Chereads / All About Her (Tagalog) / Chapter 38 - Date 2

Chapter 38 - Date 2

"Ano ang gusto mong panoorin?" Tanong sa akin ni Jared pagdating sa Cinema.

"Hmmn, me before you. Nabasa ko na maganda ang review ng mga viewers sa movie na 'yun." Sabi ko.

"Romance?" Kumunot ang noo nya.

"Ayaw mo ba?"

"No, it's okay. Let's go." Inakbayan ako nito bago kami pumila.

Pagpasok sa loob ay halos wala akong makita. May liwanag naman ang screen pero talagang nanlalabo ang mata ko. Napahawak ako sa kamay ni Jared.

"Wala akong makita, masyadong madilim." Sabi ko.

"Ganun talaga, Sweety. Sinadya 'yun para sa mga mag-asawa." Tumawa pa sya ng mahina. Inalalayan nya ako para makasabay sa kanya sa paglalakad.

Napasinghap ako ng ipulupot nya ang braso nya sa bewang ko para alalayan ako. Hindi pa rin nagbabago ang epekto sa akin ni Jared, kayang-kaya nya akong pakiligin sa mga simpleng galaw nya.

Pag-upo namin ay luminaw na ang paningin ko dahil sa screen sa harap. Mali ata ang ibinili sa akin ni Jared na damit dahil nakaramdam ako ng lamig. Mukhang napansin nya 'yun dahil hinubad nya ang coat nya at ipinatong sa harap ko.

"Okay na ba?" Tanong nya. Tumango ako.

Nakakalahati na kami ng panonood at talagang nagustuhan ko ang palabas. Hindi ko na nga napansin ang pagkain na dala ni Jared.

"Sweety?"

"Hmmn?" Tanong ko habang nakatitig sa screen.

"Pansinin mo naman ako." Hinawakan nya pa ang kamay ko.

"Ano ba 'yun? Iihi ka? Sige lang."

"Elaisa naman." Nilingon ko sya at nakatitig lang sya sa akin.

"Ano?" Tanong ko ulit.

"Gusto mo ba na ipatigil ko yang palabas para lang pansinin mo ako?" Kaagad akong napalingon sa kanya.

"Nagbibiro ka ba?"

"No and I'm so pissed right now." Sinimangutan nya pa ako. Kinurot ko ang ilong nya. "Ano ba!"

"Ang ganda kasi ng palabas." Hinila ko ang kaliwang braso nya at niyakap yun, isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat nya. "Okay na ba?"

"Pwede na rin." Kunwari pa sya! Gusto naman!

Pumunta rin kami ng Enchanted Kingdom at kung saan-saan sumakay. Natatawa nga ako kay Jared dahil nalulula sya sa mga matataas na rides.

Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang fireworks.

"Jared, salamat sa araw na 'to. Sobrang saya ko."

"You're always welcome, sweety. It's my job to make you happy." Hinalikan ako ni Jared sa noo, kasabay noon ay ang pagliwanag ng langit.

Napapalakpak pa kami sa sobrang ganda ng langit. Tinignan ko si Jared, bigla akong kinabahan. Bakit hindi ko sya makita? Kinusot ko ang mata ko, ganoon pa rin.

Sinimulan na akong mataranta. Ano ba ang nangyayari sa akin. Pumikit ulit ako at nagbilang hanggang sampu bago dumilat. Kaagad akong lumingon kay Jared at nakaharap sya sa akin habang nakangiti.

"Ang ganda mo po." Sabi nito. Kaagad ko syang niyakap. Ano ang nangyayari sa akin?

---

"Ahh! Ang saya ng araw na 'to, pero nakakapagod." Pabagsak na humiga si Jared sa kama.

"Oo nga. Ulitin natin 'to ha?" Tumabi ako sa kanya.

"Oo naman." Niyakap nya ako ng mahigpit.

Hindi ako mapakali. Gusto kong sabihin sa kanya kung ano ba ang nangyayari sa akin, pero ayoko naman syang mag-alala dahil alam kong pagod sya ngayon. Sa susunod na lang siguro.

"Jared."

"Hmn?" Halatang antok na sya.

"Maglinis ka muna ng katawan." Bumangon ako at pilit syang pinapatayo. Sinunod nya naman ako.

Binuksan ko kaagad ang WiFi ng cellphone at saglit na may sinearch. Isinulat ko sa papel ang address na nakita ko. Kailangan ko 'tong puntahan bukas. Isa 'to sa mga magagandang hospital.

Pagkatapos ko sa pagbabasa ay bigla akong nanghina, paano nangyari sa akin 'to? Naging masama ba ako? Hindi ko na napigilan ang luha ko.

"Sweety, ikaw naman ang maligo." Nagulat pa ako sa biglaang paglabas ni Jared, kanina pa pala ako nakatulala. Dumiretso na ako sa Cr.

Nilakasan ko ang bukas ng shower at doon ko ibinuhos lahat ng iyak ko. Kailan ba ako mawawalan ng problema? Kailan ba ako sasaya?

Anong klaseng pagsubok ba 'to? God, hindi ko na po kaya. Gusto ko lang naman po sumaya, pero bakit parang ang hirap?

Nagtagal pa ako sa loob ng isang oras bago lumabas. Nilingon ko si Jared, ang himbing na ng tulog nya. Hinaplos ko ang mukha nya, kinakabisa bawat anggulo. Pinadaan ko ang daliri ko sa ilong nya, pababa sa labi. Dapat ko na bang sabihin sa kanya ang nabasa ko? Pero hindi pa ako sigurado, saka na lang kapag nakapunta na ako sa hospital.

Kinaumagahan hinintay ko muna na umalis si Jared bago ako lumabas ng bahay. Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa pupuntahan ko. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang kabahan, paano kung totoo nga? Mababaliw na yata ako.