Chereads / All About Her (Tagalog) / Chapter 33 - Question

Chapter 33 - Question

'Yung akala mo na okay na ang lahat. Hindi pa pala.

----

Nagising ako sa dahil sa iyak na naririnig ko. Nahirapan pa akong dumilat, para may mabigat na nakapatong sa mata ko. Hindi ko maalala kung paano ako napunta dito.

Tinignan ko ang tao na nasa gilid ko. "Jared." Nagawa kong magsalita kahit na hirap ako.

"Sweety. Gising ka na." Ngumiti sya pero parang may kulang. Oo! May kulang.

Sinubukan kong bumangon, pero hindi ko magawa. Napatingin ako sa tiyan ko, ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita na impis na.

"N-Nasaan ang anak n-natin?" Tinignan ko si Jared na walang humpay ang pag agos ng luha. "J-Jared! Nasaan?"

Umiling sya. "W-Wala na sya, Elaisa."

Halos gumuho ang mundo ko. Unang tingin pa lang sya tiyan ko ay alam kong wala na sya, pero hindi kaagad ako naniwala.

Tuloy-tuloy ang luha ko. Ibang klaseng sakit ang nararamdaman ko, hindi ko maipaliwanag. Para akong mamamatay.

"H-Hindi... Hindi pwede." Napahagulgol ako.

Sa buong buhay ko, wala akong ginawa na masama. Lahat ng alam kong tama ay sinusunod ko, tapos ganito ang mangyayari sa akin?! Ang daming tao sa mundo, pero bakit ako?

Napatakip ako sa mukha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naramdaman kong yumakap sa akin si Jared.

"Jared. Ang a-anak natin. Bakit nya tayo iniwan?" Ilang buwan ko syang dinala sa tiyan ko tapos sa isang iglap ay nawala sya.

"Tahan na sweety. Alam kong masaya ang anak natin kung nasaan man sya ngayon." Kahit anong sabihin ni Jared ay hindi sapat 'yun para gumaan ang pakiramdam ko. Walang makakatanggal ng lungkot sa pagkatao ko. Parang nawala na ang kalahati ng pagkatao ko.

"A-Anong nangyari? Bakit nandito ako?" Naglakas loob na akong itanong kay Jared. Wala kasi akong maalala.

"Nahulog ka sa hagdan. I was waiting for you at the kitchen, nakarinig na lang ako ng malakas na kalabog. Then I saw you, nakahiga sa dulo ng hagdan at dinudugo." Hawak-hawak ni Jared ang kamay ko habang nagpapaliwanag.

Pilit kong inaalala ang nangyari. Kahit sumakit ang ulo ko ay wala akong pakialam.

And just like a flash, I remembered everything. Pababa na ako para kumain ng makaramdam ako ng matinding kirot sa ulo ko, biglang nanlabo ang kaliwang mata ko. Nakahawak ako sa pader pero unti-unting nagdidilim ang paningin ko. Sobrang sakit ng ulo ko, parang binibiyak.

Pinilit kong bumaba pero namali ako ng hakbang, dahilan kaya nalaglag ako. Nakaramdam ako ng kakaibang kirot sa puson at balakang ko.

"Ja-Jared."

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay.

"O God!" Napatakip ako sa bibig. Napahagulgol na naman ako. Ako ang may kasalanan kung bakit nawala ang anak ko. "Kasalanan ko, Jared. I-I'm so sorry." Kung naging maingat lang sana ako.

"No, no, no. Walang may kasalanan, everything happens for a reason." Inangat nya ang mukha ko at pinakatitigan ako. "We love our baby. Hindi natin ginusto ang nangyari. Tahan na, sweety." He kissed my forehead pero hindi pa rin nun mawawala ang sakit.

Sinabi sa akin ni Jared na three days na akong natutulog. Malaki raw ang naging epekto sa akin ng insidente kaya na-coma ako. Dinalaw na rin ako nina mommy at nila nanay. Gusto ko na din umuwi, mabuti na lang at tapos na silang gawin ang mga test. Naging mapanganib daw kasi ang kalusugan ko.

Lalo lang akong nalulungkot. Hindi ko akalain na mangyayari sa amin 'to. Minahal namin ang baby kahit na hindi pa man sya lumalabas.

"Elaisa." Nilingon ko ang tumawag sa akin. Hindi ko na naman mapigilang maluha.

"N-Nathaniel." Kaagad syang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "W-Wala na sya. Wala na a-ang inaanak mo."

Hinahaplos nya ang likod ko. "Shh. Tahan na, Elaisa." Naupo sya tabi ko. "Nasaan ang asawa mo?"

"Kausap nya yung pinsan nya, lalabas na kasi kami mamaya." Nginitian ko sya.

"Ibang-iba na ang ngiti mo." Hinawakan nya ang mukha ko.

"Ako ang may kasalanan. Nalaglag ako sa hagdan, Nathaniel."

"Ginusto mo ba 'yun?" Napasimangot ako sa tanong nya.

"H-Hindi!"

"So hindi mo kasalanan 'yun. Aksidente ang nangyari, Elaisa. Mahal mo ang anak mo para magawa mong saktan sya." Sabi ni Nathaniel.

Masyadong masakit ang pangyayari para paniwalaan ko sila, sabihin man nila na wala akong kasalanan.

"Elaisa." Pumasok si Jared na nakangiti. Paano nya nagagawang ngumiti sa kabila ng lahat? "Hi, Nathaniel. Kinausap ko na si Eros, may mga nireseta syang gamot."

"I'll drive you home." Pumayag naman si Jared sa alok ni Nathaniel.

"Let's get ready." Sabi ko.

---

Pagpasok ko sa bahay ay nalungkot ako. Naalala ko ang nangyari sa akin sa hagdanan, dahilan ng pagbabago ng lahat.

Hindi ko na nakausap pa si Nathaniel dahil nagpaalam na rin sya.

"Sweety, come on. Magpahinga ka muna." Inalalayan ako ni Jared paakyat sa kwarto. "Everything's gonna be alright." He kissed my lips.

Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita, kung ganoon, ano naman ang sasabihin ko?

"Jared." Napatigil sya sa pag aayos ng mga dala naming gamit. Naupo sya sa tabi ko.

"Ano 'yun?" Hinawakan nya ang kamay ko.

Nagsimula na namang tumulo ang luha ko. Kapag naaalala ko ang nangyari sa anak ko ay kusa na lang tumutulo ang luha ko.

"Shh. Sweety." Kaagad akong hinila ni Jared ang niyakap ng mahigpit.

"Ba-Bakit sa atin n-nangyari... ito? Mahal na mahal k-ko ang anak natin Jared!" Napahagulgol na ako. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko alam kung saan dapat magsimula. Gusto kong humingi ng tawad, gusto kong kwestyunin ang Panginoon, na bakit sa dami ng tao sa mundo, bakit ako pa?

"I know, I know, Elaisa. Our son love us also-"

"Bakit nya tayo iniwan? Ha? Kung mahal nya t-tayo, bakit hinahayaan nya tayong masaktan n-ng ganito?"

Hindi sinagot ni Jared ang tanong ko. Ibinaon nya lang ang ulo ko sa dibdib nya at paulit-ulit na hinihimas ang likod ko. Hindi ako kumakalma, lalo lang akong umiiyak, dahilan para mahirapan akong huminga.

"Calm down, Elaisa. Please, baby." Pinainom ako ni Jared. Hindi ko kaya dahil humihikbi pa rin ako.