Ilang minuto matapos ang performance ng DWEIYAH ay inannounce na ang mga nanalo.
Sa kasamaang palad ay hindi ako nanalo sa declamation. Hindi man lang ako nagkaplace man lang pero okay lang yun, ang mahalaga naman ay nakapagperform ako ng maayos at hindi ako napahiya.
Sa spoken word poetry naman ay second place si Delancy. Aapila pa talaga sana ako kasi pang champion ang ginawa ni Delancy tapos second place lang pero hindi ko nalang din ginawa dahil nakakahiya yun.
Habang ang musical performance namin ay champion. Oh diba? Bawing-bawi naman kami dito.
Ang bongga kasi ng costume nila eh. Yung costume talaga ang nagdala.
Matapos naman ng awarding ceremony ay agad akong nagpaalam kina Delancy at Julia na mauuna na ako kasi sobrang napagod ako ngayong araw at feeling ko kailangan kong matulog ngayon ng maaga.
At isa pa, gusto ko ding alamin kay mommy kung bakit siya hindi nakapunta ngayon dito.
Baka kasi mamaya eh may masama na palang nangyari sa kaniya nang hindi ko alam.
Kabado sisenta ko sa naisip bigla kaya naman nagmamadali akong sumakay sa kotse. Mabuti nalang talaga at sinundo ako ng driver namin.
Aba hindi ko ata kayang sikmurain magcommute noh?
Hindi naman gaano kalayo ang bahay namin sa university na pinapasukan ko kaya ilang minuto lang din ay nakarating na ako sa bahay.
Pagkapasok ko ay naabutan ko si mommy sa kusina habang nagkakape.
Mukha naman siyang maayos at walang sakit. Pero bakit hindi siya nakapunta?
"Mommy.." tawag ko sa kaniya saka humalik sa noo niya. "Hindi ka nakapunta sa event namin kanina?"
"Nakalimutan ko eh. Nawala sa isip ko ang tungkol dun." para naman akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig.
Pagdating talaga sa akin, hindi ako ang priority ni mommy.
Siguro kung si Macy yun, tiyak tatlong oras siyang maaga.
"Kamusta pala yung contest mo? Nanalo ka?"
"Hindi po."
Bigla siyang napatayo sa inuupuan niya at hinarap ako na kasalukuyang nakatayo sa gilid niya.
Napayuko ako nang makita ang galit niyang mukha.
"Hindi ka man lang naka first or second place?"
Tanging iling lang ang nasagot ko sa kaniya.
"Ano ba naman yan, Margaret. Gusto mo kong papuntahin sa lintek na event na yan sa university niyo para panoorin ka lang na matalo ganun ba?" aniya saka dinuro ako sa noo. "Margaret naman, ano ka ba? Kahit ano bang contest ang salihan mo eh palagi ka nalang natatalo huh? Hayy nako. Mabuti nalang talaga at hindi ako nakapunta dyan sa event niyo. Masasayang lang pala ang oras ko na panoorin ka."
Para akong sinaksak ng sampong karayom sa mga naririnig ko kay mommy.
Sanay na akong mapagsalitaan ako ng ganito ni mommy pero yung puso ko hindi. Paulit-ulit mang naririnig ng tenga ko ang mga salitang yun, pero yung puso ko ang mas naaapektuhan. Hindi ko maiwasang masaktan sa mga sinasabi niya sa akin.
"Ginawa ko naman po yung best ko." sabi ko habang nanatiling nakayuko at pinipigilan ko ang sarili na maiyak.
"Tama ba ang narinig ko? Ginawa mo ang best mo? Alam mo kung totoo man yang sinasabi mo, edi sana ikaw ang nanalo? Kung totoong ginawa mo ang best mo, edi sana ngayon may uwi kang tropeyo hindi ba? Alam mo tanggapin mo nalang ang totoo, na talunan ka. Tigilan mo na ang kakasali sa mga contest na yan dahil hinding-hindi ka mananalo dyan. Maniwala ka sakin.
Ewan ko ba sayo, hindi mo gayahin 'tong si Macy. Tignan mo siya ngayon, maayos ang buhay sa Italy. Maganda ang career niya dun. Samantalang ikaw, tignan mo nga ang sarili mo? You're such a loser, Magi.
Sana kasi nanatili ka nalang sa Italy, para sana wala na akong sakit sa ulo dito. Hay nako!"
Pagkatapos niya akong sermunan ay nilayasan niya ako dito sa kusina.
Naiwan ako ditong nakayuko pa din at nilalabanan pa din ang sarili na maiyak.
Agad agad akong tumakbo sa kwarto ko at nagkulong dun.
Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang tiisin na hindi ilabas 'to.
Bakit ganun si mommy? Bakit ganun siya kung makapagsalita sa akin? Bakit kailangan niyang ipagduldulan sa akin na talunan ako?
Ginawa ko naman talaga yung best ko para manalo pero kasalanan ko bang hindi yun sapat?
Bakit kasi hindi nalang siya maging kagaya ng ibang mga nanay dyan na proud pa din sa anak nila kahit natalo 'to sa contest? Yun lang naman kasi yung gusto ko eh. Yung maramdaman na proud sa akin si mommy. Pero imposible na yatang mangyari yun dahil kahit anong gawin ko, mali sa paningin niya.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin na paano kung ako nga ang nagchampion sa declamation? Siguro masayang-masaya si mommy para sa akin. Siguro proud na proud siya ngayon.
Pero gaya nga ng sabi niya, hindi yun mangyayari dahil nga talunan ako. Nakakalungkot lang isipin na sa mismong bibig niya pa mangagaling yung mga masasakit na salitang kagaya nun. Mas doble yung sakit sa akin nun kasi mismong nanay ko pa yung nagsasabi sa akin ng mga salitang ikakawasak ng sistema ko.
Bakit kasi hindi nalang ako naging si Macy? Edi sana hindi ko nararanasan 'to. Edi sana ramdam na ramdam ko yung pagmamahal nina mommy at daddy. Edi sana masaya ako ngayon at hindi ganitong nakakulong sa kwarto at umiiyak.
Ganun ba ko kahirap mahalin? Ganun ba ko kahirap tanggapin? Ano bang mali sa akin para paulit-ulit nila akong tanggihan at ipagtabuyan?
Hindi niya alam na ang dahilan ko talaga kung bakit gusto kong dito sa Pilipinas mag-aral ay dahil sa kaniya.
Pakiramdam ko kasi kapag nasa Italy ako, kahit nakakausap ko siya via Skype eh ang layo-layo niya sa akin na totoo naman.
Pero ngayong nandito ako sa Pilipinas, nakatira kami sa iisang bubong pero feeling ko yung distansya sa pagitan namin ni mommy ay hindi nagbago.
Feeling ko kahit kaharap ko siya at nakikita tuwing umaga eh hindi ko pa din siya magawang maabot. Parang ang layo-layo niya pa din sa akin.
-
"Hoy girl, bakit namumugto yang mata mo?" salubong ni Julia sa akin pagkaupo ko sa upuan.
Pati pala siya napansin niya.
"Wala, guni-guni mo lang 'yan." biro ko pa pero halata namang hindi ko siya napaniwala dun. "Nagkasagutan lang kami ni mommy kagabi."
"Dahil ba hindi siya nakapunta?" tumango ako. "Bakit daw?"
"Nawala daw sa isip."
"Hindi ako naniniwala dyan sa mommy mo. As far as I know, araw-araw siyang umiinom ng Memo plus gold noh so paano niya makakalimutan yun?" biro niya. "Ayaw niya lang talagang panoorin ka."
Mapait akong napangiti.
Minsan yung mga salita ni Julia eh nakakasakit na pero kasi totoo naman ang sinasabi niya. Totoo namang ayaw talagang pumunta ni mommy, ako lang 'tong mapilit.
"Okay lang yan, Magi." aniya saka tinapik ang balikat ko. "Hoy Delancy, humingi ka nga ng tubig sa kusinera sa cafeteria.. Mukhang dehydrated 'tong si Magi eh. Bilisan mo."
"Hindi mo ko yaya."
"Wala kang karapatang magreklamo kaya kumilos ka na dyan."
"Ayoko nga. Bakit hindi ikaw? Ang layo-layo, mapapagod ako."
"Pigilan mo ko bhie, feeling ko masisikmuraan ko 'to ng di oras." inis na bulong sa akin ni Julia.
Natawa naman ako sa asaran nilang dalawa. Kahit papaano ay dahil dun, napagaan ang loob ko.
"Parang kailan lang, tayong dalawa lang ang nag-aasaran pero ngayon, nakikisali na si Delancy." sabi ko habang matamis na nakangiti at tinignan si Delancy. "Nakakaiyak pero I'm so proud of you, Delancy. Nakakasabay ka na sa amin."
"Hindi ko alam kung ma-o-offend ako o hindi." sagot niya naman.
"Kung gusto mong ma-offend, ma-offend ka. Walang pipigil sayo." sabat naman nitong si Julia.
Ang number 1 sabatera ng taon.
"Busy ako dito oh, nagdodrawing ako. Abala kayong dalawa." inis niyang sabi saka kami tinalikuran ng upo at bumalik sa pagdodrawing.
Walang pagbabago. Ganun pa din si Delancy, may sariling mundo kasama ang lapis.
"Uyy ano 'to Julia?" pag-epal ni Israel saka ipinwesto ang kamay sa likod ng tenga ni Julia na kunwaring may kukuning bulaklak eh kitang-kita ko namang inabot yun patago nung isa kong kaklase sa likod ni Julia. "Flower for you." sabi niya pa saka kumindat kay Julia.
Akalain mo nga naman, unti-unti ng nagpaparamdam ang DWEIYAH sa aming tatlo. Unti-unti na nilang niyayanig ang tahimik naming daigdig.
"Wag kang ganyan, Israel. Marupok ako. Baka bukas nyan, type na kita."
Aysus, hindi na ko magtataka talaga.
"Ayos yun, para bukas may girlfriend na ko." aniya saka siya tumingin sa akin. "Hi, Magi. Pwede bang umalis ka muna dyan sa upuan mo? Sagabal ka eh."
Literal na napanganga ako sa sinabi niya.
Grabe 'to.
Ako pa naging sagabal. Tusukin ko kaya bayag nito?
"Wo—" magsasalita pa lang sana ako nang sumabat si Julia.
"Oo nga, Magi. Lipat ka muna dun. Wag kang epal ha? Hindi mo naman pinangarap maging chaperone noh?"
Inirapan ko lang siya sa sinabi niya.
"Nagdidilim paningin ko sa inyong dalawa." inis kong sabi saka umupo sa bakanteng upuan sa harap.
Hindi naman ako ang chaperone eh. Si Delancy kaya!
Nakakaselos ha? Ako pinaalis nila pero si Delancy hindi! Ang unfair!
"Wag ka ng magselos sa dalawa.. Nandito naman ako eh." sabi ni Dylan saka naupo sa bakanteng upuan sa tabi ko saka ako inakbayan.
Kadiri.
Agad kong nilayo ang upuan ko sa kaniya.
"Kilabutan ka sa sinasabi mo." inis kong sabi sa kaniya.
Bigla kong napansin sa gilid ko ang mainit na mata sa akin ni Lerisse.
Muntik ko ng makalimutan, magiging boyfriend niya nga daw pala 'tong si Dylan kaya layuan ko na daw.
Eh paano ko naman lalayuan ang asungot na 'to eh siya 'tong lapit ng lapit sa akin.
"Bakit ako kikilabutan? Kinikilig nga ako eh."
Napangiwi ako sa sinabi niya.
"Bakit ba layo ka ng layo sa akin sa tuwing lumalapit ako sayo? May sakit ba kong nakakahawa?"
"Wala naman. Pero ang sakit mo sa ulo. Magtigil ka nga d—"
Napahinto ako sa pagsasalita nang biglang makita ko si Eli na papasok ng room.
Ang lakas talaga ng appeal niya.
Nang mahuli niya akong nakatingin sa kaniya ay agad niya akong nginitian at hindi na siya nag-abala pang batiin ako ng good morning.
"Wag mo sabihing may gusto ka dun kay Eli? Grabe talaga kayong mga babae. Malala na ba talaga lagay ng mga mata niyo ha?"
Umepal na naman 'tong demonyo sa tabi ko.
"Kung hindi ka tatahimik dyan—"
"Anong gagawin mo? Hahalikan mo ba ko? Aba okay sa akin yun. Kapag talaga ginawa mo yun, habang buhay akong hindi magsasalita."
Kadiri naman 'to.
"Ang manyak mo!" natawa naman siya sa sinabi ko.
"Manyak ka dyan? Kiss lang naman ang gusto ko at hindi PA sex."
Nakakatuwa naman at kay aga-aga eh sinisira ng lalaking 'to ang araw ko.
"Kapag talaga tayo nagkita sa impyerno, inonominate kita bilang bagong Satanas." inis kong sabi saka nilayasan siya dun.
Siguro dito nalang ako sa likod uupo. Ang tagal naman kasing magharutan ng dalawang 'yun. Pati ako napeperwisyo.
-
Nag-announce ang president namin na hindi daw makakarating ang prof namin for today kaya naman pwede na daw kaming kumain ngayon ng maaga.
Mabuti naman at gutom na ko kanina pa.
"Hindi pa kayo tapos?" tanong ko dun sa dalawang abot tenga ang ngiti sa isa't isa.
Ang sarap nilang pag-untugin.
"Kumain na kayo ni Delancy dun. Dito nalang muna ko. Makita ko lang si Israel feeling ko busog na ako."
Ay ponyeta. May pa ganon ang boss Julia niyo.
"Nakakaumay kayo. Okay sige, mamatay kayo dyan sa gutom. Lalandi niyo." sabi ko at inaya na si Delancy sa labas para humanap ng magandang kakainan.
"Ayoko mag cafeteria ha? Baka mamaya may masamang espiritu tayong makasalubong dun." sabi ko kay Delancy.
"Mamaya nalang muna tayo kumain, busog pa ko eh."
"Ikaw din busog? Nabusog ka niyang pagdodrawing mo? Ano ba naman kayo? Bakit lahat kayo busog tapos ako lang 'tong gutom? Bakit kayo ganyan ha? Yung totoo, nagdadiet ba kayo?"
"Ang dami mong hanash sa buhay, kung kakain ka eh kumain ka. Dami mo masyadong sinasabi."
Nakakapanibago talaga 'tong si Delancy ha? Impernes talaga sa kaniya, nahahawa na siya kay Julia sa pagiging harsh magsalita.
So dahil nga hindi ko na talaga kaya pang tiisin ang kalam ng sikmura ko ay napagpasyahan kong sa katapat na coffee shop nitong university kami kakain.
Ay ako lang pala. Busog nga pala 'tong kasama ko.
"Lilibre sana kita ng pagkain kaya lang busog ka. Sayang." pang-aasar ko sa katabi kong si Delancy.
"Hindi ko kailangang magpalibre sayo, may pera naman ako. Baka nga mas doble pa sa baon mo."
Napanganga ako sa sinabi niya. Teka teka, bakit biglang ganun magsalita yun? Alam kong paulit ulit na ko pero nakakapanibago talaga siya. Bakit, bakit?
Nang matanggap ko na ang order ko ay dumiretsyo na ako sa table kung saan nakaupo si Delancy.
Nakapalumbaba lang siya habang nakatingin sa labas. Mukhang malalim yata ang iniisip.
"Baka makarating ka na niyang impyerno sa lalim ng iniisip mo." biro ko sa kaniya.
"Grade 9 ako nung makilala ko si Dylan. Hindi pa sila nakakabuo ng banda that time pero sikat na sikat na sila nun sa campus dahil ang gagwapo kasi nila. Alam mo naman, sa campus natin, kapag gwapo ka matic sikat ka." panimula niya.
Sabi na eh, may story telling ang madam niyo.
Anyway, 'yung Winston University kasi ay isang school na hindi lang for college kundi for high school also. Singit ko lang.
"First meet namin nun is dun sa gym. Saktong may gumagamit ng gym para maglaro ng volleyball nung napadaan ako dun. Ang dami kong dalang libro nun and then hindi inaasahan na natamaan ako sa ulo ng bola kaya naman nahulog ko yung pitong librong dala ko.
Aligaga kong kinuha yun tapos bigla siyang dumating at tinulungan niya akong bitbitin yun hanggang makarating sa library. Magmula ng pangyayaring yun, naging crush ko na siya. Lagi ko siyang sinusulyapan sa malayo at hindi magawang lapitan dahil sino ba naman ako diba? Anong karapatan kong lapitan ang isang kagaya niya.
Lumalim pa ang pagkacrush ko sa kaniya at ngayon, hindi lang crush kundi gusto ko na talaga si Dylan. Thankful talaga ako na kaibigan ko si Julia which is his sister dahil kahit papaano ay nakakagawa ako ng paraan para malapitan at makausap siya.
Alam mo kasi naging kaibigan ko yan si Julia simula kinder kaya lang during that time, wala pa akong ideya about kay Dylan. Ni hindi ko nga alam na may kapatid siya kasi hindi naman siya nagkukwento eh. Noon ko lang nalaman na kapatid niya si Dylan nung nakilala ko si Dylan sa gym.
Hindi kami naging ganoong kaclose ni Dylan kasi feeling ko parang hindi niya ako ka-vibe. Kaya nga naiinggit ako sayo, Magi. Kasi kakakilala mo pa lang kay Dylan pero mukhang type ka na niya. Halata naman eh. Simula sa mga simpleng pang-aasar niya hanggang sa umamin siya sayo dun sa tape recorder. Ang swerte mo talaga sa part na yun. How I wish na sana ako nalang yung nasa katayuan mo.
Nakakatawa diba? Na ganito ako mag-isip ngayon."
Hindi ko mahanap sa dila ang tamang salita na sasabihin sa kaniya. Hindi ko alam kung kailangan ko bang sagutin siya o hayaan nalang ang kwento niya. Napakinggan ko naman na eh, ayos na yun.
Pero hindi ko inexpect na may tao din palang naiinggit sa akin. Nakakagulat lang.
"Hindi mo kailangang mainggit sa akin, Delancy. Ako lang 'to, si Magi. Kung ano mang meron ako eh meron ka din. Kaya wag mong panliitan ang sarili mo dahil para sa akin, isa kang taong may sobrang laking halaga.
At isa pa, kung gusto mo talaga si Dylan, susuportahan kita. Promise ko sayo, tutulungan kita para ikaw ang magustuhan niya. Hindi mo naman kailangang maging ako para magustuhan ka niya eh. Be yourself lang." At hindi mo din gugustuhing maging isang Margaret Serrano. Kung alam mo lang ang mga pinagdadaanan ko.
"Talaga? Tutulungan mo ko na magustuhan niya ako? Pero paano? Eh halata namang ikaw ang gusto niya."
Natawa ko sa sinabi niya at biglang naalala ang sinabi sa akin ni Alec.
"Hindi ko naman sinabi sayo na ikaw lang ang natitipuhan ni Dylan. Hindi mo pa talaga kilala ang mga kaibigan kong 'yan.
Hindi ka ba aware na lahat tayo may posibilidad na magkagusto sa isa o mahigit pang tao?"
"Para namang hindi ka pa nasanay sa mga lalaki ngayon.. Sasabihin lang nilang type nila yung babae pero hindi ibig sabihin nun, siya lang yung babaeng type niya. Imposible yun, Delancy. Ang mga lalake ngayon, isa man ang puso nila pero mapagmahal."
Natawa naman siya sa sinabi ko pero pustahan tayo, hindi niya yun nagets.
"Ang ibig ko lang sabihin, hindi lang ako ang pwede niyang magustuhan. Marami pa kayang mas maganda at mas sexy sa akin na babae kaya tiyak mawawala din yang feelings ni Dylan sa akin noh?"
"Edi may pag-asa ako?" nagniningning ang mata na tanong niya.
"Oo naman, Delancy. Habang nabubuhay tayo, laging may pag-asa."
Agad niyang hinawakan ang kamay ko at masaya akong tinignan.
"Thank you talaga, Magi."
-
Saktong pagkaupo namin sa upuan ni Delancy ay dumating na ang prof namin.
Buti nalang at naunahan namin siya.
"Okay class, we're going to do this activity called MY SONG FOR YOU. Simple lang 'to, makinig kayo ng mabuti ha? Ayoko ng inutil sa klase ko.
Ganto lang ang gagawin.. Iisip kayo ng kanta, pwedeng kanta ng favorite singer niyo or banda. Basta kahit ano, tapos yung pipiliin niyo, alay niyo yun dun sa taong importante sainyo. Tatawag ako ng tatlong estudyante, at kakantahin nila dito yung kantang napili nila. So dahil ang title ng activity ay MY SONG FOR YOU, dapat before the singer start to sing, banggitin niya kung para kanino yung kanta na yun.
I'll give you five minutes to do it."
Nakakastress naman 'to. Sabaw na sabaw ang utak ko ngayon at hindi ako makapili ng matinong taong kakantahan ko.
Sino kaya pwede?
Si mommy nalang kaya? Pero ano namang song ang bagay sa kaniya?
Bahala na nga..
"Times up." sabi ni sir Arvin.
OMG.
Bakit ganun kabilis lumipas ang limang minuto?
"Let's start with mister Villegas." nagsimula ng mag-ingay ang mga kaklase kong biik dahil kay Israel.
Sana all madaming fans.
"This song is for you, my love." aniya habang nakatingin sa gawi ni Julia.
Yuck. Ang kikire.
Saying "I love you"
Is not the words
I want to hear from you
It's not that I want you
Not to say
But if you only knew
How easy
It would be to
Show me how you feel
More than words
Is all you have to do
To make it real
Then you wouldn't
Have to say
That you love me
Cause I'd already know
What would you do?
If my heart
Was torn in two
More than words
To show you feel
That your love
For me is real
What would you say
If I took
Those words away
Then you couldn't
Make things new,
Just by saying
"I love you"
More than words,
More than words
Now that I've tried to
Talk to you
And make you understand
All you have to do
Is close your eyes
And just reach out your hands
And touch me
Hold me close
Don't ever let me go
More than words
Is all I ever
Needed you to show
Then you wouldn't
Have to say
That you love me
Cause I'd already know
What would you do if my heart was torn in two
More than words to show you feel
That your love for me is real
What would you say if I took those words away
Then you couldn't make things new
Just by saying I love you
La di da, da di da, di dai dai da
More than words
La di da, da di da, di dai dai da
More than words
La di dai, dai dai, di dai dai da
La la di da da da
La di dai dai da
La la da da
More than words
Oooh uuuuh uuuh
Uuh
More than words
Grabeeee ang ganda naman ng boses ni Israel. Sana all talaga. Bet ko na talaga sana siya eh kaso magkalahi sila ni Dylan, mga may lahing babaero.
"Kinikilig ako mga teh." bulong ni Julia sa amin.
"Kahit hindi mo sabihin, halata naman." sabi ko. Aba, kung makapisil sa braso ko, parang gusto niyang sugatan eh. Walangyang 'to.
"Next is miss Trinidad." gulat kaming napatingin ni Julia sa kaibigan naming si Delancy na busy na naman as always sa pagdodrawing.
Maski siya nagulat nang madinig ang pangalan niya eh.
Wala na din siyang nagawa at pumunta sa harap.
"This song is for the man that I love." aniya habang nakayuko pero ramdam ko na para kay Dylan talaga yun.
"Who—" hindi na natapos si sir sa tatanungin nang sagutin siya ni Delancy.
"Wag niyo ng tanungin, sir. Bawas-bawasan niyo pagiging chismoso niyo."
SAVAGE.
Buti nalang at hindi nagalit si sir sa sinabi niya at sinenyasan siyang magsimula na.
An empty street
An empty house
A hole inside my heart
I'm all alone
The rooms are getting smaller
I wonder how
I wonder why
I wonder where they are
The days we had
The songs we sang together
And all my love I'm holding on forever
Reaching for the love that seems so far
So I say a little prayer
And hope my dreams will take me there
Where the skies are blue to see you once again, my love
Over seas from coast to coast
To find the place I love the most
Where the fields are green to see you once again, my love
I try to read
I go to work
I'm laughing with my friends
But I can't stop
To keep myself from thinking, oh, no
I wonder how
I wonder why
I wonder where they are
The days we had
The songs we sang together
And all my love I'm holding on forever
Reaching for the love that seems so far
So I say a little prayer
And hope my dreams will take me there
Where the skies are blue to see you once again, my love
Over seas from coast to coast
To find the place I love the most
Where the fields are green to see you once again
To hold you in my arms
To promise you my love
To tell you from the heart
You're all I'm thinking of
Reaching for the love that seems so far
So, so I say a little prayer
And hope my dreams will take me there
Where the skies are blue to see you once again, my love
Over seas from coast to coast
To find the place I love the most
Where the fields are green to see you once again, my love
Say a little prayer
My sweet love
Dreams will take me there
Where the skies are blue to see you once again, oh, my love
Over seas from coast to coast
To find the place I love the most
Where the fields are green to see you once again, my love
I felt the sincerity of the song. Grabe yung emotion teh, dalang-dala ako.
"Para kay Dylan yan, pustahan." bulong sa akin ni Julia.
"Kanina ko pa alam, late ka na."
Mayamaya lang din ay bumalik na dito sa upuan namin si Delancy.
"Singer ka pala, Delancy eh. Pa autograph naman mamaya." biro ko sa kaniya.
"Itong si Delancy, marami palang hidden talent. Hindi na talaga ko magugulat kung isang araw pati pagboboxing eh marunong siya." sabat naman ni Julia.
"Oo, tapos ikaw ang unang-una kong uupakan."
Natawa ako sa sinabi ni Delancy.
"Oh ano ka ngayon, Julia? Wala ka pala—" nahinto ako sa pagdaldal nang madinig ko ang pangalan ko.
"This song is for you, Magi." sabi ni Dylan na kasalukuyang nasa harapan.
Huh? Bakit sa akin?
Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa gawi ni Delancy na kung kanina ay masaya, ngayon ay punong-puno ng lungkot ang mga mata niya.
Grab your coat the sun sets right at 6:35 tonight
Gets kinda cold but I wanna hold ya please tell me that's alright
It's been a while since we first met at the party up on the hill
And I'm thinking we should make out if you want me still
You are my number one baby
I like you lots
I think everybody knows baby
I like you lots
Windows down we can smell the ocean
It's hard to see thru our hair
When we're together we look like the coolest
Babe you know they all stare
It's been a while since we first met at the party up on the hill
And I'm thinking we should make out if you want me still
You are my number one baby
I like you lots
I think everybody knows baby
I like you lots
It's been a while since we first met at the party up on the hill
Do ya think that we should make out ya know I want you still
You are my number one baby
I like you lots
I think everybody knows baby
I like you lots
Hindi ko maialis ang tingin ko kay Dylan hanggang sa matapos siyang kumanta.
Ganun din siya sa akin. Wala ni isa sa amin ang gustong bumitaw.
Gustong-gusto ko na talagang umiwas ng tingin pero bakit parang ang hirap gawin?