Chereads / All About Her (Tagalog) / Chapter 45 - Paghihirap

Chapter 45 - Paghihirap

Warning: Hindi SPG haha. Baka lang maboring kayo sa chapter na to. Well, sana hindi.

Hindi na ako nagtangka pa na ummuwi sa bahay dahil baka hindi ko kayanin kapag nakita ko sya. Ang sabi sa akin nila Venice ay mag iwan na lang ako ng mensahe sa kanya na ipadala na lang sa bahay ni Doc Felix ang mga gamit ko, kasama na ang divorce paper.

Pinahiram ako ng gamit ni Venice para sa pag alis namin bukas. Imbes na next week ay napagdesisyonan ko na umalis kaagad. Sa America na lang daw kami bibili ng damit para magamit ko pang araw-araw.

Bago kami sumakay sa eroplano ay nag-iwan muna ako ng send muna ako ng message para sa mga taong mahal ko. Sa magulang at kapatid ni Jared pati na rin sa pamilya ko. Hindi ko sinabi ang tunay kung dahilan, basta nanghingi lang ako ng tawad sa kanila. Lalo na sa pamilya ni Jared, hindi sila nagdalawang isip na tulungan ako.

"Ready ka na ba?" Inakbayan ako ni Venice. Nginitian ko sya at tumango.

Sana ay hindi masayang lahat ng pagod at emosyon.

"We'll start with the chemo since we already have here your previous result of the test that was conducted in Philippines. This will be very painful." Malungkot na sabi ng Amerikanong doctor.

"You can take this for now." Inabutan ako nito ng mga gamot. Pagkatapos uminom ay nahiga ako sa hospital bed.

Ilang minuto lang ang lumipas ay sobrang sakit na ng katawan ko. Hindi ako makagalaw, parang pinupunit ang mga laman ko. Gusto ko sanang tumayo dahil nasusuka ako pero hindi ko kaya. Inalalayan ako ni Venice umupo at may dala syang basin, doon ako sumuka. Sobrang sama ng pakiramdam ko. Iyak ako ng iyak, dahil sa sakit at naaawa ako sa sarili ko.

Ilang lingo ang lumipas at laging ganoon ang nangyayari kapag umiinom ako ng gamot. Nawawalan na ako ng gana kumain, pero may nasusuka pa rin ako. Normal lang daw yun sabi ng mga doctor.

"Elaisa, ilang araw nang tumatawag si Jared sa bahay at hinahanap ka." Naupo sa gilid ko si Doc Felix habang nakahiga ako. Hindi ako umimik.

"Mga katulong ko sa bahay ang sumasagot ng tawag nya at mahigpit kong pinagbawal na sabihin kung nasaan tayo. Bago tayo umalis ng bansa ay pinasundan nya tayo pero hanggang airport lang sila. Gumawa ako ng paraan para hindi sila makalapit." Inayos nito ang dextrose na nakasabit.

"Sobrang laki na ng naitulong nyo sa akin ni Venice, hindi ko na alam kung paano ko kaya mababayaran." Tuluyan na akong napahagulgol.

"Wag mong isipin yun. Magpahinga ka na."

Pagkalabas ni Doc Felix ay hindi pa rin tumitigil ang pagluha ko. Miss na miss ko na si Jared, gusting gusto ko syang yakapin at halikan.

Kung babalik ako, matatanggap nya pa kaya ako?

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Unti-unti nang nalalagas ang buhok ko, pati na rin ang mga braso ko ay puro pasa. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa sobrang payat. Napatingin ako sa daliri ko, iba na ang kulay ng mga kuko ko dahil sa gamot. Nitong mga nakaraang araw ay nahihirapan na ako magsalita kaya kung mag usap kami nila Venice ay isinusulat ko pa.

"Elaisa, papasok na ako ah." Binuksan ni Venice at pintuan ng bathroom at pumasok. Sya rin mismo ang tumutulong sa akin magpaligo at tuwing ginagawa nya yun ay umiiyak ako. Napasimpleng bagay na lang ay hindi ko na magawa sa sarili ko.

"Magpagaling ka kaagad, kailangan mo pang bumawi sa akin. Ikaw pa ang magdedesign ng wedding gown ko." Sabi ni Venice. Tango na lang ang naisagot ko.

Madaling araw ng magising ako dahil tumunog ang cellphone ko. Galing na naman sa hindi kilalang number. Ilang beses na akong nakakatanggap ng mensahe at laging iisa lang ang laman nito. "How are you?" Ang sabi sa akin ni Doc Felix ay wag ko raw itong replyan at baka si Jared yun. Imposible dahil bago ang number ko, magulang ko lang ang nakakaalam at mahigpit na ipinagbilin ko na wag ibigay kay Jared kahit na anong mangyari.

Pagkatapos ko mag take orally ng gamot ay idinadaan na 'to sa dextrose at yun ang pinaka masakit. Ramdam na ramdam ko habang dumadaan sa mga ugat, halos mamaluktot ako sa sakit pero kailangan kayanin.

Walang araw na dumaan na hindi ako nakaramdam ng sakit. Gustong gusto ko sumigaw pero wala na akong lakas.

Dalawang buwan na kami sa America at kahit isang beses ay hindi ko nagawang lumabas ng hospital. Paano ko magagawa kung hindi na ako makatayo ng mag-isa? May saysay pa baa ng buhay ko? Unti-unti ng nawawala ang pag-asa ko kung hindi ko lang naiisip ang paghihirap ng mga tao sa paligid ko ay baka sumuko na ako.

Ngayon na ang huling araw ng pagtake ko ng gamot. Kailangan magsagawa ng test para malaman kung nawala nga ba ang cancer cell. Grabe ang panalangin ko habang hinihintay ang doctor.

Pagpasok sa office nya ay kinabahan ako dahil malungkot ang mukha nito, pati na rin ang katabi nitong si Doc Felix.

"We failed, Elaisa." Sabi ni Doc Harley. Pero para akong nabingi. "The cancer cell didn't die. In the past week, we provided you the high dosage of medicine, but still."

Hindi ko maitaas ang kamay ko para punasan ang luha ko. Wala akong naririnig.

"So we need to do the operation as soon as possible. We still have chance, Elaisa. We'll do our best for you. We'll do the operation after two days. You can go outside and get fresh air." Niyakap muna ako ng doctor bago nagpaalam sa amin.

Niyakap din ako ni Venice habang humahagulgol. "Kaya natin 'to! Walang susuko."

Walang susuko? Parang hindi ko na yata kaya.