Chereads / All About Her (Tagalog) / Chapter 29 - Family

Chapter 29 - Family

I take a deep breath. Ito na ang kinakatakutan ko.

"Are you ready, sweety?" Tanong sa akin ni Jared.

"Kapag ba sinabi kong hindi, uuwi na tayo?" Balik tanong ko.

"Syempre hindi." Tinawanan nya pa ako. Inirapan ko na lang sya.

Hindi pa rin kami bumaba sa sasakyan. Nasa tapat kami ngayon ng bahay ng magulang ko. Pinagtitinginan na nga kami ng tao, mabuti na lang at heavy tinted ang kotse ni Jared.

"Tara na?" No choice. Tumango na lang ako. Nauna nang lumabas si Jared at umikot sya para pagbuksan ako ng pinto. Inilahad nya sa akin 'yung kamay nya, napapikit ako bago ko tinanggap 'yun.

"Ay si Esang yun diba?"

"Oo! Ang pogi naman ng kasama nya!"

"Naku! Buntis sya! Yung lalaki siguro ang nakabuntis sa kanya."

Hindi ko na lang pinansin yung mga sinasabi nila. Esang ang tawag sa akin ng mga kapitbahay namin.

"Should I call you Esang?" Narinig kong bulong ni Jared. Tinignan ko sya ng masama sabay kurot sa tagiliran. Tinawanan nya lang ako.

"Ate Esang? Nanay! Nandito si Ate!" Tumakbo sa akin si Pinang, ang 10 year old ko na kapatid. Niyakap ako nito sa bewang. "Ay ate buntis ka?"

"Oo be. Pakitawag sila nanet at buboy, ipakuha mo yung mga dala namin sa sasakyan." Utos ko kay Pinang. Apat kaming magkakapatid, bunso si Pinang. Si Nanet ay 15 year old, at si Buboy ay 16.

Pagpasok namin sa loob ay sumalubong sa amin si Nanay habang hawak ang sandok.

"Anak! Esang!" Maluha luhang sabi nito. Kinuha ni Pinang ang hawak nyang sandok. Niyakap niya ako. Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko at napaluha na lang ako.

"Nanay. N-Namiss ko po kayo." Niyakap ko sya ng mahigpit. Akala ko ay magagawa kong magmatigas, pero hindi pala. Hindi ko kayang tiisin ang magulang ko.

"Halika maupo muna kayo." Umangkla ako sa braso ni Nanay habang paupo kami sa sala.

"Nay, si Jared po." Pakilala ko kay Nanay. Nag mano naman si Jared sa Nanay ko.

"Nice meeting you po. Pinapakamusta po kayo ni Mommy." Nakangiting sabi ni Jared..

"Paki sabi rin na kamusta si Madam."

"Opo."

"Buntis ka na pala anak. Ilang bwan na?" Natuwa ako ng hinawakan ni Nanay ang tiyan ko.

"Five months po." Hinawakan ko ang kamay ni Nanay.

"Ilang bwan na lang at manganganak ka na."

Napakasarap sa pakiramdam na kausap ko ulit si Nanay, okay na ulit kami.

"Anak!"

"Tay!" Hindi ko na naisip buntis ako dahil agad akong tumakbo kay Tatay. Narinig ko pang sinuway ako ni Jared.

---

Masaya ang naging tanghalian namin sa bahay. Nakakailang lang ang mga kapitbahay namin na sumisilip sa bahay at nakikiusisa.

"Mareng Helen!" Napatigil kami sa kwentuhan ng marinig namin ang kumare ni Nanay. Dire-diretso syang pumasok sa bahay. Kasama nya 'yung anak nya na dalaga.

"Ano 'yun mare?"

"Ay totoo nga na nandito si Esang. Naku! Buntis pa!" Napasigaw pa si Aling Marta.

"Oo mare. Limang bwan na." Tuwang-tuwa si Nanay.

"Naku, mg kabataan nga naman. Ang aaga magsipag buntis, hindi nyo ba alam na ang hirap ng buhay ngayon?" Napataas ang kilay ko sa panenermon ni Aling Marta. "Ano ngayon? Papalikihin mo mag isa yang anak mo? Naku! Baka naman iwan mo yan sa Nanay mo!"

Magsasalita na sana ako kaso naunahan ako ni Jared.

"Excuse me? What are you talking about? I'm the father. Hindi ko pababayaan ang mag ina ko." Ramdam ko ang pagkainis sa boses ni Jared. Hinawakan ko sya sa kamay.

"Ay ikaw ba ang nakabuntis kay Esang? Ano ba ang trabaho mo? Ha?" Mataray na tanong ni Aling Marta.

Biglang tumayo si Jared. "I'm a businessman. Mina-manage ko ang mga hotel and restaurant namin with a total of 18 here in Philippines and 36 around the world. Would that be enough para sa mag ina ko?" Hindi na mahihimagan ng pagkainis ang boses nya. Para ngang negosyante rin ang kausap nya.

"G-Ganun? Ma-Mabuti naman. Tara na anak!" Natawa ako ng biglang mag walk out si Aling Marta.

"Pagpasensyahan mo na si Marta, ganun lang talaga 'yun." Sabi ni Nanay.

"Okay lang po. Inabala nya kasi tayo sa kwentuhan natin, napatayo tuloy ako." Nayakap ko si Jared pag upo nya.

Naikwento sa akin ni Nanay ang pinagkagastusan nya ng pera. Ginamit sa pangpagamot ni Tatay, pinangbayad sa lupa at bahay, at nakahanda sa pang paaral ng mga kapatid ko.

Alam ko sa sarili ko na kahit hindi pa sila humingi ng tawad ay napatawad ko na sila, mahal na mahal ko ang pamilya.

"Ate nandyan sa labas si kuya Edward." Sigaw ni Pinang.

Napakamot ako sa batok ko. Si Edward ang masusugid kong manliligaw, high school pa lang ako ay pinopormahan nya na ako.

"Esang labs!" Bungad nya pagpasok sa bahay. "O no! Buntis ka na?" Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura nya.

"Hello Edward." Nginitian ko sya, mabait din naman sya. Lagi nya akong tinutulungan noong nagtitinda ako ng barbeque.

"Paano mo 'to nagawa sa akin?" Sabi nito na parang naiiyak.

"Sino sya?" Nakakunot noo na tanong ni Jared.

"Dati kong manliligaw." Natatawa talaga ako kay Edward.

"Sya ba ang ipinalit mo sa akin?" Maangas na itinuro nya si Jared.

"Why? Do you have problem with that?" Maangas din na tanong ni Jared.

"Of course! I'm her knight in shinning armor!" Sigaw nya. "Tama ba Pinang?" Pasimpleng bulong nya kay Pinang.

"Opo." Nag okay sign pa si Pinang.

"Tumigil ka nga dyan Edward. Maupo ka na lang at kumain ng turon." Sabi ni Nanay.

"Salamat, Nay." Naupo na rin si Edward at kumain.

"Tay Rudy, pwede ba kami mag inom nitong asawa ni Esang mamaya?" Tanong ni Edward kay Tatay.

"Ay kung okay lang dito kay Jared. May ginawa akong lambanog dyan, pang benta." Tinignan ni tatay si Jared.

"Okay. Ayos lang po." Sagot nya.

Mukhang sasakit ang ulo ko nito.