Gusto niya ako? Tama ba 'to? May gusto sa akin si Dylan?
Pero hindi yun pwede mangyari kasi sigurado akong doble ang sakit nito kay Delancy.
Shit, si Delancy! Oo nga pala, nakikibasa siya sa mga letter na natanggap ko!
"D-delancy." sabi ko pagkatingin ko sa gawi niya at..
Tulala lang siya at sa tingin ko ay wala na siya sa wisyo niya; daig pa niya ang nakalaklak ng isang case ng red horse.
Shit.
"Patawa talaga 'tong kapatid mo noh, Julia? Bakit kamo hindi siya pumasok sa comedy bar? Tatanggapin siya dun agad, tignan mo." sabi ko kay Julia at tumawa ko na halatang pilit lang naman.
Bwiset naman kasi! Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon sa totoo lang! Litong-lito na din ang isip ko kasi naman hindi lang naman si Delancy ang nabigla sa confession ni Dylan, maski ako ay nagulat din at hindi ko din alam kung maniniwala ba ko o iisipin ko nalang na trip niya lang yun ulit?
"Malay natin kung nantitrip lang siya--" hindi na ako natapos sa sasabihin ko nang biglang walang paalam na lumabas si Delancy sa classroom.
Shit!
Agad ko naman siyang sinundan palabas at hindi na pinansin pa ang pagpigil sa akin ng prof namin na lumabas.
"Delancy, sandali naman!" pasigaw kong sabi sa kaniya pero hindi pa din siya tumitigil sa pagtakbo hanggang sa makarating kami doon sa mini hotel ng HRM students.
Wala ngayong tao dito dahil alam ko every friday lang 'to ginagamit ng mga HRM students eh.
"Bakit mo pa ba ako sinundan, Magi? Para ano? Para ipaalala sa akin ng paulit-ulit na hindi talaga ako kayang magustuhan ni Dylan? Na hindi kita kayang palitan sa puso niya?" aniya habang nakatalikod siya sa gawi ko at pilit niyang hindi ipinapakita sa akin na umiiyak siya.
Si Delancy kasi yung tipo ng babae na hindi niya pinapakita sa kahit kanino ang kahinaan niya. Takot siyang ipakita sa iba na nasasaktan na siya kasi ayaw niyang kinakaawaan siya.
"Delancy.." panimula ko saka ako lumapit sa kaniya at pilit siyang pinaharap sa akin. "Alam kong nasasaktan ka ngayon kasi nalaman mong hindi ka kayang gustuhin ng lalaking gusto mo pabalik--"
Naputol ako sa sasabihin ko nang bigla siyang magsalita.
"At dahil yun sayo, Magi! Malandi ka kase!
Lahat naman ng bagay natututunang gawin eh. May chance na sana akong magustuhan ni Dylan kaya lang ikaw yung problema! Dikit ka kase ng dikit sa amin! Pilit kang pumapapel sa aming dalawa! Kunyari ka pang hindi mo gusto si Dylan pero sa loob-loob mo, gusto mo na din siyang landiin diba?! Kaya lang hindi mo ginagawa kasi alam mong gusto ko siya diba?!
May patulong-tulong ka pa sa akin na nalalaman para eka magustuhan niya ako pero ang totoo naman, kaya mo ginagawa yun kasi ikaw din naman ang makikinabang sa dulo!
Naalala mo yung sa cupcake? Oo, big deal sa akin na kinain niya yung kinagatan mong cupcake kasi parang nagkiss na din kayo dahil dun diba?! Kunyari ka pang nagulat at nainis sa kanya sa ginawa niya pero ang totoo naman eh kilig na kilig ka!
Yung nagbike tayo, diba pagkatapos nun ay lumingkis siya sayo at ayaw niyang tulungan kitang buhatin siya? Kase ano? Kase ayaw niya sa akin! Kasi ikaw lang yung gusto niyang nakaalalay sa kaniya! Pinakita ko lang na kinilig ako pero selos na selos na ko non!
Habang dun sa wedding booth, ikaw yung lumabas na bride diba?! Kasi kahit hindi mo sa akin sabihin eh alam kong gusto mo din, kunyari ka pang aayaw-ayaw eh parehas lang naman kayo ni Julia na mga malalandi!"
Hindi ko maiwasang maiyak sa mga naririnig ko kay Delancy. Hindi ko maiwasang masaktan kasi all this time ganun pala ang iniisip niya tungkol sa akin. Hindi ko inaasahang sasabihin niya sa akin ang mga bagay na 'to.
Ito na nga ba ang ikinatatakot ko eh.
"Hindi ko inaasahang ganyang klase ng tao pala ang tingin mo sa akin. Hindi ko inaasahang minamasama mo pa pala yung ginawa kong pagtulong sayo. Pero ito ang sinasabi ko sayo, tinulungan kita na mapalapit kay Dylan kasi kaibigan kita eh. Gusto kitang suportahan at makita kang masaya. Ginawa ko yun hindi para sa sarili ko kundi para sayo.
Kaya lang sorry ah? Kung iba yung dating sayo nung pagtulong ko. Ang sakit lang marinig sa bibig mo mismo na ganyan ang mga iniisip mo sa akin samantalang ang hangad ko lang naman ay makatulong sayo at pasayahin ka. Pero kung yun ang iniisip mo, wala na kong magagawa pa dun."
Marahas niyang pinunasan ang mukha niya saka niya ako nilagpasan, tingin ko pabalik na siya ng room. Kaya lang naramdaman kong huminto siya saglit.
"Ayoko munang makausap ang kahit isa sa inyo. Hayaan niyo muna akong mag-isa." aniya saka nagpatuloy na sa paglalakad.
Hindi ko na napigilan pang maiyak dito tutal wala namang ibang tao na makakakita sa akin eh. Basta ang importante sa akin ngayon ay ang mailabas 'to lahat. Kasi feeling ko sasabog na ako sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.
Hindi ko maiwasang makonsensya matapos mapakinggan ko lahat ang mga sama ng loob sa akin ni Delancy. Nabigla ako sa mga sinabi niya kasi all this time, akala ko okay kami pero hindi ko naramdamang may pagseselos na pala siyang nararamdaman sa akin.
Napakamanhid ko.
Oo na, ako na ang manhid. Hindi naman kasi natin maiiwasan minsan na maging manhid lalo na kung sanay na yung sarili mo na palagi nalang nasasaktan.
Hindi ko naman masisisi si Delancy kung ganon siya mag-isip sa akin eh, hindi ko siya sisisihin kung nagseselos man siya sa akin, kung malandi ang tingin niya sa akin o kahit ano pa, dahil hindi ko naman makokontrol ang isipan niya na maging maganda ang tingin niya sa akin eh. Kaya lang syempre, hindi ko mapigilang masaktan sa mga sinabi niya. Kasi kaibigan ko yun si Delancy kaya ang sakit sa akin na sa kaniya ko yun marinig.
Hayy nako.
I hate this day. Masyadong maraming hindi maganda na nangyari. Sana lang talaga eh maayos na din 'to lahat. Hindi ko yata kakayaning mawalan ng isang tunay na kaibigan. Matagal na ang pagkakaibigan naming tatlo kaya sana hindi yun basta-basta mawala nalang ng ganun.
"Uyy." sabi ni Julia na ngayon ay bitbit ang bag ko at inilapag yun sa sahig. Hindi na ako magtataka na nasundan niya ako dahil mas malakas pa yata sa aso ang pang-amoy ng isang 'to eh. "Hindi na nakakagulat yung biglang pag-iwas sa akin ni Delancy kanina nung nakasalubong ko siya. Hayy. Hayaan muna natin siya, Magi. Kailangan niya ng oras para makapag isip-isip."
Tinanguan ko siya bilang pagsang-ayon. Yun naman kasi talaga ang kailangan niya ngayon. Kailangan ma refresh ang utak niya at pag-aralan niyang tanggapin na hindi lahat ng gusto niya ay magagawan ng paraan para makuha.
"Wag ka na umiyak dyan, maaayos din ang lahat." sita niya sa akin kasi eto na naman ako at hindi ko na naman mapigilan ang sarili na maiyak.
Fragile kasi akong tao, konting kibot ay maiiyak na.
"Bakit kasi ang ganda ko teh?" sabi ko kay Julia at ang bwiset naman ay binatukan ako pero yung mahinang batok lang.
Aysus, totoo naman! Maganda naman kasi talaga ako, sadyang kontrabida lang siya! Hmp!
"Magtigil ka d'yan, ako lang ang maganda sa ating tatlo kaya manahimik ka o baka gusto mong isang taon kitang paiyakin?"
Tinawanan ko nalang siya at hindi nalang pinansin pa ang sinabi niya. Hayy akalain mo nga naman, pagkatapos ng nangyaring 'to eh nagawa ko pang tumawa.
May motto kasi ako na Hindi dapat iniiyakan ang problema, tinatawanan yan!
Oh ayan! May pa MOTTO ang boss Magi niyo! I-note niyo yan ha? At wag kakalimutang basahin yan kapag may mabigat kayong problemang dinadala.
-
Ilang araw na ang nagdaan pero nanatiling matigas si Delancy at hindi niya talaga kami kinakausap ni Julia. Lumipat pa nga siya ng upuan sa may bandang harapan para talaga hindi namin siya makausap.
Masyado ng matibay ang pader na ginawa niya at hindi namin yun magawang matibag. Ilang beses na din kami nag attempt ni Julia na kausapin siya kaya lang tinatakbuhan niya kami o di naman kaya eh hindi niya kami pinapansin.
Hirap na hirap na ako sa ganitong set-up naming tatlo. Bigla akong nanibago kasi sa mahigit na dalawang linggo na nakalipas ay walang asaran at awayan ang nangyayari. Kasi paano naman ba yun mangyayari eh hindi na namin kasama si Delancy na siyang mortal na kaasaran nitong si Julia.
Hayy! Namiss ko silang awatin sa totoo lang.. Namiss kong maging taga awat nila kahit medyo nakakasakit na sila ng anit.
Sa DWEIYAH naman eh mas naging close kami ni Julia sa kanila kasi mababait naman sila at madali silang pakisamahan kahit na mas malakas pa sa bagyong Yolanda ang kahanginan ni Harris.
Kahit na mas magaling pa sa mga sikat na philosopher itong si Yuwi sa sobrang pilosopo.
Kahit na mas maasim pa sa mais ang mga corny na banat nitong si Eli at Dylan sa akin..
Hay nako, tama kayo ng binabasa. Pati si Eli ay sumapi na sa organisasyon ng mga mais na itinatag nitong si Dylan.
Habang si Israel at Warren naman eh walang mga pagbabago; hayun at mas mahaharot pa sila sa mga tunay na babae. Minsan talaga eh hindi ko maiwasang pag-isipan ng kung ano itong dalawang 'to eh. Alam niyo yun, feeling ko bakla silang dalawa at nakikita kong may chemistry sila.
Oh diba iba na talaga ang takbo ng utak ko? Ewan ko ba, feeling ko namatay yung isa kong brain cell.
Habang si Alec naman eh masayang-masaya sa buhay niya palibhasa nahanap niya na ang happy pill niya.
Hmp! Edi siya na ang may happy pill! Ako naman eh hindi ko na kailangan pa ng happy pill na 'yan kasi tumatawa naman ako mag-isa eh.
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Oh diba? Kaya niyo yon ha? Napapatawa ba kayo ng ganyan ng mga happy pill niyo? Partida sampong tawa yan, may pasobra pang isa dahil special ka. Kahit balikan mo pa yan at bilangin, saktong eleven yan!
Pero mabalik tayo, okay naman na kami ni Alec. I mean, mas naging close ko siya simula nung matanggap kong hanggang friends lang kami.
Akalain niyo yun, nung crush ko pa siya eh may hiya pa akong lapitan siya pero ngayong wala na yung pagkacrush ko sa kaniya eh para akong childhood friend niya kung makipag-usap sa kaniya. Alam niyo yun, feeling close na ako makipag-usap.
Ewan ko kung normal 'to pero kung sakali man na hindi 'to normal eh sabay na kami ni Lerisse na magpapatingin sa doktor kasi baka mamaya eh sintomas na nga 'to ng pagiging baliw.
And oo, feeling ko naman unti-unti na akong nakakapagmove-on kay Alec, siguro dahil natanggap ko naman na hanggang friends lang naman talaga kami.
"Magtatatlong linggo na siyang umiiwas sa atin, siguro naman sapat na yung oras na hiningi niya sa atin, siguro ito na yung tamang oras para makapag-usap-usap na tayong tatlo--"
"Kasama ka?" pagputol ko sa kaniya saka siya tinawanan kasi naman biglang sumama yung tingin niya sa akin eh. "Joke lang eh, anyway, hanap nalang tayo ng perfect timing para kausapin siya. Yun bang hindi na siya makakapagdahilan pa sa atin ng kung ano-ano para lang iwasan tayo."
Tinanguan niya naman ako sa sinabi ko. Yun kasi talaga ang kailangan naming gawin, everytime kasi mag a-attempt kami na kausapin si Delancy eh puro siya dahilan na kesyo busy daw siya or mag c-cr siya at kung ano-ano pang mga dahilan ang sinasabi niya para umiwas.
"Nga pala, alam mo bang chinat ko ng pagkahaba-haba 'yang si Delancy. Partida kilala mo ako, ako yung tipo ng tao na tamad talaga magtype! Essay nga hindi ko napapaabot ng 50 words eh kaya pinagpalang tanga talaga 'yang kaibigan natin na 'yan! Kaya lang sineen ako eh, hayop na 'yan! Tignan mo!" aniya saka iniabot sa akin ang cellphone niya at pinabasa sa akin ang sinasabi niyang long message niya kay Delancy.
Julia Villarosa: Mahaba 'tong sasabihin ko ha kaya make sure na binasa mo 'to ng maigi at inunawa kasi ayoko ng bobong kausap ngayon, okay?
Una sa lahat, gusto kong sabihin sayo na tama na ang pag-iinarte mo. Hay nako! Magtatatlong linggo mo na kaming iniiwasan ni Magi at hindi na ko natutuwa sa mga pinaggagagawa mo ha! Nag-aalala na kami sayo. Kaibigan mo kami kaya hindi mo dapat kami iniiwasan kasi kami lang ang pwedeng makapagpagaan sa loob mo. Para saan pa yung pagkakaibigan natin diba kung hindi mo kayang i-share sa amin 'yang hinanakit mo sa pusod!
Gumising ka nga, Delancy! Nasa 21st century na tayo kaya wala kang karapatang magpabebe okay? Alam mo namang inis na inis ako sa mga ganiyang kay hilig hilig magpasuyo. Ay tarantado ka, hinding-hindi ko gagawin sa buong buhay ko yan, alam mo yan!
At isa pa, hindi ka na bata, Delancy! Nagnanapkin ka na, marunong ka na ngang maglipstick, nagbabra ka na kahit wala ka namang boobs at higit sa lahat pwede ka ng mabuntis kaya sinasabi ko sayo, wag kang mag isip-bata dyan dahil hindi ka na bata! Kausapin mo na kami ni Magi! Alam ko namang may hinanakit ka pa din sa kaniya pero utang na loob, Delancy! Isipin mo naman sana yung tagal ng pinagsamahan nating tatlo, hindi ka naman siguro bobo diba para hayaang masira yun dahil sa lalaki lang?
Please lang, hindi ko ugaling magmakaawa at lalong hindi ko ugaling magtype ng mahaba pero dahil sayo gagawin ko para lang maayos ulit yung matagal nating pagsasama. Oh pansin mong rhyme 'yan diba? Punyeta dahil sa napakahaba kong chat na 'to, bigla kong naging makata! Basta, kausapin mo kami, parang awa mo na! Namimiss na kitang kaaway!
"Ang haba ng chat ko diba pero hindi man lang nag-abalang replyan ako! Sineen lang tapos walang sagot? Nako Magi ha, pigilan mo ko! Pag ako nawala sa wisyo, baka ipakulam ko 'yan si Delancy at tatlong taon siyang tumae ng munggo, kala niya!" natatawa naman ako kay Julia kasi grabe yung mukha niya eh, namumula na sa inis.
Kaya lang may punto siya, ang haba ng sinabi niya pero hindi man lang sumagot si Delancy.
Hayy, ganun na ba talaga katindi ang galit niya sa akin? Sana naman wag niya idamay sa galit niya si Julia kasi wala namang kasalanan si Julia sa nangyayari eh.
"Kumalma ka, maaayos din ang lahat."
"Sana talaga." aniya saka nagpaalam sa akin na kakain daw muna siya sa cafeteria.
Sakto din namang wala kaming prof ngayong monday kasi...
Ewan ko din basta wala kaming prof, yun ang mahalaga.
Hindi naman ako nagugutom ngayon kaya hindi na ako sumama sa kaniyang kumain. Lumabas lang akong room para sana magpahangin kaya lang dinala ako ng mga paa ko sa kubo kung saan una kaming nakapag-usap ni Eli.
Hindi na ako nagulat nang matagpuan ko siya na nakatambay dun kasi nabanggit niya nga sa akin na dito nga daw siya sa kubo na 'to mahilig tumambay kapag naboboring siya sa room o di kaya naman ay tuwing wala kaming prof.
Ano ba yan? Masyado na yata akong maraming alam kay Eli? Dapat na siguro akong itumba.
"Hi, Magi." bati niya sa akin kaya naman ako naman itong si makire at sinamahan siyang tumambay sa kubo.
Medyo nakaka awkward pa ding makipag-usap kay Eli dahil nga diba sa confession niya.
Magmula kasi noong umamin siya sa akin eh hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos kasi ba naman parang nagpapaligsahan sila ni Dylan na bumanat sa akin ng mga pick-up lines nilang kaykokorni naman.
"Siya nga pala si Quora." aniya saka ipinakita sa akin ang isang kulay itim na aso na nasa tabi niya. "Alam mo bang may story kung paano ko siya nakuha?"
"Ano?"
"Umaga non, palabas na ko ng bahay nang may makita akong isang tutang itim sa gilid ng gate namin. Ang ingay niyang umiyak, malamang gutom at gusto ng gatas ng aso kaya lang wala naman kaming alagang aso kaya hindi ko alam kung paano ang gagawin ko sa kaniya para tumigil siya sa kakaiyak. Hindi ko naman siya pwedeng ipasok sa bahay kasi bawal ang aso sa bahay kasi si mama eh takot sa aso.
Kaya ayun, dinala ko siya dito. Actually, dun ang bahay nitong si Quora sa likod ng Drawing Room. Dun ko siya dinala nun para walang makakita sa kaniya. Tapos ang ginawa ko, bumili ako ng evap at yun ang pinainom ko sa kaniya, laking tuwa ko naman na tumigil siya sa kakaiyak. Evap lang pala kako eh solve na siya.
Wala talaga akong planong alagaan siya at araw-araw dalhan ng evap kaya lang nagkukusa ang sarili ko na alagaan siya eh kaya yun ang nangyari. Alam mo kasi, dog lover ako kaya siguro hindi ko matiis na hayaan nalang siyang nagugutom."
Natouch naman ako sa kwento niya, pwede ng ipalabas sa Magpakailanman.
Joke lang, pero hands down ako sa kaniya, wala akong masabi. Hindi din kasi ako makarelate dahil hindi naman ako mahilig sa aso.
"Sabi nga nila, kung magmamahal ka, dapat yung lalaking dog lover. Kasi ang mga alagang aso nga nila eh hindi nila kayang pabayaan, ikaw pa kaya?" aniya saka ako kinindatan.
Okay? Mukhang nahahawa na nga itong si Eli kay Dylan.. Nahawa na nga siya sa pagiging korni eh pati ba naman yung pagkindat, kinopya niya? Grabe ha?
Kaya lang sa lahat ng banat sa akin ni Eli, ito ang hindi korni. Impernes sa kaniya, medyo napapakilig niya ako.
"Nagpapaligsahan talaga kayo ni Dylan sa pambabanat sa akin noh?" natatawa kong sabi sa kaniya.
"Hindi naman sa paligsahan, kasi naniniwala akong ang panliligaw ay hindi naman yan isang uri ng kompetisyon kung saan may criteria na sinusunod." aniya saka siya tumingin sa akin ng diretsyo. "Gusto ko lang malaman mo na seryoso talaga ako sayo, Magi. Gusto talaga kita. Sabihin na nating parang ang bilis naman non pero wala naman sa oras at panahon nababase para masabihang seryoso yung tao sayo o hindi eh. Kasi para sa akin, hindi nasusukat sa tagal ng pagkakakilala ng dalawang tao para masabing sinsero yung nararamdaman mo para dito.
Kasi ang pag-ibig naman, umuusbong yan sa itinakdang oras para dito. Para lang yan isang kamatis, kung saan itatanim mo yun gamit ang mga buto at mamumunga ito sa araw na itinakda para ito ay mamunga."
Napapatango ako sa sinabi niya dahil nagegets ko ang nais niyang sabihin. Totoo naman siya sa sinasabi niya, na ang pag-ibig ay uusbong sa tamang panahon at hindi nakaayon sa gusto nito. Naniniwala ako na ang pag-ibig ay hindi naman yan kailangang madaliin dahil ang mga bagay na minamadali ay natatapos din agad.
Basta yun na yon, pagkatapos din ng pag-uusap namin ni Eli ay bumalik na din kami sa classroom kasi baka may prof na pero nag announce si Mariz na wala daw papasok sa amin na prof ngayong araw kaya pwede na daw kami magsiuwi.
"Hindi tayo uuwi ngayon hangga't hindi natin nakakausap 'yan si Delancy kaya stay put ka lang, kikitain ko lang 'tong nakilala ko sa bumble. D'yan lang naman sa may 7/11. Babalik ako agad ha?" sabi sa akin ni Julia at nagmamadaling umalis ng classroom.
Bwiset talaga, pinagpalit ako sa ka MU niyang mukhang tuko naman.
Hindi bale na nga, makatambay nalang muna sa labas habang hinihintay ko si Julia. Isasagawa na kasi namin ngayon ang balak namin kay Delancy. Kinakailangan na namin siyang makausap, hindi na niya kami pwedeng takasan pa!
Naghanap ako ng pwedeng pagtambayan at nahanap ko naman ang UST; which is ang UNIVERSITY OF SAMPALOK TREE.
Hindi ko din alam kung bakit yun ang tawag nila dito kasi newbie lang naman ako dito eh, kaya wala pa ako masyado alam.
Nasa gitna ito ng malawak na open field ng campus, nilagyan ng bubong ang sampalok tree upang magsilbing tambayan at may mga upuan din kaya masarap talaga tumambay dito, mahangin pa.
Speaking of mahangin, may natatanaw akong isa pang mahangin.
"Akala ko umuwi ka na." aniya saka umupo sa tabi ko.
"Masyado kang obvious na sinusundan mo ko."
"Assuming ka pala, Magi." aniya kaya naman asar ko siyang tinignan.
Ang kapal talaga ng mukha ng Dylan na 'to, ang sarap niyang ikiskis sa pader para naman numipis kahit kaunti yung mukha niya!
"Biro lang, eto." dagdag niya saka inabot sa akin ang isang vanilla ice cream na naka cup.
WAAAAHHHH favorite flavor ko ng ice cream 'to! Paano kaya niya nalaman?
Hmmm.. Siguro pati yun eh naichika sa kaniya ni Julia.
"Hindi naman ako manhid para hindi ko malaman na may gusto sa akin si Delancy at mas lalong hindi ako bulag para mapansing lumalayo siya sa inyo ni Julia at sigurado akong dahil yun sa akin.
Hindi ko gustong magkalamat yung friendship niyong tatlo kaso nga lang eh nangyari na..
Kasalanan ko bang ikaw yung gusto ko at hindi siya? Kasalanan ko bang nagpakatotoo ako sa feelings ko? Ako aware ako na masasaktan si Delancy sa gagawin kong pag-amin sayo nung araw na yun pero pinili ko pa ding gawin kasi kahit may masasaktan, ang gusto ko lang naman ay ang magpakatotoo sa nararamdaman ko para sayo. Mali ba yun, Magi?"
Punyeta naman 'to si Dylan. Bigla tuloy akong nawalan ng gana kainin 'tong vanilla ice cream na binigay niya sa akin, hays! Bakit ba kasi sinasabi niya sa akin lahat ng yan?
"Kaya nga nilapitan kita dito ngayon kasi bakas sa mukha mo na namomroblema ka kay Delancy. Alam mo, maaayos din ang lahat. Kaya ngayon, kailangan mong tumawa." aniya saka ngumiti. Shit, ang cute niya ngumiti! Nawawala yung mata niya, kasi naman napakasingkit nito!
"Osige, paano sumaya?" sagot ko.
"Mahalin mo ako." aniya at tumawa. Psh! "Biro lang eh. Eto, knock knock?"
"Who's there?" pagpatol ko sa joke niya. Sana naman hindi 'to corny.
"Nanay ni Wally."
"Nanay ni Wally who?"
"Nanay ni Wally na ko sa forever, simula nung makilala kita~" sabi niya at siya din ang natawa sa sarili niyang kakornihan. "Eto pa, hindi ako titigil hangga't hindi kita napapatawa." dagdag niya at halata namang pursigido talaga. "Knock knock?"
"Who's there?"
"Dog cat binaliktad kinurot pa bernadette jansport jansport."
"Dog cat binaliktad kinurot pa bernadette jansport jansport who?"
"Whatchu gonna do with that dessert? Dog cat binaliktad kinurot pa bernadette jansport jansport." sabi niya habang natatawa at sumasayaw-sayaw pa.
Pfft. Hindi ko tuloy maiwasang makisabay sa kaniyang matawa.
"Wow, tumawa siya. Dahil dyan ginaganahan ako--"
"Hep!" pagpigil ko sa kaniya. "Okay na, tama na ang kakornihan mo. Napatawa mo na ako diba?" sabi ko at nginitian siya ng matamis; matamis pa sa ice cream na hawak ko. "Salamat sa effort na pasayahin ako. Na appreciate ko."
"Anything for you. Alam mo namang handa akong gawin lahat para sayo eh, ganun ka kahalaga sa akin. Ang ngiti mo ang pinakagusto kong view sa lahat at mas maganda pa yan sa lahat ng tourist attraction sa buong mundo."
Hindi ko alam kung ano 'tong kung anong nararamdaman ko, para bang kinikiliti ako ng mga alaga kong bulate sa tiyan.
Kasi naman 'tong si Dylan eh ayaw magpahuli kay Eli.. Pati siya ay may baong banat sa akin ngayong araw. Bakit ba sila ganyan??!
"I love view."