Chereads / All About Her (Tagalog) / Chapter 50 - SPG

Chapter 50 - SPG

Pagpasok sa building ay sinalubong kami ng titig nang mga tao. Medyo nailang ako dahil sa itsura ko, gusto ko na sanang umatras pero umangkla si Jewel sa braso ko at hinila para makasabay sila sa paglalakad.

"Good day, Madam." Nginingitian ni Mommy ang mga empleyado na bumabati at sumasalubong.

Pagdating sa dulong floor ay nawala na ang kaba ko dahil sa wala nang tao. Tumayo ang secretary ni Jared na nasa labas noong nakita kami.

"Nandito ba ang anak ko?" Tanong ni Mommy.

"Yes Madam, pero he's with a client Madam." Sabi nito na parang nataranta.

"Sino? Tumawag ako kanina sayo, diba? Ang sabi mo wala naman syang meeting ngayon." Sumingit na si Jewel.

"Busy po ata sya." Hindi ko na rin napigilan ang magsalita.

"Did you inform him that we'll be in here?" Tanong ulit ni Mommy.

"Yes, Madam. Tatawagan ko lang po si Sir." Akma nitong ilalagay sa tainga ang telepono nang pigilan sya ni Jewel.

"No need." Dire-diresto lang 'tong pumasok sa loob ng opisina. "Brother!" Naiwan sa ere ang kamay ni Jewel at natigilan.

Nagtatakang sumunod kami sa loob. Ganun na lang ang bigla ko nang may nakita akong babae na nakapatong ang magkabilang kamay sa lamesa ni Jared. Muntik na akong mapapikit dahil halos kita na ang underwear nito sa sobrang iksi ng suot.

"What's happening here?" Dumagundong ang boses ni Mommy na naging dahilan ng biglaang pagtayo ni Jared at ng babae.

"M-Mom.." Nanlaki ang mata ni Jared nang makita kaming tatlo. "W-What are you guys doing here?"

Napansin ko ang dahan-dahan na paglalakad nang babae, animo'y tatakas sa kasalanan pero mabilis si Jewel at naharangan ang babae. "Ikaw na naman?" Sabi nito.

"I just came here to visit your brother. Got a problem with that?" Mataray na tanong noong babae.

"Gusto mo bang kalbuhin kita?" Bulong lang 'yun pero ramdam ko ang gigil ni Jewel.

"Madam, mauna na ako." Hindi nya pinatulan ang inis ni Jewel at bumaling kay Mommy.

Pagkalabas noong babae ay walang nangahas na magsalita sa amin hanggang sa naglabas si Mommy nang cellphone at may tinawagan. "Nakita nyo ba 'yung babae na lumabas sa opisina nang anak ko?—Yes, 'wag nyo syang hahayaan na makapasok pa sa building." 'Yun lang ang binaba na nito ang tawag.

"Kuya naman! Nakikipagkita ka pa rin doon sa bitch na 'yun?" Nagpapadyak na si Jewel.

"Your mouth, Jewel! Parang hindi ka babae." Sita ng kapatid nya.

"Sister in law, 'yung babae na 'yun? Sya lang naman ang lumandi kay Kuya noong mga panahon na wala ka." Sumbong nito sa akin bago nagtago sa matalim na titig ng kuya nya. Parang may kumirot sa puso ko.

"May plano sana ako ngayong araw na 'to pero nawalan na ako nang gana." Biglang tumalikod si Mommy. "Let's go, Jewel. See you, hija." Humalik ito sa pisngi ko bago kami iniwan ni Jared.

"Mommy didn't told me that you're with them." Sabi nito habang naglalakad palapit sa akin.

"Bakit? Kung sinabi ba nya ay hindi mo papupuntahin dito ang babae mo?" Mataray na tanong ko.

Natigilan sya sa paghakbang na para bang may humila sa kanya. "N-No. Hindi ko sya babae."

"Ano pala 'yung sinabi ni Jewel?"

Naglakad na naman sya palapit sa akin. "May galit lang sya doon kaya nya nasabi 'yun."

"So sinasabi mo na nagsinungaling ang kapatid mo? Para saan, Jared?" Unti-unti nang nag-iinit ang ulo ko.

Mangha naman syang napatitig sa akin at hindi maiwasan ang mapangiti. "Okay, okay. I admit na kinukulit nya ako noong umalis ka pero I've been loyal to you, hindi ko sya pinansin." Nakalapit na sya sa akin at hinapit ang baywang ko palapit sa kanya.

"Then bakit sya nandito? Hindi pupunta 'yun dito kung hindi mo sya pinapansin." Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa dibdib nya.

"Sadyang makulit lang talaga sya. Don't get jealous, Sweety. You heard Mom diba? Hindi na sya makakapasok dito." Kinitalan nya ako nang halik sa noo. Sinimangutan ko sya.

"Ikaw lang ang mahal ko kaya kahit sino pa ang babae na lumapit sa akin ay wala akong papansinin." Tagos sa puso ang bawat salita nya. Para akong nalulunod sa titig nya, 'yung pakiramdam na hindi ka na makakaahon at magpapaubaya na lang.

"Mahal rin kita." Tumingkayad ako at hinalikan sya sa labi.

-------------

Kinulit ako ni Venice na makipagkita sa kanya, it's been two weeks simula nang umuwi kami. Ayaw pa akong payagan noong una ni Jared pero wala rin syang nagawa noong naglambing ako.

"Aawayin ko talaga si Jared kung hindi ka nya pinayagan ngayon." Pagmamaktol nito habang kumakain ng ice cream.

"Parang hindi mo naman kilala 'yun." Natawa na lang ako.

"So, kamusta ang kalusugan mo?" Nagseryoso na ang mukha nya.

"Getting better." Nilaro ko ang ice cream sa harapan.

"Don't lie to me, Felix told me everything." Mariin ang titig nito sa akin na parang 'di ako makakatakas. "Inaway at kinulit ko sya para lang sabihin sa akin 'yung pinag-usapan nyo noon."

Napa-angat ako ng tingin sa kanya. "Hindi mo na sana ginawa 'yun. Pinakiusapan ko rin kasi sya na 'wag na sabihin pa sa inyo."

Nakasimangot sya habang tumutulo ang luha. "B-Bakit?"

Ngumiti ako ng mapait. "Wala na rin naman tayong magagawa, Venice. Gusto ko nalang muna ienjoy ang araw bago ko sabihin sa inyo, kasa naunahan mo ako."

"Wala na ba talagang paraan?"

"Bago sa akin ipaliwanag ni Doc Felix ay nakipagmeeting muna sya sa mga doctor." Umiling ako.

"Oh God!" Napahagulgol na ng tuluyan si Venice. "Bakit nangyayari 'to?"

Lumipat ako sa tabi nya at hinagod ang likod. "Tahan na." Pinahid ko ang luha sa pisnge ko. Ito na talaga siguro ang kahahantungan ng buhay ko.

"Ano na ang gagawin mo sa ngayon?" Tanong nito ng huminahon.

"Live happily." Ngumiti ako. "Paghahandaan ko rin kung paano ko sasabihin kay Jared, kahit paano ko kasi sabihin, alam ko na masasaktan sya. Ayaw ko sanang mangyari 'yun."

"Do you want us to help?"

Tumango ako. "Sasabihan ko nalang kayo."

"I d-don't know what to say to you anymore."

"Okay lang, Venice. Sobrang laki na ng naitulong nyo sa akin and I'm very thankful for that." Sabi ko. Bahagya akong natawa nung hinila nya ako at niyakap ng mahigpit.

"Punta tayo kay Padre Pio."

Nagpatianod na lang ako sa paghila nya. Bumyahe kami papuntang Eastwood. Pagpasok sa simbahan ay namangha ako sa ganda nang simbahan, wala masyadong tao ngayon dahil tanghali at wala rin misa.

Sobrang tahimik nang paligid, naupo ako at nanalangin. Nagpasalamat ako sa buhay na pinagkaloob sa akin, hinding-hindi ko makakalimutan 'to. Ipinalangin ko rin ang mga taong mahal ko sa buhay, sana ay hindi sila masyadong masaktan sa mangyayari sa akin. Napaluha na naman ako.

Kung saan-saan pa ako dinala ni Venice kaya gabi na rin ako nakauwi. Nakasimangot na mukha ni Jared ang sumalubong sa akin.

"Saan ka ba dinala ni Venice? Sabi ko 'wag kang magpapagabi diba?"

"Wag ka nang magalit. Ang saya kasi kasama ni Venice kaya hindi na namin namalayan ang oras." Nilambingan ko pa ang boses ko para mawala ang galit nya.

Bumuntong hininga sya. "Wag mo akong akitin, Elaisa."

"Ha? Hindi naman kita inaakita." Painosenteng inilagay ko ang mga kamay sa batok nya.

"Yeah, you're not." Napangisi sya bago ako sinunggaban ng mapupusok na halik. Napangiti na rin ako at sumabay.

Sa pagmamadali ni Jared na tanggalin ang damit ko ay lalo lang syang nahirapan sa paghubad kaya naman natawa ako ng malakas.

"Stop laughing!" Suway nito.

Pinigilan ko na lang ang tawa at tinulungan sya sa paghubad sa damit ko. Ganun din ang ginawa namin ay short at sando nya. Itinaas nya ako kaya pinulupot ko ang mga binti sa baywang nya habang dahan-dahan na naglalakad papasok sa kwarto.

He aggressively grab both of my boobs and it sent shiver through my spine, napaliyad ako sa sensasyon. He lower his head and give me breathtaking kisses, pababa hanggang sa hindi ko na alam ang gagawin dahil sa pinaghalong pakiramdam ni-hindi ko na makilala ang sariling boses.

Itinapat nya ang mukha sa akin at pinaulanan ako ng maliit na halik. "I longed for this." Napakagat ako nang labi sa sexy nang boses nya.

Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang pagpasok nya sa loob ko, napadaing ako sa sakit at sarap. Tumigil muna sya na para bang sinaasabi na maghanda ako. Noong wala na akong naramdaman na sakit ay ako pa ang gumalaw.

Napatingala sya kaya kitang-kita ko ang pamumula nang leeg nya. "D-Don't move." Suway nito pero hindi ako nakinig.

Muli kong iginalaw ang balakang pero hinawakan nya ang magkabilang baywang para ipirmi ako sa pwesto. Naiinis ko sya na tinitigan pero ngumisi lang sya. "Oh no! My sweety can't wait any longer?"

"Itutuloy mo ba 'to o ako na mismo ang titigil?" Hindi ko na napigilan ang magsalita sa sobrang inis.

Imbis na ituloy ay humagalpak lang sya ng tawa. Hihiwalay na sana ako nang bigla syang dumagan sa akin at ipinasok pa ang sarili.

"Hmmmn.." Napaungol ako ng malakas.

"Y-You want this, right?"

"O-Oo!" Napasigaw akong muli nang gumalaw na sya.

Nawala na ako sa sarili sa mga sumunod pa na pangyayari. Hindi ko na alam kung saan ako bumabaling habang gumagalaw sya sa ilalim ko. One deep thrust and we both came.

"That was amazing." Nakiliti ako ng maramdaman ang hininga nya sa leeg ko.

"Nakakainis ka." Hinampas ko ang dibdib nya nung humarap sya sa akin.

"What?" May halong tawa na tanong nito. "I'm waiting for you to adjust because we both know that I'm big."

"Ang yabang mo." Hindi ko na rin napigilan ang mapangiti. Dahan-dahan na akong hinila nang antok.