"Ayokong magpasaway ka dito sa Pilipinas. Pumayag ako sa daddy mo na dito ka mag-aral ng college dahil may tiwala ako sa'yo kaya wag mo kong bibiguin. Maliwanag ba, Magi?"
Walang gana akong napatango saka naupo sa dining table para kumain.
"Ang magagawa mo nalang ay mag-aral ng mabuti kaya sana naman gawin mo. Gayahin mo 'yung kapatid mong si Macy.. Kahit nag-aaral pa eh may magandang career na sa Italy.
Ikaw naman kasi, may magandang offer sa'yo d'un ang ninang Melody mo na trabaho pero sige ka pa din at pinipilit mo ang gusto mo—"
"Matutulog na ko. Good night." hindi ko na siya pinatapos sa panenermon niya at inunahan ko na.
Pagod ako ngayon para pakinggan ang paulit-ulit niyang sinasabi.
Kesyo tularan ko si Macy. Kesyo mas magaling si Macy kaysa sa'kin. Kesyo mas mabuting anak si Macy samantalang ako pariwara ang buhay at walang patutunguhan.
Lagi nalang si Macy ang bukambibig ni mommy. Wala na kong ibang narinig kundi Macy, Macy.
Edi siya na ang paboritong anak.
Minsan hindi ko nalang iniintindi 'yung mga gan'yan ni mommy pero syempre minsan naaapektuhan na din ako. Ang sakit kayang makumpara. Para bang sa aming dalawa ni Macy, ako 'yung walang kwentang anak.
Isang taon lang naman ang tanda sa akin ni Macy pero bakit parang mas maganda ang patutunguhan niya sa buhay kaysa sa'kin?
Nag-aaral naman ako ng mabuti eh pero hindi talaga ako magawang mapansin ni mommy dahil hindi naman ako si Macy para mapansin niya.
Hayy. Ampon lang ba ko sa pamamahay na 'to?
phone rings..
Napatingin ako sa cellphone ko nang mag ring ito.
Si Julia pala tumatawag.
"What's up?" pagsagot ko sa tawag.
[Hey bijj! Welcome to the Philippines! Matulog ka ng maaga dahil may pasok na tayo bukas!]
Oo nga pala. Punyemas na 'yan. Tipong kakauwi ko lang ng Pilipinas tapos kinabukasan pasukan na? Ano ba naman 'yan? Baka dito ako mamatay agad ah?
"I was about to sleep actually. So alam mo ng nakakaistorbo ka?"
[Tumawag lang talaga ako para bwisitin ka. Sige na nga. Matulog ka na kaysa naman pumasok kang panget bukas. Ay nako, baka itakwil kitang kaibigan kapag nagkataon.]
"Fuck you." sabi ko saka inend call.
Bwisit talaga kahit kailan ang babaeng 'yun. Kung nagkataong kaharap ko siya, baka tinanggalan ko 'yun ng bagang nang hindi oras.
Hmmm.
Bigla akong napaisip.
Si Julia lang ang tumawag sa akin. Si Delancy kaya? Kamusta na kaya 'yun?
Ay di bale na nga. Magkikita-kita naman kami bukas kaya makakamusta ko din naman 'yun.
Ang mahalaga ngayon ay matulog.
-
"MAGI!" naagaw ang atensyon ko sa pagsigaw ni Julia sa may main gate.
Parang tanga at kumakaway pa.
Agad akong nagtungo sa kinaroroonan nila ni Delancy at bineso silang dalawa.
God! Namiss ko silang dalawa.
"Nakakatuwa naman at magkakaklase na tayo ngayong college!"masayang sabi ni Delancy habang masaya kaming naglalakad na tatlo sa may open field ng university.
"Does that mean we are all taking same courses?" naguguluhan kong tanong sa dalawa.
At..
Sabay silang tumango.
OMG!
"FUTURE EDUCATORS!" sabay sabay naming sigaw saka masayang nag-apir.
Ito ang totoong squad goals. Charot.
"Dadaan pala muna kong registrar para kuhanin 'yung reg card ko. Mauna na kayo sa room."
"Alam mo ba kung saan room natin? Duling ka pa naman. Baka maligaw ka." pang-aasar pa ni Julia.
"Bawal bang magtanong dito?" mataray kong sagot at tinalikuran na sila.
Sayang lang laway ko kay Julia.
Pagdating ko sa registrar ay agad ko din namang nakuha 'yung reg card ko at papunta na sana ako sa room namin nang biglang may masalubong akong nagkakagulong mga estudyante at patakbo silang lumalapit sa kinaroonan ko.
Hala? Gan'to ba sila magwelcome ng transferees?
Ang wild naman.
Nasa gan'ung pag-iisip ako nang lagpasan ako ng mga estudyanteng ito.
Aba. Nilagpasan 'yung beauty ko?
Napalingon ako sa likuran ko kung saang direksyon sila patungo nang biglang..
May bumangga sa likuran ko dahilan para mapadapa ako sa sahig at nabitawan ko ang hawak kong reg card.
OMG!
Baka magkadumi 'yon! Nako po! Singkwenta pa naman ang babayaran para makakuha ng kapalit n'un.
Aba pangload na din 'yon.
Para akong ewan na gumagapang dito habang patuloy pa din ang dagsa ng kababaihan sa pagtakbo. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makuha ang reg card ko ng malinis—
Ngunit malabo na yata 'yun dahil tiyak na puro dumi na 'yon kapag nakuha ko. Baka nga punit pa eh.
Pero nagningning naman ang mata ko nang masilip ko ang reg card ko na malinis pa. Mas malinis pa besh sa mukha ko kaya naman sobrang salamat sa blessing—
Natigil ako sa tangkang pag-abot sa reg card ko nang biglang may sapatos na nakatayo sa harapan ko.
Dahan-dahan itong lumalapit at dinumihan nito ang reg card ko!
Biglang nahawi ang mga babae kaya naman kitang kita ko kung sino ang lapastangan na gumawa n'un.
Inis akong napatayo at hinarap siya.
"Ang kapal naman ng mukha mo para apakan 'yung reg card ko. Kita mo! Mas malinis pa 'yun sa mukha mo tas aapakan mo?! Ang mahal mahal magparenew oh!
Gan'to ba mga estudyante dito?! Mga iresponsable at papansin?!"
Nakita ko namang napangisi siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"I like you." aniya saka yumuko at pinulot 'yung reg card na inapakan niya at inabot sa'kin. "Pwede bang lumabas tayo minsan?"
Napairap ako sa sinabi niya saka marahas na kinuha sa kaniya ang reg card ko na saksakan na ng dumi.
"No way. Ayoko sa lalaking hindi maruning maglinis ng sapatos." sabi ko at bumalik sa registrar para humingi ng bagong copy ng reg card.
Hays.
Nakakainis naman.
Badtrip na first day naman oh!
-
"Bakit gan'yan mukha mo? Para kang hindi natunawan bijj." salubong ni Julia sa akin.
Hindi ko siya pinansin at naupo sa bungad na upuan sa third row.
Dito ko talaga favorite umupo eh para kitang kita ko 'yung prof at 'yung nakasulat sa white board.
"Hindi ako titigil dito kakatalak hangga't hindi ka nagkukwento." pangungulit pa ni Julia.
"Sana si Delancy nalang kaibigan ko para sana tahimik buhay ko noh?" asar kong sabi sa kaniya.
Buti pa si Delancy, hindi chismosa. Palibhasa may ginagawa na naman 'tong sariling mundo.
"Ahh ganon? Parang sinasabi mong ayaw mo na kong maging kaibigan? F.O. na ba? Madali ako kausap, Magi. Madali ka lang namang palitan eh."
"Edi go. Tignan ko lang kung may mahanap kang kagaya namin ni Delancy na nakakaintindi sa'yo."
Napahalakhak siya at inakbayan ako.
"Hindi ka na mabiro! Menopause ka ba?" aniya at natatawa pa din. "What happen ba kasi? Bakit lukot na lukot 'yang mukha mo?"
"May bwisit kasing umapak sa reg card ko kanina kaya eto, gumastos ako ng 50 pesos para makakuha ng new copy.
Ang yabang yabang niya. Akala mo kung sinong santong sinasamba ng mga babae. Jusmiyo. Ano ba 'tong university na napasukan natin! Hindi niyo man lang sinabi sa akin na ang mga babae pala dito eh sumasamba na sa hotdog."
"Gaga!" sabi ni Julia sabay hampas sa'kin. "Anong pagsamba ang sinasabi mo d'yan?"
Napairap ako sa kawalan.
"Alam mo kapag ikaw talaga kausap ko, nawawalan ako ng gana magkwento."
"Kaysa kay Delancy mo ikwento 'yan. Para ka lang nagkekwento sa hangin. Kaya wala kang karapatang mamili d'yan. Wala kang choice, Magi."
Napailing nalang ako at sinilip saglit si Delancy na nasa ikatlong upuan sa row namin at hayun siya, busy magdrawing ng kung ano-ano.
Maya-maya lang din ay dumating na ang prof namin.
"Good morning, class. May tatlong madadagdag sa inyo dahil full na ang isang section." sabi n'ung prof at tumingin sa may pintuan at sinenyasan ang kung sino d'un na pumasok sa loob upang makapagpakilala sila.
"Hello. My name is Israel Villegas." sabi ng isang lalaking may red na highlight sa buhok.
"Good morning. I'm Eli dela Peña." sabi naman ng isang lalaking kulay black ang buhok at blank din ang expression.
Nang pumasok sa pintuan ang pangatlo sa kanila..
Literal na napanganga ako sa nakita.
"I'm Dylan Villarosa." sabi naman ng lecheng umapak sa reg card ko.
Pero teka?
Villarosa?
"He's my brother." sabi ni Julia na parang nabasa niya ang gusto kong itanong sa kaniya. "He's a year older than me."
"Ang liit nga naman ng mundo." naiinis na bulong ko sa sarili habang nakatitig pa din sa mayabang na pagmumukha ng Dylan na 'yun.
"Kumalma ka, Magi. Baka matunaw mo kapatid ko sa titig mo." natatawang sabi ni Julia. "Hindi naman sa ayaw kong maging future sister-in-law ka pero hindi ko lang ine-expect na ikaw 'yung tipo ng babaeng magkakagusto sa—"
Napahinto siya sa pagsasalita nang tampalin ko ang bibig niya.
"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Hindi ko type 'yang kapatid mo. Maubos na lahat ng lalaki sa mundo pero hinding hindi ako papatol sa mayabang na 'yan." sabi ko at binalik ang atensyon sa kanilang tatlo na kasalukuyang kinakausap ng prof.
"Ideal man kaya si Dylan." pagsabat ni Delancy na ngayon ay natigil sa pagdodrawing at nakatitig na ngayon kay Dylan.
"Nagulat naman ako sa'yo, Delancy. Nagsasalita ka pala." hay nako. Kahit kailan talaga eh walang preno ang bibig nitong si Julia.
"Crush ko ang DWEIYAH pero siya ang leader sa mga crush ko." dugtong pa ni Delancy at para siyang inasnang bulate na kinikilig.
"DWEIYAH?" nagtatakang tanong ko.
Pangalan ba 'yun? Fraternity? Mafia?
"Sikat na banda sila Dylan dito sa university natin. At ang pangalan ng banda nila ay DWEIYAH. Nabuo ang pangalan na DWEIYAH based on the first letter of their names." dugtong ni Delancy.
Mangha na ko dito sa kaibigan kong 'to. Mas alam ang history ng DWEIYAH kaysa dito kay Julia na naturingang may kapatid pa na member ng naturang banda.
Walang kwentang kapatid.
"Si Dylan at Harris ang lead vocal. Si Israel naman ang main vocal at face of the group habang si Eli ang vocalist. Si Warren naman ay ang lead guitarist at backing vocals. Si Yuwi ang drummer at BV at si Alec naman ay sa keyboard at BV din."
"Edi ikaw na ang maraming alam, Delancy. Alam mo minsan ka nalang magsalita tapos sa ganito pa na pinapamukha mo sa aking mas marami kang alam sa banda ng kapatid ko kaysa sa akin. Nakaka offend ka na." pabirong sabi ni Julia habang natatawa. "Continue."
"Fan na fan kasi nila ko. Lalo na si Dylan. Siya talaga ang pinaka crush ko sa kanilang pito." kinikilig pang sabi ni Delancy.
Ano namang kacrush-crush sa Dylan na 'yun eh saksakan nga ng yabang, may libag naman sa singit.
"Nagpeperform sila dito sa university tuwing may event like pageant, promenade, music fest, contest at iba pa.
Maraming banda dito sa university ang nabuo like The Fortune, Mystica, POPers, basta marami pero mas sikat at patok ang DWEIYAH lalo na sa mga girls dito."
Now I know. Kaya pala gan'un nalang ang takbuhan ng mga makikireng 'yun. Akala mo kung sinong mga nag-aagawan sa hotdog eh.
Natigil lang sa pagkukwento si Delancy nang agawin ng prof namin na nasa harap ang atensyon namin.
"You may now take your break."
Akala ko naman kung anong importanteng sasabihin tapos 'yun lang pala.
"Ituloy mo na Delan—" natigil ako sa pagsasalita nang mapansing wala na sila Delancy at Julia sa tabi ko.
"Magi ano? Tutunganga ka nalang ba d'yan? Una na ba kami? Kanina pa ko gutom aba!"
Napailing ako.
Ang sarap purgahin nitong si Julia. Minu-minuto ba naman eh gutom. Daig pa ang nagbubuntis eh.
"Ano ba 'yang nasa loob ng tiyan mo? Sawa na?"
"Oo. Sawa na siya sa akin kaya naghanap na siya ng iba. Kaya maghahanap na din ako ng bago. Anong akala niya? Siya lang may karapatang lumandi?"
"Hatdog." sabi ko dahil hindi ko malaman kung anong sinasabi niya.
Malamang tungkol 'to sa ka MU niya na hindi man lang umabot ng isang linggo.
Hay nako.