Chereads / All About Her (Tagalog) / Chapter 34 - Feel

Chapter 34 - Feel

Hindi naging madali ang mga araw na lumipas sa pagsasama namin ni Elaisa. Ginagawa ko ang lahat para maging masaya sya pero hindi pa rin lumalabas 'yung ngiti nya na natural.

Pilit kong pinapakita sa kanya na ayos lang ako kahit na sa totoo lang ay para akong pinapatay sa sakit. Noong nakita ko sya na duguan sa sahig ay halos panawan ako ng ulirat, I don't fcking know what to do, nanigas ako.

"Sweety, good evening. Let's eat." Nakita ko sya na nakaupo lang sa kama at tulala. Nilingon nya ako. Inilapag ako sa lamesa ang pagkain.

"Ayoko, wala akong gana." Sagot nya bago umiwas ng tingin.

"You need to drink medicine." Naupo na ako sa tabi nya.

"Wala akong sakit, Jared." Pagmamatigas nya. I take a deep breath.

"Please naman, Elaisa. Tulungan mo naman ang sarili mo, because here I am, helping you!" Hindi ko na napigilang mapasigaw.

Nanlisik ang mata nya. "Hindi ko kailangan tulungan ang sarili ko at lalo nang hindi mo kailangan na tulungan ako!"

"What are you saying? I'm your husband! Dapat lang kitang tulungan." Tumayo ako at nagpalakad lakad.

"Ayokong uminom ng gamot! Can't you see that I'm healthy?!"

"You need to eat." Sumandok ako ng kanin at nilagyan 'yun ng ulam, amba ko ng isusubo sa kanya ng tabigin nya ang kamay ko kaya natapon ang pagkain. Napamura ako.

Napahawak na lang ako sa pagitan ng mata ko. Sumasakit ang ulo ko. Minabuti ko na lang na lumabas ng kwarto.

Dumiretso ako sa kusina at nanghihina na naupo sa stool. Hindi ba nya nakikita na tinutulungan ko sya? Para naman sa kanya ang ginagawa ko. Lagi na lang syang ganyan, hindi na sya sumasabay kumain sa akin. Magigising na lang ako ng madaling araw na wala sya sa tabi ko at maabutan ko sya sa kusina na kumakain habang umiiyak.

Awang-awa na ako sa asawa ko pero ayaw kong ipakita sa kanya 'yun, baka magalit lang sya. Ilang beses ko syang inaya na lumabas para mamasyal pero lagi syang tumatanggi, kahit sina Nathaniel, at Jewel ay tinatanggihan nya.

It's been a month simula ng mawala ang baby namin, pero dahil sa nangyayari sa amin ng asawa ko ay parang kahapon lang nangyari at sariwa pa.

Natigil ako sa pag-iisip ng marinig kong tumunog ang cellphone.

"Hello, mommy." Walang buhay na sagot ko sa tawag.

[Anak, kamusta si Elaisa?] Ramdam ko rin ang lungkot sa boses ni Mommy.

"Wala pa rin po syang gana kumain. Mommy." Napahagulgol ako bigla. Sa totoo lang ay hindi ko na kinakaya ang nangyayari. "M-Mommy, ang sakit! Paulit-ulit akong nasasaktan kapag nakikita ko ang asawa ko na nalulungkot."

Lahat kasi ng atensyon at pag aaruga ng tao ay nasa kanya, ni isa ay walang dumamay sa akin kaya siguro ganito kabigat ang nararamdaman ko, wala akong mapaglabasan.

[Anak, kailangan ka ng asawa mo. Magpakatatag ka.] Narinig ko ang paghikbi ni Mommy.

"My, hindi ko na a-alam ang gagawin ko." Napatungo na lang ako habang nasa tainga ko ang cellphone. Iniyakan ko ng iniyakan si Mommy na para akong isang bata na inaway ng kalaro. Ngayon lang nangyari sa akin ito.

[Gusto mo ba na pumunta ako dyan ngayon?]

"Hindi na po Mommy. Ibaba ko na po." Hindi ko na hinintay pa na magsalita si Mommy. Pinunasan ko ang luha ko. Kumuha ako ng basahan at umakyat sa taas.

Pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko si Elaisa na nakahiga sa kama, pinakiramdaman ko sya at mukhang nakatulog na. Niligpit ko ang nagkalat na pagkain. Ibinaba ko na rin ang mga dala ko.

Nagbukas ako ng alak tsaka ininom 'yun. Kailangan ko 'to ngayon para makatulog.

Hindi rin ako nagtagal sa pag inom at umakyat na para matulog. Hindi ko alam kung dapat ba akong tumabi kay Elaisa. Nakita kong umusog sya kaya nahiga na rin ako. Pinakiramdaman ko sya at alam kong gising sya.

"Hindi ka ba nagugutom?" Tanong ko.

"Kakain ako kung nagugutom ako." Mataray na sagot nya.

"Okay. Good night." Tinalikuran ko sya at natulog na.

Kinabukasan ay nagluto ako para sa almusal, inaya ko lang sya pero hindi na ako nagdala pa ng pagkain sa taas, kailangan nyang maramdaman na pagod na ako sa pagsuyo sa kanya.

Habang kumakain ako ay nakita ko sya pababa ng hagdanan, kumuha sya ng pagkain at sinabayan akong kumain. Napatitig ako sa kanya. Inirapan nya naman ako.

"Aalis ako ngayon, kailangan ako sa opisina." Sabi ko na hindi sya nililingon.

"Okay."

Binilisan ko ng kumilos at iniwan sya sa hapag. Nagbihis na ako at kaagad na lumabas ng bahay. Napansin ko sya na nakatitig sa akin paglabas ko ng bahay, hindi ko sya pinansin.

Mas pinili ko na magstay ng matagal sa opisina, nalulungkot kasi ako sa bahay lalo na't hindi ko makausap ng matino ang asawa ko. Pinayuhan pa ako ni Nathaniel na maging pasensyoso, tinawanan ko lang sya dahil matagal na naman ako nagpapasensya.

10 pm na nang mapagdesisyonan kong umuwi, nakita ko si Elaisa na nakatulog sa sofa sa sala. Gusto ko sana syang buhatin at iakyat pero nanaig ang plano ko na ignorahin sya. Mabilis akong nakatulog dahil pagod din ako sa trabaho. Inalalayan ko pa kasi ang bago kong secretary, wala na yung luma dahil sya pala ang traydor sa kumpanya.

Tatlong araw ko syang hindi pinapansin at late laging umuwi ng bahay.

Kinaumagahan ay nakita ko si Elaisa na nagluluto, napakunot noo ako.

"Good morning." Bati ko. Dumiretso ako sa ref para uminom ng tubig. Muntik na akong mapabuga dahil nakaharap sya sa akin at nakapameywang.

"May tumawag ditong babae kanina. Secretary mo raw. Bakit babae? Lalaki ang secretary mo diba?" Nakataas pa ang kilay ko.

"Tinanggal ko na 'yung lalaki, sya ang traydor sa kumpanya. Bagong secretary ko 'yun, si Marielle." Naupo ako sa stool. Inabutan nya ako ng kape.

"Bakit babae?" Inulit nya ang tanong nya.

Napangiti ako. "Biglaan kasi." Maiksing sagot ko. Hindi na sya nagsalita pa at itinuloy na lang ang pagluluto.

"Ano pala ang sabi nya?" Sumimsim ako ng kape.

"Tinanong lang kung papasok ka."

"Anong sabi mo?" I got curious.

"Binabaan ko." Nanlaki ang mata ko sa sagot nya. Napatayo ako sa upuan.

"Why?" Lumapit ako sa kanya.

Napaatras ako ng itinutok nya sa akin ang sandok na umuusok pa sa init.

"I don't know her." Inirapan nya ako at inasikaso ulit ang niluluto. Napailing na lang ako, mukhang effective ang plano ko.

Napangiti ako.