Chereads / A Love To Last (DWEIYAH series #1) / Chapter 13 - CHAPTER 12

Chapter 13 - CHAPTER 12

After namin makapag-usap ni Alec sa coffee shop na yun ay nagpaalam na din siya agad sa akin na mauuna na daw siya kasi may pupuntahan daw siya. Habang ako naman ay dumiretsyo na pauwi dahil nga kailangan na din kasi ni mommy itong gamot niya.

Right after maibigay ko yung gamot kay mommy ay dumiretsyo na din ako sa kwarto ko para makapagpahinga na. Ewan ko ba kung bakit wala akong gana kumain ngayon.. Basta ang gusto ko lang ngayon ay makatulog at makapagpahinga.

Kaya lang hindi din naman ako nakatulog agad dahil nga hindi ko maiwasang maalala yung naging pag-uusap namin ni Alec kanina.

Bukod sa naging nakakahiya talaga yung nangyari kanina which is nasabi ko sa kaniya mismo yung mga salitang dapat iniisip ko lang.

Hay nako. Kahit kailan ay pahamak talaga itong bibig ko eh.

Actually mabuti nalang talaga at si Alec na yung nagkusang kumausap sa akin dahil kung ako pa ang kailangang lumapit sa kaniya eh mukhang malabo yun mangyari. Saka ayos na din na napag-usapan namin ni Alec yung tungkol sa feelings ko para sa kaniya, ang sarap lang sa pakiramdam na alam niyo yun?

Concern siya sa mararamdaman ko kaya naman hindi siya basta-basta nagsalita agad at dumiretsyo sa punto niya kundi nagpaligoy-ligoy muna siya at dinahan-dahan yung mga sasabihin niya na hindi magiging masakit sa aking pakingan.

Isa yun sa dahilan kung bakit ko siya nagustuhan eh. Bukod sa gwapo, talented at mabait eh siya din yung tipo ng tao na takot makasakit ng damdamin ng isang tao.

Well, kagaya nga ng sinabi ko sa kaniya, mahirap man pero kailangan kong tanggapin na hindi kami ang para sa isa't isa ni Alec. Ganun talaga ang buhay eh, may mga tao talagang dadating sa buhay mo para lang mangamusta and then afterwards iiwan ka din sa dulo.

HAHAHAHAHAHAHA

Ano bang sinasabi ko? Parang out of the topic na noh? Antok lang siguro ito.

-

Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho patungong campus nang biglang tumunog ang messenger ng cellphone ko.

Nagchat pala si Julia sa gc naming tatlo  ni Delancy.

Juleng: Mamaya after class tayo mag bike ha? Wala ng problema kay Dylan kasi napa oo ko na siya.

Nag like reaction nalang ako sa chinat niya saka binaba ang cellphone ko nang may lalaki akong naaninag sa harap ko at isang metro nalang siguro ay masasagasaan ko na siya pero buti nalang at nakapreno ako kaagad.

"Yuwi?" nasabi ko nalang matapos makumpirmang si Yuwi pala ang lalaking yun na muntik ko ng mapatay.

'Sayang, dapat pala hindi nalang ako pumreno.'

"Nagtataka talaga ko kung paano ka nakakuha ng driver's license eh hindi ka naman marunong magdrive ng maayos. Gusto mo ba ienroll kita sa driving school ni Mrs. Puff? Magsama kayo dun ni Spongebob tutal parehas naman kayong engot magdrive."

Grabe naman ito magsalita si Yuwi. Parang sa sinasabi niya ay bigla kong pinagsisihan kung bakit hindi ko pa siya tinuluyan.

"Ang daldal mo pala." natatawa kong sabi sa kaniya.

Sinimangutan niya lang ako at walang paalam na sumakay sa kotse ko.

Wow ha?

Pagkatapos niyang yurakan ang pagkatao ko eh ang lakas pa ng loob niyang makisabay sa akin????!!!

Pero hayaan ko na nga. Hindi naman kasing sama ng ugali niya ang ugali ko kaya isasabay ko na siya tutal makapal naman ang mukha niya at nauna pa siyang sumakay sa kotse ko eh. Nakakahiya naman siguro na paalisin ko pa siya, baka kung ano na namang kagaguhan ang masabi niya sa akin noh!

"Bakit ka nga pala naglalakad?" tanong ko sa kaniya pagkapasok ko sa kotse. Kunyari hindi ko siya pinapatay ngayon sa isip ko.

"Natural may paa ako eh." aniya at sinamaan ko naman siya ng tingin. NAPAKAPILOSOPO. "Wala kasi kaming kotse eh." dagdag niya pa.

Hindi na siya nag-abalang sabihing joke lang yung una niyang sinabi eh noh? Napakatamad magsalita!

Nagulat naman ako sa sinagot niya kasi ang buong akala ko talaga ay lahat ng myembro ng DWEIYAH ay mayaya----

"Eroplano lang kinaya ng budget namin." dugtong niya.

MAYAYABANG!!!

Tignan niyo nga, ang galing sumagot ng hinayupak! Ang sarap niya lang ihulog sa mabahong kanal.

"May mas hahangin pa pala kay Harris noh?"

Natawa siya ng bahagya na mas lalong ikinagulat ko. Kasi ang buong akala ko eh hindi marunong tumawa itong si Yuwi eh.

"Kilala ang university na pinapasukan natin. Napakamahal ng tuition na kahit siguro magtrabaho ka hanggang kumulubot balat mo eh hindi mo mababayaran ang tuition fee dun."

Wow? Exciting ito ah?

Bakit naman kasi hindi ka ma-e-excite eh itong si Yuwi kasi eh hindi siya vocal na tao. Halata naman sa itsura niya yun. Pero ngayon, feeling ko magkukwento na din siya sa akin ng talambuhay niya. Malakas ang kutob ko.

At feeling ko napakaspecial ko na tao! Kasi kitams? Nagshare na sa akin ng katiting na buhay niya si Alec, tapos si Eli din nagshare na din nung nasa kubo kami, and then si Israel, nagshare siya ng kaunting info about sa sarili niya nung nakapag-usap kami sa veranda..

And then ngayon, si Yuwi naman?

Grabe naman, proud na proud ako sa sarili ko kasi hindi ko naman sila pinagkukwento pero sila itong nagkukusa!

I feel so special!

"Kita mo? Napakamahal ng tuition fee ng university na pinapasukan natin. Buti pa nga yung tuition fee eh mahal.. Ikaw? Minahal ka na ba ng crush mo?"

Saglit ko siyang pinasadahan ng tingin at saka inirapan.

Punyeta talaga.

Puring-puri ko na yung sarili ko tapos raratsada siya ng ganyan? Kung di ba naman siya topakin! Leche talaga!

Kung ako lang pikunin, baka lahat ng pagbabanta ko na sainyo ko lang sinasabi eh baka nagawa ko na talaga sa lalaking 'to!

Ready na yung tenga ko na makarinig ng kwento kaso binitin pa ako.. Hayop na yan! Ang sarap niyang ibitin ng patiwarik.

"Nice talking to you. Baba!" inis kong sabi sa kaniya at ang gago naman ay nginisian lang ako bago bumaba sa kotse ko.

Hindi na ko nag-expect na hihintayin niya ako na makababa dahil wala namang dahilan para magsabay kami kasi hindi naman kami magkaklase eh.

Pero sana naman nagthankyou man lang siya sa akin diba? Kaso wala, sa lahat ng mga lalaking nakilala ko na makakapal ang mukha, siya ang PINAKA!

PINAKA MAKAPAL ANG MUKHA. PINAKA MAYABANG. PINAKA PILOSOPO. PINAKA GAGONG KAUSAP AT HIGIT SA LAHAT, PINAKA MALIIT SA KANILA.

Ang lakas niyang mag-angas eh mukha ngang mas matangkad pa ko sa kaniya eh!

-

Anim na oras sunod-sunod ang klase namin ngayong araw pero guys, dalawang subject lang yan kaya goodluck talaga sa beauty ko, sana hindi mastress.

Lalo pa at umagang-umaga ay paduduguin yata ng subject ni mam Khaye ang utak ko. HUHUHUHU.

Bakit kasi nilagay sa pang-umaga yung subject niyang College in Advance Algebra eh! Hindi pa naman ako nag-almusal ngayon plus hindi ako nagdinner kagabi kaya naman wala na ngang laman ang sikmura ko, tapos pati utak ko wala na din magiging laman.

Kokopya nalang siguro ako kay Delancy at Julia tutal mga math wizard yang dalawang yan eh. Ewan ko ba? Sa aming tatlo, ako ang pinakabobo. Buti nalang talaga at mga nagpapakopya itong dalawang ito kaya kahit hindi ako makinig kay mam Khaye eh okay lang.

Pero syempre ayoko namang umasa lang sa dalawa sa buong buhay ko sa college noh kaya minsan kapag sinisipag ako ay nakikinig talaga ko sa lesson.

At ngayon nga, makikinig na talaga ako. Kilala ko pa naman itong si mam Khaye.. Everytime matatapos ang discussion niya eh bigla-bigla siyang nagpapa activity. Gusto ko nga sana magreklamo sa kaniya kasi loading pa sa utak ko ang mga tinuturo niya tapos activity agad?

Kaso nga lang nakakahiya magreklamo dahil halos lahat ng mga kaklase ko ay bet na magpa activiy agad si mam Khaye kasi madali lang naman daw.

ANG UNFAIR DIBA????

'KUNG SAINYO MADALI LESSON NATIN SA ALGEBRA PWES SA AKIN MAHIRAP!! RESPETO NAMAN SA MGA KAGAYA KONG BOBO SA MATH!'

Pero joke lang syempre, kahit naman mahirap lesson ni mam Khaye eh kung makikinig ka naman ng mabuti sa kaniya eh magegets mo talaga agad.

Siguro kaya hindi ko siya magets minsan kasi panay tulala ako sa subject niya.

So ang topic ngayon na dinidiscuss ni mam Khaye ay about sa Real Number System. Brief introduction lang sa topic and afterwards, diniscuss niya naman ang different properties of the real number system which are:

Addition property of equality, Subtraction propety of equality, Multiplication property of equality, Division property of equality, Associative property of Addition or Multiplication, Commutative property of Addition or Multiplication, Distributive property, Identity property, and Inverse property.

Napakadaming property diba? Pero hindi pa diyan natatapos. Mayroon pang pahabol si mam Khaye jusko.

At ito ay ang Properties of Equality that consists of Reflexive, Symmetric, Transitive, and Substitution property.

Nakakahilo na yung discussion ni mam kasi ang daming property ang dinidiscuss niya sa amin ngayon samantalang nung diniscuss sa amin yan nung high school ako eh kaunti lang yan!

Ang lalandi naman ng mga property na yan, kada taon dumadami.

Well, buti nalang talaga at may mga examples si mam Khaye sa bawat property para hindi kami malito. Kasi kung babasahin mo parang wala namang pagkakaiba yun sa isa't isa pero siyempre kapag may example na, d'un na sila magkakaiba-iba.

Naging mahaba ang discussion ni mam Khaye kaya kinulang ang three hours niya kaya naman pina assignment niya nalang sa amin yung dapat activity na gagawin namin.

"Nahihilo ako, tae." sabi ko matapos makalabas si mam Khaye sa room namin.

"Ang dami niyang tinuro, wala akong maalala ni isa." sagot naman ni Julia.

Duda ako sa kaniya!

"Nga pala, after nitong class, gora na tayo ha?" pagreremind sa amin ni Julia dun sa bonding kunno nitong si Delancy at Dylan.

"Buti pinaalala mo, muntik ko ng makalimutan." sagot naman ni Delancy habang natatawa-tawa.

"Wala kang maloloko dito, Delancy. Patay na patay ka kay Dylan kaya hindi kapani-paniwalang makalimutan mo yung gagawin natin mamaya noh! Baka nga kagabi ka pa excited eh."

"Inggit ka lang palibhasa hindi ka na pinapansin ni Israel dyan eh!" pang-aasar ni Delancy.

Hindi na ako nag-abala pang awatin sila dahil nanghihina talaga ako. Sino ba namang hindi? CAA ang almusal ko, sinong hindi manghihina dun?

"Teh, matagal na kong naka move-on dyan kay Israel kahit hindi naging kami kaya pwede ba itikom mo na yang pepe mo, hindi na ako affected." inis na bulong ni Julia kay Delancy.

Asus.

Move-on na daw?

"Israel! To---" hindi na natuloy sa sasabihin niya si Delancy nang biglang takpan ni Julia ang bibig niya.

PFFFFT.

Natatawa ko kay Julia. HAHAHAHAHAHAHAHA

"Punyeta ka talaga, Delancy! Gusto mo bang matanggalan ng dila?!" inis na bulong ni Julia kay Delancy pero tinawanan lang siya  nito.

Pati nga ako nahawa na sa pagtawa kay Delancy eh. Bwiset kasi 'to si Julia, laughtrip magalit.

Nahinto lang kami sa pagtawa nang dumating na ang professor namin sa aming next subject. Si sir Rj, ang prof namin sa Buhay at Sinulat ni Rizal.

Hay nako.

Mukhang makakatulog na naman ako sa subject niya ah? Paano ka ba naman kasi hindi aantukin eh nakakaantok naman talaga ang discussion niya. Ewan ko ba kung bakit kailangan naming pag-aralan yang talambuhay ni Rizal eh. Kasama ba yan sa board exam ha?

Pero bigla kong naalala na sinabi ni sir Rj sa amin na may mga maliligaw na tanong nga daw sa board exam namin na tungkol kay Rizal kaya mahalaga talaga na makinig sa discussion niya pero ewan ko ba kasi, ayaw makisama ng kaluluwa ko. Para akong binubulungan sa gilid ni black lady na Wag ka makinig dyan, Magi. Matulog ka lang, matulog ka!

Madalas naman eh sinusunod ko siya pero this time, hindi na pwede. Kailangan magfocus na ako. Kailangan ko ng mag-aral ng mabuti para sa bayan!

So ayun, ang dami na namang chika ni sir na para bang kapitbahay niya si Rizal dahil ang dami niyang nachichismis about dun eh. HAHAHAHAHA kidding aside. Ayun nga, dinefine muna ni sir ang salitang 'hero' at binigyan ito ng tatlong pangangahulugan.

- Hero is a central personage taking admirable part in any remarkable event or action.

- Hero is a man who has distinguished valor, enterprising in danger and fortitude of sufferings.

- Hero is a man honored after death by public worship because of his exceptional service to mankind.

Oh diba? Akala niyo nasa wattpad pa kayo? Hindi na mga besh, nasa online class na kayo at kasalukuyan tayong naglelecture ngayon. HAHAHAHAHA just kidding.

So ayun, mas pinalawig niya pa ang kahulugan na binigay niya about hero hanggang sa maubos ang tatlong oras niya, yung meaning pa din ng hero yung dinidiscuss niya.

Jusko si sir, hindi na nakausad.

Bahala siya dyan. Tamo next week, tatambakan kami nito ng readings.

So after nga lumabas ni sir ng room ay nagsimula ng magsilabasan ang mga kaklase ko dahil wala na din naman kaming next class.

"Dylan, ano na? Tama na landi, tara na!" pag-aya ni Julia sa kapatid niyang nakikipagharutan pa dun sa muse namin na si Mica.

Kung nagtataka kayo kung paano naging magkaklase sina Julia at Dylan gayung magkapatid sila, ganto kasi yan.. Matanda ng isang taon si Dylan kay Julia tapos ang kwento sa akin ni Julia ay nag-ulit daw ng grade one noon si Dylan kasi bumagsak daw si Dylan sa GMRC. Natawa nga ako kasi GMRC nalang binagsak pa.

Nacurious tuloy ako kung gaano ka demonyo si Dylan nung bata siya. HAHAHAHAHA joke.

"Eto na, maganda kong kapatid." sagot nito.

"Oy, saan kayo pupunta? Sama naman ako." pagsingit ni Israel.

Sasagot na sana ako para pumayag kaya lang biglang umeksena si Julia.

"Hindi pwede sumama yung mga taksil na gaya mo." seryoso niyang sabi. Dama mo talaga yung hinanakit niya eh.

"Wala ka pala, pre. Alam mo, uwi nalang tayo. Tulog ka na lang, ganun." sabi naman ni Eli saka inakbayan ito saka saglit na humarap sa samin. "Enjoy." aniya.

Sa akin lang pala siya nakatingin kaya tingin ko, sa akin niya lang yun sinabi. O baka naman assumera lang ako?

Ayyyysssh!

Kaysa kung ano-ano ang maisip ko ay inaya ko na yung tatlo na lumakad na kako kami kasi baka mamaya gabihin ako nito pauwi, mahirap na.

So ayun, lahat talaga nakaplanado na eh. Pinlano talaga namin ni Julia na kay Dylan sumabay si Delancy. Yun ay dahil sinabihan namin si Delancy kahapon na wag na siyang magdala ng kotse. Alam niya ang tungkol dun kaya nga hindi kami nahirapan na paoohin siya kasi at the first place, gusto din niya.

Hindi naman masyadong kalayuan ang pupuntahan naming park. Ilang minuto lang siguro ang binyahe namin at agad din kaming nakarating doon.

"This is it." sabay na sabi namin ni Julia sa isa't isa at napangiti.

Hay nako, Delancy. Siguro kulang pa ang pagluhod mo sa munggo para pasalamatan kami ni Julia!

Matapos maipark ang mga kotse namin sa maliit na parking lot dito sa park ay agad kaming nagtungo sa sinasabi ni Julia na rentahan daw ng bisikleta.

Ay teh, bisikleta? Pilipinong pilipino ka?

So ayun nga, nagrenta kami ng tatlong bike. Isa sa akin, isa kay Julia at ang isa naman ay kina Delancy at Dylan. Syempre, kasama sa plano namin yun. Buti na lang talaga at naniwala si Dylan sa palusot namin na kunyari tatlo nalang yung bike na available i-rent. Kami kasi ni Julia ang nagpunta dun at nagrenta kaya hindi sila aware na dalawa na kasama yun sa plano. Maski si Delancy ay wala ding alam eh.

Insert: Evil laugh

Hindi na din naman nagreklamo pa yung dalawa. Basta sumakay nalang sila sa bike. Si Dylan ang nagmamaneho sa bike samantalang si Delancy naman ang nakaangkas sa kaniya. At ang gaga, jusko. Tuwang-tuwa naman.

Nauna na silang umalis sa amin samantalang kami ni Julia ay nanatili dito at pinagmamasdan yung dalawa na enjoy na enjoy magbike dito sa park.

"Tangina ng ngiti ni Delancy, akala mo nanalo ng house and lot sa Wowowin." natawa naman ako sa sinabi ni Julia at iniwan ko na siya dun at inumpisahan ng magpidal sa sinasakyan kong bisikleta.

Para tuloy akong bumalik sa pagkabata at namiss magbike kasama si Macy. Kasi ito ang bonding time din namin nung nasa Italy pa ako. Tuwing bored siya ay inaaya niya akong magbike, ganon.

Paikot-ikot lang kami sa hindi kalakihang park na ito at minsan nga nakakasalubong ko pa sina Dylan at Delancy. Hindi ko talaga maiwasang mahawa sa ngiti ni Delancy. As in yung ngiti niya na mababakas mo na sobrang saya niya talaga ngayong araw. Eh sino ba naman kasing hindi sasaya kung kabonding mo yung crush mo diba?

At masaya din akong nakikita siyang ganyan kasaya, masaya ako na natulungan ko siyang maging malapit kay Dylan. Yun naman kasi yung gusto niya nung una pa lang, ginawan lang namin ng paraan ni Julia.

Nang maka thirty minutes na kami sa pagbabike at nang makaramdam na ng pagod ay huminto na kami para uminom ng tubig. Grabe kasi yung hingal ko, para akong tumakbo ng kilometrong layo. (insert: yung kantang kilometro ni Sarah G.)

"Sumakit yung binti ko sa kakapidal." sabi ni Dylan matapos niyang makababa sa bisikleta niya at nilapag ito sa sahig. "Feeling ko hindi ko na maramdaman yung dalawa kong binti." dagdag niya pa at nagulat ako nang bigla siyang mahulog sa harapan ko pero buti nalang at nasalo ko siya.

"Ang bigat mo." inis kong bulong saka siya inalalayang maupo sa bench malapit sa amin kaya lang feeling ko ayaw niya kasi ayaw niyang gumalaw sa kinatatayuan niya.

"Dito lang ako, Magi. Hindi ko nga maigalaw yung mga paa ko eh, kulit mo ha?"

Tangina nito. Kung bitawan ko kaya 'to bigla?

"Bakit kasi hindi si Delancy ang pinagpidal mo? Eh di hamak naman na mas mahaba binti nitong babaeng 'to sayo. Tanga ka din eh, nakalimutan mo na namang gumamit ng utak." sabat ni Julia habang busy na umiinom sa baon niyang tubig.

Ni hindi man lang ako tulungan dito kay Dylan sa pagbubuhat.

"Patulong nga, Delancy. Dun ka sa kabilang braso niya. Ang bigat eh." sabi ko kay Delancy.

Agad naman siyang lumapit sa kabilang braso ni Dylan at akmang isusukbit ito sa sarili niya nang ilayo ni Dylan ang braso nito sa kaniya.

"Wag na, feeling ko naman kayang-kaya na ako ni Magi eh. Saka ayokong mahirapan sa akin magbuhat si Delancy. Ayoko siyang makitang pagod."

Kita ko namang nagblush si Delancy dahil sa sinabi nito ni Dylan. Hay nako, malamang kinilig.

"Ah so ako, pwede mo akong pagurin, ganun ba?" inis kong sabi sa kaniya na ikinatawa niya naman.

Lumayo siya sa akin kaunti at tumayo ng tuwid saka harap-harapan akong nginisian.

"Syempre, mas gumaganda ka pag pagod eh."

"TEKA!!!!!!!!!!! NAKAKATAYO KA NAMAN PALA EH BWISET KA!! PINAHIRAPAN MO LANG AKO!!!"

Agad naman siyang humawak sa balakang niya at nagkunwari na namang masakit yun saka siya muling kumapit sa akin.

"Ewan ko ba, kanina nawala na yung sakit sa binti ko pero ngayon naman balakang na ang masakit sa akin." aniya. "ARAY KO PO!" dagdag niya pa.

"Tama na ang palabas, kapatid. Bistado ka na." sabi ni Julia saka binayagan si Dylan pero feeling ko mahina lang naman yun. "Kay Delancy ka dapat dumamoves hindi kay Magi! Naging bobo ka na naman!"

At ayun, nagsimula na silang mag-away na magkapatid habang kami ni Delancy ay pinapanood nalang silang dalawa na magbabag dun.

Matira matibay.

Mayamaya lang, bandang alas kwatro siguro, ay nagpaalam si Delancy na magbabanyo muna. Yes, meron namang public cr dito sa park eh kaya lang medyo malayo yun sa kinaroroonan namn. Habang si Dylan naman ay nakita kong pabalik na dito sa tinatambayan namin. Saglit kasi siyang nagpuntang tindahan para bumili ng tubig. Kinulang daw yung baon niya.

Kami naman ni Julia ay kanina pa pinag-uusapan yung third move ni Delancy kay Dylan na ngayon mismo mangyayari. Hindi siya aware dito dahil sinadya talaga naming hindi ipaalam sa kaniya.

So yung third move namin ay dadalhin namin silang dalawa ni Dylan sa wedding booth na dito mismo sa park nakatayo.

Yes, may iba't ibang booths dito sa park at may mga schedules din. Kaya nga tinatao itong park dahil sa pakulo nilang may pa booth sila kada araw. At nasaktuhan naman na every wednesday ang schedule ng wedding booth kaya timing na timing diba?

At napagplanuhan na din namin ni Julia na siya na ang bahala na magdala kay Delancy dun sa kinaroroonan ng booth at ako na ang bahala magdala kay Dylan. Wala naman ng problema dahil napareserve na namin ito sa pekeng wedding coordinator. Settled na ang lahat, sina Dylan at Delancy nalang ang kulang.

Umalis na si Julia para sunduin si Delancy sa cr habang ako naman ay sinalubong si Dylan. So ngayon, kailangan ko munang magpakaplastik sa kaniya alang-alang kay Delancy.

"May pupuntahan tayo." salubong na bungad ko sa kaniya. Nagulat nga ako na bigla niya akong nginisian na para bang may maitim siyang balak.

"Sa langit ba yan? Okay, sige. Kunin mo na ko ng buong-buo." aniya saka inilahad ang dalawa niyang kamay sa akin.

Hindi ko nalang siya pinansin pa at nauna na sakaniyang maglakad. Kita ko namang sinundan naman niya ako eh kaya goods yan.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya nang makarating kami sa wedding booth. Magtatanong pa nga sana siya pero agad ko siyang itinulak papunta dun sa wedding coordinator para bihisan siya ng damit pang kasal.

Orayt.

Nandito na ang groom, bride na lang ang kulang. Nasaan na kaya yun si Delancy? Wag mo sabihing ngayon pa siya sinumpong ng LBM niya?

"Miss, nasaan na yung bride? Late na siya ng five minutes. Kung walang bride na lilitaw, hindi namin maitutuloy yung kasal." sabi sa akin nung wedding coordinator.

"Nag cr lang po, pabalik na din--"

"Sorry miss, hindi na kami pwedeng maghintay pa ng another five minutes para sa kaniya. Ganito, it's either ikaw ang lumabas na bride o ititigil namin yung kasal. Sayang naman kung ititigil, sayang yung 1k na binayad niyo."

Aba lecheng 'to, nangonsensya pa.

"Ahh kase--"

"Halika na miss, may susunod pa sa inyo. Tama ng nasayang ang limang minuto namin sa inyo." medyo may halong inis na sabi nung wedding coordinator at pilit akong pinapasok sa maliit nilang dressing room at binihisan ako ng gown.

Taena.

Ipinatong lang naman sa akin ang gown at hindi na ko minake-up-an kaya ready to go na ako. Pero bakit kasi ako?

Sinenyasan ako ng wedding coordinator na pumasok na kaya naman wala na din akong nagawa kundi ang magpakita kay Dylan bilang bride niya.

Kita ko naman ang gulat sa mukha niya pero mayamaya lang din ay napalitan yun ng nakakainis niyang ngisi.

Nang makarating ako sa harap ng kunyaring pari ay sinenyasan nito kaming maghawak-kamay kaya kahit labag sa loob ko eh hinawakan ko ang kamay niya. Si Delancy dapat ang may hawak ng kamay niya at hindi ako eh!

"Do you, Dylan Villarosa, take Delancy--"

"Margaret Serrano po, father." pagtatama pa ni Dylan dun sa pari. Hindi pa hinayaang si Delancy nalang banggitin eh kainis!

Pangalan kasi nilang dalawa ang nilista namin ni Julia eh.

"Do you, Dylan Villarosa, take Margaret Serrano to be your wife, to cherish with friendship and love today, tomorrow, and for as long as the two of you live, to trust and honor her, to love her faithfully, through the best and the worst, whatever may come, and if you should ever doubt, to remember your love for each other and the reason why you came together with her this day?"

"Yes, I really do, father."

Bwisit, damang-dama talaga.

"Do you, Margaret Serrano, take Dylan Villarosa to be your husband, to cherish with friendship and love today, tomorrow, and for as long as the two of you live, to trust and honor him, to love him faithfully, through the best and the worst, whatever may come, and if you should ever doubt, to remember your love for each other and the reason why you came together with him this day?"

Saglit akong hindi nakasagot at hinihintay kong dumating si Delancy kaya lang walang Delancy na dumating para tumutol sa kagaguhang kasal na 'to.

"I-I do?"