun ay na pressured siya."

"Na pressured na?" sabay na tanong namin ni Delancy.

"Na pressured sa ganda ko kaya ayun, mas pinili niya 'yung panget niyang jowa."

-_-

Ganyan ang mukha namin ni Delancy sa sinabi niya.

Hays.

Magkasing hangin talaga sila ni Dylan.

"Alam niyo, hindi ko maiwasang mapatanong sa sarili ko na..

Ilang tito pa kaya ang makikilala ko para mapunta sa tamang tao?"

"Wag kang assuming, Julia. Hindi nilelegal kapag M.U. lang!" pang-aasar ni Delancy.

May punto naman siya, HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.

"Bwiset ka talaga kahit kailan, Delancy! Lagi ka nalang nagtatagumpay na sirain ang araw ko!"

"Syempre, ako pa."

Napailing-iling nalang ako sa dalawa at piniling manahimik nalang dito kasi pumasok na din naman ang class adviser namin.

"We have an urgent meeting last time and napag-usapan sa meeting na this coming friday, September 16, MUSIKAtan will be held.

For further information about the said event, kindly visit our campus' official page on facebook.

So now, what's this MUSIKAtan all about?

It is a new established annual event of our campus to give tribute to OPM or Original Pilipino Music.

Obviously, OPM ang kakantahin ng mga kasali dito kasi nga itong event na 'to ay isinagawa bilang pagkilala sa mga kanta ng mga idolo nating pilipino.

So now, may elimination round na magaganap kung saan pitong masuswerteng kalahok lang ang papalaring makaabante sa susunod na round na gaganapin nga this coming friday.

Sino ngayon ang pambato natin? Each courses and sections kasi ay required na may pambato."

Yeah, as what she said, ang courses kasi dito sa university namin ay Accountancy, HRM, Entrep, Computer Engineering, Educ major in Math and English, and IT.

Dalawa ang section sa Accountancy sa first year, at isang section sa second year. Wala pa kasing third and fourth year ng BSA students since ang first batch ng BSA sa Winston ay mga second year na ngayon.

Dalawa din ang section sa first year ng HRM, dalawa din sa second year at isang section sa third year.

Apat naman ang section sa Entrep sa first year, dalawang section sa second year, dalawa sa third year at dalawa din sa fourth year.

Ang Computer Engineering naman ay may isang section sa first year at dalawang section sa second year.

Ang Educ major in Math ay may dalawang section sa first year at dalawang section sa second year.

Dalawa din ang section ng Educ major in English sa first year, dalawa din sa second year at isang section sa third year.

Habang ang IT naman ay isang section sa first year, isang section sa second year at dalawang section sa third year.

Ang dami diba? HAHAHAHAHAHA. Pero hindi kasali dyan ang Entrep, HRM, at IT dyan sa sinabi ni mam na contest.

Iba kasi sila ng org na kinabibilangan eh yung event na sinasabi ni mam ay mula sa aming org kaya yung kasali sa org na yun lang ang kasali which is Educ major in Math and English, BSA, at Computer Engineering lang.

Pero kahit na!

15 contestants tapos pito lang ang papalarin? Goodluck nalang sa pambato namin.

"That's all for today, good bye." nagising ako sa ulirat nang magpaalam na ang adviser namin.

Ha?

Bakit?

Hindi pa nga nakakapagdecide ang klase kung sino ang ipanlalaban namin sa—

"Goodluck, Magi! Kaya mo 'yan!"

"Magi for the win!"

"Kami na bahala sa banner! Basta galingan mo ha?"

"Go, Magi!"

Nagtaka naman ako sa biglang sinasabi ng mga kaklase ko.

Bakit sila nag gugoodluck sa akin?

"Anong meron?" nag-aalangan kong tanong.

"Ikaw beh ang pambato natin sa MUSIKAtan! Galingan mo huh?" sabi sa akin ni Mariz.

Ahh—

Ano?!

Ako ang pambato? Hala! Bakit hindi ko alam??!

"Paano nangyari yun?" bulong ko kina Julia at Delancy.

"Tinuro ka namin." sabi ni Delancy at lintek, proud na proud pa siya!

Hayop!

"Hindi ka naman kasi umalma kaya kinonsider na ni mam Torres na pumayag ka!" sabi naman ni Julia.

Oh shit.

"Lutang kasi ako! May iniisip ako!" paliwanag ko pa.

Minsan talaga mahirap na dinadaldal ko kayo eh!

"Hindi na namin kasalanan 'yan. Kung ako sayo, hindi na ako aalma pa kay mam Torres. Alam mo naman ang ugali ng adviser natin na 'yun, kapag sinumpong 'yun ng toyo niya eh baka paluhudin ka nun sa munggo ng di oras sige ka." pananakot pa sa akin ni Julia.

Siguro feeling niya eh pupunta ako sa faculty para magback-out.

Kasi yun naman talaga ang plano ko eh!

"Saka isa pa, suportado ka ng mga kaklase natin. Nakakakonsensya naman kung bigla kang magbaback-out." dagdag ni Delancy.

Ayyyyy nako!

Lintek 'tong dalawang 'to! Literal na naging konsensya ko sila ngayon!

"Galingan mo sa friday, Magi. Alam kong kaya mo 'yan! Basta—"

Hindi na natapos sa sasabihin si Eli nang bigla siyang hatakin patalikod ni Dylan at siya naman ngayon ang humarap sa akin.

"Goodluck sa friday, Magi. Basta wag kang kakabahan huh? Isipin mo lang na tayong dalawa lang ang nasa gym at kinakantahan mo ak—"

Gaya ng ginawa ni Dylan kay Eli ay yun ang ginawa ni Eli. Ginantihan ba naman?

"Basta nandito lang ako, suportado kita. Manalo o matalo, sayo pa din ang puso k—"

"Mas suportado kita, Magi! Hindi mo kailangang manalo dahil sa puso ikaw ang kampeon at—"

"Ma—"

"Hep!" pagpigil ko sa kanilang dalawa.

Hay nako!

Kanina pa sila diyan tulak ng tulak sa isa't isa at wala na akong maintindihan sa mga sinasabi nila.

"Salamat sa inyong dalawa." sabi ko saka sila nginitian at lumabas na ng classroom.

Nadaanan ko naman sa harap si Lerisse na masama na namang nakatingin sa akin.

Tsk.

'Hanggang sa tingin mo nalang ba ko matatakot, Lerisse?'

Hindi ko na naman kasabay umuwi sina Julia at Delancy kasi si Julia ay pinatawag sa registrar habang si Delancy naman ay nasa computer lab at tatapusin niya daw 'yung reaction paper naming tatlo.

Oo, mga sis. Si Delancy ang taga gawa namin ng printed works ni Julia. Basta yung kailangang itype sa word, siya ang bahala.

Si Julia naman ang supplier namin ng papel at syempre ng sagot tuwing exam.

At ako?

Ako lang naman ang pinagpalang bobo na nakikinabang sa kasipagan nila.

HHAHAHAHAHAHA joke.

Syempre ako naman ang naka in charge sa mga notes namin. Ako ang gumagawa ng notes nilang dalawa kasi minsan ay pinaparequirements ng prof ang mga notes namin eh.

Kasi aminado ako, wala akong talinong maiaambag, tiyaga lang ang kaya ko.

Ganyan kaming magkakaibigan, kahit kami ay tataranta-tarantado eh tulungan kami pagdating sa mga ganyan.

Hindi pwedeng may maiiwan sa amin sa baba, kailangan sama-sama kaming umakyat pataas dahil magkakasama kaming nagsimula sa baba kaya dapat magkakasama din kaming umangat.

Teka nga, ang haba na naman ng monologue ko.. Hindi ko namalayang nakarating na ako sa labas ng campus.

Saktong papunta na ako sa nakaparada kong kotse nang tawagin ako nina Yuwi at Alec.

Hala!

Hindi ko sinasadyang makalikha muli ng pinagsamang pangalan nilang dalawa!

Yuwi + Alec = YULEC

Oo na! Corny na kung corny!

"Uyy." bati ko sa kanilang dalawa nang makalapit sila sa akin.

"Tara, kain." yaya ni Alec sa akin saka ako hinatak sa isang bilihan ng mga kwek-kwek at mga fishball.

Actually, sari-sari ang tinda na nakikita ko..

May kwek-kwek, corn dog, isaw, fishball, kikiam, pritong hotdog, turon, fried siomai at banana cue.

Bumili ako ng sampong pisong kikiam at fishball kasi yun lang ang kinakain ko sa mga tinda ni manong.

"Kumakain pala ng street foods 'tong si Yuwi." mangha kong sabi saka pinagmasdan si Yuwi kung paano niya kainin yung isaw na binili niya.

"Pogi ako pero hindi ako maarte." aniya habang ngumunguya.

Pansin ko lang ha? Hobby ba ng DWEIYAH na magsalita habang may nginunguya?

"Mahangin ka pa din." natatawang sabi ko saka inabot ang bayad ko sa binili ko at kinuha ang binili ko.

Hindi ko na nilagyan ng sawsawan kasi hindi ako sanay na sinasawsaw sa kung ano yung fishball at kikiam.

Ewan ko pero dun ako nasanay eh.

"Hindi niyo yata kasama sina Warren at Harris? Diba magkakaklase kayo?" hindi ko napigilan ang sarili ko at naitanong yun.

Sana hindi nila ako pag-isipan na napaka chismosa ko eka.

"Kasama namin sila kanina dito kaya lang nauna na 'yung dalawang umuwi kasi sinumpong ng sakit ng tiyan si Harris.

Nakatira lang kasi sila sa isang bahay. I mean, magkapatid sila sa labas."

.O.

Basta napa woah ako sa sinabi ni Alec. Grabe? Nakakagulat naman yun?

"Magkapatid sila sa ina pero obviously, dahil magkaiba sila ng apelyido, magkaiba ang tatay nila." sagot naman ni Yuwi.

"Sorry, hindi ko maiwasang magulat sa nalaman ko." nahihiya kong sabi.

At dahil busy ako magulat sa nalaman ko eh hindi ko namalayang nandito na pala kami sa gilid ng kalsada at naglalakad.

"Goodluck nga pala, nalaman naming ikaw daw pambato ng section niyo." sabi sa akin ni Alec.

Paano niya nalaman?

"Malamang, ibinida sa amin nung dalawang patay na patay sayo." sabi naman ni Yuwi.

Aysh!

"Hindi ko talaga alam kung anong nagustuhan nila sayo, eh hindi ka naman maganda. Hindi ka din mabait at mas lalong hindi ka mahinhin. Siguro ginayuma mo sila?" sabi ni Yuwi na halatang nang-aasar.

Apakan ko kaya sapatos nito? Puti pa naman, ang sarap dumihan.

"Pagpasensyahan mo na 'tong si Yuwi, minsan lang 'yan magsalita pero harsh." natatawang sabi naman ni Alec.

Ayan na naman, nakikita ko na naman 'yung dimple niya.

Pero kung dati, kilig na kilig ako sa dimple niya eh ibahin niyo ngayon! Siguro kasi dahil natanggap ko na ang lahat kaya maski yung physical attraction ko sa kaniya noon eh wala ng epekto sa akin.

"Oo nga eh, pinaglihi ba 'yan sa sama ng loob?"

"Hindi pa ako nakakakita ng buntis na nanganganak nang galit. Meron bang ganun? Pakilala mo naman ako oh?

Tsk tsk! Alam mo, Magi.. Lahat tayo ay may katangahan sa buhay, pero ikaw mukhang nasobrahan. Bigyan mo naman ako nang maranasan kong maging tanga."

Nakakainis talaga!

Napipikon na ko sa kaniya ha!

"Pakilayo nga sa akin 'yan bago pa ako makagawa ng kasalanan." inis kong bulong kay Alec.

"Lalayo na talaga kami kasi may pupuntahan pa kami! Enjoy!" aniya saka nagmamadali silang umalis ni Yuwi.

At dun ko lang namalayan na nasa tapat na pala ako ng simbahan malapit sa university namin.

Akalain niyo, nakarating akong simbahan sa sobrang kadaldalan ko?

"Hi, Magi." napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Eli.

Ha?

Bakit siya nandito?

"Hindi ka ba papasok sa loob? Baka magtampo sayo si Lord, kasi dinaanan mo lang siya at hindi mo hinarap." aniya at nauna ng pumasok sa simbahan.

Sumunod din naman ako sa kaniya na pumasok sa loob.

Walang misa ngayon dahil myerkules.

Ang alam ko eh tuwing byernes, sabado at linggo lang ang misa dito eh.

Pumwesto kami sa medyo likod na upuan.

Kita ko namang lumuhod si Eli sa luhuran. Pati ang mga taong nandito ngayon ay nakaluhod kaya nakigaya nalang din ako.

Lumuhod ako at yumuko upang humingi ng tawad sa Diyos sa lahat ng kasalanang nagawa ko sa araw-araw at sa mga kasalanang magagawa ko pa lang.

Ilang minuto lang din ay bumalik na ako sa pagkakaupo at nagulat ako nang nakaupo na pala si Eli.

Inaya niya akong lumabas at dinala niya ako sa isang balon ba 'to?

"Wishing well ang tawag dito. Sabi nila kapag daw naghulog ka diyan ng piso, yung winish mo daw ay matutupad." aniya saka ako binigyan ng piso at sinenyasan na humiling bago ihulog ang piso.

Sana dumating yung araw na mahalin na ako ni mommy bilang anak niya. Sana mahalin niya ako kagaya ng pagmamahal niya kay Macy.

Pagkatapos nun ay hinulog ko na ang piso.

"Anong hiniling mo?" tanong niya sa akin.

Hindi naman sinabing bawal ishare ang wish kaya sinabi ko nalang din sa kaniya.

"Sana mahalin na ako ng nanay ko." sabi ko saka tumawa ng bahagya. "Sana itong wishing well ang tumupad nun."

"Matutupad yun, Magi. Magtiwala ka lang."

Tinanguan ko nalang siya.

"Your turn." sabi ko.

Agad naman siyang pumikit at mayamaya lang din ay hinulog niya na ang piso.

Bilang pinanganak akong chismosa eh chinika ko na din siya.

"Anong winish mo?" tanong ko.

"Hulaan mo."

Ay, kainis 'to ah?

"Hmm?" sabi ko at sandaling napaisip. "Sana ikaw ang sagutin ko?" nahihiya kong sabi.

Natawa naman siya dahil dun sa hindi ko malamang dahilan.

"Assuming ka pala, Magi." sabi niya habang natatawa kaya naman sinimangutan ko siya.

Pahiya ako dun ah?

"Ang hiniling ko eh sana maging masaya ka sa buhay mo. Sana maging masaya ka sa desisyon na gagawin mo sa buhay at sana maging masaya ka sa taong pipiliin mong makasama.

Bonus nalang kung ako 'yun."