"I-I do?" nag-aalangan kong sabi.
Di ka sure, Magi?
Jusko naman kasi, ano bang kailangan kong isagot sa pekeng pari na 'to?? Kung pwede lang siyang fuck you-hin kanina ko pa ginawa.
"I now pronounced you husband and wife. You may now kiss the bride." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nung pekeng pari..
Hala ano? Kiss the bride? Kahit peke may kiss? Ay awit, para eka sulit yung 1k na binayad namin eh noh?
Eto namang Dylan na 'to, bwiset, parang tanga eh. Nakapikit na siya habang nakanguso saka dahan-dahan nitong inilalapit ang mukha niya sa mukha ko at handa na akong halikan.
Eww. Asa namang papahalik ako sa kaniya, hindi naman ako ang Itim na Nazareno. Hinding-hindi siya makakaisa sa akin kaya naman sinalubong ko ng kamao ko yung nakanguso niyang labi at yun ang nahalikan ng hinayupak.
Kita ko namang nalukot ang mukha niya na para bang nadismaya siya dun ng bonggang-bongga pero wala akong pakialam sa kaniya. Lumabas na ko sa wedding booth na yun at sakto namang pagkalabas ko ay nakasalubong ko ang dalawa.
"Buti naisipan niyo pang bumalik eh noh?" inis kong bungad sa kanila. "Bakit ba kase ang tagal mo mag cr, Delancy?"
"Humilab yung tiyan ko.. Pasensya na." aniya sa malungkot na boses.
"Kung alam mo lang, Magi. Pinahirapan ako ng lintek na 'yan! Pabalik-balik ako sa tindahan para bilhan siya ng diatabs. Kada balik ko sa kaniya sa cr eh papabilhin ulit ako ng isa pang diatabs ulit! Tignan mo kung gaano kagaling diba?! Pinagod pa ko." reklamo naman ni Julia at halata nga ngayon sa itsura niya na pinagod nga siya ng husto nitong si Delancy.
"Sorry na nga, Julia!" sabi ni Delancy saka siya humarap sa akin. "Tapos na ba yung kasal? Nabanggit kasi sa akin ni Julia na sinet-up niyo pala kami ni Dylan dito sa wedding booth! Hihi. Nasa loob na ba siya?"
Uh-oh.
Paano ko kaya sasabihin sa kaniya na tapos na ang kalokohang kasalan na pinlano namin ni Julia?
"Actually--"
Naputol ako sa sasabihin nang biglang magsalita si Dylan mula sa likuran ko.
"Si Magi na ang pumalit sayo na bride since ang tagal mo daw eh. Okay lang naman yun sa akin, wala namang problema basta si Magi." sabi niya saka tumingin sa akin at kinindatan pa ako. "Diba, misis ko?"
Tangina talaga 'tong kapatid ni Julia eh, ang sarap niyang ilibing ng buhay sa totoo lang!
"A-ah, si M-magi?" sabi ni Delancy at halata kong parang nalungkot siya nang malaman yun. At aware naman ako kung bakit.
Naniniwala kasi itong si Delancy na may gusto nga sa akin si Dylan so syempre malaking threat sa kaniya nang malaman niyang ako ang pinakasalan ni Dylan, kahit peke man yun eh alam kong may malaking posibilidad pa din na pagselosan ako ni Delancy.
Agad akong lumapit sa kaniya at bumulong sa tenga niya.
"Isipin mo na lang na ako ang proxi mo pero at the end of the day, ikaw pa din ang magiging bride niya.. At totoo yung mangyayari, hindi lang sa simpleng booth na ganito, okay? Best wishes pa din, Mrs. Villarosa." ramdam ko naman na napangiti siya dahil dun sa sinabi ko.
Mabuti kung ganun.
"Mauuna na pala ako bago pa magdilim paningin ko dyan sa kapatid mo Julia. Kayo na bahala kay Delancy ha? Iuwi niyo yan ng buo at hindi pa laspag."
Tinanguan lang ako ni Julia habang si Delancy naman ay nagwave nalang sa akin sign na nagpapaalam habang si Dylan ay may pa-flying kiss pang nalalaman. Akala mo naman sasaluhin ko, yuck!
"Ouch." daing ko matapos kong maisandal ang likuran ko sa driver's seat.
Grabe, napakasakit ng likod ko. Feeling ko napilayan ako dahil sa pagbabike ko. Ngayon lang kasi ako ulit nagkaroon ng pagkakataon na makapagbike kaya siguro nanibago ang katawan ko at napagod.
Hayy.
Ilang minuto lang ay nakarating na ako agad sa bahay at nadatnan kong si nay Cora lang ang nasa kusina.
"Si mommy po?" tanong ko sa kaniya matapos akong makapagmano sa kaniya. Hindi na din kasi iba sa amin itong si nay Cora dahil tatlong dekada na namin siyang kasambahay dito. Naging malapit siya sa amin mas lalo na sa akin dahil sa labing walong taon kong pangungulila sa mga magulang ko eh siya ang nagsilbing nanay at tatay sa akin.
"Nasa office ang mommy mo, anak. Baka daw bukas pa makauwi kasi marami silang inaasikaso ng tita Wendy mo." aniya na tinanguan ko na lang.
Lagi naman kasing busy yun si mommy. Lalo pa ngayon na wala pa din dito si daddy kaya wala pang katuwang si mommy sa pag-aasikaso sa business namin dito. Sa pagkakaalam ko kasi eh next month pa ang uwi ni daddy dito, dapat nga ngayong week na kaya lang may inaasikaso pa daw siya sa Italy kaya ayun na move.
"Nga pala iha, kumain ka muna bago matulog ha? Nag-aalala na sayo ang mommy mo dahil hindi ka na nga daw kumain kagabi eh hindi ka din daw kumain kaninang umaga. Nag-aalala sayo ang mommy mo na baka magkasakit ka kaya pinagluto ka niya ng paborito niyo ni Macy na kare-kare para naman daw ganahan ka na kumain."
Hala totoo ba?
Para makumpirma kung totoo ba ang sinasabi ni nay Cora ay agad kong sinilip ang natatakpang kung ano sa dining table namin.
Oo nga! Pinagluto ako ni mommy ng paborito kong kare-kare!
Hindi ko tuloy maiwasang maiyak kasi sobrang saya ko lang na for the first time ay pinag-aksayahan na din ako ni mommy ng oras niya para ipagluto ako ng paborito ko. Noong mga bata kasi kami ni Macy ay si Macy lang ang pinagluluto lagi ni mommy ng kare-kare habang ako ay kumakain ng natirang kare-kare ni Macy.
Grabe diba kasaklap yung buhay ko simula pa lang noong bata ako. HAHAHAHAHA ewan ko ba kung bakit ganoon ako itrato ng mga magulang ko.
"Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong sa akin ni nay Cora.
"Wala po, masaya lang po ako. Kasi hindi ko ine-expect na ipagluluto ako ni mommy kasi never niya pa yun nagawa sa akin." sabi ko at parang bata kong pinunasan ang mukha ko gamit ang likod ng palad ko.
"Tatlong dekada niyo na akong kasama at nasaksihan ng mga mata ko mismo kung gaano kaiba ang trato ng mommy mo sayo at kay Macy. Hindi ako magtataka kung iniisip mong dahil dun ay hindi ka mahal ng mommy mo.. Pero anak, wag kang ganun mag-isip, mahal ka ng mommy mo dahil kahit papaano ay sa kaniya ka nanggaling.. Dugo at laman ka niya kaya mahal ka niya, nasasayo na yun kung paano mo titignan yung pagmamahal niya sayo."
Napatango ako.
Baka tama si nay Cora, baka mahal naman talaga ako ni mommy, hindi ko lang yun napapansin kasi ang madalas kong mapansin ay yung mga panenermon niya sa akin na sa tingin ko naman ay ginagawa niya lang para sa ikabubuti ko.
-
"Aminin mo? Kinilig ka din noh? Hindi na ako magugulat kung magiging crush mo na din ang kapatid ko simula ngayong araw." bungad ni Julia saka siya naupo sa tabi ko.
Bwiset talaga, ipaalala ba naman?
Mabuti wala pa si Delancy ngayon kundi masasampal ko talaga itong bibig ni Julia. Ang ingay-ingay kasi.
"Tigilan mo na nga ang kakabugaw mo sa kapatid mo sa akin. Si Delancy ang nilalakad natin sa kaniya diba at hindi ako? Ano? Ulyanin ka na din ba?"
"Hindi naman sa ayaw ko kay Delancy ha pero mas may chemistry kasi kayo ni Dylan kaysa sa kanila eh. Wala akong sama ng loob kay Delancy natin, nagsasabi lang talaga ako ng totoo." aniya at halata naman sa tono ng boses niya na seryoso nga siya sa mga sinasabi niya.
Jusko. Bakit kasi pinipilit nitong si Julia na mapasok ako dun sa dalawang yun? I mean, labas na ako dapat sa kung anong mayroon yung dalawang yun eh, kasi ako tumutulong lang na maging malapit silang dalawa sa isa't isa. At hanggang tulong lang ang magagawa ko, pero punyeta kasi 'tong si Julia, iba yata ang tumatakbo sa isip.
"Alam mo ang dami mong alam. May pa chemistry chemistry ka pang nalalaman eh hindi mo nga kabisado yung periodic table!"
"Bakit ikaw kabisado mo?" galit niyang balik sa akin.
Aba, nakikipagpalakasan pa yata 'to sa akin ng boses ah?
"Sinabi ko ba ha?" sagot ko naman. Kasi sa totoo lang eh nahilo lang ako sa pagbabasa sa mga pangalan ng elements.
Natandaan ko pa nga na pinakabisado sa amin yun nung grade five yata ako tas pinarecite kami isa-isa, wala akong nagawa sa harap kundi tumulala eh.
"Nag-aaway kayo?" bungad ni Delancy na mukhang kakarating lang.
Magsasalita na sana si Julia nang bigla ko siyang pigilan. Mahirap na at baka maidaldal pa niya kay Delancy yung kanina naming pinag-aawayan.
"Hindi ah. Trip lang namin ni Julia irecite yung periodic table HAHAHAHAHA kung may naaalala pa kami." palusot ko saka tinignan si Julia. "Ano ulit yun sa AU? Diba copper yun?" sabi ko na parang totoo talagang nagrerecite kaming dalawa ng periodic table.
Oh diba? Best actress.
"Bobo naman nito! Hydrogen yung AU!" sagot naman sa akin ni Julia. Grabe naman makabobo 'tong babaeng 'to! Akala mo mas matalino pa sa umimbento ng periodic table na yan!
"Mali!" pagsingit sa amin ni Delancy. "Hindi naman element yung AU! Tao yun, actually sikat siya sa Korea eh! Si AU yung crush ni Jungkook."
Saglit kaming nagloading ni Julia sa sinabi ni Delancy. Kasi naman, sinong sikat sa Korea? Sinong Jungkook? Ano bang klaseng pangalan yun? Parang ngayon ko lang yun narinig eh.
"Ang soslow niyo naman, ayoko na nga." sabi ni Delancy at saka nagtuloy na sa kaniyang upuan. "Pero alam niyo, nanghihinayang pa din ako hanggang ngayon kasi hindi natuloy yung wedding namin ni Dylan. Nakisabay pa kasi yung LBM ko." aniya at bakas sa boses niya ang sobrang panghihinayang.
Sa totoo lang, ako man ay nanghihinayang na hindi natuloy sa kanila ni Dylan yung pinlano namin ni Julia. Excited pa naman ako na makitang ikinakasal si Delancy sa crush niya, kahit pa peke yun pero atleast na experience niya diba?
Kaya lang imbes na siya eh ako ang naging bride ni Dylan. Nakokonsensya ko kase parang ang labas nun eh inagawan ko siya ng pagkakataon na maging masaya kahit man lang sa isang pekeng kasal.
Malay ko ba naman kasing susumpungin siya ng sakit niya diba? Saka hindi ko din naman yun ginusto. Hello? Kung ikakasal man ako eh syempre gusto ko eh kay Alec man lang. Peke lang naman eh kaya siguro hindi naman ako pag-iinitan ng jowa niya. Or pwede din kay Eli kasi kung tutuusin naman eh mas okay pa 'tong si Eli kumpara kay Dylan noh!
Teka nga, bakit ba bigla ko naisip yun?
"Edi balik nalang ulit tayo dun sa Wednesday." suhestyon ko kaya lang base sa eskpresyon nilang dalawa ay mukhang hindi sila sang-ayon sa akin.
"Duda akong papayag si Dylan ulit na magpunta dun. Eh ayoko namang pakiusapan na naman siya noh! Alam niyo ba pinagdaanan ko nung pinakiusapan ko siya na sumama sa atin? Jusko mga teh! Alam niyo bang kapalit ng pagpayag niya ay ang pagbigay ko sa kaniya nung nivea ko na panghilamos??? Mga teh, labindalawa yung binili ko, kinuha niya lahat!"
Ay putangina. Grabe naman pala talaga ang isinuko niya kapalit ng pagsama ni Dylan sa amin. Kawawa naman si Julia, kalunos-lunos ang nangyari sa kaniya. (insert the sarcasm)
"Edi bumili ka nalang. Ang laki ng problema mo eh ang yaman yaman niyo naman!" sabi naman sa kaniya ni Delancy.
"Oh edi sige! Ibili mo ako tutal naman ikaw 'tong maraming pera hindi ba???!"
Hay nako, nag-umpisa na naman silang dalawa. Ewan ko ba, nagkabali-baligtad na kami. I mean kami ni Delancy, dati siya taga awat sa amin ni Julia tuwing nag-aaway kami tapos ngayon, ako na ang taga awat.
At nakakastress pala mang-awat palagi.
"Kumalma ka nga, Julia. Sabon lang yan, okay? Hindi mo kailangang iyakan." sagot naman ni Delancy na halata talagang inaasar itong si Julia.
"Magi, parang awa mo na, ilayo mo sa akin yan si Delancy at baka palunukin ko 'to ng lapis kapag 'to hindi pa tumigil." bulong niya sa akin.
Natawa naman ako kasi inaasar lang naman siya ni Delancy tapos napipikon na siya. Aysus!
Hindi ko nalang sila pinansing dalawa dahil dumating na ang prof namin para sa araw na 'to. Bigla ko tuloy nakalimutan na thursday pala ngayon at ang first subject namin ay Contemporary Arts.
More on readings kami dito at hindi naman nagdidiscuss ang prof. I mean papasok lang siya para pagbasahin kami ng 400 pages na pdf files tapos hindi din naman namin naiintindihan. Hindi siya nagtuturo kasi napakatamad niya.
Gustong-gusto ko na talagang ipost sa fb yang prof namin na yan eh habang nagyoyosi siya tapos sabay tag sa director namin oh tapos ang caption, Walang time para magturo pero may time para magyosi. Ayos sir ah? May lighter ka ba dyan sir? Pasindi nga.
Pero saka ko na siguro yan gagawin kapag marunong ng mang accept yung director namin.
Sa ngayon, heto kami at kunyari nagbabasa sa cellphone ng pdf file na pinasa niya sa amin.
Hay, bakit ko ba yun babasahin? Hindi ko nga maintindihan eh.
Makalipas lang siguro ang thirty minutes ay dinismiss na kami ni sir. Ganyan naman yan eh, sabagay, wala namang pagkakaiba kung ididismiss niya kami o hindi. Ganun din naman, wala pa din kaming matututunan.
Ugali talaga nun magdismiss ng maaga para eka makapagyosi siya sa labas.
"Kaya favorite kong prof yun si Peter eh, laging maaga ang dismissal." sabi ni Julia saka tumayo sa upuan niya. "Kain tayo."
"Tara." sabi naman ni Delancy at tumayo na din sa upuan. "Magi, tayo!"
"Kayo nalang, busog pa ako." sabi ko na agad naman nilang tinanguan bago sila lumabas na ng classroom.
Ewan ko ba kung bakit wala akong ganang kumain ngayong araw. O siguro nagugutom ako pero tinatamad lang akong tumayo.
Hayy.
Kaysa tumunganga eh mas minabuti kong dumukdok nalang sa desk ng upuan ko at matulog na lang sana since ako nalang naman na mag-isa dito sa room kaya makakatulog talaga ako nito ng maayos dahil tahimik.
"Magi?" bigla akong napaangat sa pagkakadukdok ko sa desk nang marinig ko ang boses ni Eli.
Buong akala ko kasi eh ako na lang mag-isa ang nandito ngayon sa room kaya lang nandito din pala si Eli.
"Naistorbo ba kita?" nag-aalangan niyang tanong. Agad naman akong umiling senyales na hindi niya ako naistorbo kahit ang totoo ay naistorbo niya naman talaga ang pagtulog ko. "Gusto ko lang sanang humingi ng favor sayo?"
"Ano yun?"
"Pwede ba tayong mag collab ngayon na kumanta? Ipopost ko lang sana sa youtube vlog ko. Nagrequest kasi yung mga viewers ko na i-cover ko daw yung kantang Sad song tapos gusto din nila na may ka collab ako na babae habang kinakanta yun." paliwanag niya.
Grabe naman mga fans nitong si Eli, hindi naman sila demanding noh?
"Okay lang naman sa akin kaya lang hindi gaanong kaganda yung boses ko, baka i-bash nila ako." sabi ko saka natawa ng bahagya.
Eh sa totoo naman ang sinasabi ko, hindi naman ako gaanong marunong kumanta eh. Baka mamaya maging sintonado ako, edi yung tahimik kong buhay ay biglang yanigin ng mga fans niya? Nako, mahirap yun.
"Ano ka ba, hindi ka naman ibabash ng mga yun. Saka hindi pa nga natin nasusubukan eh. Hindi ko naman syempre ipopost yung cover na gagawin natin kung hindi mo aprubado."
Kung sabagay, may point nga naman siya kaya okay, game.
"Okay, why not kung subukan natin." napangiti naman siya sa sinabi ko at dali-daling tumayo sa upuan niya para kuhanin yung gitara niya na nasa bandang likod.
Mabuti nalang din talaga at familiar ako sa kantang Sad song dahil halos araw-araw yatang pinapatugtog ang kantang yun sa Barangay LS eh.
Kumuha siya ng isang upuan sa bandang harapan ng pwesto namin at iniharap yun sa akin para face-to-face kaming makakanta. Sunod iyang ginawa ay inilapag sa arm chair niya yung cellphone niya at naka record na ito ngayon.
Sinimulan niya ng kalabitin ang hawak niyang gitara.
Hayy nako, pati ba naman sa paghawak sa gitara eh ang cool niya pa ding tignan? Pero mas lalo pa siyang naging cool ng umpisahan niya ng kumanta.
You and I
We're like fireworks and symphonies exploding in the sky
With you, I'm alive
Like all the missing pieces of my heart
They finally collide
So stop time right here in the moonlight
Cause I don't ever wanna close my eyes
Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song
I'm just a sad song
Shit, eto na. This is my time to shine.
With you I fall
It's like I'm leaving all my past in silhouttes upon the wall
With you I'm a beautiful mess
It's like we're standing hand in hand
With all our fears upon the edge
So stop the time right here in the moonlight
Cause I don't ever wanna close my eyes
Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song
I'm just a sad song
(Sabay)
You're the perfect melody
The only harmony
I wanna hear
(Eli)
You're my favorite part of me
With you standing next to me
I've got nothing to fear
(Eli)
Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole
(Ako)
Without you, I've got no hand to hold
(Sabay)
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song
I'm just a sad song
Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song
I'm just a sad song
Diyan sa last chorus ng kanta ay si Eli na ang kumanta at nagsecond voice nalang ako. Sayang naman yung ganda ng boses ni Eli kung aagawan ko ng exposure diba?
"Maganda naman pala boses mo, Magi. Sigurado ako na magugustuhan 'to ng mga viewers ko kapag napanood nila yung cover nating dalawa." aniya saka ako nginitian. "Thank you, Magi ha? Na pinagbigyan mo yung favor ko sayo."
"Wala yun." sabi ko at kita ko namang napatango siya saka siya bumalik na sa upuan niya dahil unti-unti na ding nagsisipasukan pabalik ang nga kaklase namin.
Namataan ko na ding papasok na ang dalawa kong kaibigan na mukhang mga masasaya dahil mga busog na sila.
Hay, buti pa sila eh busog. Kamusta naman ako?
"Diet ka ba, Magi?" tanong ni Delancy sa akin matapos niyang makaupo sa upuan niya.
"Hindi ah, busog lang talaga ako." sabi ko nalang at hindi na niya yun pinansin at itinutok na ang atensyon niya sa dinodrawing niyang si Spongebob.
"Ah, Magi? Pwede ulit humingi ng favor?" sabi ni Eli sa akin na ngayon ay nakalapit na pala sa upuan ko.
Teka nga, nagtataka na ako sa tao na 'to eh. Panay siya hingi ng pabor sa akin eh hindi naman niya ako binabayaran.
Aysh!
Imbes na umangal ay tinanguan ko nalang siya senyales na magpatuloy kako siya.
Agad naman siyang humila ulit ng upuan katabi ng upuan ko at nilabas sa bag niya ang isang mamahaling pabango.
"Gusto ko lang sanang itanong sayo kung mabango ba 'tong pabango. Binigay kasi sa akin ng mama ko 'to eh hindi naman ako gaanong kagaling sa pamimili ng pabango. Gusto ko lang hingin ang opinyon mo."
Ay seryoso ba siya? Bakit? Wala ba siyang sariling ilong? O baka may sipon siya?
Hays ewan ko ba, kaysa mag-isip ng kung ano-ano eh pagbigyan ko nalang 'tong si Eli kahit hindi siya marunong magbayad!
Pinisik niya ang pabango sa kamay niya saka niya nilapit sa akin ang kamay niya at ipinaamoy ito sa akin.
Impernes ah? May taste ang mama niya sa pagpili ng pabango. Kasi besh, hindi naman lahat ng pabango eh mabango talaga, yung iba kung hindi masakit sa ilong eh nakakahilo pero eto, iba 'to eh. Ang bango niya talaga kaya nga hindi ko maiwasang mapapikit habang inaamoy ang halimuyak nito.
"Maba--" napahinto ako sa pagsasalita nang pagdilat ko ay magkalapit na ang mukha namin ni Eli sa isa't isa. Hindi niya naman kasi sinabi sa akin na makikiamoy din siya.
Unti-unti niyang ibinaba ang kamay niyang may pisik ng pabango at nanatiling nakakapit ang tingin niya sa mga mata ko. Gustong-gusto ko ng umiwas sa kaniya ng tingin kaya lag bakit ganito, bakit ang hirap bumitaw sa mga titig niya?
Naputol lang ang pagtititigan namin nang biglang hatakin ni Dylan ang tenga ni Eli palayo sa akin kaya ayun, nabalik na din ako sa ulirat sa wakas.
"Ikaw naman Elias, tatahi-tahimik ka pero sumisimple ka dito kay Magi! Baka lang hindi mo alam, asawa ko yan kaya kung ayaw mong mabugbog, dumistansya ka." sabi ni Dylan kay Eli at inungkat pa talaga yung kasal naming peke naman. Kaasar.
May tililing talaga ang isang yun eh.
Mayamaya lang din ay dumating na ang professor namin sa last subject namin which is Personal Development. Hay sa wakas, after neto ay makakauwi na din. Kanina pa kasi talaga ako uwing-uwi dahil bigla kong namiss higaan yung kama ko.
HAHAHAHAHAHA actually gusto ko lang talaga matulog eh, yun yon.
"Gaya nga ng napag-usapan natin last week ay ngayon natin gagawin yung activity na hindi natin nagawa last meeting.
So diba pinagdala ko kayo ng mga sticky notes na kulay blue, red at white? Siguro naman eh lahat kayo may dala kasi ang walang dala eh sisipain ko patungong Jupiter!
Ganito ang gagawin niyo, magsusulat kayo dyan sa sticky notes na yan, malamang papel yan eh alangan namang kainin niyo yan diba? Pero syempre hindi lang kung ano-ano ang mga isusulat niyo dyan.
So eto, sa white na sticky notes, that is for sorry letter. Yung mga kaklase niyong gusto niyong hingan ng sorry ay sa white sticky notes niyo isusulat.
Ang blue naman is for thank you letter kung saan kung may kaklase kayong gustong pasalamatan, gawan niyo sila ng thank you letter gamit ang blue na sticky notes.
At ang huli ay ang red sticky notes kung saan ito na ang pagkakataon niyo upang makaamin sa mga crush niyo.
Bibigyan ko kayo ng limang minuto upang makapagsulat sa mga sticky notes na yan at bibigyan ko din kayo ng limang minuto para idikit niyo sa katawan ng kaklase niyong gusto niyong pagbigyan ng letter. Understood?"
"Yes, mam." excited na sabi namin at nagsimula na nga ang limang minuto namin para makapagsulat.
Pinili kong sulatan ng sorry si Lerrise at Delancy. Nagsorry ako kay Lerisse kahit na siya naman dapat ang kailangang magsorry pero inisip ko na ako nalang ang mag a-adjust kasi feeling ko hindi siya marunong nun.
Nagsorry naman ako kay Delancy dahil hanggang ngayon kasi ay guilty pa din ako sa nangyari kahapon.
Sa thank you letter naman ay pinili kong bigyan ang mga close ko dito sa room. Si Julia at Delancy syempre pati na din sina Dylan, Israel at Eli ay dinamay ko na and also pati yung mga class officers namin.
Habang sa red sticky notes, hindi na ako nag-abala pang sulatan yun kasi sino bang crush ko bukod kay Alec diba?
Matapos ng limang minutong pagsusulat ay binigyan kami ng another five minutes ni mam para naman idikit na ang mga sticky notes sa katawan ng mga kaklase naming pagbibigyan nito. Syempre no to private part.
Nagkagulo ang mga kaklase ko sa pagsisimula ng dikitan. Hanapan doon, hanapan dito. Hindi ko na nga lang pinapansin ang mga kaklase kong nagdidikit ng sticky notes sa mukha ko. Hindi na ako nag-abala pang tignan kung sino sila dahil malalaman ko din naman once na magkabasahan na ng letter mamaya eh.
At ayun na nga, matapos noon ay binigyan kami ni mam ng oras para basahin ang mga letters na natanggap namin.
"Basahin na natin! Unahin natin sayo, Magi!" excited na sabi ni Delancy kaya tinanguan ko naman siya at isa-isang tinanggal ang mga sticky notes na nakadikit sa akin.
White: Sorry kung minsan naililista kita sa late. Kasi naman late ka naman na talaga kahit one minute yun, hindi talaga pwedeng palampasin eh. - Secretary
Blue: Thank you for the friendship, Magi! - Julia na MAGANDA
Blue: Salamat sa lahat, Magi. I love you! - Delancy
Blue: Thank you, classmate! - Pres. Mariz
Blue: Thank you for doing favor to me. - Eli
Blue: Thank you, asawa ko, dahil pinakasalan mo ako. - Dylan
Grabe naman, nakaka touch naman itong mga nababasa ko HAHAHAHAHA. Ang sarap lang ilibre ng milk tea lahat ng nagthank you sa akin.
Pero ito na, may dalawang red sticky note akong natanggap. Kanino kaya 'to galing?
Red: I like you, Magi. I really am. I don't know where it starts, basta paggising ko, ikaw na agad yung babaeng gusto kong makita. And I'm serious. I really like you. - Eli
Matapos mabasa yun eh etong dalawa naman ay agad tumingin sa gawi ni Eli habang kinikilig pa. Jusko. Baka mamaya makahalata si Eli kaya naman sinita ko yung dalawa.
Pero unexpected talaga yung pag-amin ni Eli. Jusko, kinabahan tuloy ako sa isa, hindi na ko magugulat kung si Israel man 'to HAHAHAHAHA
Red: I like you, Margaret Serrano. Wala na akong ibang babaeng magugustuhan kundi ikaw lang. Aware akong nilalakad mo sa akin si Delancy kaya gusto kong magsorry dahil hindi ko kaya. Hindi ka niya kayang palitan sa puso ko. Ikaw lang ang gusto ko, Magi. Wala ng iba. - Dylan