Chereads / A Love To Last (DWEIYAH series #1) / Chapter 10 - CHAPTER 9

Chapter 10 - CHAPTER 9

Agad akong inalalayang makatayo ni Dylan saka hinawakan ang aking kamay.

Nagulat ako nang biglang paalis na sana kami nang makitang nasa harap namin si Lerisse na nanlilisik pa din ang mata sa akin.

"Magi!" napalingon ako sa sigaw ni Julia kasama si Delancy habang patakbo silang lumalapit sa akin. "What happen? Bakit basang-basa ka?" aniya matapos makalapit sa akin.

Hindi ko siya sinagot.

Nagkusa na lang siyang napalingon kay Lerisse sa kinatatayuan nito.

"Kung sabagay, hindi na ko magugulat kung ikaw ang may gawa nito kay Magi." sabi ni Julia kay Lerisse. "Sino pa ba ang sobrang insecure kay Magi dito kung hindi ikaw lang naman diba? Alam mo, Lerisse.. Lumalala na ang sakit mo sa utak! Patagal ng patagal, pabobo ka ng pabobo!"

"Oo na, Julia! Ako na ang may kasalanan! Ako na ang may gawa nyan kay Magi kasi—"

"Kasi inggit na inggit ka sa kanya! Kawawa ka naman, Lerisse. Habang buhay ka na lang bang magpapapansin?!" singit naman ni Delancy.

Nakakagulat talagang ganto na magsalita si Delancy namin.

"Bakit ba pinagkakaisahan niyo ko? Bakit ba pinagtatanggol niyo 'yang si Magi?! Hindi niya ba kayang depensahan ang sarili niya? Hindi niya ba kayang magsalita at makipagsagutan sa akin?!

Grabe ka naman, Magi! Kung ako habang buhay magpapapansin, ikaw naman habang buhay kang aasa sa mga kaibigan mong ipagtanggol ka! Kasi mahina ka!"

"Tama na!" pag-awat ni Dylan kay Lerisse ngunit hindi 'to nagpatinag.

"Hindi ako titigil hangga't hindi tumatatak sa utak ng babaeng yan na mahina siya! Wala siyang laban sa akin kung siya lang mag-isa! Mali ba ko dun?!"

"Alam mo, Lerisse.. Salamat sa pag-imbita sa amin sa party mo. Pero ito sinasabi ko sayo, huli na 'to. Hinding-hindi na kami a-attend sa walang kwenta mong party. Pati ang DWEIYAH hindi na a-attend kasi kung ganto lang din ang party na dadaluhan ko, mas mabuting tumunganga nalang ako sa bahay magdamag.

At 'yang tinatalak mo na mahina si Magi.. Ano naman? Pati ba yun papansinin mo? Alam mo ikaw, hindi ka ba mahal ng mama mo? Kung ako sayo Lerisse, magpatherapy ka na. Sintomas na yan ng pagiging baliw." sagot ni Julia.

Agad siyang lumapit sa akin at tinulungan ang kapatid niyang si Dylan na alalayan akong makalakad.

Dahil sa totoo lang, hinang-hina ako ngayon.

Kaya nga hindi ko maiwasang isipin na baka nga tama si Lerisse.. Tama siya na mahina ako.

Mahina naman kasi talaga ko eh. Emosyonal akong tao.. Ang dali kong maiyak. Ang dali kong masaktan. Marupok ang puso ko, mabilis mabasag.

Napakahina ko nga sa part na hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko kanina kay Lerisse.

Hinayaan kong ibang tao ang lumaban para sa akin. Kasi mahina ako eh. Kasi hindi ko kayang ipaglaban yung sarili ko.

Ganto nalang ba ko palagi?

Aasa nalang ba ko lagi na ipagtanggol ako ng ibang tao? Bakit ba ang hirap sa aking depensahan ang sarili ko sa iba?

Hindi na nga ako kamahal-mahal tapos mahina pa ako. Napakawalang-kwenta kong tao!

-

Hindi na ko nag-abala pang magpalit ng damit dahil wala naman na kaming balak pang magtagal sa party ni Lerisse.

Pagkatapos na pagkatapos ng nangyari sa pool area ay agad ding niyaya nina Julia ang DWEIYAH na umuwi na at umalis na sa party na 'yun.

Naka van na nagpunta dito ang DWEIYAH samantalang kami nina Julia ay nagpunta dito kanina gamit ang kotse ni Julia.

Nakakainis nga eh kasi nagpresinta pa si Dylan na ihatid ako gamit ang kotse ni Julia dahil kanila naman daw yun kaya hindi nalang din ako tumanggi. Dahil na din siguro sa pagod kaya hindi na din ako nakaangal sa kaniya.

Ngayon ay tahimik lang kami sa loob ng kotse. Nakatingin lang ako sa bintana at nakatitig sa kalsada.

"Wag mo ng isipin yung sinabi ni Lerisse kanina. Natanggalan yata ng turnilyo sa utak yun kaya kung ano-ano sinasabi." pagbasag ni Dylan sa katahimikan.

Gulat nga ako dahil akala ko wala siyang balak kausapin ako pero ito siya ngayon, pilit gumagawa ng topic.

"Tama naman siya. Lahat ng sinabi niya, totoo. Mahina nga ako." sabi ko saka biglang yumuko dahil feeling ko anytime ay biglang tutulo ang luha ko.

Ayoko.

Ayokong sa harap niya pa ako maiyak.

Naramdaman kong unti-unting bumagal ang takbo ng kotse hanggang sa maramdaman kong nakahinto na talaga ito.

Agad ko siyang hinarap.

"Bakit mo hininto?"

"Naniniwala akong matatag ka." aniya at binaliwala ang tanong ko. "Mas matayog ka pa sa narra, mas matibay ang pundasyon mo sa lumang acienda. Naniniwala akong matatag ka na kahit anong klaseng unos ay hindi ka mapapatumba."

Luh?

Bakit kung makapagsalita siya ay parang kilalang kilala niya ko?

Samantalang kakakilala lang naman namin ngayon?

Kung makapagsalita siya, para bang ang dami niyang alam sa buhay ko. Para bang kung magsalita siya ay tila nagkakilala na kami noong mga bata pa kami.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at muling humarap sa bintana.

Yung mga mata niya kasi, parang tinutunaw ako sa titig.

"Gusto ko ng umuwi." sabi ko nalang para malihis ang topic.

"Magi." pagtawag niya sa pangalan ko dahilan para mapalingon ako sa gawi niya.

Nanlaki naman ang mata ko nang biglang napakalapit na ng mukha niya sa akin.

Shit.

Ito na naman yung feeling na parang hindi ako makahinga.

Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko na para bang kakatapos ko lang tumakbo mula Batanes hanggang Jolo.

"Hindi ka kase naka seatbelt." aniya saka kinuha sa may gilid ko ang seatbelt at kinabit yun.

Matapos nun ay lumayo na siya sa akin at nagmaneho na.

Habang ako eto, parang tanga. Tulala pa rin at lumulutang ang utak ko sa alapaap.

'Hindi maka move-on teh?'

Grabe na 'to. Hanggang sa makarating ako sa bahay eh nasa ganoon pa din akong pag-iisip.

Hindi ko maalis-alis sa isipan ko yung nangyari kanina.

Ayoko sanang bigyan ng meaning ang mga nangyari kanina, simula sa party hanggang sa pangyayari sa kotse pero kasi maski ako ay hindi ko makontrol ang sarili ko na isipin yun eh.

Nasa pag-iisip ako na paano kung totoo naman ang sinasabi ni Dylan? Paano kung may gusto nga siya sa akin? Paano kung seryoso talaga siya sa sinabi niyang yun?

Pero kasi hangga't maaari ay ayokong maniwala. Ayokong umasa.

Saka ayoko ding makasakit ng iba. Ayokong saktan si Delancy.

Ayokong maramdaman niya yung feeling na paulit-ulit kang narereject.. Paulit-ulit na binabalewala at hindi binibigyan ng halaga.

Naranasan ko yun sa mismo kong pamilya at sobrang hirap nun kaya ayokong maranasan din ni Delancy yun nang dahil sa akin.

Kaya hangga't maaari, iiwas ako.

Iiwas ako sa anumang bagay na pwede siyang masaktan.

-

Linggo ng umaga nang gisingin ako ng presensya ni Delancy.

My God.

Ang aga-aga naman nitong mang-istorbo ng tulog!

"Naiinip ako sa bahay kaya dito ko naisipang pumunta. Alam mo na.. Para guluhin ang linggo mo." aniya at nakabungisngis pa.

Kotongan ko kaya 'to?

"Ano namang balak mong gawin dito? Wag mo sabihing gusto mo ng kasamang mabored ngayong maghapon?" sagot ko sa kaniya habang nag-iinat-inat pa.

Seryoso kasi, alas otso palang ng umaga tapos nandito siya sa bahay. Jusko. Samantalang ang normal na gising ko ay ala una na.

Hindi kasi ako natulog pagkauwi ko dito kagabi, nanood pa kasi ako sa netflix.

Kasi naman hindi ako dinadalaw ng antok kagabi, kasalanan ko ba yun ha?

"Nang-aasar ka ba, Magi? Nagpunta ako dito sa inyo kasi nga wala akong magawa sa bahay tapos sasabihin mo yan? Nasan ba yung pamalo ko?" aniya saka umaktong naghahanap ng patpat.

"Patawa ka. Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya pero hindi siya agad nakasagot. "Mukhang hindi. Iba ka din eh no? Pumunta ka dito para makitambay tapos ngayon makikikain? Alam mo bang nagtitipid kami sa bigas?"

Inirapan niya naman ako.

"Wag mo ko paandaran, Magi. Hindi naman ikaw ang bumibili ng bigas niyo! Hindi ka nga marunong magsaing!"

"Ikaw marunong?!"

"Hindi din. Kaya nga magkaibigan tayo diba?" aniya saka bumungisngis na naman.

Ang sarap lang niyang tanggalan ng pingi, sa totoo lang.

Kaya ayun na nga, sumabay na siya sa akin kumain habang si mommy naman ay nasa kwarto niya pa at mahimbing na natutulog.

Malamang napuyat kagabi.

Buti nalang talaga ay may kapalit agad yung kusinera namin dito kasi kung hindi, pareho kami ni Delancy na magugutom.

"Hindi mo pala kasama si Julia?" tanong ko sakanya habang nagsasalin ng tubig sa baso ko.

Malapit lang naman kasi ang bahay nina Delancy sa bahay nina Julia. Parang isang kanto lang ang pagitan kung hindi ako nagkakamali.

Samantalang itong bahay naman namin ay malayo sa kanilang dalawa. Ibang subdivision kasi itong amin eh.

"Hindi ko talaga siya sinama. Gusto ko tayo lang muna magkasama ngayong araw, kapag kasi kasama si Julia baka sa bar naman tayo niya dalhin." aniya.

Biglang akong natawa kasi may bigla akong naalala.

Noong nakaraang nakaraang linggo kasi ay niyaya ako nitong dalawa na lumabas daw kami, date daw naming tatlo.. Nakagawian na kasi naming every sunday ang date namin so ayun, every sunday may gala kaming tatlo.

Tapos yun nga, ang bwiset na si Julia.. Dinala niya kami sa isang casino.

As in gulat na gulat kami ni Delancy kasi sa dami ba namang lugar na pwedeng puntahan eh talagang sa casino pa?

Hayop talaga 'to si Julia eh. Sinasama pa kami sa masama niyang bisyo.

"Hulaan ko, nagflashback ka no?" pag-agaw ni Delancy sa atensyon ko.

Paano ba naman niya hindi mahahalata eh bigla akong natahimik dito kaya malamang may naalala akong kung ano.

Matic na yun na nagflashback ako. Common sense nalang.

"Naalala ko nga yung dinala tayo ni Julia sa casino. Di ko talaga makakalimutan yun." sabi ko at hindi ko mapigilang matawa.

"True. Naalala ko pa nga na mangiyak-ngiyak siya nung pauwi tayo kasi yung dala niyang 20k eh simot eh." dugtong niya.

"Tapos anong sabi niya nun?" sabi ko at natawa na naman.

"YUNG 20K KO!! PANGRENTA NA YUN SA LALAKI EH!" sabay naming sabi saka may kaunting iyak sa dulo para kopyang kopya talaga namin yung emosyon ni Julia non.

Grabe!

Nakakatawa talaga itsura niya non lalo na nung nanghinayang siya sa 20k niya.

Susugal-sugal kasi, tapos hindi niya kayang matalo sa dulo.

'Ay teh? Bakit may halong hugot?'

"Ssshh. Ang ingay pala natin. Baka mamaya madinig tayo ni tita Laisa sa taas." bulong niya na akala mo may hiya talaga.

Hahahahaha joke.

Kahit papaano naman ay nakakaramdam ng hiya 'tong si Delancy.

Sa aming tatlo kasi, si Julia lang talaga ang makapal ang mukha.

Well, ganun talaga eh.

Magkapatid nga talaga sila ni Dylan.

"Ayy wait. May naisip na kong bagong gimik para mapalapit ka kay Dylan." nae-excite na sabi ko kay Delancy.

'Wow, ang galing kong magpretend.'

Na parang walang nangyari kahapon.. Na parang walang naganap na pagbilis ng tibok ng puso nung maging malapit kami sa isa't isa.

Na parang wala lang sa akin lahat 'yun.

Eh totoo namang wala lang yun. May naalala ba kayong may sinabi akong gusto ko siya?

Like duh?

Si Dylan? Magugustuhan ko? Ano 'to? Joke?

Aba kahit siguro si Dylan nalang ang natitirang lalaki sa mundo eh mas pipiliin kong maging matandang dalaga nalang kaysa pakasalan siya at magkaanak ako sa kanya no?

Hindi ko nga maatim isipin na nag-aanuhan kami sa kama eh.

Yuck! Kadiri!

"Ano yun?" excited din niyang tugon.

Basta talaga pagdating kay Dylan eh lagi 'tong excited.

"Nachika sa akin ni Julia na mahilig sa cupcake si Dylan. Kaya bakit hindi mo siya gawan ng paborito niyang cupcake? Di ba nga may kasabihan na the way to a man's heart is through his stomach? Alam kong gasgas na ang kasabihan na yan pero aminin mo, effective yan!"

Para namang nagningning na parang tala ang mga mata niya.

Halatang sang-ayon siya sa akin.

"Pero hindi ako marunong magbake." sabi niya at bigla namang lumungkot ang mukha niya.

"Tutulungan naman kita."

"Marunong ka?"

"Hindi din." alanganin kong sabi saka bahagyang natawa. "May guide naman tayo so don't worry." pagpapalakas ko sa loob niya.

Tinanguan niya naman ako kaya nagsimula na kami.

Matapos ligpitin ang pinagkainan namin ay agad kaming pumuntang kusina upang simulan na ang aming eksperimento.

Naghanap ako sa google ng recipe at ito ang nakita ko..

• None Heat oven to 180C/160C fan/gas 4 and fill a 12 cupcake tray with cases.

• Using an electric whisk, beat 110g softened butter and 110g golden caster sugar together until pale and fluffy then whisk in 2 large eggs, one at a time, scraping down the sides of the bowl after each addition.

• Add ½ tsp vanilla extract, 110g self-raising flour and a pinch of salt, whisk until just combined then spoon the mixture into the cupcake cases.

• Bake for 15 mins until golden brown and a skewer inserted into the middle of each cake comes out clean. Leave to cool completely on a wire rack.

• To make the buttercream, whisk 150g softened butter until super soft then add 300g icing sugar, 1 tsp vanilla extract and a pinch of salt.

• Whisk together until smooth (start off slowly to avoid an icing sugar cloud) then beat in 3 tbsp milk.

• If wanting to colour, stir in the food colouring now. Spoon or pipe onto the cooled cupcakes.

Madali naman naming nasundan ang guide na nakuha ko sa google.

Ilang minuto lang din ay natapos na kami sa ginawa naming cupcake. Tinikman namin yung isa at tama lang naman ang lasa. Hindi gaanong matamis at hindi din gaano katabang. Kumbaga sakto lang ang lasa.

"Matutuwa siya diyan." sabi ko bilang pagpapalakas sa loob ni Delancy dahil bakas ko sa mukha niya na nag-aalala siyang baka hindi yun magustuhan ni Dylan.

Aba ang arte naman niya kapag hindi niya nagustuhan yun no! Ninakaw pa namin sa internet yung recipe tapos hindi niya lang magugustuhan? Nasaan ang hustisya?

- MALAMANG NASA KORTE -

"Hindi naman yun ang inaalala ko, Magi." sagot niya saka naupo sa dining table. "Kinakabahan kasi ako. Hindi ko alam kung paano ko 'to ibibigay sa kaniya bukas? Ano bang dapat kong sabihin? Maglagay ba ko ng note dito tapos iwan ko nalang sa upuan niya? Ipaabot ko nalang ba kay Julia? Kasi sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang gagawin. Ni hindi nga kami close eh. Hindi din kami nagkakausap. Saka baka hindi niya na din ako naaalala."

Ramdam ko yung sakit na nararamdaman ni Delancy ngayon kaya maski ako ay hindi maiwasang mahawa sa lungkot niya.

"Wag ka nga ganyan mag-isip, Delancy! Ganito ha? Ibigay mo yan kay Dylan bukas ng buong kumpyansa. Ayos lang kung tanggapin man niya o hindi basta ang mahalaga ay makita niya yung effort mo. Hindi mo kailangang panghinaan ng loob na ibigay 'yang cupcake na pinaghirapan nating gawin. Saka sayo galing yan eh, ikaw ang gumawa, tinulungan lang kita. Kaya mas ma-a-appreciate niya kung ikaw din ang magbibigay niyan sa kaniya.

Wag ka mag-alala, Delancy. Nandito kami ni Julia sa tabi mo palagi."

Nakita ko namang napangiti siya sa sinabi ko at tumango senyales na sumasang-ayon siya sa sinabi ko.

"Malaking tulong 'to, Magi. Pero ikaw, hindi mo ba kailangan ng tulong ko?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"Tulong para saan?"

"Kay Alec. Diba crush mo siya?" aniya saka ngumiti ng pang-asar. Yung mala ngiting Julia ba. "Dapat kapag gusto mo yung tao, mag effort ka para sa kaniya. Masanay ka na sa gantong sistema natin, kung saan babae na ang nanliligaw sa lalaki." biro niya pa, which is totoo naman.

"Dadating tayo dyan.. Pero sa ngayon, ayoko munang magpakita ng moves ngayon. Kasi ba naman, hindi pa din ako makaget-over dun sa date namin nung nasa park kami malapit sa mall. I don't know kung date nga ba yun basta para sa akin, date yon!"

"Ano bang ginawa niyo at bakit kilig na kilig ka dyan?" kuryoso niyang tanong.

Napaghahalataang chismosa eh no? Pero dahil kaibigan ko naman siya, sige share ko na.

"Holding hands kami na pinanood yung sunset." kwento ko.

"Tapos?"

"Tapos na."

Kita ko namang inirapan niya lang ako na para bang sinasabi niya sa aking napakawalang-kwenta naman eka ng kinakikiligan ko.

Pero baket ba?

Magkakaiba tayo ng perspective okay?

"Inlove na inlove ka kay Alec no?" bigla niyang naitanong.

Ewan ko ba pero bigla akong napangiti ng walang dahilan sa sinabi niya.

Basta tuwing nadidinig ko ang pangalan ni Alec ay hindi ko maiwasang mapangiti na parang tanga.

"Hindi ko matandaan kung naikwento ko na ba sainyo ni Julia 'to pero para sigurado, ikukwento ko ulit..

So ayun nga, nagkakilala kami ni Alec nung bata pa ko.. Nakita ko siyang nagpepainting at ewan ko ba, parang doon ko napatunayang totoo ang pariralang love at first sight.

And then after that, hindi na kami nagkita. Ngayon lang ulit. Kahit hindi niya man sabihin sa akin pero alam ko sa puso't isip ko na siya yung batang lalaking yun na naging crush ko nung bata pa ko.

And boom! Eto ako ngayon, inlove sa kaniya. Basta ang alam ko lang sa sarili ko, si Alec na yung gusto kong lalaking makakasama ko habang buhay.

Alam mo yun? Na hindi ko kayang magpakasal sa ibang lalaki kasi gusto ko kay Alec lang ako ikakasal at kay Alec lang ako magpapaanak.

Baliw na kung baliw pero ganto pala talaga kapag inlove. Hindi mo namamalayan na nagiging futuristic ka na."

"Ako talaga ang unang iiyak kapag nalaman kong hindi si Alec ang makakatuluyan mo, promise."

Napatawa naman ako sa sinabi niya. Bwiset na 'to, para bang pinapahina niya ang loob ko.

"Hindi ako papayag noh? Kung hindi siya para sa akin, edi pilitin natin!" sabi ko at hindi ko naiwasang matawa nalang din sa sinabi ko.

Ang rupok ko.

"Support nalang ako sa inyo, Magi. Basta invited ako sa kasal ha?" biro niya pa.

"Oo naman. Ikaw kukunin kong wedding coordinator." natatawa kong sabi.

"Ah so ganon? Gusto mo akong gawing empleyado mo? Papayag ako basta sahod ko 500k kada linggo."

"Kahit sa ibang bansa ka mag-apply, pustahan walang tatanggap sayo."

"Binibiro lang kita, Magi."

"Seryoso ko... kay Alec." sabi ko at para kaming baliw dito ni Delancy na tumatawa.

Taena.

Lakas ng trip namin ah?

Mas masaya palang kavibes ang Delancy ngayon kumpara sa Delancy na tutok lang sa pagdodrawing habang nananahimik sa gilid.

Natutuwa talaga ako kasi nagbago na siya. And she change for the better.

Hindi na siya mahiyain. Nakakasabay na siya sa trip namin Julia. Nakikipag-asaran sa amin at madalas ding sumasakay sa awayan keme namin.

Nakakamiss lang talaga balikan yung mga araw kung saan kami nagkakilalang tatlo.

Sa Nazareth Hills Academy..

Grade two yata ako non tapos nung mga panahon na yun ay suking-suki ako ng bullying.

Badtrip kasi mga kaklase ko, ako lagi trip awayin.

Sinasabunutan ako. Minsan pa nga nilalagay nila sa buhok ko yung pambura ng chalk sa board tapos ipinapagpag sa ulo ko kaya ang ending, namuti ang itim kong buhok.

Minsan pa nga nilalagyan nila ng bato ang bag ko kaya nagtataka ko minsan kung bakit kako ang bigat ng bag ko tapos yun pala may bato.

At kung ano ano pang katarantaduhan.

Alam nina mommy at daddy ang tungkol sa pambubully sa akin ng mga kaklase ko dahil sinabi sa kanila ng adviser namin pero parang mga walang pakialam sa akin ang mga magulang ko eh.

Kesyo okay lang daw naman yun para daw matuto akong lumaban at ipagtanggol ang sarili ko.

Makakatulong daw yung palagi akong binubully para daw paglaki ko maging matapang ako.

Pero kung kay Macy siguro yun nangyari, hindi ganun ang sasabihin nila. Nakakatawa.

Dumating ang isang araw, sa likod ng classroom namin ay pinagsasabunot ang buhok ko ng mga kaklase kong babae dahil naiinggit daw silang nataasan ko sila sa quiz sa english.

Aba kasalanan ko ba yun? Kasalanan ko bang hindi sila nagreview?

Pero wala na din akong nagawa. Lima silang babae tapos mag-isa lang ako, ano namang laban ko sa kanila?

Mahina ako, mag-isa ko, kaya hindi ko malaman kung paano ko magagawang ipaglaban ang sarili ko sa kanila.

Pero mayamaya lang din ay may dalawang babaeng dumating at pinagbabato nila ng bato yung mga kaklase ko dahilan para tumakbo sila palayo.

At dun ko nakilala sina Delancy at Julia. Dun nagsimula ang pagkakaibigan naming tatlo.

Kung hindi dahil sa dalawang 'to eh malamang hanggang grade 6 ay binubully pa din ako.

Nagpapasalamat talaga ako kay God na binigay Niya sa akin ang dalawang mabubuting kaibigan na ito.

Ang solid nga namin dahil hanggang ngayon, walang bumibitaw sa friendship naming tatlo.

Sa sobrang solid, nakakapanghinayang na buwagin.

Mahal na mahal ko sina Delancy at Julia kaya ipinapangako ko na hinding hindi talaga ako gagawa ng bagay na ikakasira ng pagkakaibigan namin.

At yun ay isang pangako.

-

Bandang hapon nang mapagpasyahan namin ni Delancy na lumabas ng bahay.

Dahil na din siguro sa sobrang inip sa loob ng bahay at naubusan na din kami ng gagawin kaya mas minabuti naming lumabas nalang para makapaglakad-lakad.

Tamang-tama at makulimlim ang panahon ngayon. Magandang maglakad ngayon.. Kasing ganda ko.

"Ang tahimik dito sa subdivision niyo. Parang ghost town."

"Naninibago ka lang palibhasa yung subdivision niyo eh palaging may nagkakaraoke kahit madaling araw na." sagot ko.

Totoo yun ha? Walang halong biro, promise.

Naalala ko nung kina Delancy kami nag sleepover.. Ito yung time na may project kami sa english nun tapos pinagdidikit kami ng parts of speech sa folder.. Basta yun. Project namin nung grade two kami.. Final requirements.

So ayun kina Delancy kami nag sleepover para gawin yung project na yun.

Although hindi naman kami magkakasection noon pero ang sistema kasi sa school namin, magkakaparehas ng projects na gagawin ang magkaka grade level so ayun nga.. Nagtulungan kami na gawin yun.

Gabi na kami natapos sa paggawa ng project kasi ewan ko ba kay Julia, tinukso niya kasi kami ni Delancy na mag chinese garter muna kaya ayun, nalibang kami sa chinese garter kaya bandang hapon na namin naumpisahan yung project namin imbes na sana tanghali.

Tapos gabi na nga, tapos na kaming magsikain at handa ng matulog pero grabe yung mga kapitbahay nina Delancy, mukhang ayaw magpatulog.

Madaling araw ba naman kasi eh kantahan pa ng kantahan ng mga hit songs ng Aegis.

Akala mo mga iniwan ng mga jowa nilang arabo ang peg kung makakanta eh.

Kaya ayun, hindi din kami nakatulog ng maayos ni Julia kaya ang ending, pumasok kami kinabukasan na antok na antok.

Kaloka diba?

"Alam mo naman mga tao sa amin, mga feeling singer." aniya at natatawa.

Tumpak.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad nang biglang may nadaanan kaming isang matandang babae kasama ang dalawa nitong anak na lalaki.

Lumapit sila sa amin.

Think about—am—the generations and they say we wanna make it a better place for our children, and our children's children, so that they they they know it's a better world for them, and think they can make it a better place

There's a place in your heart

And I know that it is love

And this place could be much brighter than tomorrow

And if you really try

You'll find there's no need to cry

In this place you'll feel there's no hurt or sorrow

There are ways to get there

If you care enough for the living

Make a little space

Make a better place

Heal the world

Make it a better place

For you and for me

And the entire human race

There are people dying

If you care enough for the living

Make a better place

For you and for me

If you want to know why

There's a love that cannot lie

Love is strong

It only cares for joyful giving

If we try we shall see

In this bliss we cannot feel

Fear or dread

We stop existing and start living

Then it feels that always

Love's enough for us growing

So make a better world

Make a better world

Heal the world

Make it a better place

For you and for me

And the entire human race

There are people dying

If you care enough for the living

Make a better place

For you and for me

And the dream we were conceived in

Will reveal a joyful face

And the world we once believed in

Will shine again in grace

Then why do we keep strangling life

Wound this earth, crucify its soul

Though it's plain to see

This world is heavenly

Be God's glow

We could fly so high

Let our spirits never die

In my heart I feel you are all my brothers

Create a world with no fear

Together we'll cry happy tears

See the nations turn their swords into plowshares

We could really get there

If you cared enough for the living

Make a little space

To make a better place

Heal the world

Make it a better place

For you and for me

And the entire human race

There are people dying

If you care enough for the living

Make a better place

For you and for me

Heal the world

Make it a better place

For you and for me

And the entire human race

There are people dying

If you care enough for the living

Make a better place

For you and for me

Heal the world

Make it a better place

For you and for me

And the entire human race

There are people dying

If you care enough for the living

Make a better place

For you and for me

There are people dying

If you care enough for the living

Make a better place

For you and for me

There are people dying

If you care enough for the living

Make a better place

For you and for me

You and for me

You and for me

You and for me

You and for me

You and for me

You and for me

You and for me

You and for me

You and for me

You and for me

You and for me

Heal the world we live in, save it for our children

Heal the world we live in, save it for our children

Heal the world we live in, save it for our children

Heal the world we live in, save it for our children

Nakakatuwa naman ang effort nilang alayan kami ng napakagandang awitin na yun. Idagdag mo pa na napakaganda ng pagtatanghal nila kaya ngayon niyo sa akin sabihing hindi ko sila dapat bigyan ng kahit anong halaga?

Nakakahiya naman kung hindi diba kaya naman inabutan ko sila ng isang libo at ganun din ang ginawa ni Delancy.

Nagpasalamat naman sila sa amin bago umalis.

Hindi ko din namalayang nakalabas na pala kami ng subdivision kaya hindi na din ako nagtaka na bakit may nakasalubong kaming mga taong kagaya nila.

"Nauuhaw ako, Magi. Pasok lang ako saglit sa ministop." paalam ni Delancy sa akin.

"Damay mo ko." pahabol ko na tinanguan niya lang.

Sakto namang katapat ng ministop ay may isang playground kung saan naglalaro ang mga bata sa damuhan at ang iba naman ay nagpapadulas sa slide.

Naglakad ako palapit sa playground nang bigla kong nasilayan si Alec na nakaupo sa may bench na nakahanay sa gilid ng playground.

"Oh my!" kinikilig kong sabi.

Kita ko namang bahagyang lumikot ang ulo niya sa gawi ko kaya dali-dali akong nagtago sa malaking puno para hindi niya ako makita.

Mayamaya lang din ay sinilip ko siya na nandun pa din sa kinauupuan niya.

Bakit kaya siya nandon? Anong ginagawa niya don?

Siguro sinasamahan niya ang pamangkin niyang maglaro sa playground no?

Kaya lang bakit dito? Bakit hindi nalang sa bahay nila? Bakit kailangan dito pa diba?

'Baka gusto niya ako makita?'

Ay shet.

Kinilig naman ako don.

Pero mayamaya lang din ay nawala ang kilig na yun nang makita kong nakatayo na si Alec sa inuupuan niya saka sinalubong ng yakap ang isang hindi ko kilalang babae.

Hinalikan niya pa ito sa noo bago ibinigay ang isang rosas na ngayon ko lang napansin na hawak niya.

Para akong dinurog sa nakita ko.