"Beh, mayroon ka na bang piece for your declamation?" salubong na tanong sa akin ni Mariz pagkapasok na pagkapasok ko sa room.
"Sinisimulan ko na." sabi ko at tinanguan niya naman ako bilang sagot.
Dumiretsyo na ko sa upuan ko at naabutan ko naman ang dalawa na kumakain ng baong piattos ni Delancy.
Kumuha ako d'un bago naupo.
Napatingin ako sa gilid ko nang mapansing nakatingin na naman sa akin ang bwiset na si Dylan.
'Gusto niya ba kong tunawin?'
Hindi ko nalang siya pinansin at nakipagchikahan kina Julia.
"May utang ka pang kwento, Magi. Ngayon mo na bayaran."
Oo nga pala.
"Ayun nga, nalate ako kahapon kasi may nakita kong lalaki na nagpepainting sa veranda. Hindi ko napigilan ang sarili at lumapit sa kaniya para makipagchikahan. Tapos-" napatigil ako sa pagsasalita nang sumabat si Julia.
"Kamusta? Pogi naman ba?"
"Oo." sabi ko at hindi ko maiwasang mapangiti. "Mas pogi siya kapag naka smile kasi kitang-kita 'yung dimple niya sa kanang pisngi."
"Hala ka, Magi. Crush mo noh?" usisa pa ni Julia.
"Baka?"
Ewan ko ba pero I have this thought na 'yung crush ko n'ung bata at si Alec ay iisa. Kasi parehas silang magaling magpainting eh.
Isama mo pa 'yung sinabi niya sa akin kahapon na ipepaint niya daw ako na kagayang-kagaya din ng sinabi sa akin n'ung crush ko n'ung bata ako.
Nagkataon lang ba ang lahat?
"Okay ka lang, Magi?" tanong ni Dylan sa akin-
Teka! Bakit nandito 'to sa harap ko bigla??!
"Kumalma ka. Nandito ko para ibigay 'to." aniya saka inabot sa akin ang isang buong singkwenta. "Mukha kasing hindi ka makakatulog ng isang linggo hangga't hindi ko napapalitan 'yung reg card na inapakan ko eh."
Ano?!
Leche!
Ang yabang talaga!
Inis kong inabot 'yun at ibinulsa. Mamaya kasi magbago bigla isip niya at kuhanin agad sa akin 'yun. Mahirap na noh.
Mayaman kami, oo. Pero hindi naman porke mayaman ka eh aksayado ka na sa pera at gagastusin na lang ang pera mo ng walang pakundangan.
Ako kasi 'yung tipo ng tao na maski piso mahalaga para sa akin. Gusto ko gastusin 'yung pera ko sa makabuluhang bagay hindi sa kung ano-ano lang.
"Napasaya na ba kita, miss Serrano?" tanong pa niya at kinindatan pa talaga ako.
Nakakainis.
"Mas sasaya siguro ako kung hindi ko makikita 'yang pagmumukha mo."
Napatawa siya sa sinabi ko sabay iling.
"Ang sungit mo naman. Pero kahit gan'yan ka, sinasabi ko sa'yo, ako lang ang lalaking makatitiis sa ugali mong 'yan. Maniwala ka." makahulugan niyang sabi bago siya bumalik sa upuan niya.
Kinalabit ko si Julia sa tabi ko at bumulong..
"May topak ba 'yang kapatid mo?"
"Jusko naman, Magi. Akala ko kung anong importanteng tanong itatanong mo. Sa susunod na gawin mo 'yan, bubunutin ko talaga isa-isa buhok mo sa kilay."
Grabe naman 'to.
Ano bang masama sa itinanong ko? Hindi ba 'yun importante?
Hays.
Palibhasa busy na naman siya sa bago niyang lalake.
-
Nasa kalagitnaan kami ng klase nang may biglang eroplanong papel ang bumagsak sa desk ko.
Agad ko itong kinuha at tinanggal sa pagkakatupi.
Ang galing mo siguro sa puzzles noh?Kasi umaga pa lang, nabuo mo na ang araw ko.
Napairap ako sa kawalan sa nabasa ko.
Kay aga-aga namang magpasikat ng Dylan na 'to. Corny naman.
Lulukutin ko na sana ang papel nang may mabasa ako.
0912*******
Ayan number ko. Text mo sa akin kung kinilig ka ha?
Umabot na talaga sa universe ang inis ko!
Kaya naman gigil na gigil kong nilukot ang papel at akmang ibabalibag 'yun nang tawagin ako ng prof ko sa MMW.
"Yes, miss Serrano? Do you want to answer the given problem on the board?"
Oh no.
Hindi ko alam isasagot d'yan kasi una sa lahat, wala akong naintindihan.
"N-no, sir. N-nagkakamot lang po ako ng ulo. Hehe."
Napatango naman siya at itinuloy ang discussion. Siya na din ang nagsagot ng pinapasagutan niya dahil wala ni isa sa amin ang naglakas-loob na sumagot.
Hindi rin siguro nila nagets 'yung lesson.
-
Breaktime na pero napagkasunduan naming tatlo nina Julia na hindi magpunta sa cafeteria kasi baka mamaya ay magkagulo na naman.
Ayokong makasagutan na naman si Lerisse at ang tatlo niyang musketeers. Mamaya ay sa guidance ako bumagsak.
Kaya ngayon, sa malapit na foodchain lang kami kumain. Maganda dito saka mura ang meals.
Nang makapasok sa foodchain ay naabutan naming puno ito ng halos estudyante sa university namin.
OMG.
Wala kaming pupwestuhan ni-
"Julia!" tawag ng isang lalaki kay Julia at sumenyas itong lumapit kami sa kanila.
Ay wow. Iba talaga kapag malandi, maraming kilalang lalaki.
"Uyyy!" sabi ni Julia saka bumeso sa tatlong lalaki. "Makikiupo kami, okay lang?"
"Sure, baby Juls." sabi ng lalaking kulay black ang buhok at naka shades ng kulay yellow.
Agad naman kaming umupo at saktong kaharap namin ang tatlong lalaki.
Sino ba ang mga 'to?
Akmang tatanungin ko sana si Delancy pero nakatitig lang ito sa tatlo na may namumungay na mata.
"Feeling ko hindi pa kami kilala ng isa niyong kasama." sabi naman ng lalaking may highlight ng pink ang buhok. "He's Yuwi." pakilala niya sa katabi na busy na nagcecellphone. Seryoso ang mukha nito at gwapo kaya lang mukhang isnabero. "He's Warren." pakilala niya naman sa nasa kabilang gilid niya. Siya 'yung nakasuot ng yellow shades. "And I'm Harris. Ang pinakagwapo sa DWEIYAH." ay. Medyo bumagyo ata pero slight lang.
Pero teka nga? Sinabi niya bang DWEIYAH?
Dahil d'un ay may another chika na naman ni Delancy ang naalala ko.
"Si Dylan at Harris ang lead vocal. Si Israel naman ang main vocal at face of the group habang si Eli ang vocalist. Si Warren naman ay ang lead guitarist at backing vocals. Si Yuwi ang drummer at BV at si Alec naman ay sa keyboard at BV din."
And ngayon ko lang din napagtanto na si Alec sa veranda na nagpepainting ay member din ng bandang DWEIYAH?
Wth?
"Ahh hello sa inyo. I'm Magi." nakangiting sabi ko at nakipagkamay sa kanila.
"Hindi ko kayo kilala kasi bago lang ako sa university and I just came back here in the Philippines a couple of days ago." pagpapatuloy ko.
"So saan kang galing na bansa kung ganon?" usisa ni Warren.
I think si Warren ang pinakamadaldal sa grupo nila? Sila ni Harris.
"Milan, Italy."
"Oh? L'Italia è un bel paese." sabi naman ni Harris.
Napahanga ako dahil marunong pala siyang mag Italian.
"Assolutamente giusto." sabi ko at natawa ng bahagya. "Parli fluentemente italiano."
"Grazie, signorina."
Sasagot na sana ako nang umextra si Julia.
"Respeto naman sa mga hindi nakakaintindi ng Italian noh? Apat kami ditong parang tangang nakikinig sainyong dalawa."
"Non mi interessa, cagna." sabi ko habang natatawa.
"Hoy ano 'yon? Minura mo ba ko?"
"Wala." sabi ko saka tumingin kay Yuwi. "Hindi ba siya nagsasalita?"
Agad nitong binitawan ang cellphone na hawak at walang gana akong tinignan.
"Wala akong kapansanan para hindi makapagsalita. Sadyang hindi ko lang sinasayang ang laway ko sa walang kwentang bagay."
Napa ismid naman ako sa sinabi niya. Jusko. Next time talaga hinding-hindi ko na susubukan uling kausapin siya.
-
Naglalakad kami sa hallway pabalik sa room nang may biglang umeksena.
Si Dylan na naman?
"Hi, Magi." bati niya sa akin habang naglalakad patungo sa direksyon namin.
Heto namang si Delancy sa gilid ko, parang malalaglag na ang panty sa kilig.
"Alam mo ba-" pinutol ko siya sa sasabihin at inunahan ko na siya.
"Hindi pa."
Kita ko namang nainis siya d'un ng bahagya pero nagpatuloy pa din siya sa sasabihin.
"Okay lang na ako ang magbayad ng tuition fee mo..
Basta pag-aralan mo lang akong mahalin."
Walang gana ko siyang tinapunan ng tingin. Habang eto namang si Julia sa gilid ko ay kilig na kilig.
"Pwede na ba kong tumawa?"
"Pwede naman. Kung sa pagtawa mo ilalabas ang kilig mo, bakit hindi?" aniya saka kumindat na naman.
Ahhhhh!
Naiinis na ko sa kaniya!
"Hindi mo kailangang bayaran tuition fee ko dahil una sa lahat, hindi ako mahirap. Pangalawa, hindi natuturuan ang puso kung sino ang dapat mahalin.
Wag ako ang pagtripan mo ha? Wala kong panahon sa mga gan'yan."
Nakakainis.
Hindi na talaga ako natutuwa sa mga corny niyang pick-up line.
-
"Bakit ba inis na inis ka girl sa kapatid ko? Fyi lang ha, ikaw lang ang babaeng binabanatan n'on. Wala ng iba. Ikaw lang kaya napakabanal mong bwiset ka. Wag ka na mag-inarte hoy!" bulyaw ni Julia sa akin pagkaupo namin sa upuan namin.
Hayy. Eto na naman siya.
"Manahimik ka d'yan o bubusalan ko bibig mo?"
"Aba? Ginaganyan mo na ko ngayon, Margaret?"
"Papalag ka ba ha-" nahinto ako sa sasabihin nang biglang umeksena si Delancy.
"Lagi nalang kayong nag-aaway. Daig niyo pa mag-asawang naubusan ng bigas. Tumigil na nga kayo d'yan."
"MANANAHIMIK KA O IKAW ANG HINDI KAKAIN NG ISANG BUWAN??!" sabay naming sigaw ni Julia kay Delancy na pakialamera.
"MAGI!" naudlot ang pag-aaway namin dito sa upuan namin nang may ulupong ang tumawag sa pangalan ko.
Hindi ko siya pinansin at nagkunwaring nagsusulat.
Bakit ba kasi ang tagal dumating ng prof namin?
"Sana ulan ka at lupa ako." pagpapatuloy niya saka dahan-dahang lumapit sa kinauupuan ko.
"Bakit hindi? Mukha ka namang palaka." sabi ko at wala man lang tumawa sa joke ko. Hala? Corny ba?
"Para kahit gaanong kalakas ang patak mo, sa akin pa rin ang bagsak mo."
At ang mga kaklase ko? Mapababae o lalake ay todo kantyaw sa'min.
Wow! Kay Magi ka lang pala lalambot, Dylan eh.
Hayy. Kahit crush na crush kita Dylan, eh susuportahan na lang kita sa babaeng gusto mo.
Aaaah! Bagay sila ni Magi noh?
May chemistry sila! Nakakakilig naman.
Yuck. Kadiri ah.
"Sana okay pa 'tong kapatid mo." bulong ko kay Julia habang napapailing.
"Di'ba sabi ko nga sa'yo, ngayon lang 'yan nagkaganyan sa babae, malas niya pa at sa'yo pa siya naging seryoso." na-offend naman ako sa sinabi niya at masama ko siyang tinignan.
"Parang sinasabi mong hindi ako kaseryo-seryoso gan'un ba?"
"Alam mo Magi, malapit na kitang itulak sa inuupuan mo para naman gumana 'yang utak mo." aniya.
Inirapan ko na lang siya.
Kita ko namang nakangisi sa akin si Dylan ngayon habang nakaupo siya sa upuan niya.
Ewan ko ba sa lalaking 'yan? Kung trip niya lang ba ko o ano? Feeling ko kasi pinagtitripan niya lang ako eh kaya hindi ko nalang siniseryoso 'yung mga ganyanan 'yan.
Alam ko na 'yang mga damoves na 'yan dahil pinagdaanan ko na 'yan dati.
Flashback:
I was at grade 8 that time.
Crush na crush ko 'yung isang kaklase ko at ang pangalan niya ay Austin. Actually, magdadalawang taon ko na siyang crush pero mukhang hindi niya naman ako mapapansin dahil hindi naman ang kagaya ko ang tipo niya sa mga babae.
Grade 8 pa lang kami pero marami na siyang naging girlfriend. Oo, playboy si Austin pero kahit ganun siya eh crush ko pa din siya.
Ang talino niya kasi at ang galing niya pa magbasketball.
Isang araw, napansin kong parang nakikipagclose sa akin si Austin. Nakikipag-usap na siya sa akin at minsan pa nga eh binabanatan niya ko ng mga pick-up lines niya.
Minsan din niyang sinabi na gusto niya ako at gusto niyang manligaw sa akin. Tutal naman crush ko siya kaya pumayag na din akong magpaligaw sa kaniya.
Isang linggo lang siguro ang lumipas at sinagot ko na siya kaya nga lang n'ung sinabi ko sa kaniya na sinasagot ko na siya ay bigla niya akong tinawanan.
Sabi pa niya..
"Umasa ka talagang magkakagusto ako sa'yo? Gumising ka nga, Magi. Hindi ako 'yung lalaking magkakagusto sa kagaya mo.
"Niligawan kita dahil pustahan namin 'yun ng tropa ko. Sinabi nila sa akin na kapag napasagot kita, bibigyan nila ako ng motor.
Kaya salamat at sinagot mo ko huh? Pero hanggang dito nalang tayo, Magi. Pasensya na, break na tayo."
End of flashback.
Tuwing naalala ko 'yun ay hindi ko mapigilang magalit sa sarili ko. Kasi ang tanga tanga ko. Kasi ang dali kong mauto. Ang dali kong maloko. Ang dali kong mapaniwala.
Magmula ng mangyari 'yun ay ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na ako magtitiwala sa lalaki. Hindi na ko aasa sa mga salitang bibitawan nila sa akin.
Kung sasabihin nilang gusto nila ko, gusto kong patunayan muna nila at hindi 'yung puro salita lang.
Mahirap na at baka mangyari ulit 'yung nangyari sa akin dati. Ayoko na. Nakakatakot ng umasa sa wala.
'Kaya please lang Dylan, kung wala ka naman talagang planong gustuhin ako, itigil mo na 'to. Hindi na kasi nakakatuwa.' bulong ko sa sarili at yumuko sa desk ng upuan ko.
-
Uwian na sa wakas.
"Mauna na kayong umuwi, may pupuntahan lang ako."
Tumango naman sila at naglakad na paalis.
Ako naman ay dumiretsyo sa cr para umihi.
Ito talaga 'yung mahalaga kong pupuntahan eh HAHAHAHA.
Hindi na ako nagpasama sa kanila mag cr dahil hindi naman na ako bata para may magbantay sa akin sa labas ng cubicle para magpaabot ng tabo pambuhos.
Buti nalang talaga at may flush ang toilet dito. Hindi gaya n'ung napasukan kong academy sa Italy n'ung grade 9 ako.. Ang ganda ganda ng school tapos 'yung cr barado. Wala pang flush. Jusme.
Nasa ganoon akong pag-iisip paglabas ko ng cubicle nang mapansin ko si Lerisse na nakaharap sa salamin at nagmemake-up.
Lalagpasan ko na sana siya nang bigla siyang magsalita.
"May itinatago ka din palang kalandian noh? Akalain mo nga naman, hamak na newbie ka lang dito sa university pero kung manglandi ka kay Dylan, para bang galawang professional ka na.
Baka lang hindi mo alam, ako si Lerisse Rodriguez. Ang main vocalist ng Mystica at ang magiging girlfriend ng nilalandi mong si Dylan.
Gusto ko lang malaman mo para naman alam mo kung saan ka lulugar."
Akmang aalis na siya ng cr nang pigilan ko siya.
Hindi pwedeng wala kong isasagot sa kaniya.
"Bakit naman ako lalandiin ni Dylan kung talagang mahalaga ka sa kaniya? Baka ikaw lang 'tong feelingera?"
Kita ko namang nainis siya sa sinabi ko.
"Hindi ako nakakatuwang kalaban, Magi. Kaya mag-isip isip ka kung ipagpapatuloy mo 'yang panlalandi mo kay Dylan. Kaya kong gawin ang lahat mabura ka lang sa direksyon ko. Kaya kung ako sa'yo, huminto ka na sa mga balak mo." aniya saka kinuha ang isang tabong tubig at ibinuhos 'yun sa damit ko. "Sana naman magising ka sa lamig ng tubig na ibinuhos ko sa'yo. Wag ka ng umasa, Magi. Walang magmamahal sa'yo dahil hindi ka naman kamahal-mahal."
Umalis na siya habang ako ay heto, nanginginig sa lamig ng tubig.
Hindi ko maiwasang umiyak. Hindi ko maiwasang maalala ng paulit-ulit 'yung huli niyang sinabi.
Wag ka ng umasa, Magi. Walang magmamahal sa'yo dahil hindi ka naman kamahal-mahal.
Wag ka ng umasa, Magi. Walang magmamahal sa'yo dahil hindi ka naman kamahal-mahal.
Wag ka ng umasa, Magi. Walang magmamahal sa'yo dahil hindi ka naman kamahal-mahal.
Natawa ako bigla. Kasi tama naman siya. Hindi na dapat ako umasa na may magmamahal sa akin dahil hindi nga naman ako kamahal-mahal.
Hindi nga ako mahal ng sarili kong pamilya eh kaya bakit pa ko aasang may magmamahal sa akin na ibang tao kung mismong sarili kong pamilya eh gusto na kong itakwil?
Bakit ba kasi binuhay pa nila ako? Para maranasan lahat ng 'to? Para paulit-ulit masaktan kasi nga WALANG NAGMAMAHAL SA AKIN?
Mahirap ba kong mahalin? Ano bang mali sa akin? Ano bang kulang?
Nakakainis.
Lumabas na ko ng cr at balak kong umuwi ng ganito ang itsura nang biglang may nabunggo akong lalaki sa paglalakad ko.
Pagkatingala ko para tignan kung sino..
"A-alec?"
Nakatingin siya ngayon sa damit kong basang-basa.
"Natapon kasi 'yung tubig sa damit ko-" hindi na ko natapos sa sasabihin nang bigla niyang hubarin ang suot niyang t-shirt.
"B-bakit-"
"Isuot mo na. Okay na kong nakasando lang kaya magpalit ka na. Kaysa naman matuyuan ka at magkasipon pa."
Agad naman akong bumalik sa cr at sinuot ang damit niya.
Impernes. Hindi amoy anghit ang damit niya.
Malamang. Kasi galing sa gwapo eh.
Paglabas ko ng cr ay hindi ko na siya naabutan. Hindi ko alam kung saan na siya nagpunta.
Sayang. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kaniya.
-
Nakauwi na din ako sa bahay.
Hayy. Feeling ko naging mahaba ang araw na 'to.
Paakyat na sana ako para matulog nang bigla akong tawagin ni mommy.
"Magi, magbihis ka na at may dinner tayo sa bagong business partner natin."
Ayy oo nga pala. Ngayon nga pala 'yung dinner namin sa bago naming business partner..
Ano ba 'yan? Gustong-gusto ko pa namang matulog.
Pero dahil si mommy nagsabi, wala na din akong nagawa kundi ang sumunod. Baka sa pagsunod sunod ko sa utos niya eh magawa niya na akong mahalin.
Hayyyy.
Tonight, I'm wearing a little black dress with denim jacket, and a pair of golden goose sneaker.
Hindi ko naman na kailangang bonggahan.
Bakit? Sino ba sila para magpa impress ako diba?
"Magi!"
Ayan na ang signal para bumaba na ako sa baba dahil nand'yan na siguro ang bisita.
Nagmamadali akong bumaba at tumakbo ako papuntang garden.
Naabutan ko silang nag-uusap d'un kaya naglakad ako palapit sa kanila upang makapagpakilala.
"Hello po. I'm Magi—" napahinto ako sa sasabihin nang may pamilyar na mukha akong nakita.
'A-alec?' bulong ko sa sarili.