Nakasimangot sa akin ang Doctor na kaharap ko. Hinanap nya na naman kasi sa akin si Jared pero nginitian ko lang sya. Bahala na lang kung isumbong nya ako.
"Wag ka ng magalit sa akin. Simulan na natin ang mga test." Kaagad kong nakagaanan ng loob si Doc. Felix.
"Ano pa ba ang magagawa ko? Let's go." Natawa pa ako ng irapan nya ako.
Sinimulan naming sa CT scan. Hindi ako komportable sa ginagawa sa akin pero wala naman akong choice. Hindi ko na rin alam kung gaano karaming dugo ang kinuha sa akin. Naiiyak na lang ako dahil sinasabayan pa ng sakit ng ulo at sakit ng likod.
Ilang araw din akong pabalik balik sa hospital dahil na extend ng one week si Jared sa ibang bansa, nagkaroon siguro ng problema sa kumpanya nila. At ito na ang araw na malalaman namin kung gaano kalala ang sakit ko.
"So there's two stages of Medulloblastoma. Standard and high risk. Sa standard risk, usually mga naoperahan nay un. In your case, nasa high risk ka na. Walang action na nagawa sayo."
Wala akong reaction sa mga sinasabi sa akin ni Doc. Hindi ko maisip o hindi ko matanggap ang sinasabi nya. Ibig sabihin ba nito ay talagang Malala na ang sakit ko?
"K-Kapag po ba tinanggal ang tumor, ilang chance ang survival?" Nawalan ng control ang kamay ko kaya lumupaypay sa tagiliran ko, parehas kaming napatingin doon.
"Let me help you." Tumayo si Doc at inalalayan ang kamay ko para maipatong sa lamesa. "Dito sa Pilipinas, we don't know. I've talked to other doctor, this is the first time na maka encounter kami ng ganitong cancer. We've checked other hospital. Sa buong Pilipinas, ikaw ang kaunahang tao na may ganitong sakit."
Nawalan na ako ng pag-asa. Katapusan ko na. Paano ko 'to sasabihin kay Jared? Hindi ko sya kayang saktan, nagsisimula pa lang kami. Bakit ngayon pa?
"But one of our doctor tried to contact some hospital in America. And we found one na familiar to this case. We still have chance if you decided to be in America, they can help us. Sasamahan kita."
Napahagulgol na ako. Una dahil may chance pa akong mabuhay, at dahil sa tulong sa akin ni Doc kahit na kailan lang kami nagkakilala.
"Ang problema lang ay we only have 10% of survival rate." Napayuko na si Doc. "Lumalala na ang lagay mo, maaaring hindi mo kayanin ang operasyon."
Hindi ako dapat sumuko. "Pero k-kailangan ko pa ring sumuko. Pa-Paano kung gumaling ako?" Unti-unti na akong naduduwal. Mukhang napansin ito ni Doc kaya inalalayan ako nito papunta sa restroom. Hindi ko na ininda ang hiya at kaagad ng sumuka.
Hindi ako susuko. Hindi ganito.
"Gustong gusto ko na uwi. Miss na miss na kita." Natatawa ako habang ka-video call si Jared.
"Halos araw-araw mo na akong kausap namimiss mo pa rin ako?"
"Syempre iba pa rin yung kasama kita. Ano ba ang pinagkakaabalahan mo?" Tanong nito habang inaayos ang necktie.
"A-Ano.. Nasa boutique lang ako madalas. Nakakatuwa na ang dmaing customer ang nagpapa personalize ng mga damit." Ang galing ko na magsinungaling.
Saglit syang natigilan. "Talaga ba? Mukhang kailangan nating magtayo ng isa pang branch ah."
"W-Wag na. Baka hindi ko na kayanin." Pilit pa akong tumawa. Maya-maya lang ay tumawag si Doc. "Sagutin ko lang 'to ah, sa boutique." Tumango si Jared at nagcellphone habang may kausap ako.
"Yes?" Sagot ko sa cellphone.
"Nasabi mo na ba ang plano mo kay Jared? Nagleave na ako sa trabaho for one month para masamahan kita." Sabi ni Doc Felix.
"Hindi ko pa nasasabi. Tatawagan na lang kita mamaya." Nagtataka siguro si Doc kung bakit ako bumubulong. Pumayag naman sya at ibinaba na ang tawag.
Napatingin ako kay Jared na nakakunot ang noo habang nakatingin sa cellphone nya.
"May problema ba?" Kaagad nyang binaba ang cellphone nya at binulsa.
"Wala naman." Sagot nito.
"A-Ano.. Kasi Jared kailangan kong pumunta sa boutique." Sana makalusot.
"Hinahanap na rin ako ng secretary ko." Nalungkot ako na maiksi lang ang pag uusap namin.
"Ganun ba? Sige. Tawagan mo ako mamaya ha?" Tumango sya. "I love you."
"I love you too."
Pagka patay ng tawag ng tawag ay kaagad kong tinawagan si Doc Felix.
"Doc, kausap ko kasi si Jared kanina kaya kailangan ko na ibaba." Nakakahiya sa kanya.
"Ganun ba? So wala ka paring balak sabihin?" Tanong nito.
"Hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin."
"Sabihin mo na hindi mo na sya mahal!" May narinig akong sumigaw na babae sa kabilang linya. "Shut up nga Venice!"
Natawa ako bigla. Nakilala ko na rin ang fiancé ni Doc Felix, isa rin sya sa mga doctor sa hospital na pinagpapagamutan ko. Sasama rin sya sa amin sa America, kapag natuloy.
"Ikaw ang mag shut up. Elaisa, break up with him. Mayabang yung unggoy na yon." Narinig ko na lang na iniwan ni Doc Felix si Doc Venice.
"Don't listen to her, baliw na yun. Let us know kung kailan mo ng tulong kapag sasabihin mo na sa kanya."
"Sige Doc."
Sobrang laki ng pasasalamat ko sa mga taong handa akong tulungan kahit na hindi ko sila kamag anak at ngayong lang kami nagkakilala. Hindi sila nagdadalawang isip na tulungan ako kahit na halos hindi sigurado na gagaling ako.
Pagkatapos kong uminom ng gamut ay bumalik ako sa hospital, every week kasi ay kailangan taasan ang dosage ng tinitake ko na pain killer. Hindi ko na kasi kinakaya minsan ang sakit ng ulo ko.
"Elaisa, this will be the last good for one week na pain killer. Hindi na kita bibigyan pa ng another set. Kailangan na nating umalis for your chemo." Paliwanag ni Doc.
"Chemo?"
"I'm sorry. Nakalimutan kong sabihin sayo na in your case, we can still try chemotherapy and if didn't work, we'll go to our last option." Napangiti ako. "But it will be very painful."
"Okay lang po Doc. Gagawin ko lahat para gumaling." Ngayon ay mas tumatatag ako. Alam ko na hindi ako pababayaan ni God.