Anong ginagawa niya dito? Ibig bang sabihin, sila ng pamilya niya ang bago naming business partner?
Malamang, Magi. Kaya nga siya nandito sa bahay niyo di'ba?
"Have a seat." anyaya ni mommy kina Alec at sa mga magulang niya.
Tulala pa din ako at hindi makapag-isip ng maayos. Idagdag mo pa na nandito si Alec ngayon; kaharap ko.
Parang gusto ko biglang matunaw na parang ice cream.
"I am very sorry for my husband's absence. He's currently out of the country, may inaasakiso lang. Pero uuwi na siya sa susunod na linggo, if I'm not mistaken.
Anyway, I'm very glad na pumayag kayo sa proposal namin. Don't worry, hindi kayo magsisisi. We will be succeed together."
"Wala 'yun, Laisa. Hindi ka naman na iba sa amin." sabi ni tita Wendy.
Hindi na ko nagulat na close sila kasi bakit hindi? They're highschool friends way back then.
Kaya lang hindi ko naman expected na anak pala ni tita Wendy si Alec. I was surprised talaga.
Habang nasa gitna ng pagkain ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Alec..
Hindi ko maiwasang pagmasdan ang mukha niya habang kumakain. Napakasimple niyang lalaki pero ang lakas ng dating.
Sana kagaya na lang ng ibang kwento 'yung mangyari sa buhay ko. 'Yun bang magpapa dinner meeting 'yung magulang mo and then mayamaya lang ay bigla ka nilang gugulatin sa nakakatindig-balahibo nilang announcement; which is ipapakasal ka nila sa business partner ng family niyo.
How I wish na sana mangyari sa akin 'yun ngayon. Kasi wala ng pag-iinarte at papayag talaga ko. Baka nga pasalamatan ko pa si mommy na ginawa niya 'yun eh.
Like;
"Of course mom, I am willing to marry Alec if that's the only way to save our company."
Di'ba, ang bongga—
"What are you talking about, Magi?" napabalik ako sa ulirat nang sabihin ni mommy 'yun.
Teka, ano bang sinabi ko?
"You're not going to marry Alec. At mas lalong hindi mo gagawin 'yun para i-save ang company natin dahil maayos naman ang takbo nito."
Ohh no.
Akala ko sa isip ko lang nasabi 'yun. Nakakahiya.
Alanganin naman akong napatingin kay Alec na ngayon ay tinitignan na din ako. Bahagya pa siyang nakangisi, nakakainis.
"Wala po." nahihiyang sabi ko at nagmamadaling inabot ang baso na may tubig at iniinom ito.
OMG. Pakiusap lupa, bumuka ka at kainin mo na ko ngayon din.
"Pumunta muna kayo sa sala, may pag-uusapan lang kami." utos ni tito Fred; ang daddy ni Alec.
Agad kaming tumayo sa lamesa at nagtungo sa sala ng bahay.
Balak ko talaga sanang iwan na lang si Alec d'un at pumasok na sa kwarto ko nang bigla siyang nagsalita.
"Hey, future fiancé."
OMG. Pati ba naman siya? Hay nakooo. Hindi na ko magugulat na baka bukas bigla na lang niyang gamiting pang-asar sa akin 'yan.
Nakakahiya talaga huhuhu. Bakit kasi sabaw ako kanina eh?
"Kidding." aniya saka naupo sa sofa. "Kwentuhan muna tayo. Wag ka mahiya, hindi ka naman na iba sa akin."
Walang pag-aalinlangan akong naupo sa sofa katabi niya. Ayoko namang isipin niya na binabaliwala ko lang siya. Still bisita pa din namin siya. Baka mamaya masermunan na naman ako ni mommy nito kapag binastos ko 'to. Anak pa naman 'to ng kumare niya, hmpk!
"Hindi na ko nagulat na hindi ka aware na anak ako ng bestfriend ng mommy mo n'ung high school sila." panimula niya. "Ang nakakakilala lang kasi sa'kin ay si Cyril." pagtukoy niya sa kapatid kong si Macy. "We've met during my childhood days. Lumaki ako sa Germany and umuwi kami dito sa Pilipinas nung 9 years old ako. Naging kapitbahay ko pa nga kayo eh kaso nagkataon n'un na wala ka. Balita ko naiwan ka daw sa Italy habang si Cyril naman ay nandito sa Pilipinas. At d'un ko siya nakilala.
Naalala ko pa nga na napadaan siya sa harap ng bahay namin. Saktong nagpepainting ako n'un kaya hindi ko siya napansin.. Pero nung namalayan kong may naglalakad papunta sa direksyon ko, dun ako natigil sa ginagawa. At ayun nakita ko siya, manghang-mangha siya sa painting ko.
Na touch naman ako kasi first time may nagsabi sa akin na ang ganda daw ng gawa ko kaya naman sinabi ko sa kaniyang gagawan ko siya ng painting balang araw."
Nagulat naman ako sa kinwento niya. Gustong gusto kong sabihin sa kaniya na hindi si Macy ang nakilala niya nung bata pa siya kundi ako.
Kaya lang may kung anong pumigil sa akin para wag ng magtangkang magsalita.
"Magaling ka naman kasi talagang magpainting." sabi ko.
"Nga pala, kung gusto mong magpapainting sa akin, bigyan mo nalang ako picture mo. Wag ka mag-alala, hindi kita sisingilin. Hindi ka naman na iba sa akin."
Nginitian ko lang siya at tinanguan.
Hindi ko alam kung ako lang ba nakapansin na bakit madalas niyang sabihin na hindi naman na ako iba sa kaniya?
Ayokong mag expect ng kung ano pero..
Hays.
"Balita ko kinukulit ka pala ng pasaway kong kaibigan." biglang pag-iiba niya ng topic. "Si Dylan."
Matapos marinig ang pangalan ng demonyong 'yun ay biglang sumama ang mukha ko.
Ewan ko ba, tuwing maririnig ko lang ang pangalan niya eh bigla nalang sasama ang timpla ng mukha ko.
"Ganun ba talaga 'yun? Napakakulit niya? Tapos ang hilig niyang bumanat ng pick-up lines pero corny naman. Hays. Hobby ba n'yang mangbwisit?"
Natawa naman siya ng bahagya.
"Ganun talaga 'yun si Dylan sa babaeng natitipuhan niya." nanlaki naman ang mata ko na napatingin sa kaniya.
Ano?
Ako? Type ni Dylan?
Imposible naman siguro yun.
"Paano ako magiging type ni Dylan eh kakakilala niya lang kaya sa akin. Transferee lang ako sa school niyo tapos magugustuhan niya agad ako? Ano yun? Love at first sight? Nakoo. Hindi ako naniniwala d'yan. Wag mo kong patawanin."
Muli siyang natawa sa sinabi ko.
Hala? Happy pill na niya ko nyan?
"Hindi ko naman sinabi sayo na ikaw lang ang natitipuhan ni Dylan. Hindi mo pa talaga kilala ang mga kaibigan kong 'yan.
Hindi ka ba aware na lahat tayo may posibilidad na magkagusto sa isa o mahigit pang tao?"
Oo nga naman noh. May point nga naman siya.
Maaaring type ako ni Dylan pero hindi naman ibig sabihin nun na ako lang ang pwede niyang matipuhan. Mukha pa naman siyang maharot na lalaki at maraming chix na nakakapit.
Malamang hindi lang ako ang binabanatan niya ng ganung pick-up lines.
"Hindi naman kami nangangagat kaya hindi mo kailangang matakot sa amin." aniya.
Siguro iniisip nitong natatakot ako sa kanila.
Duhh? Bakit ko kailangang matakot sa kanila? Sino ba sila?
"Si Yuwi, isnabero talaga 'yun kaya wag ka ng magulat kung magtatangka kang kausapin siya tapos hindi ka papansinin. Ayaw niya kasing nakikipag-usap kung hindi naman daw mahalaga ang pag-uusapan.
Si Eli naman, isa pa yun. Mukha lang siyang masungit kapag hindi nakangiti pero masaya naman kausap at kakwentuhan 'yun, lalo na kapag naging close mo siya.
Si Harris naman, nako sobrang daldal naman ng isang yun. Palaging maraming kwentong dala. Hindi nauubusan ng kwento saka maaasahan yun sa pagbibigay ng advices.
Si Dylan, Israel at Warren naman, sila ang chixx magnet sa grupo namin. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin noh?"
"Halata naman sa mga itsura." sabi ko at sabay kaming natawa.
"Napatunayan ko na ba sayong hindi talaga kami nangangagat?" aniya na ikinatango ko na lang.
Hindi naman kasi talaga sila nangangagat dahil hindi ko yata kayang ikumpara sila sa aso lang.
Masyado silang gwapo para maging aso.
-
"Magkasama kayo ni Alec kagabi??!" sabay na sabi n'ung dalawa kong kaibigan.
Hay nako. Kailangan talaga sabay pa sila?
Agad kong tinakpan ang mga bunganga nila dahil baka may makarinig sa kanila.
Mabuti nalang at walang masyadong nagdadaan dito sa hallway kundi baka chismis na naman 'to.
"Nagulat din ako na siya pala ang anak ni tita Wendy." sabi ko at ang dalawa ay titig na titig ang mga mata sa akin at parang may hinihintay na sasabihin ko. "Hindi ko siya fiancé, wag kayo umasa."
"Mabuti!" sabi naman ni Julia na parang nakahinga ng maluwag. "I mean, that's great. Kasi ang panget naman di'ba na ipapakasal ka ng mommy mo kay Alec eh hindi mo naman siya gusto di'ba?"
"Pero crush niya." sabat ni Delancy.
"Magkaiba ang gusto sa crush, Delancy. Kaya kung ako sa'yo, itikom mo bibig mo."
"Nagsasabi lang ako ng totoo—"
"Hep!" pag eksena ko sa pagtatalo nung dalawa.
Talagang dito pa sa hallway. Mga hindot.
"Oo na, crush ko si Alec. Pero hanggang dun nalang yun. Hindi na ko aasang humigit pa dun yun."
Ayokong umasang magkakagusto din si Alec sa akin dahil alam kong malabong mangyari yun.
-
Pagpasok namin sa room ay nagtaka ko kung bakit nagkakagulo ang mga kaklase ko.
Dun ko lang nabasa ang announcement na nakasulat sa white board na wala daw kaming prof sa dalawang subject namin.
Kaya naman pala ganito kasasaya 'tong mga kaklase ko eh.
"Hoy kayong tatlo, sumali kayo dito! Bawal kj, bilis!" aya sa amin ni Chloe; yung VP namin.
Lumapit siya sa amin habang may hawak na isang tape recorder.
"Remembrance lang 'to. Sabihin niyo dito kung sino crush niyo sa mga kaklase natin." aniya sabay abot sa amin ng tape recorder.
Napatingin naman ako kay Julia nang abutin niya ito at lumayo sa amin ng bahagya..
Papunta siyang..
Table sa gitna. Teka.. Masama ang kutob ko.
"Quiet muna mga bebe. Bibisto natin isa nating kaklase." aniya saka tumawa ng nakakaasar.
Pinipigilan naman siya nina Chloe pero ayaw niyang paawat habang kami ni Delancy ay nandito lang sa may pinto at nakatayo, naghihintay iplay ni Julia 'yung tape recorder.
Sino kaya ang maswerteng malalaglag sa crush niya?
"Crush kita, Magi."
Nanlaki naman ang mata ko nang marinig ang pangalan ko.
"Punyeta, sino 'yang panget na nagkakagusto sakin?" bulong ko sa katabi kong si Delancy.
"Hindi ako pwedeng magkamali.. Kay Dylan ang boses na 'yun." nanlulumong sagot ni Delancy.
Teka, si Dylan?
"Leche ka, Dylan! Napakalandi mo talaga kahit kailan. Pati si Magi pinagtitripan mo." sabi ni Julia saka nilapitan ang kapatid saka ito inakbayan. "Pero impernes, may taste ka sa babae. Kapatid nga kita."
Tignan mo 'tong si Julia. Kinampihan pa sa kalokohan niya yung kapatid niya. Hay nako naman.
"Alam niyo, naglolokohan na lang tayo dito. Sunugin niyo na 'yang tape recorder na yan bago pa 'yan makapagkalat ng kamalasan." walang ganang sabi ko saka lumabas ng room.
Puro sila pakulo. Hay nako.
-
Apat na oras kaming tengga nito kaya naman dumiretsyo nalang ako sa may kubo sa gilid ng HRM building.
Kaysa naman sa cafeteria ako pumunta, baka pagbalik ko ng classroom eh hindi na ko makilala ng mga kaklase ko sa sobrang taba.
Joke.. Ang OA ko naman ata sa part na 'yun.
Speaking of my dearest nipa hut, naabutan ko si Eli na nakahiga dun.
Nagdalawang-isip tuloy ako kung tutuloy ba ko dun o hindi.
Mukha kasing natutulog siya.
Pero makikitambay lang naman ako eh. Hindi ko naman siya aabalahin sa pagtulog niya kaya siguro hindi naman masamang makitambay ako kasama siya.
Kaya naman naglakad na ko papuntang kubo kaya lang napansin ko na bumangon siya sa pagkakahiga.
Huli na para umatras ako dahil nakita niya na ako.
Shit bebs.
Nakakatakot siyang tumingin. Hindi ko tuloy maiwasang magduda sa sinabi ni Alec sa akin kagabi.
Hindi ko mahanap sa blankong mukha ni Eli kung saan banda siya masarap kakwentuhan.
"Ehem." pagtikhim niya senyales ata na pinapayagan niya akong maupo sa kubo kasama siya.
Kaya yun naman ang ginawa ko.
"Naabala ba kita sa pagtulog?"
"Sort of."
Hindi naman ako nasabihan ni Alec na englishero pala 'tong si Eli.
"Pasensya na—"
"Magulo kasi sa room para matulog kaya dito nalang ako nagpunta at nagbalak matulog.
Kaya lang nandito ka, nawala tuloy antok ko."
Hindi ko alam kung naninisi ba siya o ano? Pero malakas ang pakiramdam ko na sinisisi niya ko kung bakit naabala ang pagtulog niya.
"Pasensya na."
Saglit siyang tumingin sa akin at bahagyang napangisi.
"Wag ka mag-alala, hindi ako galit sayo." aniya saka kinuha ang gitara sa gilid niya.
"Naggigitara ka pala?" tanong ko.
Okay, pang tanga na talaga yung tanong ko. Basta nasa isip ko nalang, lahat itatanong ko wag lang ako ma-awkward-an sa kaniya.
"Oo. Nagpupunta ko dito madalas sa kubo para dito ako makapaggitara at makakanta nang walang nakakakita sa akin.
Kaya lang nandito ka eh, kaya pwede umalis ka na?" aniya saka huminto saglit at natawa. "Biro lang."
"Bakit naman mas gusto mong kumanta nang walang nakakakita sayo? Diba sikat kayo dito tapos nagpeperform pa kayo sa mga estudyante dito kaya sure naman akong naririnig at nakikita nila na kumakanta ka pero—"
"Magkaiba kasi ang pinapakita kong pagkanta sa harap nila at iba naman kapag ako lang mag-isa.
Feeling ko mas nailalabas ko yung emosyon ko sa pagkanta kapag mag-isa lang ako. Kapag kasi maraming mata ang nakatingin sa akin, hindi ko yun nagagawa.
Alam mo yung feeling na natatakot kang ilabas yung best mo sa harap ng marami kasi nandun yung takot na baka magkamali ka bigla."
Hindi ko alam na ang isang Eli dela Peña ay ganto mag-isip. I mean, hindi pala gaano kataas ang confidence niya sa sarili. May kahinaan din pala siya sa kabila ng kasikatan niya.
Paano ba 'to? Paano ko siya iko-comfort? Anong gagawin ko? Nakakatakot namang magsalita kasi baka mamaya ma-offend ko siya.
"Hindi mo kailangang matakot sa sasabihin ng iba. Kung magpeperform ka, ilabas mo na 'yung best mo.
Alam mo maswerte ka nga, hindi lahat ay nabibigyan ng opportunity na makapagperform sa harap ng maraming tao. Kaya ikaw, bilang nandiyan ka na sa posisyon mo ngayon, gawin mo yung best mo para makapagperform ng maayos.
Hindi naman maiiwasang magkaroon ng problema at pagkakamali, hindi naman tayo perfect eh."
Napangiti siya saka saglit na inalis ang paningin niya sa akin.
"Paki judge naman 'tong kakantahin ko." aniya saka inayos ang gitara na nakapatong sa hita niya.
Ain't never felt this way
Can't get enough so stay with me
It's not like we got big plans
Let's drive around town holding hands
And you need to know
You're the only one, alright... alright
And you need to know
That you keep me up all night, all night
Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Mad cool in all my clothes
Mad warm when you get close...to me
Slow dance these summer nights
Our disco ball's my kitchen light
And you need to know
That nobody could take your place, your place
And you need to know
That I'm hella obsessed with your face, your face
Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
And you need to know
You're the only one - alright, alright
And you need to know
That you keep me up all night, all night
My heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad...
So bad, oh
Oh, my heart hurts...
Oh, my heart hurts...
Oh, my heart hurts...
So bad, oh...
Napamangha ako sa ganda ng boses niya. Kahit medyo deep voice siya, maririnig mo pa din yung ganda ng boses niya talaga.
Ang pogi niya pa lalo tignan habang naggigitara siya.
Hindi ko tuloy maiwasang mapatulala sa kaniya.
"Okay lang ba yung boses ko, Magi?" nag-aalangan na tanong ni Eli.
OMG.
Masyado yatang naging matagal ang pagtulala ko sa kaniya.
"M-maganda. Ang sarap sa tenga. P-para akong n-nasa alapaap."