Chereads / A Love To Last (DWEIYAH series #1) / Chapter 12 - CHAPTER 11

Chapter 12 - CHAPTER 11

Agad kong hinablot sa kaniya ang cupcake na kinuha niya sa akin pero pilit niya itong nilayo sa akin.

GRRRRR.

Nang-aasar ba ang lalaking 'to?!

Sinubo niya na yun ng buo saka ako tinignan habang nakangisi.

"Ano? Kukunin mo pa?" aniya habang ngumunguya.

Kadiri.

Napakabwiset niya talaga kahit kailan!

"Tingin ko naman, Delancy ay nagustuhan ni Dylan yung cupcake na binigay mo para sa kaniya.. Kaya, umuwi na tayo. Baka may masuntok ako dito nang di oras."

Tumango siya sa akin saka saglit na tumingin kay Dylan..

"Una na kami, Dylan.. Sana nagustuhan mo yan. Pinaghirapan ko yan gawin para sayo."

Hindi ko na pinakinggan pa ang sunod nilang pinag-uusapan dahil nauna na ako sa kanilang lumabas.

Ang dami nilang chika, wala namang mga kwenta.

Pagkalabas ko ng classroom ay kusa kong naalala yung nangyari kanina.

Hindi naman ako nakaramdam ng kilig dun kasi bakit ko naman kailangang kiligin sa nangyari? Kinagatan niya lang naman yung cupcake ko kaya dapat imbes na kiligin ay dapat mainis pa nga ako sa kaniya eh.

Pagkain ko yun tapos kakainin niya??? Ang kapal naman talaga ng pagmumukha niya! Nahiya yung kapal ng encyclopedia sa kaniya eh!

Teka nga..

Bakit ba ko galit na galit dito? Para namang affected ako masyado?

Luh? Asa naman. Patawa ka Magi ha?

Marahas kong iwinilig ang ulo ko dahil puro masasamang ideya na naman ang pumapasok sa isip ko.

Nakakainis naman, bakit ko ba kailangang isipin yun ng isipin?

'Boomerang ka teh?'

-

Kakatapos ko lang kumain ng hapunan at as usual, ako lang mag-isa ang kumain. Hindi ako sinabayan ni mommy dahil sa parehong dahilan..

Busy daw siya sa trabaho.

Palagi nalang siyang busy sa trabaho pero pagdating kay Macy, ang dami niyang free time.

Sabihin niyo ng ang laki ng inggit ko kay Macy kasi sino ba namang hindi diba? Nasa kaniya kasi palagi atensyon nina mommy at daddy, hindi man lang ako maambunan kahit kaunting atensyon man lang.

Well, bakit nga ba napunta dun yung pinag-uusapan? Ayoko na nga sanang isipin yun dahil sasakit lang ang ulo ko.

Sumakit na nga ulo ko kakaisip dun tapos wala din namang mangyayari.. Wala din namang magbabago, hindi pa din ako mahal ng mga magulang ko, period!

Hayyy.

Imbes na mag-isip ng negative thoughts ngayong gabi ay naisipan kong mag-open ng facebook sa kakabili ko lang na macbook.

Taena sis, ang mahal ng bili ko dito kaya alagang-alaga 'to sa akin.

Iniiskincare ko pa 'to. Di bale ng ako na ang maraming gasgas sa mukha wag lang 'tong macbook ko!

Joke lang syempre. Sayang ang micellar water kung ipupunas ko lang dito noh? Ano ba 'to chix?

*ting *ting *ting

Sunod-sunod na notifications ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng facebook account ko.

Teka nga? Isang taon na ba noong huli akong nagbukas ng facebook ko? Grabe kasi sa notifs eh.

300+ na ang friend requests ko samantalang noong nakaraang tingin ko dito ay 20+ nalang kasi nag-accept ako nun eh tapos ngayon ang dami na naman.

Ia-accept ko tapos mga display naman. Hindi man lang mga marurunong magreact sa post!

Nagscroll lang ako sa mga nakatambak na requests sakin at kasalukuyang naghahanap ng pogi nang biglang makita kong inadd ako ni Eli.

Elias dela Peña sent you a friend request.

Inistalk ko nga..

Wow. Impernes sa kaniya dahil famous siya sa facebook. Hindi naman na nakakagulat yun since sikat siya sa campus, I mean sikat yung banda nila.

Mapapa sana all ka nalang talaga eh. Sana all umaabot sa 1k reacts ang profile picture diba?

Ako kasi hanggang 300+ lang ang kaya. Pero okay lang yun, wala naman akong hinanakit dun basta ang importante eh maganda ako.

Hindi ko pa siya ina-accept dahil tinitignan ko pa yung mobile uploads niya hanggang sa may nakita kong picture na nagpahinto sa akin sa pagsoscroll.

"Magkakilala sila ni Macy?" bulong ko sa sarili matapos kong makita yung picture nilang dalawa na magkasama.

I think this was captured in Italy. Bata pa si Macy dito, I think 16 years old pa lang ganon.

"Happy second monthsarry, love. 🥰😍🤪💖💝💘💕❣️💋🙊" pagbasa ko dun sa caption ng post.

Putangina.

Hindi ko mapigilang tumawa, hayop na Eli yan!

Hindi halata sa pagkatao niya na dati pala siyang jejemon. Bwiset talaga!

Bigla ko tuloy naisip, kung pera lang ang emoji, ang dami niya ng nasayang.

Ewan ko ba kung natural lang talaga sa tao na maging jejemon. I mean, bakit ako? Hindi ko naman naranasan maging jejemon sa buong buhay ko?

Well yeah, syempre joke lang yun. HAHAHAHAHAHA

Asa namang hindi ko pinagdaanang maging jejemon dati noh!

Naalala ko bigla nung mga panahong grade 6 yata ako tapos may facebook account na ko non, jusko tuwing may memory sa facebook na lumalabas way back 2013 or 2014 ba yun? Basta tuwing lumalabas sa memory yung mga post ko during that time eh mapapatanong nalang talaga ako sa sarili ko kung ako ba nagpost nun or what.

Like ito..

'Umuulan ngayon, kasi bagyo...Hindi tuloy kami makakapagquiz sa math....Hayssss! #geniusproblem #mahalkitaerick

Oh diba ang jeje ko? Pati ba naman sa facebook post eh hinahashtag ko yung pangalan ng crush ko?

Hays. Ganyan kasi ako kaloyal!

By the way yung Erick, siya si Alec. Diba nga nakilala ko siya nung elem ako, tapos that time hindi ko kasi alam ang pangalan niya..

Kaya ayun, ginawan ko muna siya pansamantalang pangalan that time habang hindi ko pa alam ang name niya.

Katunog naman eh diba?

*ting

Nagulat ako nang biglang may magpop-up sa messenger ko.

Nang tignan ko ito ay chat ito mula kay Eli.

: Uy, Magi!

Ha? Close tayo? Char.

Bakit kaya niya ko biglang chinat?

: Uy, Hi!

: Busy ka ba ngayon?

: May ipapadinig lang sana ako sayong kanta, gusto ko lang sana malaman yung reaction mo.

: Ah, okay.

: Sige lang, papakinggan ko.

: Elias sent a voice message.

Just a smile and the rain is gone

Can hardly believe it, yeah

There's an angel standing next to me

Reaching for my heart

Just a smile and there's no way back

Can hardly believe it, yeah

But there's an angel calling me

Reaching for my heart

I know that I'll be okay now

This time, it's real

I lay my love on you, it's all I wanna do

Every time I breathe, I feel brand new

You open up my heart

Show me all your love and walk right through

As I lay my love on you

Takte ka naman, Eli. Bakit ang ganda ng boses mo?

Alam niyo yun? Malalim kasi boses ni Eli eh pero kapag kumanta na siya, as in ang ganda talaga ng boses niya.

Naalala ko na ganito din yung reaksyon ko nung una kong napakinggan yung boses ni Eli noong nasa may kubo kami..

Same feeling.

Everytime I hear his voice, feeling ko para akong lumulutang sa alapaap.

: Maganda yung boses mo, hindi naman na yun nakakagulat kasi vocalist ka ng banda niyo. Ang sarap lang talaga pakinggan ng boses mo. Walang halong plastik ha? Seryoso ako.

: Salamat, Magi. 😅

✔Seen.

Nag-out na din ako after ko mabasa yung last chat sa akin ni Eli. Wala naman na kasi akong balak makipagchikahan sa kaniya dahil unang-una, hindi kami close.

Well, nag-uusap nga kami pero alam niyo yung feeling na hindi ako comfortable na kausap siya na parang close friend kami?

Para sa akin kasi, hindi kami magkavibes ni Eli. Lalong-lalo na sa itsura niya, mukha kasi siyang suplado na tipo ng lalaki and dun pa lang, matatakot ka na talagang kausapin siya kahit pa siya na mismo yung gumagawa ng paraan to start a conversation with you.

Teka nga, tama na ang masyadong maraming chika. Alas nuebe na din kaya kailangan ko ng matulog.

Saka isa pa, ang tanga ko at ngayon ko lang naisip na bakit hindi ko nausisa sa kaniya yung tungkol sa kanila ni Macy. Hay nako, ngayon ko lang naalala kung kailan namang kaka offline ko lang.

Nakakatamad mag open ulit kaya next time nalang siguro.

-

Maaga akong natulog kagabi kaya naman maaga din akong nakapasok ngayon.

Well, mas mainam ng maaga kaysa naman late diba? Ako sa totoo lang, ayoko na din talagang malate sa klase eh kasi ayoko ng maulit yung nangyari sa akin nung nalate ako sa klase ni mam Lori. Tapos partida, first day of classes nun ha?

Kaya nga ngayon sinasanay ko na yung sarili ko na matulog na lagi ng maaga. Basta ang pinakalate na oras ng pagtulog ko ay 9pm.

Speaking of maaga, nadatnan ko si Lerisse sa room. Nakakapagtaka na pumasok din pala siya ngayon ng maaga.

Natapat pang kaming dalawa lang ang nandito sa loob ng room.

Balak ko nga sanang dumiretsyo nalang sa cafeteria kaya lang huli na kasi nakita niya na ako na nasa may pintuan kaya imbes na umatras ay dumiretsyo nalang ako papasok saka naupo sa upuan ko.

Hangga't maaari ay ayoko talaga siyang pansinin.

"Sayang noh? Hindi ka pa natuluyan." aniya.

Hay nako. Kung sisimulan niya ako, bahala siya dyan kumausap sa hangin.

"Sana hindi ka nalang tinulungan ni Dylan, edi sana ngayon sa burol mo ako ngayon dumadalaw."

Nagkunyari nalang akong nagsoscroll sa fb para iparating sa kaniyang hindi ako nakikinig sa sinasabi niya at wala akong pakialam.

"Alam mo, Magi.. Sana hindi ka nalang nabuhay. Kasi alam mo, nakakaawa ka. Hindi ko nga alam kung bakit mo pa din nasisikmurang mabuhay gayung hindi ka naman mahal ng mga magulang mo eh. Bakit ka nga ba nila mamahalin? Eh puro kamalasan lang naman ang dinadala mo. Tapos ngayon, nandito ka sa campus para ano? Para magdala naman ngayon ng kamalasan sa akin? Alam mo, kung ikaw ang magiging dahilan para hindi ko makuha si Dylan, aba mapipilitan akong saktan ka talaga para naman matauhan ka at magkusa kang umalis na dito."

Hindi na ako nakapagpigil pa sa mga sinasabi niya.

Sumosobra na siya.

"Unang-una sa lahat, paano mo naman nasabing hindi ako mahal ng mga magulang ko? Ako ba talaga o baka naman ikaw? Igaya mo ko sayo? Yuck! Mahal ako ng magulang ko, dahil walang magulang na hindi mahal ang mga anak nila! Wag mong igaya ang mga magulang ko sa mga magulang mo, okay?! Saka alam mo, sumosobra na yata yang pagkachismosa mo! Alam mo, matagal na akong nagtitimpi sayong awayin ka eh. Nagtitimpi ako kasi ayokong magkaroon ng gulo pero kung patuloy ka sa pagsisimula ng gulo.. Edi sige! Bibigyan kita ng gyera!"

Natatawa ako sa sinasabi ko dahil hindi lang si Lerisse ang niloloko ko kundi pati ang sarili ko.

'Mahal ka ng mga magulang mo, Magi? Kailan pa?'

Mabuti nalang talaga at kaming dalawa pa lang ang nandito ngayon sa loob ng classroom.. Nakakahiya kasi kung maabutan ng iba naming mga kaklase na ganito kami. Baka may maglakas pa sa kanila ng loob na magsumbong edi ang ending eh napaguidance pa ako?

"Ang kapal naman ng mukha mong magsalita ng ganyan na para bang ang dami mong alam sa buhay ko?! How dare you?! Naalog ba yang utak mo at hindi ka na aware na ako, si Lerisse, ang kinakalaban mo?"

"Wala akong pake kung sino ka man. Kapag alam kong nasa mali ka, hindi talaga ako magdadalawang-isip na kalabanin ka."

"Baguhan ka lang dito, Magi kaya ang tapang mo—" napahinto siya sa sinasabi niya nang biglang pumasok sa pintuan ang masamang mukha ni Julia.

"Ang aga-aga niyo namang nagdedebate! Ano ba yang topic niyo? Pasali nga." aniya saka dumiretsyo siya sa upuan katabi ko.

"Wala, wag mo nalang pansinin yung isa diyang saksakan ng papansin." bulong ko sa kaniya.

"Ano na naman bang ipinuputak ng pepe mo, Lerisse? Umagang-umaga ang ingay-ingay mo ha?" napailing nalang ako sa kanya.

Sinabing wag na pansinin eh.

"Sumbungera ka na pala ngayon, Magi?" aniya saka ako nginisian. "Yan kasing kaibigan mo, masyadong pabida. Tinatatak ko lang sa isipan niya na hindi niya sa akin pwedeng agawin si Dylan. Ang kulit kasi eh, naubos na yata braincells kaya ganon."

Tanginang ngisi yan. Mas maganda pa ngumisi sa kaniya aso eh.

"Ang aga-aga mo naman akong pinapatawa, Lerisse! Si Dylan lang ba ang dahilan kung bakit ka talak ng talak dyan? Eh kung ganon mamaya gawin mong tanghalian bayag ni Dylan. Ano okay ka na? Titigil ka naman na siguro noh? At saka wag kang magmatalino! Gagang 'to! Alam mo ikaw, nahulog ka yata sa kama nung baby ka eh kaya ayan, lumaki kang bobo. Wag ka na mag-aral ha? Magiging bobo ka lang din naman."

Tameme ang ate niyo. HAHAHAHAHAHAHA ang sarap niyang tignan ngayon.

Yung ngisi niya kanina biglang nawala eh.

Iba talaga kasi kapag si Julia na ang nagsalita, talagang tatameme ka nalang bigla.

Pero ewan ko, hindi ako totally masaya. Kasi alam niyo yun, parang lumabas na namang ako yung mahina.

Pinagtanggol na naman ako ni Julia kay Lerisse. Bakit ganon? Bakit ba kasi hindi ko kayang depensahan ang sarili ko kay Lerisse? Kailangan nalang ba talaga na lagi akong aasa sa ibang tao para lang ipagtanggol ako?

Nakakainis naman.

Mayamaya lang din ay unti-unti na ding nagsidatingan ang mga kaklase ko kaya naman nawala na din yung nabuong aura ng away namin ni Lerisse kanina.

"First time mo yatang nauna sa akin ngayon, Magi." bati sa akin ni Delancy na halos kakarating lang.

Bakas yata ngayon sa mukha niya na sobrang saya niya? Bakit kaya?

"Sana all happy, Delancy." sabi ko sakaniya at ang gaga naman, ayan, todo kung kiligin.

"Sabay kasi kami ni Dylan pumasok." aniya saka umaktong sumisilip sa likod ko kung saan nakapwesto si Dylan..

Ay teh? Masyado ka ng malandi.

"Wag kang masyadong magpakagaga dyan, Delancy. Talagang sinabihan ko si Dylan na sabayan ka kaya wag kang assuming ha?" singit naman ni Julia.

Napapansin ko lang na kanina pa lukot ang mukha nito. Bakit kaya?

"Inggit ka lang, Julia. Saka hindi ako maniniwala sayo, bakit ako maniniwala sa sinungaling ha?"

Kita ko namang parang mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Julia sa sinabi ni Delancy.

Uh-oh.

I think hindi na 'to simpleng asaran lang.

"Umagang-umaga, Delancy ha! Wag mo kong sinusubukan. Hindi na ko natutuwa sa mga nangyayari, please lang, wag mo ng dagdagan." walang emosyong pahayag ni Julia.

Kita kong pilit siyang nagtitimpi ng galit..

"Wala namang mangyayaring away kung hindi mo sinimulan diba? Ako maayos akong nagkukwento dito kay Magi ng nangyari kanina pero anong ginawa mo? Sumabat ka diba? Hindi ka naman kasi kausap pero ang hilig hilig mong makisabat. Yan kasi problema sayo, Julia eh! Pwede ba ayusin mo yang ugali mo kasi minsan hindi ka na nakakatuwa!"

OMG.

What to do?

Bakit naman nakisabay pa itong dalawang 'to?

"Sorry naman ha? Ako kasi nasa gitna niyong dalawa eh. Malamang maririnig at maririnig ko yang mga chika niyo kasi nasa gitna kaya ako. Saka bakit ka ba ganyan ha? Bakit ba palagi mong pinaparamdam sa akin na kayo lang ni Magi ang magkaibigan at ako? Ano ako? Hindi ba ko belong sa friendship na 'to ha? Bakit kay Magi ka lang nagkukwento samantalang kaibigan mo din ako diba? O baka naman hindi talaga kaibigan ang turing mo sa akin? Napipilitan ka lang pakisamahan ako dahil kay Magi tama ba?"

"Guys." pag-awat ko sa kanilang dalawa. Medyo agaw-pansin na ang pagtatalo nilang dalawa dito eh. "Kalmahan niyo lang, okay? Mamaya na natin 'to pag-usapan sa labas." sabi ko at humarap kay Julia. "Palit muna tayo upuan ngayon ha?" pumayag naman siya sa aking makipagpalit.

Hayy nako.

Paano ko kaya sila mapag-aayos na dalawa?

At yun lang ang tumakbo sa isip ko sa tatlong oras na lecture namin.

Oo, hindi ako nakinig sa klase sa kakaisip kung paano ko sila mapagbabati.

Kasi ba naman, bakit ba ngayon pa sila nag-away? Para silang mga isip bata sa totoo lang.

Mabuti nalang talaga at napakahaba ng discussion namin ngayon sa purposive communication at naubusan si mam Kams ng oras para magpaquiz kaya next meeting nalang yung quiz namin.

Manghihingi nalang siguro ako ng notes sa mga kaklase ko..

At eto na nga, vacant time na namin kaya naman inaya ko yung dalawa sa cafeteria dahil nagugutom ako at sigurado akong mas magugutom ako lalo sa pakikinig sa sumbatan nilang dalawa.

Nako sana naman wala ng part two.

"Wag na kayo mag-away, utang na loob. Wag niyo ng patagalin 'to. Ikaw Julia.." sabi ko saka hinarap si Julia. "Hindi mo kailangang kwestyunin kung totoo ba na kaibigan ang turing sayo ni Delancy or hindi kasi isipin mo ha? Elem pa tayo naging magkakaibigan tapos ngayon mo naisip na pinaplastik ka niya? Ngayong ang tagal na ng pinagsamahan nating tatlo? At ikaw naman, Delancy.." sabi ko naman saka hinarap ang katabi kong si Delancy.

"Kung magkukwento ka, isali mo kasi si Julia para hindi na siya ganyang nagtatampo. Para hindi niya na din isipin na sa akin mo lang gustong magkwento. Natural lang naman kay Julia na magtampo siya kasi feeling niya kaya ka hindi nagkukwento sa kaniya kasi baka ayaw mo talaga siyang maging kaibigan. Natural lang na iisipin niyang napipilitan ka lang na pakisamahan siya dahil sa akin kung patuloy na magiging ganun ang action mo..

Actually, parehas naman kayong may mali sa isa't isa kaya hindi niyo na kailangang mag-away, okay? Saka isa pa, tayo tayo nalang magkakaibigan eh kaya mag-aaway-away pa ba tayo? Wag ganun ha? Alam niyo namang mahal ko kayo kaya ayokong may sama tayo ng loob sa isa't isa. Magbati na kayo, please lang."

"Pinaghandaan mo ba yang napakahaba mong speech kanina ha? Kaya ka pala tulala at halatang hindi nakikinig, yun pala may pinagkakaabalahan ng utak mo." natatawang sabi ni Julia saka niya tinignan si Delancy. "Okay fine, alam kong may mali ako kaya sorry na Delancy. Sakto lang kasing bad mood ako kanina kaya ayun, pati ikaw napagbuntunan ko ng galit ko."

Kita ko namang napangiti si Delancy at hinawakan ang dalawang kamay ni Julia.

"Okay lang, basta sana hindi na maulit. Mahal ko kayong dalawa." aniya saka saglit akong tinignan. "Bakit ka pala bad mood kanina?" pag-uusisa niya kay Julia.

Yun din talaga ang kanina ko pang gusto itanong kay Julia eh.

"Dahil kay Dylan.

Nahuli ko siyang ginagamit yung sabon ko sa mukha na panghugas sa pwet niya. Tangina diba? Sinong hindi  masisira ang araw don?!"

Ewan ko pero sabay kaming natawa ni Delancy sa kwento niya.

Hanep!

Dahil lang sa sabon?

"Wag niyo akong pagtawanan! Seryoso ako! Tangina mga teh! Araw-araw kong pinanghihilamos sa mukha yun tapos malalaman ko pinanghuhugas niya sa pwet niya? Napakababoy!"

"Itago mo kasi ng maigi yung sabon mo." sabi ko.

"Kaya pala malambot yung pwet ni Dylan, kasi alagang Nivea." natatawang sabi naman ni Delancy.

Gulat kaming napatingin ni Julia sa sinabi niya.

"NAHAWAKAN MO NA PWET NI DYLAN?" sabay naming tanong sa kaniya at ang gaga naman, parang gummy worms na kinikilig.

"Hindi ko naman sinasadya eh. Pero dampi lang naman saka feeling ko hindi niya yun napansin."

Grabe siya.

"Ang manyak mo dumamoves ha?" sabi sa kaniya ni Julia.

Kita ko namang sinamaan siya ng tingin ni Delancy.

Hayy.

Bago pa man magkaroon ng world war II ay umawat na agad ako sa kanila at nagdesisyong mag open nalang ng ibang topic.

"Ano palang second move mo kay Dylan? May naiisip ka na ba?" tanong ko kay Delancy.

Napatigil naman siya sa pagkain sa sinabi ko.

Malamang wala pa 'to naiisip.

"Ako may naiisip." sagot ni Julia. "Ganito gawin mo ha? Maniwala ka sa akin dahil kapatid ko yan si Dylan, alam na alam ko kiliti niyan.

So eto, may nabasa ako sa internet na relationships are better if it starts from being friends. Para sa akin, wag mo muna madaliin ang mga bagay bagay sainyo ni Dylan, kumbaga magsimula ka sa basic. Slowly but surely. So eto, una mong kailangan gawin ay makaclose siya so kailangan mong makipagbonding sa kaniya.

Bilang kapatid ko siya, ang quality time namin palagi ay biking. Nagpupunta kami sa park malapit sa amin para magrenta ng bike at makapagbisikleta. At yun ang gawin niyo.

Para naman hindi awkward sa inyong dalawa na kayo lang magbabike eh sasama kami ni Magi. Ano? G?"

"Game." masayang sabi ni Delancy.

Nakikita ko sa mukha niya na excited na siya kaya masaya na din ako para sa kaniya.

-

After namin mapag-usapan yun ay bumalik na din kami sa classroom dahil naaamoy kong may prof na.

At hindi naman ako nagkamali dun. Naabutan nga namin na nasa loob na si sir Aaron pero buti nalang talaga at good mood siya ngayon kaya hindi niya kami tinalakan ng bonggang bongga.

As usual naman sa subject niya, konting lesson then the rest puro siya chika tungkol sa buhay niya. Nahiya pa nga siya na ishare yung buhay niya sa Magpakailanman eh.

Baka ayaw sumikat ni sir.

Basta yun, teacher kasi namin siya Filipinolohiya at puro siya pareport. Akala mo naman eh high school student pa kami.

Pero sabagay, kahit naman nga pala sa college ay hindi nawawala ang reporting lalo na at educ student nga pala kami. More on presentation talaga sa klase para mapractice yung teaching skills namin.

So ayun nga, nag discuss lang siya ng napakakonti kasi tinatamad daw siyang magdiscuss then after non ginrupo niya kami into ten groups eh since 42 kami sa klase, edi 42 divided by 10 edi yung walong grupo ay may apat na myembro habang yung dalawang grupo naman ay may limang myembro.

Binigyan niya kami ng copy ng report namin and then ipepresent daw namin yun next meeting.

Since next week pa naman ulit namin siya makikita kaya ang sinabi ko nalang sa mga kagrupo ko eh usap usap nalang kako kami sa gc namin at dun nalang namin pagmeeting-an yung mga gagawin namin.

Wala kasi akong gana mag-isip ngayon at paganahin ang utak ko kasi ewan ko ba, bigla nalang akong nakaramdam ng antok. Para bang sinaniban ako ng kaluluwa ni Yuwi at biglang gusto ko nalang matulog.

Right after madismiss kami ni sir Aaron ay uwian na kaya naman pagkadating din namin nina Julia sa parking lot ay naghiwa-hiwalay na kami at nagkani-kaniya ng sakay sa mga kotse namin.

Habang nagmamaneho ay nakaramdam ako ng pagkaantok kaya naman agad kong pinlay ang radio sa kotse ko para naman hindi ako antukin.

Hindi ako pwedeng antukin teh dahil dadaan pa ko sa botika kasi nagtext sa akin si mommy na bilhan ko daw siya ng gamot sa ubo.

Ayan kasi, work pa.

Bigla ko namang napansin na ang tugtog pala sa Barangay LS ay ang fav band ko na the cab.

We all need something to believe,

The words we say before we sleep.

Close my eyes and she's my dream,

She's the truth inside the world of lies.

Keeping all my hope alive,

Never going to say goodbye.

'Cause I see the stars in the freckles on her face.

And I'm seein' God every time she says my name.

So, mother Mary, pray for me,

Without her I'm so lost.

Her love is my religion.

Her love is my religion,

It's my religion,

It's my religion.

I said her love is my religion,

It's my religion,

It's my religion,

I said her love is my religion,

It's my religion,

It's my religion.

'Cause I see the stars in the freckles on her face,

And I'm seein' God every time she says my name.

So, mother Mary, pray for me,

Without her I'm so lost

Her love is my religion.

I said her love is my religion,

It's my religion,

It's my religion.

I said her love is my religion,

It's my religion,

It's my religion,

It's my religion.

Isa talaga ang kantang 'to sa pinakafavorite song ko na kinanta ng The Cab.

Very inspiring.

Lalo na kapag binasa mo ng maigi at dinama yung bawat sinasabi sa lyrics.

Napasimangot naman ako nang biglang magpatalastas yung radyo. Nakakainis, akala ko may next pa.

Hindi bale, nandito na din naman ako sa botika kaya kailangan ko na ding bumaba.

Pagkadating ko dun ay bumili na agad ako ng kailangan ko at handa na sanang umalis nang may pumigil sa braso ko.

Si Alec..

"Pwede ba tayo mag-usap saglit?" hindi ko siya sinagot pero tinanguan ko nalang siya.

Nagpunta kami sa isang katabing coffee shop ng botika na pinanggalingan ko.

Leche pa 'tong coffee shop na 'to kasi trip yata nilang magpatugtog ng mga pansenti na mga kanta.

Like yung pinapatugtog ngayon na 'Love in mysterious way' ni Nina. Kaasar.

Umorder lang ng dalawang tasa ng kape si Alec at hindi niya na ito pinabayaran sa akin.

Aba mahiya siya. Isang tasang kape hindi niya pa kayang mailibre sa akin? Pagkatapos niya akong saktan?

HAHAHAHA joke.

"Dumating kasi yung balita sa akin na crush mo pala ako kaya naman ito, nagkusa na akong makipag-usap sayo para sabihin na—"

"Hindi mo na ko kailangan pang pakiusapan na itigil ko na 'tong feelings ko para sayo kasi aware naman ako na may girlfriend ka na. Diba nga napag-usapan natin yun kahapon saka ang tanga ko naman diba kung ipagpapatuloy ko na gustuhin ka kahit may girlfriend ka na.. Ano yun? Kung gagawin ko yun, sasaktan ko lang yung sarili ko diba?"

Oo natatawa ako, pero alam kong alam niya na peke lang yung saya na pinapakita ko sa kaniya.

Dahil sa totoo lang, gusto ko na namang maiyak. Kasi akala ko nakalimutan ko na siya eh, akala ko nawala na yung sakit pero nagkamali ako...

Nakalimutan kong hindi pala ordinaryong sugat 'to na ilang araw lang ay pwede ng maghilom.

Gusto kong kontrahin niya ako. Gusto kong sabihin niya na wag kong itigil 'to. Gusto kong sabihin niya na 'sige lang Magi, mahalin mo pa din ako. Gustuhin mo pa din ako kasi handa akong gustuhin ka pabalik.'

Pero—

"Hayaan mo, alam kong mahahanap mo din yung lalaking para sayo. Someday, lahat ng sakit na nararanasan mo ngayon ay mapapalitan ng saya at swerte. Basta magtiwala ka lang. Maganda ka, mabait, matalino.. Hindi ka mahirap mahalin, Magi."

Napangiti ako ng mapait sa sinabi niya. Siguro kaya mapait yung ngiti ko kasi ang pait ng kapeng sinerve sa akin ng waiter eh.

Joke lang.

Pero nalungkot ako sa sinabi niya.

Ano daw?

Hindi ako mahirap mahalin? Pero bakit yung mga magulang ko eh hirap na hirap gawin yun sa akin?

(Kinalimutan kahit nahihirapan

Para sa sariling kapakanan

Kinalimutan kahit nahihirapan

Mga oras na hindi na mababalikan)

Pinagtagpo

Ngunit hindi tinadhana

Puso natin ay hindi

Sa isa't-isa

Ayos ah? Saktong sakto yung kanta! Tanginang coffee shop 'to. Ipaalala niyo lang sa akin na after 10 years may susunugin akong coffee shop ha?

Ang sarap sumigaw dito na "OO NA! TANGGAP KO NA OKAY? PINAGTAGPO LANG KAMI PERO HINDI KAMI TINADHANA! ANO? ULIT ULIT? BOOMERANG KAYO HA?!"

Nakakainis—

"Kumalma ka, Magi." natatawang sabi ni Alec at pilit akong pinapaupo.

Putangina!

Talaga palang naisigaw ko yun ng totoo?!