Chapter 8 - CHAPTER 7

Araw ng byernes ngayon at wala kaming pasok. Yeah, every friday and sunday kami walang pasok. 'Yun ang nagsilbi naming weekend.

Kaya ngayon tengga ako ngayon sa bahay at hindi alam kung anong gagawin ko.

Makikipagtitigan nalang ba ko dito sa kisame buong maghapon?

Grabe ang boring ng buhay ko.

Bigla ko tuloy naalala 'yung huntahan namin ni Julia kahapon, matapos nung performance nila Dylan.

Flashback:

"Punyeta ka Magi, aminin mo nga sa akin.. Pinainom mo ba ng gayuma kapatid ko ha? Nakakagulat na kinakantahan ka na ngayon." pinalo ko siya sa braso dahil baka may makarinig sa kaniya.

Malakas pa naman bunganga nito kahit bumubulong.

"May topak lang talaga 'yang kapatid mo. Wag ako ang sisihin mo."

"Iba ka din eh noh? Ano bang gamit mong shampoo at ganyan kahaba ang buhok mo?" pang-aasar niya pa. "Pero alam mo, ngayon ko masasabing iba ka sa mga babaeng nakakadate ng kapatid ko."

Napalingon ako sa kaniya.

Anong ibig niyang sabihin dun?

"Hindi ka kakantahan ni Dylan kung hindi ka naman importante sa kaniya. Nagegets mo ba ko?" saglit akong hindi nagsalita. "Wag mo sabihing nahawa ka na sa pagkaslow ni Delancy?"

"Gaga. Pero teka nga, ano bang sinasabi mo? At saka bakit mo sinasabi sa akin yan ngayon?"

Inirapan niya ako.

'Aba? Tanggalan kita dyan ng mata eh.'

"Sumasakit anit ko sayo, Magi. Okay sige, bibigyan kita ng isang araw para maintindihan 'yang sinabi ko. Kapag sa sabado hindi mo pa din gets, sinusumpa ko, magsasara butas ng pwet mo." aniya saka natatawa pa.

Hinampas ko nga.

Pati butas ng pwet ko dinadamay. Mamaya magkatotoo sinabi niya eh, edi hindi ako nakatae?

End of Flashback.

'Yun nga, naalala ko na naman ang sinabi ni Julia.

Heto na naman ang utak ko at nagsisimula na namang sumakit.

Eh kasi naman, ano bang ibig niyang sabihin? Bakit hindi ko gets?

Hindi ka kakantahan ni Dylan kung hindi ka naman importante sa kaniya. Nagegets mo ba ko?

Unang-una sa lahat, bakit big deal kay Julia ang ginawang pagkanta sa akin ni Dylan? Ano namang pake ko kung kinantahan ako ni Dylan?

Malay mo baka trip niya lang ako diba?

Or kaya wala na siyang ibang maisip na paglaanan ng kanta at ako ang naiisip niya.

Hindi naman kasi porke kinantahan ako ni Dylan eh ibig sabihin nun importante na ko sa kaniya.

Sino ba naman ako diba? Hindi nga kami close. Hindi kami magkaibigan so paano ako magiging importante sa kaniya?

Hindi ko nga magawang maniwala na crush niya ako. Hello? Paano ko maniniwala sa isang Dylan Villarosa eh mukhang mas sinungaling pa siya kay Pinocchio eh.

Wag ako ha, wag ako. May rabbies ako!

Instead na isipin ko si Dylan maghapon ay naisipan kong magpunta nalang mall para sana makabili ako ng bagong bag.

Saka naalala ko, may babalikan pa nga pala akong damit sa bench. Sana maabutan ko pa.

-

Alas onse ng umaga ay nakarating ako dito sa mall.

Hindi na ko nagulat na maraming tao dito ngayon. Every friday talaga tinatao 'tong mall samantalang kapag linggo naman, dun madalang ang mga tao.

Baligtad eh.

Kasi friday is pay-day so pagkasweldo, waldas agad. Baka mapanis yung pera, mahirap na.

So ayun, nandito na ko sa Miniso at hinahanap ko yung bag na nagustuhan ko dito kaya lang sabi sa akin ng sales lady ay out of stock na daw sila.

Nakakayamot naman.

Sana pala nagpareserve ako noh? Ewan ko ba, nung araw kasi na pumunta ko dito eh hindi ko nabaon yung utak ko.

Pagkagaling dun ay dumiretsyo ako sa bench para balikan yung oversized shirt na bet na bet ko.

Unang kita ko pa lang kasi dun eh napukaw na agad talaga ang mata ko kaya naman sabi ko sa sarili ko na babalikan ko kako yun.

That time kasi eh nakapos ako sa pera dahil nawaldas ko lahat sa World of Fun. Nalibang ako sa mga games dun na hindi naman ako manalo-nalo. Punyeta.

"Out of stock na din?" sagot ko dun sa sales lady.

Nakakayamot naman talaga. Bakit ganun? Bakit out of stock na????

Sayang naman ang pinunta ko dito sa mall eh yung pakay kong bilhin eh ubos na. Grabe naman, ang boring na nga ngayong araw tapos ang malas ko pa.

Palabas na ko ng bench nang bigla kong makasalubong sina Warren at Harris.

Nang makita nila ko ay agad nila kong kinawayan at nilapitan ako.

"Mag-isa ka lang?" tanong sa akin ni Harris.

"Bro, may nakikita ka bang kasama niya?" pambabara naman sa kaniya ni Warren.

May point naman siya.

"Oo eh. May kasama siyang lalaki, nakaakbay nga sa kaniya oh."

Pinalo naman siya sa braso ni Warren.

"Kumalma ka nga, Warren. Napaka chick boy mo pero sa multo lang eh takot ka. Halika nga dito, payakap."

Napangiwi ako sa nakikita ko. Kailangan talaga sa harap ko sila magganyanan? Hindi man lang sila nahiya noh?

"Anyway, gusto mo sumama sa amin? Tara sa World of Fun.. Ang aga pa para umuwi oh!" yaya ni Warren na tinanguan ko nalang.

Sa totoo nga niyan eh ayaw ko pa talagang umuwi. Masyado pa ngang maaga saka ano namang gagawin ko sa bahay diba? Matutulog na naman? Sawang-sawa na ako matulog kaya.

Nasa second floor ang World of Fun. Pagkarating nga namin dito ay medyo marami ang tao sa loob pero keribels namin 'yan.

Gustong gusto ko pa naman makalaro ulit. Parang ang tagal na nung huli akong nakapasok dito. Nakakamiss.

Nagtatakbo ako sa loob matapos makapagpapalit ng tokens at ang una ko talagang pinuntahan ay ang basketball.

Babae ako guys pero baliw na baliw ako dito sa game na 'to.

Naalala ko nung nagpunta kami ni Macy sa isang arcade sa Italy na halos kagaya nito, una ko talagang pinuntahan is basketball.

Tapos naalala ko din, nagpataasan pa kami ni Macy ng score nun. Ang may pinakamataas kako na score ay ililibre ng shake.

Nung time kasi na yun eh masaya na kami ni Macy sa shake lang. As in good mood na agad kami kapag may shake kami.

Yun kasi yung fav drink namin. At hindi ko maiwasang mamiss yun.

Miss ko na siya.

"Pataasan? Ano, game?" yaya ni Harris at pumwesto siya sa katabi kong pwesto habang si Warren naman ay pumwesto sa kabilang gilid ko.

Aba, naghahamon 'tong dalawa na 'to ah?

"Game. Ang may pinakamababang score ay manlilibre sa jollibee." sabi ko at tinanguan lang nila ako.

'Humanda na kayong matalo.'

Nagsimula na ang tatlong minuto naming pagsushoot.

Hindi ko na inintindi kung masushoot ba 'yung hinahagis kong bola, basta hagis lang ako ng hagis.

Ganun kasi ako maglaro, malay mo naman sa sampong hagis na ginagawa ko eh may siyam dun na nashoot diba?

Malay lang natin.

Second round na at gumagalaw na ang ring na sinushootan namin kaya medyo humihirap na para sa akin na makashoot.

Lalo na yung galaw nung ring is taas baba eh hindi naman ako gaanong katangkad para maabot yung ring kapag tumataas ito.

Napakalugi naman.

Samantalang itong dalawa sa tabi ko eh walang kahirap-hirap na magshoot. Palibhasa mas matangkad sila sa akin. Hmpk! Ang unfair.

Third and last round. Ang galaw naman ng ring is right and left.

Medyo naging madali na sa aking magshoot ng bola dahil hindi ko na kailangang tumingkayad pa.

OMG.

Tatlong bola nalang ang natira sa akin dahil yung apat na bola ay naka lock na.

Wala na akong pake basta hinagis ko nalang yung tatlong bola na yun ng sunod-sunod.

Yun nga lang, sa tatlong hagis ko, isa lang ang pumasok.

Tinignan ko ang score ko..

65...

Samantalang si Harris naman ay naka 75 at si Warren ay naka 69..

OMG.

"Sino ulit yung manlilibre, bro?" pang-aasar ni Warren at umakbay pa kay Harris.

Nakakainis naman.

Sana pala hindi ko nalang sila nakasalubong.. Edi sana ngayon nakatipid ako.

"Maaga pa maglunch. Ibang game naman itry muna natin." sabi ko sa dalawa. Saka isa pa, may natitira pa kong token kaya hangga't hindi 'to nauubos, hindi kami aalis dito.

"Wag mo kaming simplehan, Magi. Hindi ka namin pauuwiin hangga't hindi mo kami nababayaran." sabi ni Harris.

Grabe naman 'to. Ano akala niya sa akin, talkshit?

"Kumalma nga kayo, para kayong takot na takot na hindi mabayaran eh. Wag kayo mag-alala, hindi ko kayo tatakasan."

"Aba dapat lang. Wala pang babaeng tumatakbo sa amin." sabi ni Harris saka nagpogi sign pa.

Ngi?

Anong connect?

Hindi ko nalang sila pinansin na dalawa at dumiretsyo sa susunod kong gustong laruin.

Tekken.

Yieeee. Parang nung araw lang e sa bidyuhan ko 'to nilalaro tapos ngayon dito na..

Anyway, dun sa mga hindi nakakaalam ng bidyuhan.. Ito yung sinaunang pisonet.

Basta sa bidyuhan eh makakapaglaro ka dun ng iba't ibang games like Tekken tapos karera ng kabayo. Basta yun, nakalimutan ko kung anong game yun.

Tapos hinuhulugan din siya ng piso. Tanda ko pa nga nun na nagtitira talaga ako ng baon ko nung elem ko para makadiretsyo ko sa bidyuhan malapit sa amin.

As in dati, adik na adik ako dun.

"Kokorni naman ng mga nilalaro mo, Magi." komento ni Warren.

"Walang pakialamanan ng trip, Warren."

Tinawanan niya lang ako kaya hindi ko na siya pinansin pa.

Nagfocus na ko dito sa nilalaro ko.

So this is it. Sa wakas ay magsis—

"Anong nangyari?" bulong ko sa sarili nang biglang namatay yung monitor ng bidyuhan ko.

"Sorry mam, nagkaroon ng technical problem sa mga gamit namin." sabi sa akin nung isang staff na lalaki.

Oo nga, halos yung ibang mga game ay natigil dahil biglang mga nag power off.

Halaaa.

Nakakainis naman. Gusto ko pa man din makapaglaro ng Tekken.

Sabi na eh, ang malas ko talaga ngayong araw.

"Wag ka na sad, Magi. Kain nalang tayo." muli na naman akong binwisit nitong si Warren.

Nananahimik na nga ako eh.

"Punuan sa jollibee ngayon kasi lunch kaya mayamaya na. Nood muna tayo sa sine." yaya ko dun sa dalawa.

Hindi naman sa tinatakasan ko sila sa utang ko pero parang ganun na nga.

"Libre mo?" sabay pa nilang tanong.

Kung kotongan ko kaya 'to ng tig isa?

"Pagkain lang ang sagot ko sa inyo, wag kayong abuso." sabi ko sa kanila at nauna na kong magpunta sa sinehan.

Nasa kabilang dulo lang naman dito sa second floor yun kaya hindi kami natagalan na makarating dun.

Napagkasunduan naming tatlo na yung Unexpectedly Yours nalang yung panoorin namin.

2019 ata nirelease yung movie na yun pero nire-show dito sa mall sa lugar namin at hindi ko din alam ang dahilan.

Tamang-tama din kasi matagal ko na ding balak panoorin 'to.

Naka download na nga ang movie na 'to sa Iflix ko pero hanggang ngayon hindi ko napapanood dahil sa katangahang ginawa ko.

Aksidente kong na uninstall yung Iflix ko kaya ayun, yung tatlong oras ko na dinownload na movie ay naglahong parang bula.

Yamot na yamot talaga ko nung mga oras na yun pero wala akong magagawa, nangyari na eh.

Teka ang daldal ko naman, hindi ko namalayang nandito na pala kami sa loob at saktong nagsisimula na ang movie.

At dahil nga sa napakadaldal ko sa monologue ko eh nakalimutan kong bumili ng popcorn sa labas kaya eto ako ngayon, tamang buraot lang ng popcorn sa mga katabi.

Mabuti nalang at hindi sila madadamot.

Bida sa movie na 'to si Sharon Cuneta at ang katambal niya dito ay si Robin Padilla.

And may special exposure naman sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Anak ni Sharon si Julia tapos pamangkin naman ni Robin si Joshua.

Nagkakilala ang mga karakter nina Sharon at Robin sa isang hotel kung saan nalasing si Sharon nun at aksidenteng sa room ni Robin siya pumasok imbes na sa room niya.

Yun yung una nilang pagkikita na nasundan pa kasi hindi inaasahang magiging magkapitbahay pa silang dalawa.

Nung una ay hindi bet ni Sharon si Robin. I mean parang hindi niya gusto yung ugali nito na palaging nagpapapansin sa kaniya. Kulang sa atensyon na akala mo hindi siya pinapansin ng mga kaanak niya kaya sa iba siya naghahanap ng atensyon.

And ito pa pala, magka batchmate sila nung high school so magkakilala sila. Nung una ay hindi alam ni Sharon pero nung nagtagal ay nalaman din niya and nalaman niya ding longtime crush pala siya ni Robin.

Fast forward, naging close silang dalawa. Hanggang sa hindi napapansin ni Sharon na nahuhulog na siya kay Robin.

Magiging maayos na sana ang lahat kaso umeksena ang pasaway na anak ni Sharon na si Julia at nagpupumilit itong magpuntang London para daw makita niya yung boyfriend niya dun and also ipursue niya yung career niyang maging artist.

Hindi naman siya napigil ng nanay niya at napapayag ito kaya lang ilang linggo lang din ay umuwi si Julia dahil niloko daw siya ng boyfriend niya.

And dun napagpasiyahan ni Sharon at ng ex husband niya na tutukan ang anak nila dahil nga sa naranasan nito. Tapos dun naman nagselos si Robin.

Sila na kasi that time. I mean may label na sila nun nung nagkaproblema si Julia. Syempre bilang boyfriend ni Sharon si Robin eh magseselos talaga siya lalo na at biglang lumalapit na naman itong babaerong asawa ni Sharon.

Nagkalamat ang relasyon nila. Wala naman kasing relasyong perpekto. Lahat ng relasyon ay sinusubok ng panahon pero dahil mahal nga nila ang isa't isa eh sa dulo naging sila din pala.

Akalain niyo yun, kahit anong pagdaanang pagsubok ng relasyon niyo, kung mahal niyo naman ang isa't isa eh walang pagsubok na hindi niyo malalampasan ng magkasama.

At akalain niyo din yun? Ang multi-tasker ko dahil habang nanonood ako ng movie ay nagagawa kong ikwento sa inyo ang napapanood ko?

Aysus.

Ganun ko kasi kayo kamahal!

Patayo na sana ko sa upuan ko nang pigilan ako ng katabi kong si Harris.

Napatingin ako sa kaniya at pabulong na sinabi ang "bakit?"

"May next movie pa, kaya umupo ka." aniya.

Nagtaka naman ako.

Bakit hindi ko alam na may isa pang movie kaming papanoorin?

"Dalawa yung ticket na binili namin. Lutang ka kasi kaya hindi mo alam." bulong sa akin ni Harris.

Ahh oo nga pala, yun yung time na dinadaldal ko kayo readers. Hays. Next time nga wag niyo na ko daldalin.

So ayon dahil sayang ang bayad namin kung aalis kami dito ay nagstay nalang kami at nanood ng isa pang movie.

Ang title nito ay 'Abakada Ina'. Hindi ako pamilyar sa movie basta romance/thriller daw 'yan.

Medyo naboboring ako sa movie pero mabuti nalang at may popcorn pa si Harris kaya naman kahit papaano ay nalalabanan ng popcorn ang antok ko.

Madako tayo sa movie.

Ang pangalan ng bidang babae ay Estella. Siya ay isang babaeng hindi nakapagtapos ng pag aaral. Kasal siya kay Daniel at may tatlong mga anak.

Ginagawa niya ang lahat para sa kaniyang mga anak. Dahil nga hindi nakapagtapos si Estella ay lagi siyang inaapi ng ina ng kaniyang asawa na si Matilda, ngunit si Matilda ay mahal ang kaniyang mga apo at ayaw niyang matulad ito kay Estella na di nakapagtapos ng pag-aaral kaya itinuro nito sa kanyang mga apo ang kanyang mga nalalaman.

Sinubukan niyang maging ina sa mga anak ni Estella, tila nais ng biyenan ni Estella na palitan ito sa pagiging ina nito sa kanyang mga anak.

Sa kabilang banda, pakiramdam ni Estella na wala siyang lugar sa tatlo niyang mga anak at ang magagawa niya lang ay ang pagtitinda. Dahil nga sa biyenan niya na napamahal ng tuluyan ang kanyang mga anak at nasanay na din sa mga luho na kahit minsan ay hindi niya maibibigay sa kaniyang mga anak.

Nang makauwi ang kaniyang asawa na si Daniel ay nagdesisyon silang humiwalay ng kanilang pamilya sa ina nito upang abutin ang mga pangarap nilang buong pamilya, ngunit maraming mga problema ang dumating sa kanilang buhay at wala silang ibang nakikitang solusyon kundi ang bumalik sa poder ng ina ni Daniel.

Pagkabalik nila ay inaapi na naman si Estella ng kanyang biyenan hanggang sa naghiwalay silang mag asawa.

Nung naghiwalay silang dalawa ay pawang gumawa ng paraan ang tadhana upang sila ay bumalik sa isa't isa. Marami mang pinagdaanang pagsubok ang kanilang relasyon at dumating sila sa puntong kinailangan nilang maghiwalay, ngunit ang tadhana ang umaksyon para sila ay muling magkabalikan at magmahalang muli.

Nang maayos ang kanilang relasyon ng kaniyang asawa ay nagpasya si Estella na mag-aral muli dahil yun naman talaga ang pangarap niya. Ang makapagtapos ng pag-aaral upang maipagmalaki siya ng kaniyang mga anak at makuha na niya ang mga ito sa poder ng kaniyang biyanan.

Habang ang asawa naman niyang si Daniel ay kumuha ng kursong nais niyang pag-aralan.

Malayo man sila sa isa't isa ay nanatili pa din ang pagmamahalan nila na mas pinatibay at hindi basta-bastang matitibag ng kahit na anong unos.

"Ang gagaling niyong pumili ng movie na papanoorin. Talagang love story? Hindi ako makarelate." komento ni Warren habang palabas kami ng sinehan.

Maski ako ay hindi din makarelate sa napanood kong movie, basta inenjoy ko nalang ang panonood.

"Noong isang taon ka pa jowang-jowa, naalala ko pa nga na sabi mo may ipapakilala ka na sa aming jowa mo. Ano na bro? Asan na?" pang-aasar naman ni Harris.

Ang hirap namang makisingit sa usapan nila.

"Syempre joke lang yun." sabi naman ni Warren.

"Nako, Magi. Wag mong tutularan 'tong si Warren ha? Sa aming pito, siya ang pinakagago." natatawa pang sabi ni Harris.

Ang lutong naman nung pagkakasabi niya ng gago.

Pagkababa ng second floor ay agad kaming dumiretsyo sa jollibee.

Kagaya nga ng naging pustahan kanina, hindi ko ubrang takasan ang dalawa na 'to dahil feeling ko hindi nila ko pauuwiin ng buhay hangga't hindi ko sila nalilibre eh.

Umorder lang sila ng kanin at 1 piece chicken joy at ganun nalang din ang inorder ko.

Habang sa drinks naman ay mabuti at napapayag ko silang magtubig nalang. Buti at nauto ko sila na expired na kako yung softdrinks na siniserve ng jollibee.

HHAHAHAHAHAHA

Nakakaloka yung palusot ko pero di bale na, basta ang mahalaga ay nakatipid ako.

"Tatlo kaya kaming gago sa grupo." pagpapatuloy ni Warren.

Akala ko nag change topic na sila.

"Si Dylan at Israel kasi babaero lang yun pero ikaw bro, walang tatalo sayo eh. Babaero na, gago pa."

"At higit sa lahat, gwapo." dugtong ni Warren kay Harris.

Okay, nakaka op na sila ha?

"Uyy, Magi. Magsalita ka naman dyan, baka mapanis laway mo." sabi sa akin ni Harris.

Napansin niya pala yung pananahimik ko. Buti nakaramdam.

"Don't talk when your mouth is full." sabi ko nalang. Kasi naman 'tong si Harris, parang bata. Magsasalita eh kitang namumuwalan ang bibig.

Mabilis naman niyang nginuya ito at nilunok saka muling nagsalita.

"May boyfriend ka na ba, Magi?" biglang tanong sa akin ni Harris.

Maski si Warren ay nagulat sa biglang pagtanong ni Harris sa akin ng ganun eh.

Teka, barahin ko kaya 'to?

"Meron? Gusto mong dumagdag?" sabi ko at pinipilit ang sariling hindi matawa.

Nakakainis kasi, yung mukha ni Harris. Para siyang natalo sa jueteng e HAHAHAHAHAHA

"May all the cheating girls lose their egg cell." aniya.

Hala baliw?

"Okay lang, ayoko din namang magkaanak eh. Gusto mo sayo nalang egg cell ko, mura lang." pagbibiro ko pa.

"Pwede utang muna?"

"Ayy hindi pwede. Cash basis ako, hanap ka nalang iba, yung pumapayag magpautang."

"Para kayong gago. Pinag-uusapan niyo yan sa harap ng pagkain." sita sa amin ni Warren.

Ayy oo nga noh? Grabe naman kase 'tong si Harris, biglang inopen yung egg cell, ayan tuloy pati ako nawalan ng gana kumain.

Hindi ko tuloy naubos yung manok ko, kasi naimagine ko bigla na egg cell ko yun tapos kakainin ko? Yuck!

Saktong alas kwatro y media kami natapos sa pag kain at ngayon ay kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng mall.

Bigla kong nasilayan yung katapat na park nitong mall.

"Uyy mukhang masarap tumambay dun ngayon oh." sabi ko sa dalawa sabay turo dun sa park.

Makikita sa park ang mga tao na kasalukuyang nagpipicnic sa luntian nitong damuhan habang pinapanood ang mga bata na naglalaro sa malawak na espasyo ng habul-habulan.

"Tambay tay—"

"Nako, Magi. Mauuna na kami ni Harris sayo, baka kasi hanapin na kami eh. Kung gusto mo ikaw nalang, kaya mo na 'yan. Bye."

At ayun, iniwan ako ng dalawa matapos nilang makuha yung gusto nila sa akin.

Mga walangya.

Pero gusto ko kasi talagang pumunta du—

"Magi?" nasa ganung pag-iisip ako nang agawin ni Alec ang atensyon ko.

Nandito siya?

"Uyy, hi." alangan kong bati sa kaniya.

Shit, bakit nahiya ako bigla sa kanya?

"Pauwi ka na ba?"

"Ahh hindi, balak ko pa nga sanang tumambay sa park kaya lang wala akong kasama."

"Tara?" aya niya sa akin.

Napakunot-noo ko sa sinabi niya.

Magtatanong pa sana ako nang bigla niya akong hatakin patungo sa katapat na park ng mall kung saan kami nagkita.

Medyo tirik pa ang araw gayong mag a alas singko pa lang naman pero hindi naman na gaanong masakit sa balat ang araw kaya keribels ko na 'to..

"Maganda ang view ng sunset dito." aniya saka umupo sa damuhan.

Umupo din naman ako sa tabi niya habang kami ay nakaharap sa mga batang masayang naglalaro ng habul-habulan.

"Magi?" tawag sa akin ni Alec.

Nang titingin ako sa gawi niya ay bigla akong nasilaw sa sinag ng araw dahilan para mapatakip ako sa gilid ng mukha ko.

Mayamaya lang din ay naramdaman kong nawala na ang sinag nun.

Akala ko ay dahil biglang kumulimlim pero nagkamali ako.

Dahil hinarang pala ni Alec ang sarili niya sa pinanggagalingan ng araw para hindi ako masilaw.

Hindi ko alam pero bigla nalang napako ang tingin ko kay Alec na ngayon ay nakatayo habang nakayuko akong tinitignan.

Bakit ang sarap niyang pagmasdan sa ganitong view?