Chapter 6 - CHAPTER 5

Dalawang araw nalang ang preparasyon namin para sa event for Buwan ng Wika.

Ngayon pa lang kinakabahan na ako kasi hindi ako makagawa ng matinong piece. Tuliro ang utak ko at hindi makapag function ng maayos. Nakakainis naman.

Dapat sa mga oras na 'to eh nag-eensayo na ko para sa gagawin ko sa event pero heto ako, gumagawa pa din ng piece ko.

Samantalang si Delancy eh nagpapractice na kasi siya ang sumali sa spoken word poetry.

Si Julia naman ay walang choice at bumagsak siya sa musical performance.

Alam niyo nagsisisi na talaga ako na nagpresinta pa kong lumaban dito sa declamation na 'to. Akala ko kasi madali lang umisip ng piece pero hindi ko inaasahan na gan'to pala kahirap.

Bahala na nga si darna.

Kung mapahiya ako sa wednesday, edi mapahiya.

Ayaw ko non? Edi sikat ako sa buong campus kinabukasan.

Pero joke lang noh. Ayokong mapahiya sa wednesday kaya pakiusap naman utak, magfunction ka naman. Ngayon lang ulit kita gagamitin after 18 years tapos ganyan ka?

Leche namang buhay 'to.

"Wala ka pa ding nagagawang piece?" tanong ni Delancy sa akin saka naupo sa tabi ko.

Kasalukuyan akong nakatambay dito ngayon sa library para sana makagawa ako ng maayos na piece. Kung sa loob ng room kasi ako gagawa eh baka imbis na makagawa eh madrawing ko lang ang pangit na mukha ni Dylan kahit hindi ako marunong magdrawing.

Ewan ko ba sa lalaki na 'yun, masyadong papansin.

"Hindi ako makagawa ng maayos. Partida malapit na 'to. Magback-out nalang kaya ako?"

"Anong magbaback-out? Hindi ako papayag." sabi naman ni Julia na halos kakarating lang din habang may hawak na softdrinks.

"Lumabas ka nga dito. Bawal kumain dito." saway sa kaniya ni Delancy.

"Anong karapatan mong paalisin ako dito? Sino ka ba ha? Ikaw ba may-ari ng university na 'to?"

"Miss Villarosa, please get out." sabi nung librarian kaya naman walang nagawa 'tong si Julia kundi ang lumabas ng library.

Bobo naman kasi ng isang yun, makikipag-away kay Delancy eh alam niyang nasa library siya. Hayy.

"Tulungan na kita dyan." sabi ni Delancy at kinuha ang papel ko.

Hayy salamat naman.

Hulog talaga ng langit 'tong si Delancy. At si Julia naman? Hay nako, tinatanong pa ba 'yan? Halata namang kampon ng demonyo ang isang yun eh.

Pero kahit ganun yun, mahal ko pa din yun. Mahal ko sila ni Delancy dahil naging kaibigan ko sila.

Kahit madalas kaming nagtatalo, mahal ko pa din sila. Kahit ang babaho ng mga kili-kili ng mga yan.

-

Maaga akong umuwi ngayon dahil excited akong sabihin kay mommy ang tungkol sa event na mangyayari sa campus namin sa wednesday.

Malakas din talaga ang loob ko na papuntahin siya dun at mapanood ako dahil na din sa natapos ko na yung piece ko.

Salamat talaga sa tulong ni Delancy.

Hayy. Siguro naman kapag napanood ako ni mommy eh maging proud na siya sa akin.

Gagawin ko talaga ang best ko para maging proud siya sa akin.

"Mommy!" tawag ko sa kaniya na kasalukuyang nasa sofa at busy sa ginagawa niya.

Agad akong humalik sa noo niya bago maupo kaharap siya.

"Mi, may event sa university namin sa wednesday. Punta ka ha? Magpeperform ako."

"Ano namang gagawin mo?"

"Declamation po."

Napatigil siya sa pagtatype ng kung ano sa laptop niya at napatingin siya sa akin.

"Declamation?" tumango naman ako. "Okay, pupunta ako. Just make sure that you won't fail me."

Masaya akong tumango at nagmamadaling pumasok ng kwarto ko para magpractice ng piece ko.

Eto talaga yung gusto ko.

Finally, pumayag na din si mommy na pumunta sa event ng school ko.

Nung high school kasi ako eh hindi siya pumupunta sa mga event sa school kasi busy daw siya kaya nawawalan din ako ng ganang sumali sa mga contest kasi wala naman siya so para saan pa kung mag-e-effort ako para dun eh hindi naman ako mapapanood ni mommy.

Pero buti nalang ngayon pumayag siya.

At hinding-hindi ko talaga siya bibiguin.

Gagawin ko talaga ang best ko para maging proud siya sa akin.

-

6 am pa lang ay nandito na kami nina Delancy at Julia sa room namin. Sinadya talaga naming agahan ngayon para makapaghanda para mamaya.

10 am pa naman ang start kaya naman may apat na oras pa kami para makapagprepare.

Mas kailangan talaga namin Delancy yun eh dahil solo performer kami.

Hindi naman 'to ang first time ko na magpeperform sa maraming tao dahil nung hs ako eh once na ako nakasali sa pageant but hindi na yun naulit dahil nga nawalan ako ng ganang magsasali sa mga ganun dahil hindi naman kasi uma-attend si mommy.

Pero ngayon, alam kong paulit-ulit na ko, pero promise ko talaga na gagalingan ko ngayon dahil alam kong manonood si mommy.

"Maaga pa para kabahan, Magi. Kumalma ka." eto na naman si Julia. Nagsisimula na namang mang-asar.

"Tumahimik ka nga dyan."

"Aba ang taray natin ngayon, anong meron teh? May regla ka ngayon noh?"

"Magkapatid nga kayo ni Dylan. Parehas kayong nakakainis."

"Hoy, Margaret. Naiinis ka sa akin, ha? Baka sinisikmuraan kita dyan!"

"Wag na nga kayo mag-away." sabat ni Delancy.

"Edi sige, tayo nalang mag-away, Delancy." tignan mo 'to si Julia, nanghamon pa.

Hay nako.

Hindi ba 'to nakakaramdam man lang ng kahit katiting na kaba?

Sana all diba?

"Ayusan mo nalang ako, Julia. Baka natuwa pa ako sa'yo." sabat ko sa kanila.

Sa aming tatlo kasi, si Julia ang mas may alam mag-ayos.

Siya ang make-up artist slash hair stylist namin ni Delancy.

"Saglit lang madam, ha? Ayusan ko muna sarili ko bago ikaw, okay lang ba?"

"Bilisan mo, ayokong pinaghihintay ako."

Inirapan niya lang ako at binantaang hahagisan ng hair brush.

Hindi niya naman nagawa kasi aminin man niya o hindi eh hindi niya yun kayang gawin. Hindi niya kami kayang saktan ni Delancy noh? Ganyan niya kami kamahal.

Okay sige readers, pinapayagan ko na kayong mag sana all. Basta isa lang ha?

Charot lang.

"Ayusan mo ko na parang pulubi ha? Gawin mo ang lahat para magmukha akong pulubi. Ang hirap pa namang gawing pangit ang mukha ko dahil sa sobra kong ganda." natatawang sabi ko na halatang inaasar si Julia.

"Don't worry, dear. Pagharap mo mamaya sa salamin, baka pati ikaw ay hindi makilala ang sarili mo."

-

Saktong alas nuebe y media kami natapos sa pag-aayos.

Nakakatawa lang na tama si Julia, halos hindi ko na ngayon makilala ang sarili.

Napakapangit ko at saksakan ng dungis pero dahil part 'to ng performance ko ay tiis tiis muna.

Tapos na din kaming magprepare ni Delancy para mamaya.

Hayy.

This is it.

Kinakabahan ako na ewan.

Nagpunta na kami sa gym dahil dun daw gaganapin ang event.

Pagdating namin dun ay sobrang daming tao na agad ang naroroon. Hindi naging sapat ang mga upuang nakalabas para makaupo ang lahat.

Ang iba kasi ay nakita kong nakatayo.

Halos mapuno na nga itong gym sa dami ng tao. Grabe naman, ano bang meron ngayon? Eleksyon?

"Nakakawindang naman ang dami ng tao ngayon. Parang bigla akong nakaramdam ng kaba, pero slight lang." bulong ni Julia.

Nakakaramdam din naman pala ng kaba ang gaga kahit papaano.

"Nandun mga kaklase natin." turo ni Delancy sa may dulo kung saan naroon nga ang mga kaklase namin.

Agad kaming lumapit sa kanila at napag-alaman naming pangatlo daw ako magpeperform sa declamation habang si Delancy ay pang-una magpeperform sa spoken word poetry at ang musical performance naman namin ay pangalawa.

By category naman ang mangyayari. At mauuna ang sa declamation kaya pinapunta na nila ako sa backstage.

Shit.

Kinakabahan ako.

Habang paakyat ako ng backstage ay agad hinanap ng mata ko si mommy pero sa dami ng tao ngayon sa gym ay hindi ko siya makita.

Nakakainis.

Nandito na kaya siya?

Hayy.

Nagsimula na ang kompetisyon. Ang nauna ay si Claire ng HRM daw.

Magaling siya magdeclamation, halatang ito ang field niya.

Pero wala akong pake kung magaling siya. Ang concern ko ay si mommy, hindi ko malaman kung nasaan na siya.

Hindi man lang siya nagtext o tumawag.

Tinatawagan ko naman ang number niya pero hindi niya sinasagot.

"Let's proceed to contestant number 2. Harold Mendoza from Accountancy!"

Namangha ako na may lalaki pala akong kalaban.

At hindi ko naman masabing wala siyang laban dahil ang galing din niyang magdeclamation.

Nakakaloka naman.

Ang gagaling ng mga 'to.

Paano ko sila mapapataob?

Bahala na talaga si darna sa akin. Wag niya sana akong pabayaang mapahiya.

"Thank you po."

Hala shit.

Bakit nagpapasalamat na si Harold? Tapos na agad siya? Bakit ang bilis naman?

"Let's welcome our third contestant! Margaret Serrano from educ department!"

Dahan-dahan akong lumabas mula sa backstage at bumungad sa akin ang saksakan ng daming tao sa loob ng gym.

Sa sobrang daming tao, hindi ko nakita si mommy.

Hindi yata siya pumunta. Hayy nako.

Para sa inyo 'to.

Oh, bakit po? Bakit parang ang sama ng tingin niyo sa akin? May ginawa po ba akong masama sa inyo? Bakit po parang anlaki ng kasalanan ko sa inyo?

Ah, alam ko na po, dahil nanaman po ba sa kung ano ako? Dahil ba sa isa akong pulubi? Dahil sa isa akong batang palaboy? Batang kung saan saan niyo lang ako nakikita?

At dahil ba sa kasuotan ko? Bakit? Dahil ang layo ng agwat ko sa inyo? Lagi naman 'di ba? Pero kahit ganon, nirerespeto ko pa rin kayo. Pero ako, 'di niyo magawang irespeto? Bakit kaya 'di niyo subukang wag kumain ng ilang araw nang maranasan niyo kung gano kahirap ang buhay nang walang kasama?

Ano? Tinatanong niyo kung nasan ang mga magulang at mga kaanak ko?  Bakit? May pakialam ba kayo? Wala naman 'di ba? Dahil naaawa kayo? Hindi rin naman 'di ba?

Ni minsan, hindi niyo kinaawaan ang isang musmos na katulad ko. Hindi niyo kami nauunawaan. Ni minsan ay hindi niyo man lang tinanong kung okay lang ba kami? Kasi para sa inyo, salot ang isang katulad ko. Salot sa lipunan.

Pero kung tutuusin, hindi lahat nang mga pulubi o palaboy na katulad ko ay masama. Dahil kahit gano pa kami kadungis sa mga paningin ninyo, may mga kabutihan rin naman kaming itinatago. Alam kong nakikita niyo rin iyon, kahit gano namin kailangan ng pera, hindi namin nagagawang magnakaw o mandukot, pero iyon ang alam ninyong lahat tungkol sa'min.

Hindi niyo alam na masakit para sa'min ang mga panghuhusga ninyo. Subalit hindi ko kayo masisisi kung ganyan nga ang tingin ninyo sa'min. Ang bawat panghuhusga niyo ay buong tapang naming tinatanggap. Kahit hindi niyo alam ang lahat. Ang lahat sa likod ng mga gutay-gutay na mga kasuotan namin.

Hinahanap niyo ang magulang ko? Hindi ko alam. Ang alam ko lang, patay na ang aking ina nung pitong taong gulang ako. Namatay sa mabigat at malupit na kamay ng aking ama. Mula non, nagsimula akong mabuhay nang mag-isa.

Naaalala ko pa ang mga habilin ng aking ina, "Anak, kahit anong mangyari, wag na wag kang gagawa ng masama." Iyan ang pinakamahalagang aral at habilin sa'kin ni mama. Ang nag-iisang dahilan kung bakit hindi ko ginagawa ang mga ibinibintang ninyo sa akin. Pero naniniwala ba kayo sa akin? Hindi! Kasi wala kayong paki alam. Ang tatay ko nga, walang paki alam sa akin eh, kayo pa kaya? Imposible.

Kelan niyo ba tutulungan ang isang batang katulad ko? Sadya bang kay lupit ng tadhana? Kelan niyo ba ako kaaawaan? Kelan niyo ba kami mauunawaan. Pag huli na ang lahat?

Ngayon ay kita ko na ang habag sa inyong mga mata. Awang matagal ko nang nais na makuha at makamit. Pero huli na. Huli na para ako ay inyong kaawaan. Huli na ang lahat. Huling huli na.

Para saan pa ang mga limos na ibinibigay ninyo kung hindi ko naman yan madadala sa aking patutunguhan. Hindi ko na yan madadala sa mahabang paglalakbay na aking tatahakin. Ang nais ko lang ngayon ay ang inyong awa, para sa mga aking maiiwan. Sa mga taong mas makikinabang niyan.

Hindi ko man naransan ang mabuhay nang matiwasay, sa langit ay may kaligayahang sa'kin ay naghihintay. Paalam…

Natapos din.

"Ang galing mo, Magi." natutuwang salubong sa akin ni Delancy.

Hindi na ako nagtaka kung bakit siya nandito ngayon. Sila na kasi ang susunod pagkatapos nung huling tatlong performer sa declamation.

"Salamat. Galingan mo din." sabi ako at mapait na ngumiti.

"Hindi dumating si tita Laisa?" malungkot na tanong ni Delancy sa akin.

Pati pala yun ay napansin niya.

"Hindi ko siya makita sa labas kanina kaya baka hindi na siya nakapunta. Baka nagka emergency sa office nila."

"Okay lang yan, Magi." aniya saka tinapik ako sa balikat. "Sure naman ako na kahit hindi ka napanood ni tita eh proud siya sayo."

Mapait akong ngumiti sa kaniya at tumango.

'Kung alam mo lang, Delancy.'

Magagaling din yung tatlong sumunod sa akin mag declamation. As in lahat kami magagaling pero feeling ko ako ang pinakakulelat.

Hindi naman sa dinadown ko ang sarili ko pero parang ganun na nga.

Kasi naman hindi ko maiwasang mainsecure sa mga kalaban ko. Ang gagaling kasi talaga nila.

Hindi ko naman hinahangad manalo.. Okay na sa akin na kahit man lang first place ako para hindi nakakahiya kay mommy.

Hahaha charot lang.

Hindi nga pang first place yung ginawa ko. At alam ko sa sarili ko yun.

Basta bahala na si darna sa akin. Kung papalarin man akong makaplace edi ayos. Basta ang mahalaga, ginawa ko naman yung best ko. Bonus nalang kung manalo ako.

Pero mas maganda sana ang pakiramdam ko kung napanood ako ni mommy.

Sunod na ang mga contestant ng spoken word poetry at una si Delancy kaya nasa stage na siya ngayon.

Habang ako naman ay nandito sa gilid at nakaabang sa tatlong araw niyang pinractice.

Kung ikaw ay akin

Kung ikaw ay akin, singtamis ng pulot ang bawat araw

May kilig at lambing na kailanma'y hindi papanaw

Ang bawat gising na malamig, ay pupunan ng kape sa umaga

Bibigkasin ang mga himig, kat'wang ang kwerdas ng gitara.

Kung ikaw ay akin lang, handa kong sungkitin ang tala

Ako'y mamimingwit sa buwan at laging hihiling kay bathala

Na lagi kong maaninag yaong kay kislap na mga ngiti

Mula sa ganda mong nakabubulag, mapaaraw man o gabi.

Kung ikaw ay akin lamang, lagi tayong maglalakad,

Hawak kamay na pagmamasdan ang kalangitang maliwanag

Ako'y magsisilbing paningin mo, kapag wala ka nang makita

Silya ang saki'y ituring mo, sumandal ka lamang aking sinta.

Kung magiging akin ka ay gagawa tayo ng palasyo

Hindi man magara sa mata at maliit man ang espasyo

Ngunit ito'y pupunuin ko ng pag-ibig na siksik

Sira sa sarili'y kukukumpunihin ko, tamaan man ng lintik.

Wala na kong mahihiling pa, kapag iyon ay nangyari

Sapat na sakin ang makapiling ka, kahit na hindi parati

Kung ikaw ay akin lang, handa kong iwan ang lahat

Maging gumawa ng tulang hibang na tanging ikaw ang pamagat.

Kung ikaw ay akin, marahil tapos na ang pagtangis

Mula sa taong hinihiling na sa 'yong kamay pumaris

Wala nang dapat ikaburyo, wala nang hihintayin pa

Ako ay lagi lamang sa'yo, kung ikaw ay akin sinta.

"Punong-puno ng hugot ang mama mong Delancy." bulong sa akin ni Julia na ikinagulat ko na biglang lumitaw sa tabi ko.

Minsan talaga may lahi talaga 'tong kabute.

"Hindi kase crush ng crush niya eh." dugtong niya pa.

"Sino ba crush niya?"

"Ulyanin ka ba o sadyang naiwan mo yung utak mo sa bahay niyo?" aniya saka umirap. Dukutin ko mata nito eh. "Crush niya kapatid ko, sinabi niya nung nakaraan diba?"

Oo nga pala noh? Crush nga pala ng Delancy namin si Dylan. Ewan ko ba kay Delancy, may problema yata sa mata ang isang yun.

"Malala na talaga problema sa mata ni Delancy."

Tinapik naman ako ni Julia sa braso.

"Ang sama mo sa kapatid ko ha!"

"Totoo naman sinasabi ko. Ang dami-dami dyan na pwedeng magustuhan, kapatid mo pa talaga."

"Kapag ikaw nagkagusto kay Dylan, tatawanan talaga kita ng malakas."

"Okay sige. Gusto ko yung tawa na pati bituka mo lumabas sa ngala-ngala mo ha?"

"Alam mo, isa kang malaking fuck you!" aniya saka pinakyuhan talaga ako saka sila pumuntang backstage.

Hanep talaga ang isang yun.

Matapos makapagperform ang lima pang kasunod ni Delancy ay sa wakas nadako na din kami sa musical performance..

Na inaabangan talaga ng lahat.

Naunang magtanghal ang mga Civil Engineering.

"Woah."

Hindi ko maiwasang mapamangha dahil ang cool ng performance nila. Ang pinerform kasi nila ay maglalatik. Ang cool lang ng pakulo nila dahil pinabongga nila ang bao na gamit nila. Nilagyan nila ng mga disenyo ito na nagpaganda talaga dito. Ang ganda din ng transition ng kanilang sayaw.

Hala.. Tapos na silang magtanghal.

Sila Julia na ang kasunod.

Ilang sandali lang ay nagsimula na rin sila.

Ang sinayaw nila ay ang sikat na Carińosa. Impernes sa kanila ah, ang effort nila sa costume. Ang ganda ng ginawa nilang costume.. Partida ipinatahi pa nila yan sa nanay ng kaklase naming si Lani.

Oh diba ang effort?

Labindalawang pares sila sumatotal. Buti nalang din at sakto ang bilang ng babae at bilang ng lalaki sa section namin kaya hindi naging mahirap ang pairings.

Natawa pa ko nang makitang nagkamali si Julia. Muntik na siyang mabuwal pero buti nalang at nasalo siya ng kapartner niya.

Aba ang gaga, mukhang may papatulan na naman yatang lalaki 'to bukas.

"Iba talaga mga galawan ni Julia." dinig kong sabi ni Delancy na biglang sumulpot sa tabi ko.

Eto pa isang may lahing kabute.

Ilang minuto lang din ay natapos na ang mga performances.

Ang HRM na nagperform ng Sayaw sa bangko. Ang Computer Engineering naman ay nagperform ng Singkil. Ang Accountancy ay Pandanggo sa Ilaw ang pinerform. Ang IT naman ay Tinikling.

Lahat sila magagaling pero mas magaling naman sina Julia ano? Aba syempre, mga kaklase ko yan.

"Okay students, ia-announce namin ang winners mayamaya lang. For now, let us enjoy the performances of some of the famous band in this university." dahil sa announcement ng emcee ay biglang nagkagulo dito sa loob ng gym.

"First to perform will be the SWEET&SOUR. Let's give them around of applause."

Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng gym. Mayamaya lang din ay nasa stage na ang banda ng Sweet and Sour.

Apat sila sa banda. Tatlo silang lalaki at ang main vocalist nila ay babae.

Si Marjon at Mara ang vocalist nila habang si Kael ang guitarist at si Ace naman sa bass.

Sila ay mula sa HRM na course.

[Verse 1] (MARA)

Thrift store fashion

Imperfect tattoos

Taking showers

Minus shampoo

[Pre-Chorus 1]

You are my favorite everything

Been telling girls that since I was 16

Shut up, I love you

You're my best friend

[Chorus]

Get ya under pink skies, I know exactly where we should go

Cause I love the way your green eyes mix with that Malibu indigo

Talking under pink skies, I think our hearts are starting to show

That it's better, you and I, under pink skies

[Verse 2] (MARJON)

Underwear, I kinda care

Wanna look good for you

British bomb, you turn me on

No matter what ya do

[Pre-Chorus 2]

You are my favorite everything

Been telling you that since 2015

Shut up, I love you

You're my best friend

[Chorus]

Get you under pink skies, I know exactly where we should go

Cause I love the way your green eyes mix with that Malibu indigo

Talking under pink skies, I think our hearts are starting to show

That it's better, you and I, under pink skies

[Bridge] (MARJON)

We can work it out

You and I are meant to be together

This is how it's supposed to feel

I'm in love with how this feels

[Chorus] (MARA)

Get ya under pink skies, I know exactly where we should go

Cause I love the way your green eyes mix with that Malibu indigo

Talking under pink skies, I think our hearts are starting to show

That it's better you and I under pink skies

[Chorus] (MARA AND MARJON)

Get you under pink skies, I know exactly where we should go

Cause I love the way your green eyes mix with that Malibu indigo

Talking under pink skies, I think our hearts are starting to show

And it's better, you and I, under pink skies

Impernes sa kanila.. Ang gaganda ng mga boses nila at para ka talagang nakahiga sa malambot na kama habang nakikinig ng kanta sa radyo.

"Nakakainlove naman ang boses ni Marjon mga teh." sabi ni Julia sa aming dalawa ni Delancy.

Hindi naman na ako nagulat sa sinabi niya. Sanay na sanay na ako sa mga ganyanan niya.

"Lagi ka namang inlove, kailan ba hindi?"

"Umepal ka na naman, Delancy."

"Nagsimula na naman kayong dalawa. Manahimik nga kayo." saway ko sa kanila. Palagi nalang kasi silang nag-aaway.

"Eto kasing si Delancy, hindi ko alam kung anong nakain at bigla nalang isang araw ay nagsasalita na. Aba at kinakalaban pa ko ngayon." sabi ni Julia saka hinarap si Delancy. "Ano ha, Delancy? Pumapalag ka na ha?"

Tinakpan ko naman ng panyo ang bibig nitong si Julia.

"Anong mahirap intindihin sa salitang MANAHIMIK at hindi mo maintindihan?" inis kong sabi.

"Sorry na, nagagalit ka agad Margaret eh."

"Next to perform is DWEIYAH!" dahil sa sinabi ng emcee ay biglang nagkagulo lalo dito sa loob ng gym. "Kumalma kayo students, hindi pa sila lumalabas eh nakalaglag na yang mga panty niyo." biro pa ng emcee.

Mayamaya lang din ay namatay ang ilaw sa stage.

At nagsimula na sila..

Nagsimula ng istrum ni Warren ang hawak niyang gitara..

(HARRIS)

We were so beautiful

We were so tragic

No other magic could ever compare

Lost myself, seventeen

Then you came, found me

No other magic could ever compare

(ELI)

There's a room

In my heart with the memories we made

Took 'em down but they're still in their frames

There's no way I could ever forget, mmm

Naalala ko tuloy nung kumanta si Eli sa harap ko mismo. Walang halos pinagkaiba sa boses na naririnig ko sakaniya ngayon.

Mukhang nakinig siya sa sinabi ko ah?

(DYLAN)

For as long as I live and as long as I love

I will never not think about you

You, mmm

I will never not think about you

From the moment I left

I knew you were the one

And no matter what ever I do, ooh, mmm

I will never not think about you

Aaminin ko, maganda naman talaga ang boses na Dylan. Heto nga si Delancy na todo hiyaw dito sa tabi namin ni Julia eh. Ang sakit niya sa tenga ha?

(ISRAEL)

What we had only comes

Once in a lifetime

For the rest of mine, I'll always compare

Nagsimula ko ng mapakinggan ang tunog galing sa drum na tinutugtog ni Yuwi.

Ewan ko dito kay Yuwi, pati sa pagdadrums eh wala siyang kaemo-emosyon. Para siyang inaantok habang tumutugtog.

(HARRIS)

To the room

In my heart with the memories we made

Nights on fifth, in between B and A

There's no way I could ever forget, mmm

Bigla akong napatingin sa gawi ni Alec na seryosong nagpapatugtog sa keyboard.

Ang sarap niyang tignan. Isa siyang napakagandang tanawin na hinding hindi ko pagsasawaan na pagmasdan.

(ELI)

For as long as I live and as long as I love

I will never not think about you

You, mmm

I will never not think about you

From the moment I left

I knew you were the one

And no matter what ever I do, ooh, mmm

I will never not think about you

(DYLAN)

Didn't we have fun?

Didn't we have fun, looking back?

(ISRAEL)

Didn't we have fun?

Didn't we have fun?

Didn't we have fun?

Didn't we have fun, looking back?

(HARRIS)

Didn't we have fun?

Didn't we have fun?

(DYLAN)

We were so beautiful

We were so tragic

No other magic could ever compare

At habang binibigkas niya ang mga huling liriko ng kanta, hindi ko inaasahan na magtatagpo ang mga mata namin ni Dylan.

Bakit siya ganyan makatingin sa akin? Bakit pakiramdam ko, may ibig sabihin ang mga tingin na yun?

Bakit ka ganyan, Dylan?

Bakit ba patuloy ka pa ding nagbibigay ng motibo sa akin?

-

Note: Yung piece na ginamit ko for declamation ay galing po sa internet. Sorry for using it pero bibigyan ko nalang ng credits. And also yung sa spoken word poetry naman ay galing sa isa kong kakilala. May permission ako sa kaniya na gamitin yun :)

Here is the link of the piece that I borrowed..

Declamation piece: http://filipino-monologo.blogspot.com/2011/10/huli-na-ang-lahat-para-sa-awa.html?m=1