Chapter 3 - CHAPTER 2

"Naaalala niyo si Xian? 'Yung nakilala ko sa bar n'ung isang linggo? My gosh girls! He's so freakin' hot!

Akalain niyo, papatulan niya kalandian ko but then naka receive ako ng text sa kaniya na tigilan na daw namin 'yung paglalandian namin kasi may girlfriend na pala siya?!

Like wth? Nakipaglandian siya sa'kin kahit may girlfriend siya? Uh! Dude. Ang sarap manakit."

Kwento lang ng kwento ng kaharutan niya si Julia habang kami ni Delancy ay nakikinig lang sa kaniya habang kumakain.

Sa aming tatlong magkakaibigan talaga, etong si Julia ang may pinakamabigat na hinanakit sa buhay.

Paano ba naman kasi? Hindi daw siya makahanap ng matinong jowa gayung college na daw siya. Eh jusko, sino namang tanga ang seseryoso sa kaniya kung siya mismo hindi siya nagseseryoso sa lalaki? Ewan ko ba dito, minsan nasa paa ang utak.

"Anyway, sayang lang ang luha ko kung iiyakan ko siya tutal naman—"

"Marami pang lalaki d'yan na pwede mong harutin." sabay naming sabi ni Delancy.

Alam na alam na kasi namin ang linyahan niyang 'yan. Knowing Julia, that's her motivational line.

"Kaibigan ko nga kayo."

Nagtawanan lang kami saka mabilis na inubos 'yung pagkain namin.

Patayo na sana ako para bumili ng tubig nang biglang pagharap ko ay may nabangga akong babae at tumapon sa damit ko ang dala niyang spaghetti.

Lintek naman.

Ang malas ko talaga ngayong araw.

"Sorry, miss—" naputol ako sa sasabihin ko nang malakas niya akong itulak. Buti na lang at nabalanse ko ang sarili at hindi natumba.

"Tanga ka ba? Tignan mo ginawa mo sa pagkain ko! Damit mo ang nakinabang!" galit niyang sabi at matalim akong tinignan. "Palitan mo 'yan."

Napa wow nalang ako sa isip.

Ako na nga 'yung nadumihan ang damit, ako pa 'yung may kasalanan?

"Hindi ko sinasadyang mabunggo ka, okay? So wag kang OA." sabi ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Muka ka namang mayaman kaya afford mo naman sigurong bumili nalang ng bago di'ba?"

"Ikaw ang nakatapon ng pagkain so bakit pera ko ang kailangang gastusin? Di'ba dapat sa'yo?"

Naririndi na ko ah.

Sasagot na sana ko nang tumayo si Julia sa upuan niya at siya ang nakipag-usap sa babaeng 'to.

"Excuse me. Ang liit ng problema pinapalaki mo. Wala ka bang magawa sa buhay? Alam mo kung ako sa'yo, manahimik ka nalang. Ang dami ng nakatingin oh? Kung gusto mong magpasikat, sa showtime ka magpunta wag dito. Okay?" sabi ni Julia saka kinuha ang bag sa upuan. "And please, wag mong iwanan sa bahay ang utak mo. Ayokong kumausap sa bobo."

"What—" hindi na siya natapos sa sasabihin nang layasan namin siya d'un.

Nakakawalang-gana siyang kausap. Buti nalang talaga at tapos na kaming kumain.

"Sino ba 'yun?" nagtatakang tanong ko sa dalawa nang makalabas kami ng cafeteria.

"Lerisse Rodriguez ang pangalan niya. She's the vocalist of Mystica kaya hindi na niya kailangan magpasikat dahil sikat na siya." nag-aalangang sabi ni Delancy habang nakatingin kay Julia.

"Kung sikat siya, bakit hindi ko siya kilala?"

"Kasi—"

"Enough with that bitch. Magbihis ka na, Magi. Ang dugyot mo tignan." sabi ni Julia sabay turo sa damit kong may mantsa ng sauce ng spaghetti.

-

Nauna ng bumalik sa room 'yung dalawa habang ako ay dumiretso sa cr para magpalit ng damit.

Mabuti na lang talaga at may baong extrang damit si Julia kaya pinahiram muna niya 'to sa akin para may maipampalit ako.

Salamat sa cozy sweater ni Julia, baka pag-uwi ko mamaya eh mas dugyot akong tignan.

Pero keme lang 'yun. Hindi naman gaanong tirik ang araw ngayon kaya hindi ko din ramdam ang init sa suot kong sweater. Mas ayos na din 'to kaysa naman sa magsuot ako ng damit na may mantsa di'ba?

Tama na nga daldal, Magi.

Hayys.

Pabalik na sana akong room ng mapadaan ako sa veranda.

Naagaw ang pansin ko sa isang lalaking abala sa pagpepainting.

Painting.

May bigla tuloy akong naalala.

Flashback:

I was at grade four that time. Habang pauwi ako ay mayroon akong napansing bata na halos ka-edad ko lang.

Nasa teres siya ng kanilang bahay at busy sa pagpe-painting.

'Ang cool ng gawa niya.' bulong ko sa sarili.

Hindi ko namalayang papalapit na ko sa kinaroroonan niya habang ang mga mata ako ay nakapako sa maganda niyang artwork.

"Hi!" bati nito sa akin na nagpabalik sa akin sa ulirat.

Nahiya naman ako ng kaunti pero nagawa ko namang bumati sa kaniya pabalik.

"H-hello." nahihiya kong sabi. "Ang ganda ng painting mo." sabi ko sabay itinuro ang painting na katatapos niya lang gawin.

Ngumiti siya sa akin ng matamis.

"Hayaan mo.. Kapag mas humusay na ako sa pagpepainting, gagawan kita." aniya.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam pero biglang tumibok ng sobrang bilis ang puso ko.

Crush ko na 'yata siya.

End of flashback.

Pamilyar—

"Hi?" natigil ako sa pag-iisip nang bigla niya akong batiin.

At dun ko lang namalayan na nasa tabi niya na pala ako habang titig na titig ako sa ginagawa niya.

Shit.

Familiar ang eksenang 'to ah?

"May kailangan ka ba, miss?" muli niyang tanong.

Agad akong napailing. "Wala. Namangha lang ako sa ginagawa mo. Ang galing mo kasing magpainting."

Kasing galing mo 'yung crush ko n'ung bata pa ko.

Nasaan na kaya siya? Magmula kasi n'ung araw na nagkausap kami ay hindi ko na siya nakita.

Nabalitaan ko na lang na lumipat na daw sila ng bahay.

"Kapag talaga gusto mo 'yung ginagawa mo, magiging maganda talaga 'yung resulta."

Napahinto ako sa sinabi niya at napaisip.

Siguro hindi naman lahat.

Kasi bakit ako?

Gustong-gusto kong magpa-impress kay mommy pero lagi nalang panget ang ending.

Hmp!

"Anyway, I'm Alec Salcedo, from Computer Engineering." aniya saka inilahad sa akin ang kamay niyang walang bahid ng pintura.

Inabot ko naman ito.

"Hello. I'm Margaret Serrano, from Educ–Math." nakangiti kong sabi. "You can call me Magi."

"Okay, Magi." aniya saka napangiti. Shit. Kita dimples. Ang lalim. "You don't have classes?"

Dahil sa tinanong niya ay naalarma ako.

Shit.

Oo nga pala.

"I think meron based on your expression." aniya saka tumawa ng bahagya. "Pumasok ka na."

"Yeah, I have to. Bye!"

"Bigyan mo nalang ako ng picture mo kung gusto mong ipinta kita." pahabol niyang sabi.

Nginitian ko lang siya saka tinalikuran.

'Ang weird naman? Sinabi din 'yun n'ung crush ko n'ung bata pa ko eh.'

Aysssh! Ewan!

Inis kong iniling ang ulo ko saka nagmamadaling tumakbo pabalik ng room..

Nang biglang masilip ko sa bintana na may prof na pala na nasa loob.

Si ma'm Lori. Shit na malagkit.

Bakit siya pa? Nakooo. Balita ko pa naman eh saksakan ng sungit ng prof na 'yan. Daig pa daw ang ampalaya sa sobrang pait ng mukha.

Di bale na nga. Bahala na.

Kahit naman sa likod ako magdaan ay mapapansin niya ko kaya minabuti kong sa harap na lang kasi ganun din naman ang mangyayari.

Hay.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto ng tatlong beses.

Maya-maya lang din ay bumukas na ito at..

Lukot na mukha ni ma'm Lori ang bumungad sa akin.

"Why are you late, miss?—"

"Serrano po."

"So why are you coming late into my class, miss Serrano?"

Tinatayuan na ko ng balahibo sa braso sa kaba at hindi ko mahanap sa dila ko ang sagot sa kaniya.

Ramdam ko din ang tinginan sa akin ng mga kaklase ko.

Jusko.

Bakit ba ang malas ng araw na 'to?

"I'm asking you, miss Serrano. Why are—" naputol sa sasabihin si ma'm Lori nang biglang sumulpot si Dylan sa tabi ko.

"Good afternoon, ma'm. Sorry because I was the reason why she's coming late for your class."

Ano daw?

"What do you mean, mister Villarosa?"

"Nagdate po kami sa labas kaya ngayon lang po kami." aniya na ikinalaki ng mata ko.

Ang ilan pa nga sa mga babae ay nagulat din sa sinabi niya at nagkani-kaniya na silang bulungan.

OMG!

I was about to complain nang magsalita siyang muli.

"Joke lang. Nagkwentuhan lang kami. Kaya girls, pwede na kayong kumalma. Single pa ko." mayabang niyang sabi.

Nakahinga naman ng maluwag ang mga kaklase kong malandi. Jusko. As if naman kaya silang lahat jowain nitong si Dylan noh.

"Puro kayo kalokohan. Pumasok na kayo!" sabi ni ma'm Lori kaya sinunod namin siya at naupo sa upuan namin.

Kamalas-malasan pa at katapat pa ng upuan ko 'yang letcheng si Dylan.

Nakaupo din siya sa bungad ng third row kaya tanaw na tanaw ng lintek ang mukha ko.

Bwiset naman oh.

"Saan ka ba kasi galing?" usisa ni Julia pagkaupong pagkaupo ko. "Hindi ako naniniwala sa kapatid ko kaya magkwento ka na."

"Hindi na ba makapaghihintay ng mamaya 'yang chismosa mong bibig?"

Napairap siya sa akin at nakinig na lang sa sinasabi ni ma'm Lori sa harap.

"Month of August ngayon meaning it's National Language Month." anunsyo ni ma'm Lori.

And yes, we started our academic year ngayong August. Our university kasi follows the new academic calendar.

"We will have an event on August 12, 2020. That's on wednesday and all students are REQUIRED to participate. May mga contests na pwede niyong salihan like declamations, spoken word poetry, and musical performances.

Sa musical performances, minimum of 15 persons and maximum of 25 persons."

"Can I ask po?" tanong ng isa kong kaklase na si Cari. "I just want to asked kung 'yung sa musical performances po, mga folk dances po ang gagamitin?"

"Yes."

Napabuntong-hininga ko.

Ano ba 'yan! Hindi ko alam kung saan ako sasali n'yan. Hindi naman kasi ako talented eh. Kasi naman, bakit pinarequired pang sumali lahat eh.

"Sorry, I'm late." naagaw ang atensyon namin sa isang babaeng kakapasok lang sa room.

Napanganga ko.

'Yung attitude sa cafeteria, kaklase ko pala.

"Take your seat, hija." sabi ni ma'm na ikinagulat ko. Ni hindi man lang chinika ang bruha kung bakit late samantalang ako, kulang nalang patayin niya ako sa tingin.

Ang unfair ha.

Nakita ko pang masama siya kung makatingin sa akin bago siya umupo sa may bandang harapan.

Tsk.

Tanggalan ko siya ng mata, makita niya.

"That's all for today. Good bye." paalam ni ma'm Lori at lumabas na.

So paano na? Saan kami sasali? Saan kami pupulutin?

Pwede bang sa props nalang kami?

"Wala munang aalis guys! Ililista ko muna kung saan kayo sasali, ha?" sabi ni Mariz, 'yung president namin.

"Saan tayong pupulutin tatlo n'yan?" nanghihina kong tanong d'un sa dalawang busy sa kanilang ginagawa.

Si Delancy, as usual, nagdodrawing. Habang si Julia naman, may kachat na naman 'to sa cellphone. Mukhang may bagong ka MU na nahanap.

Iba talaga 'to eh. Matinik sa lalaki.

So ang ending, eto ako. Kumakausap sa hangin. Lintek.

"Ako na magdedeclamation, Mariz." tinanguan naman ako ni Mariz at inilista na.

Nagawi ako sa gilid ko kung saan nakatingin sa akin si Dylan.

Inirapan ko lang siya at hindi pinansin.

Nang may bigla akong naalala.

Naalala ko bigla 'yung sinabi ni Delancy kanina..

"Nagpeperform sila dito sa university tuwing may event like pageant, promenade, music fest, contest at iba pa."

Ibig bang sabihin, magpeperform sila Dylan sa wednesday? Edi hindi sila required na sumali sa mga contests sa event kung gan'un?

Naks. Ang swerte naman.

"Tara na, Magi. Wala na daw klase." aya sa akin ni Delancy na ngayon ay tapos na pala sa ginagawa niya.

Patayo na sana ako ng upuan ko nang biglang may nagbato sa likuran ko ng notebook.

Si Lerisse.

Mabuti nalang at kami-kami lang ang tao dito ngayon.

Kami nila Julia at si Lerisse kasama ang tatlo niyang chipipay.

"Ano na naman bang problema mo?" naiinis kong sabi saka pinulot ang notebook na binato niya.

"Naiinis kasi ako tuwing nakikita kita eh."

Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi niya.

"So sinong dapat mag-adjust sa ating dalawa? Ako ba?"

"Natural! Wag kang bobo!" galit niyang sabi at bahagyang lumapit sa kinaroroonan ko.

Kita ko namang natigil sa pagcecellphone si Julia at nakialam na naman sa away.

"Ang ingay niyo namang dalawa. May kachat ako oh, nakakadistract kayo! D'un kayo sa labas magsabungan wag dito!" inis niyang sabi.

Leche.

Lumapit ako ng bahagya kay Julia at bumulong.

"Ipagtanggol mo naman ako." inis kong sabi.

"Ano ko, superhero? Bahala kayo d'yan. Mga isip bata. Mga nireregla na kayo hoy, wag kayong gan'yan. Ipalunok ko sa inyo napkin ko eh." inis na sabi ni Julia saka lumabas na din ng room.

At iniwan niya talaga ako?

"Lerisse, we have to go." sabi ni Hazel. 'Yung isa niyang chipipay.

"Hihintayin ko lang patulan ako nitong si Magi. Ilabas nating kulo mo." nakangisi niyang sabi.

Napangisi din ako.

"Gusto sana kitang sampalin pero base sa R.A. 8485, The Animal Welfare Act. Bawal daw manakit ng hayop." sabi ko at inaya na si Delancy na umalis sa room.

Masasayang lang ang laway ko sa kaniya.