"Huh?" nagtatakang tanong ko sa kaniya kasi ba naman..
Bakit bigla-bigla siyang nagsasabi ng I love you? Parang ewan.
Siguro dahil sa sinabi ko ay bigla siyang nabalik sa realidad at biglang inalis ang pagkakatitig niya sa akin.
"S-sabi k-ko ano, I-I love the view kako!" paglilinaw niya sa sinabi niya.
Ah? So ako pa pala ngayon ang may problema sa pandinig, ganun?
Hindi ko nalang pinansin pa yun. Mayamaya lang din ay nagpaalam na siyang uuwi na. Balak pa kasi talaga niya akong samahan na maghintay kay Julia kaya lang hindi ako pumayag kaya no choice din siya kung hindi ang umuwi nalang.
Saka isa pa, ayoko din siyang kasama. Hindi ako komportable, ewan ko ba.
Ilang minuto matapos makaalis ni Dylan ay dumating naman na agad si Julia habang nakabusangot ang mukha.
"Anong nangyari?" salubong na tanong ko sa kaniya.
Nanlalata naman siyang umupo sa tabi ko.
"Thirty minutes ako sa 7/11 tapos hindi niya lang ako sisiputin? Sinong hindi maiinis dun diba? Walanghiya talaga yun! Ang kapal ng mukha niyang paghintayin ako sa wala! Tanggalan ko siya ng bayag eh!"
"Malay mo pagkaalis mo dun eh bigla siyang dumating? Malay mo natraffic lang?"
"Hindi!" galit niyang sabi na para bang ako yung nang ghost sa kaniya. "Chinat ako ng girlfriend niya gamit yung bumble account niya, ang sabi ba naman sa akin, ang landi-landi ko daw. Ang lakas daw ng loob ko na landiin boyfriend niya eh mukha naman daw akong suso!
Alam mo, tanggap ko na sinabihan niya akong malandi eh kasi totoo naman, aminado akong malandi ako pero ang hindi ko matanggap ay yung kinumpara niya ako sa suso! Ang kapal ng mukha niya! Hindi naman siya kagandahan at mukha namang itlog ng pugo yung jowa niya! Hays! Magsama silang dalawa!"
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagtawanan siya, kasi sino ba namang hindi? Nakakatawa kaya mainis si Julia lagi..
Sorry na, ang demonyo ko talagang kaibigan.
"Wag kang tatawa-tawa dyan, Magi. Baka kabagin ka bukas sige ka." aniya at tumayo na sa inuupuan niya. "Tara na sa kaibigan nating pabebe!"
Natawa naman ako sa sinabi niya; HAHAHAHAHA oo na ako na ang masiyahin sa kabila ng marami kong problema! Ganun talaga eh, kailangan tawanan ang problema at hindi iniiyakan! Yan yung motto ko diba? Wag kakalimutang i-note!
At ayun nga, pumunta na kami sa bahay nina Delancy at kasalukuyan kaming nandito ngayon sa labas ng bahay nila at doorbell ng doorbell si Julia.
Paano ba naman kasi, ang tagal nila kaming pagbuksan!
Pero mayamaya lang din ay nakita kong palabas na si Delancy at palapit na sa gate kaya lang nang matanaw niya kami ay bigla siyang huminto sa paglalakad.
"BUKSAN. MO. NA." sabi ni Julia at may diin talaga ang pagkakasabi niya dito.
Wala namang nagawa si Delancy kung hindi ang buksan ang gate ng bahay nila; hindi upang papasukin kami kundi para makalabas siya.
"Hindi na ba kami welcome sa bahay niyo?" sarkastikong sabi ni Julia.
"Ano bang kailangan niyo?" walang emosyong sabi naman ni Delancy at hindi na nag-abalang sagutin ang tanong ni Julia.
"Actually nandito talaga kami para kunin yung hiniram niyong batya kahapon." sabi ni Julia kaya naman hindi ko na napigilang sikuhin siya sa tagiliran. "Hindi pa ba obvious? Tanga ka na ba ngayon, Delancy? Malamang, nandito kami para makipag-ayos sayo!"
"Wala ka namang atraso sa akin Jul--"
"At si Magi meron?" pagputol ni Julia sa sasabihin ni Delancy. "Actually wala namang may kasalanan sa nangyari kaya nga nagtataka ko kasi bigla mo kaming iniiwasan." dagdag niya saka humarap sa akin. "Ikaw nga magsalita, para naman kasing lawyer mo ko dito."
Kung sabagay, may point siya. Itong isyung 'to kasi ay sa pagitan namin ni Delancy at labas si Julia dito.
"Hindi ko alam kung paano 'to sisimulan, basta ang gusto ko lang sabihin sayo ay patawad, patawarin mo sana ako. Hindi ko naman kasi talaga ginusto na umabot ang lahat sa gan'to eh. Maniwala ka man o hindi, ni minsan hindi ko inisip na saktan ka. Binabalewala ko na nga lang si Dylan kasi takot ako na masaktan kita.
Kaya lang, Delancy.. Hindi natin mababago yung katotohanan, hindi natin makokontrol yung feelings ng isang tao. Ang mas makakabuti para sayo eh tanggapin mo na lang na hindi talaga kayo ni Dylan para sa isa't isa kasi--"
"Gusto mo na ba siya, Magi? Nadadala ka na ba sa mga moves niya sayo?"
Kitang-kita ko sa mga mata niya yung parehong sakit nung una kong makausap siya pagkatapos ng ginawang confession sa akin ni Dylan nung araw na yun..
"Eh ano naman sayo kung nagugustuhan na siya ni Magi o hindi? Wala ka ng karapatang magselos dahil hindi mo naman pag-aari ang kapatid ko. Hi--"
"Julia, tama na." pagpigil ko sa kaniya. Medyo nagkakasakitan na kami ng mga salita dito eh.
"Hindi, Magi! Kung ang pagsampal sa katotohanan ang makapagpapagising dyan sa natutulog na diwa ni Delancy eh gagawin ko." aniya saka hinarap muli si Delancy. "Hindi ka na bata, Delancy! Kaya utang na loob, tigilan mo na ang pagiging immature!
Ano bang mahirap intindihin sa salitang TANGGAPIN at hindi mo mauna-unawaan?! Alam kong mahirap yun gawin pero yun ang kailangan! Tignan mo si Magi, diba crush niya si Alec? Tapos nung nalaman niyang may girlfriend si Alec, nagmukmok ba siya na gaya ng ginagawa mo? Hindi diba? Kasi instead na isipin niya yun palagi eh tinanggap niya nalang na hanggang friends na lang sila kasi yun ang tama.
Kaya pwede tigilan mo na ang pagiging bobo? Hindi ka namin kinaibigan para maging bobo lang okay?! Alam mong mahal na mahal kita kaya sinasabi ko 'to sayo, wag mo sanang damdamin yung paulit-ulit kong pagtawag sayo ng bobo kasi masisisi mo ba ko? Eh yun ang pinapakita mo?
Saka isipin mo nalang, mas magiging masaya ka kung pakakawalan mo 'yang bigat na dinadala mo sa puso mo. Once na mawala yan, makakahinga ka na ng maluwag. Saka hindi mo namamalayang paggising mo sa umaga eh tanggap mo na ang lahat kasi pinili mo yung alam mong dapat mong gawin."
Hindi na naiwasang mapaiyak ni Delancy, kasi ba naman, ang haba ng Homilya nitong si Julia. HAHAHHAHAHA joke
Agad naman namin siyang nilapitan ni Julia at niyakap.
"Sana naman this time, worth it na ang napakahaba kong sinabi. Partida sayang yung laway ko kung hindi ka pa din matatauhan! Aba baka hindi ako magdalawang isip na iuntog ka nalang kay Magi.. Ay este sa pader."
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Ang kapal kasi ng mukha, kung makapader sa akin eh kala mo kasing laki ng kay Mia Khalifa yung boobs niya!
"Hi-hindi ako makahinga." sabi ni Delancy kaya naman agad agad kaming humiwalay sa kaniya sa pagkakayakap. "Matagal ko na talaga kayong gustong kausapin kaya lang nahihiya akong lapitan kayo."
"May hiya ka?" biro sa kaniya ni Julia. "Hindi mo naman kailangang mahiya sa amin, sa tagal ng pinagsamahan nating tatlo, ngayon ka pa ba mahihiya?"
Natatawa naman akong sumang-ayon sa sinabi ni Julia.
"Yeah, basta sana wala ng mangyaring gan'tong away sa ating tatlo ha? Namiss kasi kita, Delancy saka mas lalong namiss ka naman nitong si Julia na kaaway." natatawa kong sabi.
"True! Hindi na kasi pumapalag 'tong si Magi eh." aniya.
Aysus, nakakapagod kasing kaaway 'tong si Julia pero kapag ako talaga eh tinopak, ako mismo magsisimula ng away.
Pero sa ngayon na maayos na ulit kami, wala muna syempreng away. Pahinga naman minsan, ganun. Nakakapagod din na puro away nalang, hays.
Pagkatapos din ng pag-uusap namin na yun ay nagpaalam na kami kay Delancy na mauuna na kami ni Julia kasi gabi na din, mahirap na at baka masermunan pag uwi.
-
"Malamang short pa din ang tawag dun. I mean, considered pa ding short yun kasi malay mo konti lang naman ang hinaba!"
"Hindi na short ang tawag dun, pajama na!"
Umagang-umaga ay naabutan ko ang dalawa kong kaibigan na nagbababag dun sa upuan namin at may pinagtatalunang kung ano.
"Anong pinag-aawayan niyo?" kuryoso kong tanong sa kanila matapos makaupo sa upuan ko.
"Ikaw, Magi.. Sa palagay mo lang ha? Kapag ba ang short ay mahaba, short pa din ba ang tawag dun?" ilang segundo yata akong nagloading sa tanong ni Julia.
Hindi ko kasi nagets masyado.
"Huh?" naguguluhan kong tanong. "Baka nakadepende sa haba ng short yung itatawag? Kasi pag hanggang tuhod, baka tokong? Tas pag sagad hanggang paa, pajama?"
"Mali! Kapag naging mahaba na yung short, hindi na nga short ang tawag dun! May mahaba bang short? Isipin niyo nga!" sabi ni Julia.
"Kahit maging mahaba 'yang short, short pa din ang tawag dyan kasi wala namang salitang long short tayong naririnig diba?"
Ewan ko ba, mas lalo kong hindi naintindihan ang mga sinasabi nila. Jusmiyo, mas mahirap pa sila sa Calculus intindihin eh!
Hindi ko nalang sila pinansin pa kasi baka lalong magdugo ang utak ko kung makikinig ako sa nakakabobo nilang pinagtatalunan.
Jusko naman kasi, ano ba naman kasing klaseng tanong yun? Baka pati ang pinakamatalinong taong nabuhay sa mundong 'to eh hindi yun masagot!
Jusko. Nagkaayos lang kaming tatlo tapos bigla namang nag-iba mga trip nila sa buhay!
Hay, sana ayos pa silang dalawa.
Mayamaya lang din ay pumasok na ang prof namin kaya naman natigil na sa pagdedebate 'tong dalawa sa tabi ko.
As usual naman, discussion lang kaunti and for sure, may activity na naman kaming gagawin mayamaya lang.
"A debate is a structured argument. Two sides speak alternately for and against a particular contention usually based on a topical issue. Unlike the arguments you might have with your family or friends however, each person is allocated a time they are allowed to speak for and any interjections are carefully controlled.
There are what you called The Basic Debating Skills which are:
STYLE; it is the manner in which you communicate your arguments.
SPEED; it is vital to talk at a pace which is fast enough to sound intelligent and allow you time to say what you want , but slow enough to be easily understood.
TONE; varying tone is what makes you sound interesting.
VOLUME; speaking quite loudly is sometimes a necessity, but it is by no means necessary to shout through every debate regardless of context. There is absolutely no need speak any more loudly than the volume at which everyone in the room can comfortably hear you.
CLARITY; the abilty to concisely and clearly express complex issues is what debating is all about. The main reason people begin to sound unclear is usually because they lose the stream of thought which is keeping them going.
USE OF NOTES AND EYE CONTACT; notes are essential, but they must be brief and well-organized to be effective. There is absolutely no point in trying to speak without notes. However, eye contact with the audience is very important, but keep shifting your gaze. No one likes to be stared at.
CONTENT; it is what you actually say in the debate. The arguments used to develop your own side's case and rebut the opposite side's.
This are the basic debating skills that you all should mastered because time will come, being good in debating will benefit you, for example, when you and your husband has something to argued. Using this basics of debating makes you more intelligent than your husband and make him surrender to stop the argument, right?"
Nagtawanan naman ang mga kaklase ko sa sinabi ni mam Dianne kaya naman nakitawa nalang din ako kahit wala akong naintindihan.
"So now, to further understand how to debate properly, let us do it as an exercise. I'm going to pick two random students and they have to defend what side of a certain topic will be given to them." dagdag niya at kinuha ang class attendance namin para pumili ng pag-aawayin niya.
"Here it is, miss Serrano against miss Rodriguez." gulat akong napatingin kay mam nang banggitin niya ang pangalan ko.
Ano ba yan, ang malas ko naman talaga!
"Don't worry, this is not recorded." nakoooo! Kahit naman hindi recorded eh tiyak na seseryosohin 'to ni Lerisse.
Hays.
Wala na din akong nagawa kundi tumayo sa upuan ko at pumwesto sa harap.
"This is the question na pagdedebatihan.. Sinong pipiliin mo? MAHAL MO o MAHAL KA?" ayy tae, kanta ata yan mam! "MAHAL MO for Lerisse, MAHAL KA for Margaret. At mauuna si Margaret."
Ayy weh? Una ako?
"Dun ako sa taong MAHAL AKO. Kasi para sa akin, hindi naman lahat ng minamahal natin ay mamahalin din tayo pabalik, kaya kung ayaw mong masaktan, mag play safe ka, dun ka na sa taong sigurado ka na mahal ka talaga."
"Ako naman, pipiliin ko yung MAHAL KO. Kasi kung dun ka sa taong alam mong mahal ka nga, pero tanungin mo nga sa sarili mo kung mahal mo ba yung taong yun? Hindi naman kayang turuan ang puso kung sino ang mamahalin nito kasi may sariling isip yan eh!
Kaya kung papipiliin ko, pipiliin ko yung lalaking mahal ko kasi mas worth it ipaglaban yung lalaking mahal mo kaysa dun sa lalaking mahal ka nga pero hindi mo naman mahal! At saka bakit ka matatakot masaktan? Eh parte na ng pagmamahal ang masaktan! Hindi ka matututo sa pagkakamali at pagkukulang mo kung hindi ka masasaktan! Kasi minsan, ang tao kailangan niyang masaktan para matuto!"
WAWERS naman, ang haba ng sagot ni Lerisse! Nahiya yung napakatipid kong paliwanag.
"May point ka naman, pero hindi naman lahat ng taong nabubuhay ay handang masaktan. Hindi lahat ay kayang sumugal para sa pag-ibig na yan. Mayroon pa ding mga tao na mas pinipiling maging praktikal kaysa magpakatotoo sila sa sarili nila. Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon ay dapat puso ang pinapatakbo. Dadating yung time na mas kailangan mong sundin ang isip mo kasi hindi lahat ng dinidikta ng puso ay tama at dapat gawin.
Oo nga, hindi natuturuang magmahal ang puso, hindi yan nadidiktahan kung sino ang gusto nitong mahalin. Kaya lang sa reyalidad tayo tumingin, kung saan ang mga tao ay mas pinipiling makatuluyan yung mga taong hindi naman talaga nila gusto. Bakit kamo? Kasi may mga bagay na kahit sa korte mo ipaglaban ay hinding-hindi kayang mabigyan ng hustisya.
Hindi lahat ng bagay ay kailangang ipaglaban dahil kung patuloy mo yung gagawin, para ka lang naglalakad sa malagkit na putik at hindi na magawang makaahon pa. Minsan kailangan nating tignan ang tunay na nangyayari at huwag nating ikulong ang mga sarili natin sa isang imahinasyon at piksyon na malabo namang mangyari."
"KUNG PIPILIIN MO DIN LANG YUNG LALAKING HINDI MO NAMAN MAHAL, PARA MO LANG PINAGKAITAN ANG SARILI MO NA HINDI SUMAYA HINDI BA? GANUN BA ANG SINASABI MO? PWES SA AKIN HINDI.
GUSTO KONG SUMAYA ANG BUHAY KO KAYA KAHIT HINDI MAN AKO MAHAL NG LALAKING MAHAL KO EH GAGAWIN KO SYEMPRE ANG LAHAT PARA MAHALIN NIYA AKO SA HULI. DAHIL WALA NAMANG GINAWANG PROBLEMA ANG DIYOS NA WALANG SOLUSYON. KUNG GUSTO MO TALAGA YUNG TAO NA YUN, MARAMI NAMANG PARAAN NA NAKAKAKALAT SA HARAPAN MO AT PUPULUTIN MO NALANG KASO TAMAD KANG YUMUKO! SABI NGA NILA DIBA, KUNG GUSTO MAY PARAAN, KUNG AYAW MARAMING DAHILAN!"
Sasagot na sana ako nang biglang pumagitna sa amin si mam Dianne.
"Malaman ang bawat argument niyo kaya pwede na kayong maupo." sabi ni mam Dianne kaya naupo na din ako sa upuan ko. "Palakpakan naman natin sila because they gave us an intense battle today! Good job!"
"Three clap for master Magi." salubong sa akin ni Julia at nag slow clap pa talaga yung dalawa. Parang mga baliw eh.
Hindi ko nalang sila pinansin pa at nagkunwaring nakikinig sa klase kaya lang hindi ko maiwasang mapatingin sa gilid ko.
Muntik na kong malaglag sa inuupuan ko nang mahuling nakatingin sa akin sina Dylan at Eli habang mga nakabungisngis.
Tangina? Gara ng ngitian nila ah, parang mga manghihiram ng ballpen.
Aysh!
Hindi ko nalang sila pinansin pa, baka saniban ako mamaya ni Yuwi at bigla kong mabato ng notebook 'yang mga pang-asar nilang mukha.
GRRRRRRR.
Mayamaya lang din, after ng short discussion ni mam Dianne ay dinismiss niya na din kami.
Hayyyy. Mabuti nalang talaga kasi bigla akong ginutom at inuhaw ng letcheng debate na 'yan.
Sakto nga pagkalabas ni mam Dianne ay nahuli ko si Lerisse na masama na naman kung makatingin sa akin. Malamang inis pa din 'to sa debate namin kanina, palibhasa pinanganak siyang pikunin.
"Hi, Magi ng buhay ko. Eto nga pala, MAGIc Flakes, para sayo. Siguradong apat yan para naman maibsan ang gutom mo. Napakahirap kasi sa aking tignan ka na nagugutom at tila binibiyak ang aking dibdib sa tuwing nakikita kitang gutom." napangiwi nalang ako sa sinabi ni Dylan.
Gusto ko sanang ma-offend eh kasi feeling ko parang sinasabi niya na ang sama ng itsura ko kapag nagugutom kaya lang wag na, nakakatamad magsalita.
"Ang corny mo, Dylan. Pero dahil kapatid kita, susuportahan ko 'yang kakornihan mo." sabi naman ni Julia na talagang pinalalaki pa ang ulo ng kapatid niya.
"Hey, Magi. Ito nga pala, Caramel MAGIato (Macchiato).. Para ibsan ang nauuhaw mong lalamunan. Binili ko pa 'to sa Starbucks.. Mahal man ang halaga nito pero mas mahal naman kita. At saka alam mo bang ikaw ang STAR sa buhay ko? Tila ika'y isang tala sa kalangitan na napakagandang pagmasdan lalo na sa malapitan." sabi naman ni Eli.
Jusko, hindi naman nila ko sinabihan na balak pala nila kong banatan ng mga ganyang linyahan, edi sana pala nakapaghanda man lang ako.
"Halaaaa shit, nakakakilig bumanat 'tong si Eli ha? Impernes sa kaniya, napakasuplado niyan pero sayo lang lumambot! Hindi talaga ako mahihiyang pambato 'to si Eli.. Kumpara naman dyan kay Dylan na ang corny corny naman!
Aysh! Bigla tuloy ako nagduda kung naging crush ko ba talaga 'yan!" bulong naman ni Delancy.
At opo, tama kayo ng nababasa. Mukhang may mga sariling manok na 'tong dalawa kong kaibigan. Jusmeyo!
Para tapos na ang usapan ay binigay ko kay Julia yung magic flakes na bigay sa akin ni Dylan habang yung Caramel Macchiato naman na galing kay Eli ay ibinigay ko kay Delancy.
"Pwede na kayong umalis sa harap ko." nakangiting sabi ko sa dalawa na halatang ngiting plastik naman.
Hay nako.
"Kung ako sayo, Magi.. Si Dylan ang piliin mo kasi corny man siya pero aminin mo, kahit corny siyang tao eh kinikilig ka pa din sa kaniya!" sabi ni Julia sa akin habang nginangata yung tinapay.
Dugyot.
"Mas bet ko kay Magi si Eli. Alam niyo kasi, basta suplado, romantiko yan! Kaya go for Elias ako! Sa banatan pa lang, taob na 'yang kapatid mo noh!"
"Ang kapal naman ng mukha mong lait-laitin si Dylan! Parang hindi mo naging crush ha? Nako, Delancy. Alam ko na 'yang technique mo! Luma na yan, hindi na uubra sa akin 'yang galawan mo. Diba ginising na kita kahapon, ano girl? Nakatulog ka ba ulit? Baka gusto mong alugin ko na talaga 'yang utak mo?!"
"For your information, nagising na ako! Oo, sabihin nating may pagkacrush pa din ako kay Dylan pero hindi siya ang dahilan kung bakit gusto ko si Eli para kay Magi noh! Napakaiba talaga ng takbo ng utak mo noh? Heto ha, tanga lang papatol sa kakornihan ni Dylan!"
"Ang kapal talaga ng mukha mo! Ano?! Sabunutan na lang? Ga--"
Hindi na natapos sa sasabihin si Julia nang bigla kong ipasok sa bibig niya yung huling piraso ng magic flakes na natira niya.
Ayaw kasi tumigil eh.
"Buti nga--" isa pa 'tong si Delancy kaya naman para mapatahimik siya eh isinubo ko sa bibig niya 'yung straw ng macchiato.
"Please lang, manahimik nga kayo! Ang sasakit niyo sa tenga, pati 'yung tutuli ko naririndi na sa ingay niyo!"
"Napakadugyot mo naman, Magi. Malaking kasalanan ba sayo ang maglinis ng tenga?" ani Julia na tapos ng nguyain sa bibig niya ang tinapay. "Pero sigurado akong matatanggap ka pa din naman ni Dylan--"
"Hep hep hep!" pagpigil ko dahil nagsisimula na naman siya.
"Hooray?" singit naman ni Delancy.
"Siya ang tunay na corny." natatawang sabi ni Julia kaya nakisabay nalang din kami sa kaniyang matawa.
Minsan kasi ang sarap lang gawing hobby ang pagtawa ng ganito kasama yung mga taong alam mong totoo ang pakikisama sayo.
-
Bandang alas singko na ng hapon ng pauwiin kami ng last subject teacher namin. Nauna na sa aking umuwi sina Julia at Delancy dahil dinaanan ko pa sa library 'yung library card ko.
Hindi ko kasi ugaling magpasama sa kanila sa mga gantong sitwasyon na may kukunin lang kung kaya ko namang mag-isa.
Actually, sinaglit ko lang talaga 'tong kunin at ngayon nga eh naglalakad na ko pauwi nang magdesisyon ang paa ko na sa gym ako dumaan patungong gate.
Sakto namang nakita ko sa gym sina Warren at Harris.
Napapansin ko na lagi silang magkasama, kambal tuko ba sila? Hindi kasi sila mapaghiwalay eh kaya eto tuloy ang utak ko, hindi napigilang pagsamahin ang pangalan nila..
WARREN + HARRIS = WARRIS
Sorry na agad ha?
"Uy, Magi." pagtawag sa akin ni Harris at sabay silang lumapit sa akin ni Warren. "Pauwi ka na ba?"
"Oo, sana."
"Wag ka munang umuwi, hindi gawain ng matinong babae ang umuwi ng maaga!" sabi naman ni Warren.
So, parang sinasabi niyang hindi ako matinong babae?
Aba, loko 'to ah?
Inaya nila akong maupo sa bench na nasa gilid kung saan tanaw yung mga estudyante ditong naglalaro ng badminton at volleyball.
"Long time no chika ah? Namiss ka namin, anong balita sayo?" pagsisimula ni Harris sa usapan.
Hinarang lang pala nila ako para makasagap sila ng chismis, ganun?
"Alam mo naman, may nakarating sa aming balita na pinopormahan ka daw nung dalawa naming ka myembro.. Totoo ba ang nasagap naming chismis?" pag-uusisa pa ni Warren.
Hay. Pinanganak ba 'tong dalawang 'to para makichismis lang??!
"Nakakatawa nga eh, hindi man sila formally nakapagpaalam sa akin manligaw eh ayun ginagawa na nila. Nagulat nga ko kinabukasan, kuma-kani-kaniya na silang damoves sa akin eh.
Pero wala naman akong sinasabi na nagrereklamo ko ah? Actually, ayos lang sa akin na hindi sila pormal na nagpaalam na manligaw sa akin, instead, they do it as an action. I mean, hindi naman natin maikakaila na yung iba, sasabihing manliligaw sayo pero hindi naman nila pinapakita na nanliligaw talaga sila. Atleast sina Dylan at Eli, kahit walang permiso ko eh naipapakita naman nilang seryoso sila sa panliligaw sa akin, which made me impressed to the both of them."
Napapatango-tango naman yung dalawa sa sinabi ko, kasi siguro tama naman ang sinabi ko?
"Alam mo kung bakit?" sabi ni Harris at tumingin siya sa gawi ni Warren.
"DAHIL ANG SALITA AY HINDI SINASABI KUNDI GINAGAWA. SA INGLES, WE'RE NOT SAYING WORDS, WE'RE DOING IT!"
Natawa naman ako kasi para silang nagrarally at may pinaglalaban na batas sa gobyerno kasi ba naman, sabay talaga nila itong sinabi. Kulang nalang karatula.
"Okay, okay." natatawa ko pa ding sabi.
"Tama na ang nakalap naming chika sayo, tara! Mag volleyball nalang tayo!" aya ni Warren.
"Walang pustahan ha?" nag-aalalang sabi ko.
Sorry na, takot lang akong maulit yung pagkatalo ko sa pustahan sa basketball sa arcade noon eh.
"Wala." sabi naman ni Harris. "Kampi tayo, Magi. Kakampi ni Warren si Luigi." dagdag niya at si Luigi namang sinasabi niya ay kaklase daw nila.
At ayun na nga, nagsimula na ang laro. Sa amin ang bola kaya ako na ang unang pinagserve ni Harris.
Mabuti nalang talaga at may alam ako kahit papaano sa volleyball kaya feeling ko naman hindi ako mapapahiya sa kanila maglaro.
Nang maiserve ko yung bola ay agad itong nasalo ni Luigi at hinampas pabalik sa amin ngunit nahampas naman ito pabalik ni Harris kaya lang napalakas ang hampas ni Harris kaya sa outside tumalbog ang bola, ibig sabihin, sa kalaban ang puntos.
Si Warren na ang magseserve.
Patalon niya itong sinerve at hindi ko maiwasang madistract nang masilip ko ang brief niya.
Jusko, sino ba namang hindi mawawala sa wisyo, yung brief kasi ni Warren ay spongebob pa ata ang nakaprint kaya naman busy akong natatawa sa isip ko.
Nang biglang marinig ko ang sigaw ni Harris..
"MAGI, PALUIN MO!" dahil don ay nabalik ako sa wisyo at pinagmasdan ang bola na papalapit na sa direksyon ko.
Dala ng sobrang takot ay tinakpan ko ang mukha ko para isangga ang braso ko sa paparating na bola kaya lang ilang segundo na ang nakakalipas ay napansin kong wala pa ding bola na tumatama sa akin.
At dun ko lang namalayan na nakatayo sa gilid ko si Dylan..
Isinangga niya ang braso niya para hindi ako matamaan ng paparating na bola.
"Hindi ko hahayaang masaktan ka."