Chereads / All About Her (Tagalog) / Chapter 28 - Jealous

Chapter 28 - Jealous

We had dinner at the house of Jared's mom. Ang saya-saya dahil kay Jewel, kasama nya kasi 'yung boyfriend nya at galit na galit si Jared.

Jared and I went out para magpahangin. Naupo kami chair na nakaset up sa labas.

"Kuya." Tumabi sa kanya si Jewel.

"What?" Inis na tanong nito, nakakunot pa ang noo nya. Ang cute!

"Wag ka ng magalit. Boyfriend ko pa lang naman si Jedd, wala pa akong plano mag asawa." Natatawang paliwanag ni Jewel, pinipigilan ko na rin tumawa.

"So ano? Live in partner kayo? Mabubuntis ka ng hindi kasal? Ganun?" Kahit mahinahon ang boses nya, alam kong nagtitimpi lang sya ng galit.

"Kuya naman! Wala pa ngang nangyayari sa amin! Virgin pa ako!" Wala na. Natawa na talaga ako, ang kulit nitong magkapatid na 'to.

"Keep that! I want you to give that to your honeymoon, until you get married." Sabi ni Jared habang nakatingin sa akin.

"Kayo ba kuya? Virgin ba nun si Ate nung--" HIndi na natapos ni Jewel ang sasabihin nya dahil tinakpan ko ang bibig nya.

"Let her Elaisa." Nakangisi na ng nakakaloko si Jared. "Yes Jewel. I devirginized her." Proud pa ang loko! Kinurot ko nga sya sa tagiliran.

"Yay! Nakakakilig!" Nagtitili na sabi ni Jewel. Minabuti namin na pumasok na sa loob dahil mahamog na.

"Elaisa, nasa kabilang linya ang nanay mo." Nag aalalang lumapit sa akin si tita Daniella. Napahawak ako sa braso ni Jared dahil parang nanghina ako.

"Okay ka lang, sweety?" Hinawakan nya ang mukha ko. Tumango ako. "Mom, end that call. Hindi nya kayang makausap sila." Sinunod ni tita ang sinabi ni Jared.

Hindi ko na alam kung ilang araw, or buwan simula ng huli naming pag uusap ng magulang ko. Hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin akong galit sa pamimigay nila sa akin kapalit ng pera.

Nang dahil sa kanila ay nakilala ko si Jared, pero nandoon pa rin yung pag aalinlangan na patawarin sila dahil sa nangyari.

"Sweety, uminom ka muna?" Tinanggap ko ang tubig na dala ni Jared at tinungga.

"Salamat." Naupo sya sa tabi ko at hinahaplos ang likod ko.

"I think kailangan mo ng makausap ang magulang mo." Sabi ni Jared.

"Hindi ko alam. Hindi ko kaya." Naiyak na ako. Yung luha na kanina ko pa pinipigilan ay lumabas na.

"Alam kong mahinap, sweety. Pero pareho kayo ng pamilya mo na hindi matatahimik. Kahit anong mangyari Elaisa, kahit pagbalik-baliktarin mo man ang mundo ay magulang mo pa rin sila." Hindi ko akalain na maririnig ko 'yun kay Jared. Nakatitig ako sa mata nya at alam kong sincere sya.

"Kakausapin ko sila, pero hindi pa ngayon." Niyakap nya ako, and I know I'm safe.

----

"Look at the baby, he's starting to develop the body. That's the feet, the head." May tinuturo yung doctor mula sa monitor and there I saw, our baby. I'm five months pregnant now, I'm so excited!

"Doc, can we still... you know?" Alanganing tanong ni Jared.

Alam ko kung ano ang tinatanong nya. Hindi talaga sya papaawat, sinabi ko na kanina na 'wag na dahil nakakahiya.

"Yes, yes! It's advisable para hindi mahirapan manganak si Mommy. Be careful lang. Ito pa lang ang bagong set of vitamins mo, Elaisa." Sa sagot ni Dra. ay alam kong tuwang-tuwa sya dahil abot tainga ang ngiti nya.

"Jared, gusto ko kumain nung chicken ball!" Ungot ko sa kanya pagkasakay ng kotse.

"Sure! Sure, basta mamaya ha?" Kumindat pa sya, namula tuloy ang mukha ko.

Inabot kami ng higit isang oras sa pagkain ng street food, pinilit ko pa kasi si Jared na kumain. Dumaan din kami ng grocery.

Itinutulak ni Jared ang cart at ako naman ang taga kuha ng mga kailangan sa bahay.

"Let's buy this." Sabi nya habang hawak 'yung can opener. Wala kasi kami nun sa bahay.

"May kutsilyo naman, pwede na yun." Marunong naman akong magbukas ng de lata gamit ang kutsilyo.

"I saw you last time, nahihirapan ka." Hindi na ako umalma pa dahil inilagay nya na sa push cart yung can opener.

Paikot ikot lang kami dahil nakalimutan ko 'yung listahan sa bahay sa pagmamadali.

"Jared!"

Natigilan kami pareho ng may tumawag sa pangalan nya. Lumingon lingon kami sa paligid.

"Jared! It's really you!" Then I saw a very beautiful girl. She's wearing a floral dress and a flat shoe.

"Queenie?" Sabi ni Jared, so kilala nya talaga 'to.

"Namiss kita!" Bigla syang niyakap ning Queenie, nabitawan nya 'yung cart kaya bigla 'yun umandar, mabuti na lang at nahawakan ko kaagad. Automatic na napataas ang isang kilay ko.

"What are you doing here?" Magiliw na tanong ni Jared.

"Sinamahan ko si Mommy na mag grocery. Ang tagal nating hindi nagkita, ang huling beses ay noong nagpunta tayo sa Paris." Isinabit nya pa ang kamay sa braso ni Jared.

"Excuse me. Ako na--" Hindi ko natapos ang dapat sabihin dahil nagsalita na naman si Queenie.

"Mommy keeps on asking me about you."

So, hindi nila ako napapansin? At talagang magkekwentuhan sila dito, bakit hindi na lang kaya sila magpunta sa restaurant at doon magreunion.

Focus na focus si Jared sa usapan nila kaya siguro hindi nya napansin na itinulak ko 'yung cart at umalis na. Bahala sila.

Nagpunta ako ng frozen area, kumuha ako ng dalawang pack ng chicken ball. Nagpupuyos pa rin ang dibdib ko kapag naaalala ko 'yung usapan nila ni Queenie, mano manlang na hindi ako ipakilala. Nakalimutan nya ba na kasama nya ako? Ang laki ko kaya para hindi nya ako mapansin.

Maya-maya lang ay nagriring na ang phone ko, tinignan ko at si Jared ang tumatawag. Hindi ko pinansin!

[Attention to Mrs. Elaisa Montefalcon, Mr. Jared Montefalcon is looking for you, please proceed to customer service.] Natigilan ako ng marinig ko 'yun. Talagang pina-page nya pa ako.

Hindi ako nagpunta ng customer service nila, dumiretso ako sa counter. Inutos ko sa cashier na ipunch lahat, pupuntahan ko si Jared para sya ang magbayad, nasa kotse kasi 'yung bag ko.

"Jared." Tinawag ko sya.

"O God! Where have you been?" Alalang-alala ang mokong.

Hindi ko sinagot ang tanong nya. "Nasa counter na 'yung mga pinamili ko. Bayaran mo na lang." Sabi ko at tumalikod na papunta sa counter. Wala naman syang nagawa kundi sumunod rin.

"Saan ka ba nanggaling? Pinag alala mo ako." Bungad nya sa akin pagsakay ng kotse.

"Nasa loob lang naman ako ng store. Masyado ka lang busy kaya hindi mo napansin na umalis ako." Ayoko sanang magboses sarcastic pero hindi ko mapigilan. Kapag naaalala ko kasi na hindi nya ako napansin ay talagang naiinis ako. Damn this hormones!

"You should have tell me! Nagmukha akong tanga paikot ikot sa store!" Napataas na ang boses nya. Nagulat ako.

"Sinubukan ko! Pero 'yung kausap mo kasi palakwento!" Ganting sigaw ko. Hindi pwede na sya pa ang mas galit sa amin.

"Baka naman kasi halos bumubulong ka. Dapat nilakasan mo ang boses mo." Halata pa rin sa boses nya na naiinis sya.

"Ano?! Dapat ba sumigaw ako?! Anong sasabihin ko? Excuse me, ako na magtutuloy ng pag gogrocery dahil mukhang namiss nyo ang isa't-isa. And by the way, sa restaurant na lang kayo mag chikahan! Ganu ba?" Napasandal na lang ako. Nakakainit ng ulo.

Wala akong narinig sa kanya. Kaya nilingon ko sya. Seryoso lang ang mukha nya, walang kahit na anong emosyon.

"Well, actually niyaya nya akong mag dinner mamaya and I said yes." Sabi nito. Hindi makapaniwalang napabuga ako ng hangin. Great! Just great!

"Ano pa ang hinihintay mo? Bakit hindi ka pa magdrive? Gusto mo ba magtaxi na lang ako pauwi para hindi ka na maabala? Okay!" I grab my bag at lumabas ng kotse, narinig ko tinawag nya pa ako pero hindi ko sya pinansin.

Oo nagseselos ako! Hindi ko kasi alam kung kaano-ano nya ba yung babae. Maybe one of his ex. Hindi manlang kasi ako pinakilala.

"Elaisa! Will you please stop walking?" Natatawang sabi nito. Sige! Tumawa ka pa!

"Go na! Umalis ka na." Balik sigaw ko. Napatili ako ng maramdaman ko ang braso ni Jared sa braso ko, pilit nya akong niyayakap. "Bitawan mo ako!" Nagpupumiglas ako pero ayaw nyang bumitaw.

"Nagbibiro lang ako. Oo, niyaya nya akong magdinner pero I refused. I was about to introduce you pero bigla kang nawala." Paliwanag nya. Hindi ako sumagot.

"Bitaw." Binitawan nya naman ako, pero iniharap nya ako sa kanya.

"Queenie is a friend. Don't get jealous, sweety." Ang lawak pa ng ngiti nya.

"Wag kang ngumiti! Naiinis ako!" Hinampas ko sya sa braso.

"I'm sorry. Okay? Madaldal kasi talaga sya kaya hindi kaagad ako nakasingit para ipakilala kita sa kanya." Niyakap nya ako pero narinig ko pa rin na tumatawa sya.

"Wag kang tumawa!" Kinurot ko naman sya sa tagiliran.

"Okay, okay. I'm sorry, ang cute mo lang kasi." Nabigla ako ng bigla nya akong halikan sa labi. Naramdaman kong namula ang mukha ko.

"Wag mo akong inisin. Selosa ako."