Chereads / All About Her (Tagalog) / Chapter 49 - Beautiful

Chapter 49 - Beautiful

Pag-uwi namin sa Pilipinas ay sinalubong kaagad si Jared ng trabaho kaya kahit na ayaw nya akong iwan ay wala na syang nagawa. Nakausap ko ang kapatid ni Jared kanina at ang sabi nito ay papasyal sya dito, and that make me happy. Bukas ay kailangan ko rin bisitahin ang boutique na napabayan, ang sabi sa akin ni Jessa ay sya ang pangsamantala na namahala habang wala ako.

Nagluto ako ng ilang pagkain para may makakain si Jessa pagpunta dito, ang sabi nya nga kanina ay sa bar na lang daw magkita, nakalimutan ata nito ang sinabi sa kanya ng kuya nya na kagagaling ko lang sa operasyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin akalain na nandito na ako sa Pilipinas, kasama ang mahal ko na kahit sinaktan ko sya ay nandyan pa rin sya sa tabi ko.

Ilang saglit lang ay nakarating na si Jessa sa bahay, kaagad itong sumalubong ng yakap sa akin.

"Sister in law! Namiss kita!" Si Jessa habang umiiyak.

Hindi ko alam kung bakit sya umiiyak pero pati ako ay naiiyak na rin. "Namiss din kita."

Kwinento ko sa kanya noong panahon na nalaman ko na may sakit ako at ang naging desisyon ko na hiwalayan ang kuya nya para magpagamot sa ibang bansa. Naging makasarili ako sa desisyon na 'yun, hindi ko alam na mas nasaktan ko pala si Jared sa pag-iwan sa kanya. Habang nagkekwento ay hindi tumigil ang pagtulo ng luha ni Jessa.

"Gosh! You're so strong Ate! S-Siguro kung ako ang nasa kalagayan mo, baka sumuko na lang ako." Muli ako nitong niyakap.

"Tiwala lang sa Panginoon, yun ang nagpatatag sa akin." Ngumiti ako.

Naging masaya ang pagbisita sa akin ni Jessa. Hindi ko nga napansin ang oras dahil sa tagal naming nagkekwentuhan, hindi namin namalayan na dumating na pala si Jared.

"Jessa! I told you that you can stay here for just two hours! My wife needs to rest." Dumagundong kaagad ang boses ni Jared nang makita ang kapatid na prenteng nakaupo.

"Ano ba? Why so damot?" She rolled her eyes.

"Umuwi ka na nga." Pagtataboy nya sa kapatid habang papalapit sa akin.

"Wag ka ngang ganyan sa kapatid mo." Bulong ko dito bago kinintalan ng halik sa labi.

"Go Ate, pagalitan mo nga 'yan. Ngayon na nga lang tayo nagkita tapos pinagdadamot ka pa." Inirapan na naman nito ang kuya nya.

"Stop rolling your eyes, Jessa. Baka gusto mong hindi na bumalik 'yang paningin mo." Banta nya. Pabiro ko syang hinampas sa braso.

"Kumain na lang tayo, tumayo na kayo dyan." Anyaya ko sa magkapatid.

Pagkatapos kumain ay hindi pa rin umuwi si Jessa dahil gusto pa raw nitong makipagkwentuhan. Inaya ko nga na dito na matulog pero hindi pumayag ang mabait nyang kapatid.

"You're ruining our private life." Sabi ni Jared.

"Nakakainis ka na kuya! Tomorrow, I'll ask mommy to visit here." Ngumiti ito ng mapang-asar.

"Go on! Annoy me, Jessa. We'll see." He smirk. Walang gusto magpatalo sa dalawa.

"I hate you. Ate, pupunta kami dito ni Mommy bukas." Si Jessa na hawak ang kamay ko.

"Sa boutique na lang tayo magkita bukas, bibisitahin ko kasi." Naramdaman ko ang mahinang pagpisil ni Jared sa baywang ko.

"Talaga? I'm excited. See you there." Yumakap muna sya bago tuluyang umalis.

Nang mapag-isa kami ni Jared ay pansin ko ang pagiging tahimik nya. Mula ng umalis si Jessa ay hindi na sya nagsalita, marahil ay nagtatampo dahil hindi ko nasabi ang balak ko na pag-alis bukas. Paghiga sa kama ay kinausap ko na sya.

"Hindi ko pa pala nasasabi sayo na bibisitahin ko yung boutique bukas. Natawagan ko na si Nanita." Panimula ko.

"Bakit mo ba pinapagod ang sarili mo? Can't you remember that you just have your operation? Wala pang isang buwan pero ang dami mo ng ginagawa." Nakakunot noo na 'to at alam kong nagsisimula ng uminit ang ulo nya.

"Hindi naman ako magpapakapagod, Jared. I just don't want to stay here doing nothing, nababagot ako." Iniangat ko ang ulo ko at ipinatong sa dibdib nya.

"You know that I'm mad right now, right?" Mapanganib na ang boses nya.

"Alam ko. Kaya nga naglalambing ako." Natawa ako ng mahina.

"I can't always stay beside you that's why as long as possible, ayoko na napapagod ka." Napahinga ako ng malalim nang sa wakas ay huminahon na ang boses nya.

"Wag ka ng mag-alala. Marami naman akong makakasama bukas. Nanita's always in the shop so I don't need to work."

"I'll ask them to keep an eye on you." Niyakap ako nito ng mahigpit.

"I love you, Jared." Gumanti ako ng yakap sa kanya, yung yakap na mamahalin ko sya ng higit pa sa pagmamahal nya sa akin.

"I love you too, sweety."

----------

"I'm so happy to see you, Elaisa." Maligayang bati ng Mommy ni Jared.

"I'm so sorry tita." Napayakap ako sa kanya kasabay ng pag-iyak.

"Stop calling me tita, call me mommy and you don't have to say you're sorry. Pinaliwanag sa akin ni Jessa ang nangyari and I'm so proud of you, anak." She patted my back assuring me that no matter what I did, she'll still accept and love me.

"H-Hindi po ako pinabayaan ni Jared." Humiwalay sya ng yakap sa akin at pinunasan ang luha ko.

"Noong hiniwalayan mo sya, hindi ako nagalit sayo. Naisip ko na, baka natauhan ka na at naisip na hindi si Jared ang para sayo, pero noong nakita ko sya na sobrang nahirapan sa paghihiwalay nyo, I contacted Venice para sabihin sa akin kung nasaan ka." Sabi ni Mommy Daniella na naluluha na rin. Napakaswerte ko sa pamilya ni Jared.

"Maraming salamat po, M-Mommy."

"You don't have to thank me, just love my son." She smile.

"I'm so sorry."

Bahagya syang natawa. "Wag ka na ngang magsorry." Pinunasan nya ulit ang luha ko.

Nagsilapitan ang ilan kong empleyado at yumakap na rin sa akin. Lalo na ang Manager na si Nanita, sa maiksing panahon ay naging malapit din kami sa isa't-isa.

"We miss you Ma'am, ang tagal nyo pong nawala." Naluluha-luha pa 'to.

"I'm sorry at natagalan ako sa pagbalik. Nothing to worry, I'll make sure to work hard para dumami ang customer natin." Nakita ko na napaatras sya.

"Naku po Ma'am, maaga pong tumawag si Sir Jared dito ang kabilin-bilinan nya na 'wag kayong pagtrabahuhin dito." Maging ang empleyado ko ay halatang takot kay Jared.

"I spoke to Jared a while ago and he clearly told me to inform your employee about your condition and he's right, hija, you need to rest." Wala na akong nagawa nang magsalita si Mommy Daniella. "You know my son, anak." Tumawa pa sya.

"Okay." Pagsuko ko. "Kapag may idea ay gagawa na lang ako ng design sa bahay." Tango ang natanggap ko kay Mommy at Nanita.

Nakakatuwa dahil binati rin ako ng ilang customer na suki namin. Ilang beses daw nila akong hinanap para magpagawa ng gown sa okasyon nila. Meron pa sanang lima na magpapagawa, kahit labag sa loob ko ay pinaubaya ko ang pag-iisip ng desisyon kay Nanita, minamadali kasi nila.

Hindi rin kami nagtagal sa boutique dahil nagyaya si Mommy na pumasyal sa company ni Jared, nag-alangan pa ako dahil sa ayos ko. I'm wearing black jeans, white shirt, denim jacket, white sneakers, and bonnet. Bakit ko ba naisipang lumabas ng bahay na ganito ang ayos?

"M-Mommy, kasi h-hindi ako nakapag-ayos." Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin.

"There's nothing wrong in your outfit, sister in law." Umangkla pa sa akin si Jessa.

"K-Kasi nakakahiya—" Napahawak na ako sa ulo ko. Natigilan silang dalawa at sabay akong niyakap, nabigla ako.

"Wala kang dapat ikahiya, anak." Si Mommy.

"You're still beautiful." Sabi naman ni Jessa.

Hindi ko mapigilang ngumiti. Talaga ngang magkapatid sila dahil kayang-kaya nilang mag comfort para sa taong mahalaga sa kanila. Wala na akong hihilingin pa.