Bigla akong nanghina sa kinatatayuan ko habang nakapako pa din ang paningin ko sa kanilang dalawa.
Parang biglang nilamon ng lupa ang lakas ko at hindi ko na alam kung paano tumayo ng tuwid.
Muntik na nga akong matumba dito pero buti nalang ay agad akong naalalayan ni Delancy.
"Uyy, ano nangyari sayo?" nag-aalala niyang tanong sa akin ngunit hindi ako sumagot.
Pakiramdam ko maski boses ko ay bigla nalang din naglaho.
"Magi?" muli niyang tugon.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yumakap sa kaniya at umiyak sa balikat niya.
Hindi na kaya ng sistema ko 'to. Ang sakit sakit na.
Bakit sa lahat ng lalaki? Bakit si Alec pa yung pinagpalang magkajowa? At ang masaklap, hindi ako yun.
Nakakainis.
"Maupo ka nga at magsalita. Ano ba kasing nangyari ha?" aniya matapos akong alalayang umupo sa likod ng malaking puno kung saan kami nandoon.
"Nandyan si Alec." sabi ko.
Kita ko namang napalingon siya sa likod ng puno kung nasaan ang playground.
Mayamaya lang din ay nagulat siya sa nakita. Siguro nakita niya na nga si Alec na may kasamang babae.
"Girlfriend niya ba yun?" nagtataka niyang tanong sa akin. Para namang masasagot ko siya.
"Ang sweet nila masyado para maging magkaibigan lang." sagot ko at mapait na napangiti habang pilit pinupunasan ang luhang ayaw tumigil sa pagpatak. "Tanga ko din eh. Hindi ko naisip na posibleng may girlfriend naman na talaga si Alec kasi ang perfect niya, boyfriend material kaya hindi kaduda-dudang taken na siya. Inuna ko kasi landi ko kaya ito napala ko."
Agad naman siyang lumapit sa akin at pilit akong pinapakalma.
"Wag kang ganyan mag-isip, Magi. May mga tao talagang pinagtatagpo ngunit hindi nakatadhana sa isa't isa. Imbes na umiyak ka d'yan, maging masaya ka nalang para sa kanila."
Ang dali lang para sa kaniyang sabihin 'yan kasi hindi siya yung nahihirapan. Hindi siya yung nasasaktan.
Gustuhin ko man na kalimutan nalang si Alec; kalimutan itong feelings ko para sa kaniya kaya lang parang hindi ko kaya. Parang matatagalan pa siguro bago yun mangyari.
Naging crush ko siya simula pa noong bata kami. Noong nakita ko siyang nagpipinta..
Hindi na ako nagkaroon ng ibang crush bukod sa kaniya. Hanggang ngayong adult na ko, siya pa din ang gusto ko.
Well, nagkaroon din naman pala ako ng crush nung high school ako. Noong nasa Italy but what I mean is, sa lahat ng naging crush ko, si Alec ang PINAKA.
Kaso nga lang, huli na ako.
Siguro tama nga si Delancy. Siguro kailangan tanggapin ko na lang na hindi kami para sa isa't isa ni Alec..
Normal lang naman na mahirap gawin sa una ang pagmumove-on pero sa tingin ko naman, kung pursigido ka talagang makalimutan yung tao eh magagawa mo din yun nang hindi mo namamalayan.
-
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway patungong classroom namin nang biglang may napansin akong nakalahad na panyo sa harap ko.
Napahinto ako at tinignan kung kanino yun galing..
"Eli?" bulong ko.
Teka, bakit ang aga-aga naman niyang nang-iistorbo? Char.
Hindi siya sumagot bagkus nagkusa ang kamay niyang may hawak ng panyo na punasan ang..
Ang bibig ko?
"May panis na laway ka pa yata." natatawa niyang sabi. "By the way, good morning."
Nakakapagtaka naman at bigla bigla siyang nakikipag-usap sa akin.
"Good morning." sagot ko.
Sabay kaming naglakad papuntang room nang bigla siyang magsalita.
"Hinahangaan kita, Magi." aniya. Napahinto siya sa paglalakad kaya naman huminto na din ako at hinarap siya. "Hinahangaan kita bilang isang babae. Wala naman talagang katangian mo na nakaka attract para sa akin pero alam mo yun? Na a-attract ako sayo sa hindi ko malaman na dahilan. Siguro dahil kahit ang dami mong problemang kinakaharap ay nananatili kang nakangiti at pinipilit ang sarili mong maging masaya kahit na wala ka naman ng dahilan para maging masaya.
Nakwento kasi sakin ni Julia yung tungkol sa family mo. Actually, pinilit ko talaga siyang ikwento sa akin yun dahil sobrang curious ako sa pagkatao mo, Margaret."
Did he just call me Margaret?
At saka bakit naman niya kailangang maging curious sa pagkatao ko? Bakit kailangan niyang malaman ang lahat ng tungkol sa akin?
Hindi na ko magugulat kung pinabackground check na ko nitong si Eli.
Mukha ba kong kriminal para pag-imbestigahan niya?
"Wag kang masyadong mag-isip ng kung ano-ano. Curious lang talaga ko sayo."
Napatango nalang ako sa sinabi niya kasi mukhang wala namang ibang ibig sabihin yun eh.
Nagpatuloy na din kami sa paglalakad papunta sa classroom namin.
Buti nalang pagdating namin dun ay wala pang prof dahil na din sa naabutan naming nagkakagulo pa ang mga kaklase namin.
Sari-sarili silang kumakalap ng mga chismis sa campus.
"Nabalitaan ko yung nangyari kahapon. Condolence, Magi." bungad ni Julia pagkaupong pagkaupo ko.
"Anong condolence? Sinong namatayan?" sabat naman ni Delancy.
"Yung puso ni Magi, malamang! Hay nako Delancy, ginagamit ang utak ha hindi dinidisplay!"
"Wag kang kokopya sa akin mamaya sa quiz ha?!"
Agad namang kumapit sa braso ni Delancy si Julia at nagpaawa effect pa.
"Joke lang mahal kong Delancy. Pahingi na din ng papel mamaya ha? Alam mo namang mas mahal kita kaysa kay Magi eh."
Punyetang 'to! Napakabalimbing.
"So ano nga, Magi? Ngayon na ba ang unang araw ng pagmumove-on mo?"
"Yun ang dapat eh. Kaysa naman hayaan ko yung sarili kong makulong sa kaniya, mas masasaktan lang ako lalo." sabi ko habang nagsusulat ako ng kung ano-ano sa likod ng notebook ni Julia.
"Maging masaya ka nalang para sa kaniya, Magi. Tandaan mo, ang pagmamahal ay hindi selfish." sagot naman ni Delancy.
"Normal lang naman yan, Magi. Kaya wag kang manibago. Kailangan talaga minsan mabigo tayo sa isang lalaki para makita natin yung totoong lalaking magmamahal sa atin.
Tignan mo ako, hanap ako ng hanap ng lalaki. Pagkalabas na pagkalabas ko kay mama hinanap ko agad yung the one ko pero punyeta talaga si Satanas eh.. Hanggang ngayon hindi ko makita. Malakas talaga kutob ko na tatanda akong dalaga." sabi naman ni Julia.
Laughtrip talaga 'to lagi eh.
"Wala na kayo ni Israel?" tanong ko sa kaniya.
Parang nung nasa party kami ni Lerisse eh inlove na inlove pa sila sa isa't isa ah? Tapos ngayon wala na?
"Magkalandian lang kami pero parehas kaming walang balak seryosohin ang isa't isa." sagot niya.
"Tangina niyong dalawa. Bagay talaga kayo. Gusto niyo ikasal ko na kayo sa demonyo?" suhestiyon ko.
Inirapan lang ako! Siya pa choosy.
"Nagmyday kasi si Israel kahapon ng selfie niya kasama ang isang babaeng di hamak na mas maganda kay Julia kaya ito namang si Julia, nagseselos. Ang kapal nga ng mukha magselos, parang hindi niya gawain." sabi ni Delancy.
Mabuti pa 'to si Delancy, araw-araw updated sa mga chika minute na yan.
"Nagbabalita ka na naman ng mali, Delancy. Nako talaga, kung nagkataong may tubo dito sa tabi ko, pinalunok ko na sayo." galit naman na sagot ni Julia saka humarap sa gawi ko. "Ganto kasi yan, mas maganda ko dun sa babae kaya nga nainis ako kasi ipagpapalit niya nalang ako, dun pa sa babaeng yun eh mukha namang nausog. As in ang panget niya, inistalk ko siya kahapon, jusmiyo! Kung ikukumpara sa akin? Aba eh libag ko lang siya sa singit noh!"
"So the rest ng sinabi ni Delancy ay totoo?"
Tumango naman siya.
Jusko, yung pagiging panget niya lang pala sa kwento ni Delancy ang ipinaglaban niya. Akala mo naman talaga kagandahan 'tong si Julia. Ang sarap din niyang buhusan ng kumukulong tubig eh.
"Inistalk mo yung babae? Bakit? Baka insecure ka?" tanong ko sa kaniya.
Kasi isipin niyo, ano pang dahilan niya para iistalk yung babae diba maliban sa insecure siya dun diba?
"Alam mo, Magi.. Nahiya ka pang ilakas yung boses mo para dinig na dinig ka ni Israel na nasa kabilang row lang noh?" galit niyang bulong.
Tinawanan lang namin siya ni Delancy kasi hindi ko din naman napansin na katapat nga pala namin ang upuan ng DEI.
DEI short for Dylan, Eli and Israel.
"Anyway, ayoko ng pag-usapan okay? Saka bakit sa akin napunta ang topic ha? Hindi ba ang pinag-uusapan natin is about Alec and Magi? Bakit nga ba ha, Delancy?" sabi ni Julia saka hinarap si Delancy na nakatalikod na sa amin ngayon.
Malamang nagdodrawing na naman yan.
"Ikaw nga pala ang nag-open, Magi! Siraulo ka!"
"Kumalma ka nga. Para kang baliw na hindi napainom ng gamot eh." sagot ko kay Julia saka siya tinalikuran dun.
Hmp.
Bahala siya dyan.
Kaya lang nung tumalikod ako sa kaniya, ang bwiset na si Dylan naman ang nakaharap ko kasi katapat nga lang diba ng row namin ang upuan nila tapos nagkataong kami ni Dylan ang nakaupo sa bungad.
Makita ko lang talaga siyang nakangiti eh hindi ko maiwasang mainis. Nakakasura yung ngiti niya, para bang tinutukso ako ng ngiti niya na kumuha ng kutsilyo at saksakin siya.
Oh diba ang brutal?
Mabuti nalang at pumasok na din ang professor namin para sa araw na 'to.
As usual, discussion muna ng one and a half hour and then may pa quiz ng thirty minutes..
Tapos yung natirang isang oras naman, may pinagawa sa aming activity na saksakan ng hirap.
Ano ba yan? Dama ko na talaga na college na ko kasi hindi na talaga biro yung mga pinapagawa ng mga professor eh.
Like itong activity namin na pamproject lang 'to sa high school eh.
Art appreciation kasi ang subject namin ngayon at kailangan naming idrawing yung sarili namin.
Self-portrait.
Eh punyeta hindi naman ako biniyayaan ng talento na magdrawing kaya bahala na talaga sa akin si darna.
Bahala na kung hindi ko maging kamukha yung idodrawing ko basta ang mahalaga sa akin ngayon ay makapagpasa dahil malaking bawas sa grade kapag kulang sa activities.
Sakto sa oras na natapos ko naman ang self-portrait ko. Wag niyo nalang kumustahin yung gawa ko dahil sigurado akong may sakit yung gawa ko.
Napakapanget sis.
Siguro okay na dun ang 81 na grade.
"Nakakagutom magdrawing grabeeee!" sabi ni Delancy saka tumayo sa upuan niya at nag inat-inat.
"Palagi ka kayang nagdodrawing! Edi palagi kang gutom nyan?" sabi naman ni Julia.
Hay nako. Eto na naman sila.
Bago pa man din magsimula ang pag-aaway nila ay parehas kong hinatak ang kamay nila palabas para kumain.
Mahirap na at baka makisali si Lerisse sa away ng dalawa na 'to kung sa loob pa sila ng room nag-away.
Alam naman natin ugali ni Lerisse, masyadong papansin. Mahilig makisali sa away kahit hindi naman siya belong.
"Pare-parehas lang din tayong gutom kaya kumain nalang tayo ha? Wag na mag-away mga isip bata!" matapos kong sabihin yun ay nakatanggap ako ng dalawang batok mula sa kanila.
Aba pinagtulungan pa ko ng mga walang hiya!
Sakto namang pagkapasok namin ng cafeteria ay nakasalubong namin sa loob ang WHAY..
WHAY short for Warren, Harris, Alec and Yuwi since sila namang apat ang palaging magkakasama dahil same courses naman silang apat.
Orayt.
Breaking news:
Nahati na po sa dalawang grupo ang DWEIYAH. Ang isa ay DEI at ang isa ay WHAY. And I, thank you.
Okay, corni.
"Ayos, sabay sabay na tayong kumain ah?" alok sa amin ni Warren at in-oo-han naman nitong si Julia.
Minsan talaga bwiset 'tong si Julia eh. Alam naman niya yung nangyari kahapon pero kung makatango ito sa alok ni Warren eh parang asong nagkakawag ang buntot.
Pero dahil nga naka oo na itong si Julia kina Warren eh wala din akong nagawa kundi hayaang magkasama kami ni Alec sa iisang table.
'Paano ako makaka move-on nito?'
Makita ko pa lang ang mukha ni Alec eh parang biglang umaatras ang kaluluwa ko na kalimutan siya eh.
Nawala ang malagkit ko na pagtitig kay Alec nang maramdaman kong siniko ako ni Delancy sa tagiliran.
"Kumain ka na. Hindi si Alec ang pagkain, baka nalilito ka."
Siraulo talaga.
"Kaklase niyo sina Dylan diba? Nasaan sila?" pagbasag ni Harris sa katahimikan. "Akala ko close niyo sila since kaibigan niyo naman ang kapatid niya but I think my perceptions are wrong."
"Grabe ka naman, Harris. Anong nakain mo at umi-english ka na? Recommend mo naman sakin oh baka umepekto." biro ni Warren.
"Kumain ako ng dictionary, bro. Effective talaga." binigyan naman siya ni Warren ng umayos ka, hindi ako nakikipagbiruan look. "Magaling kasi ang tutor ko na si boss Alec."
Tinawanan lang siya ni Alec at nagpatuloy ito sa pagkain.
"Palibhasa foreigner ang jowa kaya kinacareer umenglish." nang dahil sa sinabi ni Warren ay dun ko nakumpirmang girlfriend niya nga ang nakita kong kasama niyang babae kahapon.
Umasa pa naman ako na sana hindi niya girlfriend pero dahil sa narinig ko, yung 10% na chance ko kay Alec ay biglang napalitan ng 0.1% nalang.
"May jowa ka na, Alec? Hindi mo man lang pinapakilala sa amin ha!" biro sa kaniya ni Julia.
Tangina naman ng gagang 'to, kitang nandito ako eh. May balak pa yata pagkwentuhin si Alec kung paano niya nakilala jowa niya eh.
'Bwiset ka talaga, Julia. Sana talaga tumanda kang dalaga.'
"Papakilala ko siya sa inyo, don't worry since considered naman na diba na magkakaibigan na tayo dito?" aniya saka napadaan ang tingin sa gawi ko. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa mga mata niya. "Sa ngayon kasi, busy pa siya sa family business nila so wala pa siyang free time eh."
"Anong pangalan niya?" singit naman nitong si Delancy.
Nako isa pa 'to.
"She's my Maddie." nakangiting sabi niya.
Ano daw?
'She's my Maddie?'
Yuck, my Maddie your face! Wala pa ding forever!
"Nagkakilala kami sa dating app—"
"Walang nagtatagal kapag nagkakilala lang sa dating app." hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumabat. Huli na nang mapagtanto ko ang sinabi ko.
Shit.
Nakakahiya pala.
"I mean hindi tayo sigurado sa mga nakikilala lang natin through internet diba? Anyway, please continue." dagdag ko sa sinabi ko.
Shit. Nakakahiya talaga.
"I think I have to disagree with you, Magi. Hindi lahat ng couples na nagkakakilala sa isang dating app ay hindi nagtatagal. Nasa inyo naman yan kung seryoso talaga kayo sa taong yun o hindi. For me ha, wala sa platform yan, kesyo sa fb mo nakilala, instagram or tinder, hindi dun nababase yung tagal ng magiging relasyon niyo. Nasa tao yun.
Bakit ko yun nasabi? Kasi matagal na kami ni Maddie. Magdadalawang taon na kami and we still love each other the way it looks before. Hindi yun nagbago kahit ang tagal na ng lumipas yun ay dahil mahal namin ang isa't isa at parehas naming gusto na tumagal kami at makasama ang isa't isa habang buhay."
Tangina, sabi ko na nga ba eh. Maling-mali talaga na sumagot pa ko. Ayan tuloy, nabara ako.
Pero may punto naman siya sa sinabi niya. At aminado akong mali ako.
"Stay strong." nasabi ko nalang bago inumin yung tubig ko.
"Thank you."
"Very inspiring yung kwento niyo. Should I try to used a dating app na ba?" conyong tanong ni Julia. Nakakatawa siya, para siyang ewan.
"Wag ka nga magmalinis, Julia. Duda akong hindi ka pa nakakapagtry mag dating app! Sa landi mong yan?" sabi naman sa kaniya ni Delancy.
"Ang epal mo talaga kahit kailan. Nakikita mo 'to?" sabi ni Julia saka ipinakita ang hawak niyang tinidor. "Lahat nalang nakikita mo eh kaya kapag ako hindi nakapagtimpi sayo, tutusukin ko gamit 'to yang dalawa mong mata!"
"Tigilan niyo na nga yan, kayo nalang magkaibigan eh nagsasakitan pa kayo." awat sa kanila ni Harris.
"Nako ganyan talaga sila magmahalan, masanay na kayo." sabi ko habang natatawa.
"Iba pala kayo magmahal, ang malas naman pala ng lalaking magugustuhan niyo." pabirong sabi naman ni Warren.
Edi ang malas pala ni Alec kasi gusto ko siya?
Edi ang malas pala ni Dylan kasi gusto siya ni Delancy?
Edi malas pala si Israel kasi gusto siya ni Julia? Ay wait, duda ako dito. Mukha namang type lang ni Julia na harutin yun si Israel eh kaya wag na natin isali.
"Uyy joke lang yung sinabi ni Warren. Baka mamaya magtanim kayo ng sama ng loob sa amin ha? Ayokong mastress kagwapuhan ko." sabi naman ni Harris na saksakan ng lakas ng hangin.
"Bigla yatang bumagyo." sabi sa kanya ni Julia.
Anyway, tapos naman na kaming kumain kaya aalis nalang muna ako. Hindi ko na keri magstay sa table na yun gayung nandun si Alec.
"Cr lang ako." paalam ko sa kanila pero sa totoo lang, hindi naman talaga ako sa cr pupunta. Palusot ko lang yun.
Tatambay lang talaga akong veranda. Para kasing nagcrave ako bigla na lumanghap ng sariwang hangin eh.
Mabuti nalang talaga at naabutan kong walang tao itong veranda ngayon.
Kadalasan kasi ay maraming estudyante akong naabutan dito. Madalas kasi itong tambayan ng mga estudyante..
Tumatambay sila dito o di kaya dito sila gumagawa ng mga assignments, research papers, basta mga ganun.
Minsan nga ginagawa pa itong praktisan ng sayaw eh.
Maluwag kasi dito saka mahangin, perfect talaga sa mga ganun.
"Hayy." nasabi ko sa sarili saka tinignan ang kabuuan ng campus.
Mula kasi dito ay tanaw ang bandang harapan ng campus namin.
"Ang lalim nun ah?"
Napatingin ako sa nagsalita na yun..
Si Israel.
"Ikaw pala." sabi ko saka siya hinarap. Pero siya naman ay nanatiling nakatayo habang pinagmamasdan ang nakikitang paligid.
"Sikat kami nina Dylan at Warren bilang chick magnet sa grupo namin. Kumbaga, kaming tatlo yung malakas ang hatak sa mga babae." panimula niya.
Teka, wala naman akong sinabing magkwento siya ah?
Ano? Share niya lang?
"Aminado ako sa sarili ko na hindi ako nagseseryoso sa babae. Alam mo kung bakit?" aniya and finally, hinarap niya na din ako. "Kasi takot ako mag commit. Alam mo yung feeling na hindi pa ko handang pumasok sa isang seryosong relasyon? Yung feeling na parang ang bata ko pa para ma engage sa ganyang sitwasyon. Kaya ako sinabi ko sa sarili ko na enjoyin ko muna yung gantong buhay habang bata pa ko kasi alam kong mamimiss ko yung ganto kapag dumating na yung oras na kailangan ko ng maging seryoso.. Kailangan ko ng maging responsable bilang isang tao at bilang isang lalaki.
Si Warren naman eh halos kaparehas ko yan, ang daming babae niyan at ayaw ding magseryoso muna. Napaka party boy, suki ng bar yan tapos ang daming bisyo niyang kung ano-ano. Kasi parehas kami ng pinaniniwalaan sa buhay, parehas naming gustong enjoyin yung kabataan namin eh.
Habang ito namang si Dylan, maloko yang taong yan. Hindi talaga nakakagulat na magkapatid sila ni Julia kasi parehas silang malandi. I mean parehas silang alam mo yun, maraming babae o lalaki sa buhay. Si Dylan yung tipo ng lalaki na araw-araw may pinapakilala yan sa aming chix. Araw-araw din naman niyang pinapalitan, ang gago diba?
Ipapakilala niya sa aming girlfriend niya daw tapos kinabukasan, yung girlfriend niya na yun kahapon eh magiging ex niya na daw ngayon. Kumbaga kung nag-unli ka ng combo 10 sa 8080 ng umaga, kinabukasan din ng umaga eh mae-expired na yung load mo. Ganun ang mga babae kay Dylan NOON.
Pero binago si Dylan ng isang babae. Ngayon nga, nakakapanibago talagang wala ng babaeng pinapakilala sa amin yan si Dylan eh. Inaaya nga namin sa bar yan ni Warren nung nakaraan pero ang sagot niya sa amin, wala ako sa mood samantalang ang pagpunta lang sa bar ang nakakapagpa good mood sa kaniya noon."
Hindi ko man alam ang dahilan ni Israel kung bakit niya sa akin sinasabi ito ngayon pero hindi ko maiwasang magkaroon ng interes sa mga kinukwento niya.
"Ang swerte nung babaeng nakapagpabago kay Dylan. At alam kong kayo din ni Warren, alam ko na may dadating sa inyong babae na babago sa inyo. Pati dyan sa kaibigan kong si Julia na since birth pa hanap ng hanap sa the one niya." sabi ko habang natatawa nang may bigla akong maalala. "Nga pala, parang nung nakaraan lang eh okay kayo ni Julia diba? Bakit ngayon hindi kayo nagpapansinan?"
"Ewan ko ba sainyong mga babae. Pabago-bago mood niyo. Minsan makikipag-usap kayo tapos minsan naman bigla kayong nang-aaway."
Natawa naman ako sa sinabi niya kasi ganun na ganun ako.
Yung tipong okay naman ako makipag-usap sayo pero mayamaya bigla akong sasaniban ng kung sinong diablo at bigla akong mang-aaway nalang.
Normal lang yun kapag talaga may buwanang dalaw ka.
"Masanay ka na kay Julia. Araw-araw kasi yung may dalaw."
"Baka nga." pagsang-ayon niya naman sa akin. "Nabanggit nga sa akin ni Julia nung nakaraan na crush mo daw si Alec?"
Punyeta talagang Julia yan. Ang ingay ingay ng bibig. Hindi mapakali!
"Oo."
"Alam mo na bang may girlfriend na si Alec?"
"Nalaman ko kahapon." sabi ko at huminga ng malalim bago nagpatuloy. "Nakita ko sila sa malapit na playground sa subdivision namin eh."
"Hindi na ko mag-aabala pang tanungin ka kung anong nagustuhan mo kay Alec kasi obvious naman na nagustuhan mo siya kasi gwapo si Alec eh saka boyfriend material. Wala ng nakakapagtaka dun.
Kaya lang ngayong nalaman mo na may girlfriend siya, ano ngayong plano mo?"
Napaiwas ako sa kaniya ng tingin at humarap sa malawak na open field ng campus namin.
"Eh ano pa nga ba? Edi hayaan siya kung saan siya masaya. Oo, magiging mahirap 'to sa una, magiging mahirap sa akin na makalimot pero naniniwala naman ako na malalagpasan ko din 'to. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay ang tanggapin itong kapalaran ko at maging masaya para sa kaniya."
Kahit hindi ako nakatingin ay ramdam kong nakatingin pa din sa akin si Israel na para bang binabasa niya ang mukha ko.
"Wag ka kasing magfocus lang sa kaniya. Minsan matuto ka ding tignan yung mga taong interesado sayo at pigilan mo na ang sarili mong ipako ang tingin mo dun sa taong hindi ka pagkakaabalahang tignan pabalik."
"Anong ibig mong sabihin? Eh wala namang ibang taong may interes sa akin eh kundi si Lerisse lang." biro ko pa sakanya.
"Bakit ka ganyan kamanhid, Magi? Anesthesia ba vitamins mo nung bata?" sabi niya habang natatawa.
Pisti.
Nang-asar pa nga.
"Ewan ko sayo. Mauuna na ko." paalam ko sa kaniya na tinanguan niya lang.
Kailangan ko na kasi talagang magbanyo dahil totoo na 'to. Naiihi na talaga ako.
-
Ilang minuto nalang ay uwian na namin kaya naman pinakalabit ko kay Julia si Delancy.
"Ready ka na?" pabulong kong tanong sa kanya?
"Ready saan?" usisa naman ni Julia.
Ayy oo nga pala, hindi niya pa nga alam ang tungkol sa balak namin ni Delancy ngayon kaya tingin ko mapapakwento ako kay Julia ah?
"Dadamoves na si Delancy kay Dylan. At mamaya niya gagawin, tulungan mo kami ha?"
"Hindi niyo man lang ako kinonsulta tungkol dyan?" medyo may pagkalakas na sabi niya kaya dali-dali naming tinakpan ni Delancy ang bibig niya.
"Hindi ka doktor gaga saka hinaan mo naman boses mo! Off mo muna microphone mo, leche ka." galit kong bulong sa kaniya. "Basta tumulong ka nalang, wag ka ng umangal!"
"Lagot kayo saken mamaya." banta niya pero hindi nalang namin yun pinansin ni Delancy.
Ilang sandali lang ay pinauwi na din kami ng prof.
"Magi, sabihin mo kay Dylan na wag uuwi." bulong sa akin ni Julia. Papalag na sana ako nang magsalita siya ulit. "Makikinig sayo yan, pag sa akin baka magmukha akong hangin."
Hay nako.
Inirapan ko nalang siya.
"Dylan." tawag ko sa kaniya sa mahinang tono. Buti nalang at naging sapat yun para marinig niya. "Mayamaya ka na umuwi."
"Bakit? Sabay tayo?" aniya saka ngiting-ngiti na lumapit sa akin.
"Basta." sabi ko.
Hinintay lang namin makalabas ang iba naming mga kaklase hanggang sa matira nalang kaming anim dito.
Ako, si Julia, si Delancy, Dylan, Israel at Eli.
Agad akong tumingin kay Delancy at sinenyasan siyang gawin na niya.
Lumapit siya sa upuan ni Dylan na abalang nagsusulat sa notebook niya ng kung ano.
"Ano 'to, Delancy?" nagtataka niyang tanong bago inabot ang box na binigay sa kaniya ni Delancy.
"Cupcake, para sana sayo." nag-aalangan naman na sagot ni Delancy.
Halatang nahihiya siya kaya naman tumayo ako sa tabi niya para samahan siya sa harap ni Dylan.
Ramdam ko yung kaba niya. Para siyang nagpapacheck ng research paper sa instructor namin eh.
"Paano ako makakasigurado na masarap 'to?"
Tangina naman nitong lalaking 'to? Bobo ba 'to?
"Tikman mo." sabi ko. Humarap naman siya sa akin saka ako nginisian.
"Paano kung may lason 'to?"
"Siraulo ka ba? Bakit magbibigay si Delancy sayo ng cupcake na may lason ha?"
Nagkibit-balikat siya.
"Ang akin lang naman, gusto kong masigurado ang health ko. Kaya naman, tikman mo muna 'to bago ko 'to kainin." aniya saka inabot sa akin ang box.
"Sige na, Magi. Tikman mo na." sabi sa akin ni Delancy.
Okay!
Natikman ko na 'to kahapon eh at sigurado naman akong masarap. Napakaarte lang talaga nitong Dylan na 'to! Akala mo kung sinong gwapo.
Binuksan ko na ang box at kumuha ng isa pagkatapos pinahawak ko kay Delancy yung box na hawak ko.
Tinikman ko na.
Wala namang bago. Ganun pa din ang lasa nung cupcake.
"Kita mo? Hindi naman bumula bibig ko at hindi ako nangisay kaya siguradong walang lason yang cupcake okay?" iritado kong sabi saka kumuha ng isang cupcake sa box at iniabot yun sa kanya. "Tikman mo na."
Napaatras ako ng bahagya nang bigla siyang tumayo habang titig na titig sa mata ko.
Kinuha niya yung cupcake na kinagatan ko imbes na yung bagong cupcake na kakakuha ko lang sa box.
Mas lalo kong kinagulat nang kagatan niya yung cupcake dun mismo sa parte kung saan ko yun kinagatan.
Tangina.
"Ang sarap nga."