Chapter 9 - CHAPTER 8

Sabado ngayon, may pasok dapat kami kaya lang nagsuspend ng pasok ang campus namin dahil may biglaang meeting daw ang mga professors. Hindi ko lang alam kung ano or bakit biglaang nagkameeting basta ang mahalaga ngayon, walang pasok!

Akala ko nga makakapagpahinga ko ngayong araw at makakatulog ng maghapon kaya lang bigla akong nakareceive ng text galing kay Julia.

Invited kami ni Dylan sa birthday party ni Lerisse. Sumama kayo ni Delancy kung hindi isasara ko mga butas ng ilong niyo!

Oh diba, ang gandang bungad ng text message ng babaeng 'yun.

Kahit kailan talaga hindi mawala-wala sa kaniya ang magbanta. Buti nalang talaga hindi siya mangkukulam kung hindi, nako! Matagal na kong todas.

Hindi nalang ako humindi sa alok niya kasi aaminin ko na gusto ko ding gumala.

Kahit kakagala ko lang kahapon pero ewan ko ba, kapag nasa bahay lang ako para bang nanghihina ako.

Di bale na kung party ni Lerisse 'yun, si Julia naman nag-invite sa akin eh saka ininvite niya sina Dylan at Julia kaya may karapatan naman si Julia na isama kung sino ang gusto niyang isama noh?

Sorry na, gusto ko lang talaga sumama kaya ganito ako magpaliwanag.

Hindi naman sa gusto ko makita si Alec kasi t'yak buong DWEIYAH naman ininvite nun si Lerisse eh. Malandi yun eh.

Actually gusto ko lang talaga mag enjoy. Bonus na yung gusto ko makita si Alec HAHAHAHHA oo na malandi na din ako.

Bakit ba?!

Ang gara kasi talaga ng pakiramdam ko dun sa nangyari kahapon eh.

Flashback:

"Magi?" tawag sa akin ni Alec.

Nang titingin ako sa gawi niya ay bigla akong nasilaw sa sinag ng araw dahilan para mapatakip ako sa gilid ng mukha ko.

Mayamaya lang din ay naramdaman kong nawala na ang sinag nun.

Akala ko ay dahil biglang kumulimlim pero nagkamali ako.

Dahil hinarang pala ni Alec ang sarili niya sa pinanggagalingan ng araw para hindi ako masilaw.

Hindi ko alam pero bigla nalang napako ang tingin ko kay Alec na ngayon ay nakatayo habang nakayuko akong tinitignan.

Bakit ang sarap niyang pagmasdan sa ganitong view?

Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko para alalayang tumayo.

Agad ko naman ding inabot yun.

"Maganda ang view sa sunset kapag nakatayo." aniya saka humarap sa gawi kung saan lulubog ang araw mayamaya lang.

Hindi ko alam kung maiilang ako o kikiligin kasi hindi niya pa din binibitawan ang kamay ko.

Para kaming magjowa dito habang nanonood sa magandang paglubog ng araw.

End of Flashback.

Hanggang ngayon kinikilig pa din talaga ako. Hindi ko makalimutan nakakainis!

Bakit naman ganito ang epekto sa akin ni Alec?

Nakakabaliw siya!

*ring*

Napahinto ako sa malupitan kong imagination nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Hay nako.

Iniistorbo na naman ako nitong si Julia. Kahit kailan talaga.

"Ano?" walang ganang sagot ko sa kaniya.

'Kina Delancy, mamayang 3pm sharp. Walang malelate.' aniya saka ako binabaan ng tawag.

Jusme.

Yun lang pala ang sasabihin eh hindi nalang tinext! Hays. Tinamad siguro magtype.

Anyway, kina Delancy kami mag-aayos para sa party saka sa hotel kasi gaganapin yung engrandeng party ni Lerisse kaya kailangan talaga bonggahan namin ang gayakan namin.

Hindi kami papakabog beh.

-

"Ready?" excited na tanong ni Julia sa aming dalawa ni Delancy.

Kakatapos lang naming magsipag-ayos at handang-handa na talaga kaming gumora sa party.

Pinagmasdan ko ang napakagandang ayos ni Delancy. Hindi masyadong kinapalan ni Julia ang make-up sa kaniya dahil sure na hindi 'yun babagay.

Maamo kasi ang mukha ni Delancy kaya kailangan light lang ang make-up niya.

She's now wearing a shiny sequined gray party dress. Mas lalong bumagay sa kaniya 'yung dress dahil na din sa wavy niyang buhok. Ang ganda niyang tignan as in!

Sunod kong tinignan ang ayos ni Julia at hindi naman ako nagulat na makita siyang maganda din sa ayos niya kasi kahit walang ayos 'to si Julia e maganda na. Eh ngayon pa kayang  nakaayos na siya diba? Edi mas lalo siyang gumanda.

She's now wearing a shiny sequins thigh slit evening dress. Bumagay naman sa kaniya ang dress dahil sexy naman siya at sure ako maraming mahahakot 'to na kachat.

Habang ako naman ay tinignan ang sariling repleksyon sa salamin.

I'm now wearing a solid deep V cape design mini dress. It looks simple yet elegant. Bet na bet ko talaga 'tong dress na 'to!

"Let's go." aya ko sa dalawa dahil baka mamaya ay pati sa party eh late kaming dumating.

Nakakahiya naman yun. Hindi na nga kami invited ni Lerisse sa party niya tas late pa kami dadating diba? Makapal lang mukha lang ang peg?

-

Pagdating namin sa mismong venue ay naabutan naming marami ng tao dito kahit maaga pa naman ng isang oras.

Hindi naman siguro excited mga bisita ni Lerisse no?

Pero hindi ko maiwasang mamangha sa dekorasyon sa venue. As in ang ganda talaga.

Bonggang-bongga at halatang pinaghandaan ng husto ang party na 'to.

Iba talaga pag mayaman e no? Taon taon kang may enggrandeng party. Sana all diba?

Ako kasi hindi ko naranasang magkaparty ng gan'tong kabongga sa buong buhay ko.

Noong nag 18 ako, hindi ako nagdebut kasi para saan pang magcelebrate ako ng 18th birthday ko kung wala naman sa mismong party ko ang mga magulang ko diba?

Samantalang nung si Macy ang nag 18 eh todo asikaso sila at paghahanda mapabongga lang ang debut ng kapatid ko.

Napangiti ako ng mapait nang maalala ang mga yun.

Kasi dun pa lang sa nangyaring yun, makikita mo na agad kung gaano ka biased ang mga magulang ko.

Kung gaano nila kamahal si Macy at kung gaano ako kawalang halaga sa kanila.

Sana lang dumating yung time na magbago 'to lahat. Ayoko ng maramdaman yung ganto kasi eh. Ayokong maramdamang hindi ako belong sa sarili kong pamilya.

"Why is that bitch here?" salubong sa amin ni Lerisse habang mataray na nakatingin sa akin. "I don't remember inviting her to come."

"You invited me diba? So I have the right to invite my friends also." sagot naman ni Julia. "Kung ayaw mong nandito si Magi, aalis na lang kami. Tutal—"

Napahinto siya sa sasabihin nang pigilan siya ni Lerisse.

"Please stay." aniya. "Okay, fine. Nandito na din lang kayo eh so enjoy the party." dagdag pa niya saka ngumiti ng peke sa akin.

Napakaplastik!

Palibhasa nagpapalakas kay Julia para  mapalapit siya kay Dylan eh.

Nakooo! Mga galawan ni Lerisse lumang luma na.

"Akala siguro ng impaktang yun eh sa ginagawa niyang pakikipag close sa akin eh magiging kaniya si Dylan.. Hay nako, kawawa talaga ang babaeng 'yun no? Siya lang ang natatanging babaeng kilala ko na pinagkaitan ng utak." sabi ni Julia sa amin.

Grabe talaga bunganga nito, walang habas!

Humanap kami ng magandang table na pupwestuhan at napili namin sa may bandang kaliwa na medyo malapit sa harap.

Kung hindi niyo nagets sinasabi ko, problema niyo na yun ha?

Naupo kami dun at saktong pagkaupo naman namin dun ay may lumapit sa aming waiter at naglapag dun ng tatlong glass of wine.

'Wala bang pagkain?' bulong ko sa isip ko. Nagugutom na kasi ako eh.

Ano ba naman kasing party 'to? Wine lang meron sila? Wine lang kinaya ng budget? Wala man lang kanin at menudo?

Grabe naman.

Mayamaya lang din ay nadadagdagan na ang mga bisitang nagsisidatingan. At nakikita ko na din na inilalabas na yung mga pagkain.

Nako, nakatago pala kanina kaya hindi ko makita.

Patayo na sana ako para sumandok ng pagkain nang biglang dumating ang DWEIYAH.

"May pajama party bang dadaluhan si Alec?" bulong ni Delancy.

Hinampas ko nga!

Sama ng ugali. Nilalait si Alec eh ang gwapo gwapo kaya niya ngayon lalo na sa suot niya.

'Grabe naman, Alec. Bakit ka ganyan? Bakit patagal ng patagal eh mas gumagwapo ka sa paningin ko?'

"Tangina naman nitong si Israel. Sabi ko wag magpapogi ng sobra eh pero tignan mo naman ngayon! Sobrang pogi mga teh! Kapag hinimatay ako dito, please dalhin niyo ko sa kaniya ha? Kailangan ko ng kiss niya." sabi naman ni Julia na sa tingin ko ay inlove na kay Israel.

Jusko po. Goodluck sayo, marupok.

"Mas gumwapo si Dylan sa shades niya. Bagay na bagay. Grabe yung puso ko, tila umuugoy." sabi naman ni Delancy.

Grabe naman kaming tatlo dito, kulang nalang ay maghugis puso ang mga mata namin habang tinititigan ang mga lalaking gusto naming makasama habambuhay.

"Punasan mo nga 'yang bibig mo, Yanna. Para kang siraulong titig na titig sa amin." sabi ni Dylan kay Julia.

Kita ko namang naupo na sina Yuwi, Eli, Harris at Warren sa table namin habang sina Israel, Alec at Dylan ay nanatiling nakatayo pa.

Teka!

Sinong nagbigay sa kanila ng permisong umupo dito ha??!

Pero wag na nga, di na ako aangal. Ang ganda na ng view ko dito eh kasi nakatayo sa harap ko si Alec.

"Kay Israel lang ako nagagwapuhan hindi sa inyo, mga assuming!" sagot naman ni Julia sa kapatid niya.

Hindi siya pinansin ni Dylan at lumapit ito sa kinatatayuan ni Alec.

"Pre, excuse." sabi ni Dylan kay Alec saka hinawi ito at umupo siya sa upuan na kaharap ko.

Kung mamalasin ka nga naman oh.

Pinanlisikan ko siya ng mata sa ginawa niya pero ang tarantado, todo pa kung makabungisngis sa akin!

"Kung makangiti 'to parang walang tinga sa ngipin." naiinis kong bulong sa katabi kong si Delancy.

Hindi niya ko pinansin kasi paano nga ba naman niya ako papansinin eh nakikita niya ngayon ng harap-harapan ang crush niya.

"Ang gaganda niyo sa suot niyo ha? Halatang pinaghandaan." bati ni Eli sa mga suot namin.

Shocks.

Ngayon ko lang napansin si Eli at ang kapogian niya sa suot niya. Impernes sa kaniya, malakas talaga ang appeal niya kahit ano ang ipasuot mo sa kaniya.

"Magaganda kasi kami." confident na sagot ni Julia.

"Napakaganda." komento naman ni Israel na kung makatingin kay Julia eh kala mo walang balak magloko.

Ito namang si Julia sa gilid ko eh parang kinikiliting bulate sa sobrang likot.

Punyeta.

Bakit ba ako napaggigitnaan ng dalawang 'to?

"Ang gagwapo niyo ngayon." biglang sabi ni Delancy pero ang tingin naman niya ay na kay Dylan lang.

Biased din 'to eh.

"Maliit na bagay." sabi naman ni Warren. "Alam niyo kasi girls, gwapo na talaga kami since birth kaya wala ng kaduda-duda dun."

"Tama ka d'yan, bro." pagsang-ayon sa kaniya ni Harris at nag-apir pa.

"Hindi naman kayo mayabang no?" hindi ko napigilan ang sarili ko at sumabat sa kaniya.

"Alam mo, Magi.. Subukan mong pumalag ulit, tignan mo, hahatakin ka talaga namin ni Warren ulit sa jollibee para ilibre kami."

Hayyy!

Pinaalala pa yun!

"Ulit?" singit naman ni Dylan. "Lumabas kayo ng kayo lang?" dagdag pa niya.

"Oo. Nag-arcade pa nga kami eh tsaka nanood ng sine bago kami kumain. Gusto ko nga ulitin eh. Ano tara, Magi? Pustahan ulit sa basketball!" pag-aya ni Warren sa akin na halata namang nang-aasar.

"Dapat sinama niyo ko!" reklamo naman ni Dylan na akala mo parang batang inagawan ng laruan.

"Sinasama ka namin pre pero ayaw mo! Kaya kami nalang ni Warren ang nagpunta sa mall kahapon kasi mga busy naman kayong lahat!"

"Tama! Hindi niyo na kami mabigyan ng oras ni Harris! Nakakatampo na talaga kayong lima! Mga wala kayong pakialam sa nararamdaman namin!" segunda naman ni Warren.

Natawa naman ako kasi ang cute nilang tignan habang kinokonsensya nilang dalawa yung lima nilang kasama.

"Kung alam ko lang na kasama si Magi, sasama talaga ko." seryosong sabi ni Dylan habang nakatingin sa akin.

Agad naman akong umiwas sa kaniya ng tingin.

Para naman kasing tanga! Manlalandi nalang eh dito pa sa harap mismo ni Delancy!

"Nagkataon lang na nakita ko sila sa mall kahapon." sabi ko habang nakatingin sa lamesa.

Bakit kasi ganto? Bakit hindi ko siya matignan sa mata?

"Kamusta pala date niyo ni Alec kahapon?" sabi ni Harris.

"Alam niyo?"

"Nakita namin siyang galing sa bookstore kaya nagmadali kaming umuwi para magkaroon kayo ng oras sa isa't isa." sabi naman ni Warren.

Kaya pala nagmamadali sila!

"Anong date?!" biglang sabi ni Dylan saka tinignan si Alec. "Hoy, Alec! Anong date yun ha? Diba sabi ko walang sulutan?"

Sulutan?

"We just watch the sunset yesterday, pagkatapos nun ay umuwi na kami." sagot naman ni Alec sa kaniya.

"Watching sunset is so romantic, Dylan!" singit naman ni Julia. "Nako, napaghuhuli—"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin nang bigla akong sumingit.

"Uyy, Yuwi! Kamusta naman? Anong lasa nung wine?" alangan kong tanong sa kaniya.

Grabe, alam kong nakakabobo nitong tanong ko pero bahala na. Ang mahalaga ay mailihis ko ang pinag-uusapan nila.

"Kung gusto mong malaman, tikman mo." aniya.

Hindi na ko nagulat na yun ang isasagot niya sa akin.

Grabe talaga 'tong si Yuwi eh. Marunong kaya siyang tumawa?

"Oo nga naman, Magi." sabi naman ni Eli.

Nagulat naman ako kay Eli. Akala ko kasi parehas sila ni Yuwi na tahimik at hindi marunong makipagdaldalan.

Hindi na nadugtungan pa ang pag-uusap namin dahil nagsimula na ang short program ng enggrandeng party ni Lerisse.

Nagsimula sa opening prayer, mga speeches and wishes ng mga malalapit niyang kaibigan at kaanak para sa kaniya..

At sa huling part ng program ay inanyayahan ng emcee ang DWEIYAH upang magpunta sa harapan.

Magpeperform daw pala sila para sa party ni Lerisse.

Sponsor ba yan ha?

Pero ang special ni Lerisse ha? Kakantahan siya ng DWEIYAH kaya tiyak tuwang-tuwa yan.

Kita ko pa nga kung paano siya makatitig kay Dylan eh. Parang si Delancy lang, kulang nalang ay maghugis puso ang mata.

Inlove na inlove teh!

Balik tayo sa stage kung nasaan ang DWEIYAH.

Pumwesto na si Warren sa gilid habang nakapatong sa kaniyang dalawang hita ang gitara.

Habang si Yuwi naman ay nasa bandang likod at ready na hampasin ang drums.

Si Alec naman ay nasa kabilang gilid at handa ng pindutin at patugtugin ang keyboard.

Ang apat na vocalist naman na sina Dylan, Eli, Harris at Israel ay nakapwesto sa gitna habang tangan ang kani-kanilang mikropono.

(Israel)

I'll be your dream

I'll be your wish

I'll be your fantasy

I'll be your hope

I'll be your love

Be everything that you need

(Eli)

I'll love you more with every breath

Truly, madly, deeply do

I will be strong

I will be faithful

'Cause I'm counting on

A new beginning

A reason for living

A deeper meaning, yeah

(Dylan)

I wanna stand with you on a mountain

I wanna bathe with you in the sea

I wanna lay like this forever

Until the sky falls down on me

(Harris)

And when the stars are shining brightly in the velvet sky,

I'll make a wish, send it to heaven then make you want to cry

The tears of joy for all the pleasure and the certainty

That we're surrounded by the comfort and protection of the highest powers

In lonely hours

The tears devour you

(Eli)

I wanna stand with you on a mountain

I wanna bathe with you in the sea

I wanna lay like this forever

Until the sky falls down on me

(Dylan)

Oh, can you see it, baby?

You don't have to close your eyes

'Cause it's standing right before you

All that you need will surely come

(Harris)

I'll be your dream

I'll be your wish

I'll be your fantasy

I'll be your hope

I'll be your love

Be everything that you need

(Eli)

I'll love you more with every breath

Truly, madly, deeply do

(I love you)

(Israel)

I wanna stand with you on a mountain

I wanna bathe with you in the sea

I wanna lay like this forever

Until the sky falls down on me

(Dylan)

I wanna stand with you on a mountain

I wanna bathe with you in the sea

I want to live like this forever

Until the sky falls down on me

Malakas na palakpakan ang nadinig ko matapos ang performance nila.

Hindi naman nakakagulat yun dahil magagaling talaga sila, ang ganda ng performance nila kaya deserve nilang palakpakan sila.

Plus point pa na nakasuit sila at ang gagwapo nila sa stage.

Oo na, gwapo naman kasi talaga silang lahat. Sadyang yung iba lang sa kanila ay sumobra yata ang hangin sa katawan.

"Wait lang ha?" sabi ko dun sa dalawa saka sila iniwan sa table namin.

Lumayo ako konti para masagot 'yung kanina pa tawag ng tawag sakin.

Si mommy pala.

"Po?"

"Anong oras ba uwi mo?"

"Mayamaya pa po. Bakit po?"

"Wala. Aalis kasi ako kaya kumain ka dyan ng kumain dahil hindi kita pinagluto. Nag leave kasi yung kasambahay kanina."

"Okay po." at saka binaba ang tawag.

Hindi ko na naman maiwasang maging emosyonal. Ewan ko ba kung bakit ganito ako? Konting salita lang ni mommy ay naiiyak ako.

Nasaktan ako sa sinabi niya na hindi niya daw ako pinagluto. Mas inuna niya talaga lakad niya kaysa ang ipagluto ako? Although malaki naman na ako at kaya ko ng magluto pero syempre hindi ko din maiwasang mamiss yung luto niya.

Siguro kung ako si Macy, baka ipagluto niya ako. Kaso nga lang ako si Magi eh, kaya anong dahilan niya para magluto para sa akin diba?

Ano ba yan? Nasa party ako tapos ganito ako! Dapat enjoy lang!

Pabalik na sana ako sa table ko nang biglang humarang si Lerisse sa dadaanan ko.

Ano na naman kayang problema nito?

"Gusto ko lang malaman mo na hindi ka talaga invited dito. Hindi nga kita ininvite diba so ang lakas naman ng loob mo na magpakita sa akin ngayon dito. Sabihin nating sinama ka ni Julia pero kung may kahihiyan ka sa katawan, sana hindi ka nalang pumayag diba?"

Sa tingin niya talaga hindi pumasok sa isip ko yon? Like duh? Inisip ko din yun syempre pero mapilit kaya si Julia kaya hindi na din ako nakaayaw.

Papatulan ko ba 'to? Baka magkagulo lang kasi.

"Matatapos naman na yung party mo, magtiis ka na lang na nakikita mo ko dito, okay?"

"Ano pa nga ba? At saka isa pa, sa tingin mo hindi ko alam na kaya mo kinakaibigan si Julia kasi gusto mong mapalapit kay Dylan? Kunyari ka pa na aayaw ayaw kay Dylan pero sa loob-loob mo eh nasisiyahan kang nilalandi ka niya!"

Grabe 'to, ang daming isyu sa akin! Inaano ko ba 'to?

"Mapanggawa ka ng isyu no? Anyway, hindi ko naman kasi talaga type si Dylan. Kung gusto mo siya, edi go. Bahala ka sa buhay mo, wala akong pake. Hindi ko siya inaagaw sayo okay? Kaya pwede ka ng makahinga ng maluwag."

Tinitigan niya ako ng masama saka unti-unti siyang lumapit sa akin.

"Dapat lang. Dahil akin lang si Dylan. Ang sinumang magtatangkang umagaw sa kaniya sa akin ay mapapaaga ang pagpanaw." pagbabanta niya sa akin saka niya ako tinalikuran.

Sa tingin niya ba natakot niya ako dun? Tsk.

Kahit pagbantaan niya man ako ng paulit-ulit, ilalakad ko pa din si Delancy kay Dylan noh!

Hays.

Pagbalik ko sa table ay naabutan kong ang nakaupo nalang dun ay si Yuwi at Dylan.

Ang iba kasi ay nasa dance floor pala at busy makipagsayaw sa kung kani-kanino.

Si Julia na kasayaw si Israel. Hindi ko talaga namalayang bigla nalang naging close yung dalawa. Hindi ko man lang nasubaybayan kung paano at paano sila naging close eh.

Sina Alec, Harris, Eli at Warren naman ay kung sino-sinong babae ang sinasayaw.

'Hala ka, Alec! Nagseselos ako dito!'

Si Delancy naman ay hindi ko nakita sa dance floor.

Dun ko siya nakita sa may gilid habang nakaupo at umiinom ng wine.

Nagsosolo ang gaga.

Habang ako naman ay walang balak magsaya at makipagsayawan sa dance floor dahil wala ako sa mood kagaya ni Yuwi.

Gusto ko nalang kumain at magpakabusog.

Paupo na sana ako ng upuan ko nang biglang may humatak sa braso ko at dinala ako sa gitna ng dance floor.

"Dylan?" bulong ko.

Bakit niya ako dinala dito? Isasayaw niya ako? At hindi man lang niya hiningi ang permiso ko?

Kinuha niya ang kanang kamay ko at pinatong sa balikat niya habang hinawakan naman niya ang kaliwa kong kamay. Habang ang kaliwa niyang kamay naman ay nakahawak sa baywang ko.

Hindi ko na nagawang pumalag sa kaniya kasi maski ang katawan ko ay parang hindi sang-ayon na itulak siya palayo.

Teka, bakit?

"Tignan mo naman ako sa mata, Magi." aniya.

At nagkusa ang katawan ko at sinunod ang gusto niya.

Tinignan ko siya sa mata.

Ay mali.

Tinitigan ko siya.

"Matagal ko ng gustong matitigan ka ng gan'to kalapit. Mahawakan ka at magdikit ang katawan natin ng isang metro lang ang pagitan."

Ramdam kong nakikita kami ni Delancy ngayon kaya naman agad din akong bumitaw sa kaniya at lumayo saka siya iniwan dun mag-isa sa dance floor.

Mali 'to.

Hindi ko siya gusto, okay?

Pero bakit bumibilis ang tibok ng puso ko kapag ganun siya kalapit sa akin?

Ewan ko ba kung bakit hinihingal akong napaupo sa upuan ko.

Ang bilis kasi talaga ng tibok ng puso ko at hindi ko maipaliwanag kung bakit ganun?

"Halata sa itsura mong naguguluhan ka." biglang saad ni Yuwi na hindi ko na napansin na nandito pa pala siya.

"Anong sinasabi mo?"

"Bingi ka ba? Wala bang cotton buds sa bahay niyo?" aba at namilosopo pa ang lintek. "Naguguluhan ka sa feelings mo. Hindi mo alam kung para kanino ba talaga yan. Kasi naman ang landi mo."

Aba puta.

Sinabihan pa kong malandi.

Pilosopo na nga tapos nang-insulto pa!

"Sana tumanda kang binata." sabi ko sa kaniya at iniwan dun.

Kailangan ko ng hangin. Kailangan kong makahinga dahil feeling ko ang sikip ng dibdib ko at tila parang may nakabara ditong kung ano.

Napadpad naman ako sa pool area nitong hotel na hindi naman kalayuan sa may event hall.

Hayyyy.

Mabuti ba dito at nakakahinga ako ng maayos.

Grabe naman kasi si Dylan, bigla akong pinapakaba sa mga sinasabi niya. Hindi ko tuloy alam kung seseryosohin ko yun o babaliwalain nalang eh.

Ang abnormal naman kasi. Isipin niyo nga, kung matinong tao yun eh bakit niya sinasabi sa akin yun bigla diba?

Hindi naman kami close. Saka ayoko naman kasing maniwala na may gusto siya sa akin. Ayokong umasa saka ayokong makasakit ng damdamin ng iba.

Gusto siya ni Delancy kaya hindi ko siya pwedeng gustuhin din. Ayokong dumating sa punto na magkasira ang pagkakaibigan namin ni Delancy nang dahil lang sa lalaki.

Hangga't maaari, nilalayo ko ang sarili ko sa kaniya pero siya naman kasi 'tong lapit ng lapit.

Para siyang linta kung makakapit.

Maybe it's intuition

But some things you just don't question

Bigla akong napatigil sa pag-iisip ng malalim nang biglang magplay kusa ang spotify ko.

Siguro may wifi dito tas walang password kaya biglang nakaconnect agad ako.

Like in your eyes

I see my future in an instant

and there it goes

I think I've found my best friend

I know that it might sound more than

a little crazy but I believe

[chorus:]

I knew I loved you before I met you

I think I dreamed you into life

I knew I loved you before I met you

I have been waiting all my life

There's just no rhyme or reason

only this sense of completion

and in your eyes

I see the missing pieces

I'm searching for

I think I found my way home

I know that it might sound more than

a little crazy but I believe

[chorus:]

I knew I loved you before I met you

I think I dreamed you into life

I knew I loved you before I met you

I have been waiting all my life

A thousand angels dance around you

I am complete now that I found you

[chorus:]

I knew I loved you before I met you

I think I dreamed you into life

I knew I loved you before I met you

I have been waiting all my life

Bakit parang tinamaan ako sa kanta? Bakit parang tagos na tagos sa puso ko? Bakit muli na naman akong hindi makahinga?

'I knew I loved you?'

Tapos bigla ko na namang naalala yung sinabi kanina ni Yuwi.

'Naguguluhan ka sa feelings mo. Hindi mo alam kung para kanino ba talaga yan.'

Ayyyssh! Ano ba 'tong iniisip ko?! Nahihibang na yata ako!

"Magi!" nasa ganoong pag-iisip ako nang biglang lumitaw si Lerisse.

Hanggang dito ba naman ay sinundan ako!

"Sinabihan na kita kanina diba?! Sabi ko sayo layuan mo si Dylan! Pero anong ginawa mo? Ininis mo talaga ako at nakipagsayaw ka pa sakaniya kanina?! Talaga bang sinusubukan mo ko ha? Alam mo hindi ako nagbibiro! Kaya talaga kitang patayin!"

"Edi subu—" hindi na ko natapos sa sasabihin ko nang bigla niya akong sugurin at saka sinabunutan.

Masakit siya sumabunot! Grabe 'to. Gigil na gigil sa buhok ko ha?

"BITAWAN MO BUHOK KO, LERISSE! ALAM MO BANG TATLONG ORAS YAN KINULOT NI JULIA TAPOS SASABUNUTAN MO LANG?!" gigil kong sabi sa kaniya pero ang gaga, ayaw paawat.

Naramdaman kong itinutulak niya ko paatras at konti nalang ay mahuhulog na ko sa pool.

"Ang bagay sayo ay malunod!" aniya saka malakas akong itinulak sa swimming pool.

Shit.

Hindi ako marunong lumangoy.

"TULONG!"

"TULUNGAN NIYO AKO!"

"L-LERISSE! T-TULUNGAN M-MO A-KO!"

Pinagmasdan niya lang ako dun habang nakangisi. Habang ako naman ay anumang oras ay malalagutan na ng hininga dito.

Hindi na ako makahinga. Feeling ko—

Papikit na ang mata ko nang biglang may naramdaman akong tumalon sa tubig at lumapit sa kinaroroonan ko saka ako iniahon sa pool.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Dylan sa akin.

Hindi ako sumagot bagkus hindi ko namalayang napasandal ako sa balikat niya sa sobrang hingal dahil na din sa ilang minuto akong hindi nakahinga habang nasa tubig ako.