Chereads / All About Her (Tagalog) / Chapter 36 - Understand

Chapter 36 - Understand

Hindi pumasok ngayong araw si Jared, iniinda nya ang ulo nya na sobrang sakit daw, nagkibit balikat na lang ako. Maaga ring hinatid ng isa sa mga guard ng kumpanya ang sasakyan nya na ginamit ni Marielle.

Nasa sa sala sya at may binabasa na kung ano, mas pinili ko na lang manuod ng TV.

"Elaisa."

Nilingon ko sya. Parang may gusto syang sabihin na ewan.

"Ano?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"K-Kagabi... may nasabi ba ako?" Napakamot pa sya sa ulo nya.

Ngumiti ako. "Hindi mo lang naman ako nakilala kagabi. Tapos niyakap kita pero tumatanggi ka noong una." Naalala ko na naman kaya bigla akong natawa.

"A-Ako? Ginawa ko 'yun?" Nabitawan nya ang mga papel na hawak at humarap sa akin.

"Oo! Tapos sabi mo baka malaman ng asawa mo pero sabi ko--" Hindi nya na ako pinatapos dahil tinakpan nya ang bibig ko.

"Stop it! Naalala ko na!" Tinanggal nya ang kamay sa bibig ko.

"Meron pa!" Magsasalita sana ulit ako pero tinakpan nya na naman 'yung bibig ko.

"Okay na! Okay na! Nahihiya lang ako lalo sa sarili ko." Natawa na kami pareho.

Hindi ko alam na ganoon pala sya kapag nakainom. Tawa kami ng tawa hanggang sa magkatitigan kami, ngumiti sya ng nakakatunaw sa puso.

"Namiss ko ang ngiti mo, Elaisa." Hinila nya ako para ikulong sa mga bisig nya. Gumanti ako ng yakap.

"Sa-Salamat, Jared dahil hindi ka nagsawa sa pag intindi sa akin. Alam kong nasaktan ka rin ng sobra sa pagkawala ng anak natin pero hindi ko inintindi 'yun. Naging selfish ako." Naiiyak na naman ako.

"Shh. Mas nasaktan ka kesa sa akin. Naiintindihan kita at hindi ako magsasawang intindihin ka." Hinalikan nya ang ulo ko.

Napakaswerte ko na nagkaroon ako ng mapagmahal na asawa. Oo at pangit ang naging simula namin pero sino ang mag aakala na magiging okay kami ngayon.

Napagdesisyonan namin na dalawin si Baby Jr. Habang naglalakad ako papalapit sa puntod nya ay parang nanlalambot ang tuhod ko. Tinitigan ko ang lapida nya "Baby Montemayor"

Napaluha ako, kaagad naman akong niyakap ni Jared. Humiwalay din kaagad ako at lumuhod.

Tahimik ko syang kinausap. Baby, sorry dahil naging pabaya si Mommy. Wag kang magagalit sa akin ha? Dahil talagang malulungkot ako. Mahal na mahal kita, anak, alam mo naman 'yun diba? Unang araw pa lang na nalaman ko na buntis ako ay tuwang-tuwa na ako, kahit na hindi kami maayos ng daddy mo ay hindi sumagi sa isip ko na iwala ka. Mag iingat ka lagi. Mahal na mahal ka namin.

Tumayo na ako at inaya na si Jared na umalis.

"Gusto mong mamasyal?" Hinawakan ni Jared ang kamay ko. Nanatili kami sa sasakyan ng ilang minuto.

"Hindi ka ba talaga papasok ngayon?" Tinanong ko sya. Napatingin kami sa cellphone nya ng mag ring 'yun. Ni-loud speaker nya.

"Good afternoon, Sir. Pasensya na po at talagang mapilit si Mr. Torres at nandito sya sa office nyo para sa kailangan nyong permahan." Narinig ko ang boses ni Marielle na mukhang kinakabahan.

Napahilot naman si Jared sa pagitan ng kilay nya. "I clearly told you Marielle to not accept visitor if I'm absent, right?" Halata na ang iritadong boses ni Jared.

"Yes sir! Pero mapilit po talaga si Mr. Torres, actually three hours na syang nandito." Sagot ni Marielle.

Saglit akong tinignan ni Jared na parang nanghihingi ng permiso.

"Dumiretso na lang tayo sa office mo, hindi naman siguro tayo magtatagal." Nginitian ko sya.

"Ma'am! Salamat po talaga!" Natawa ako sa saya ng boses ni Marielle.

"We'll be there in 5 minutes." Sabi ni Jared bago nagdrive.

---

Pagdating namin sa opisina ni Jared ay sinalubong kami ni Marielle na may dalang folder. Napataas ako ng kilay sa suot nya na sobrang iksi, yumuko lang sya ay makikita na ang hindi dapat makita.

"Sir, nasa loob pa rin po sya." Pinagbuksan nya si Jared ng pintuan. Napaatras ako. Nilingon nya ako, hindi ako gumalaw.

"Dito na lang ako." Wala naman kasi akong maitutulong sa kanya sa loob.

"Let's go." Nabigla ako ng hilain nya ang kamay ko papasok.

"Mr. Montefalcon!" Nilapitan kami ng lalaki na sa tingin ko ay nasa 40 years old.

"Mr. Torres, what're you doing here?" Nilagpasan nya si Mr. Torres, medyo nagulat ako.

"I badly need you to sign the contract, kinukulit na ako ng boss ko." Muli syang naupo sa tapat ng lamesa ni Jared.

Sinenyasan ako ni Jared na umupo sa tabi nya, nagtaka pa ako ng pinagkuha ako ni Marielle ng upuan. Nginitian ko sya.

"So, ako ang kinukulit mo? Did my secretary told you to go to Tito Tristan?" Ganito ba talaga sya kapag absent sya at kinailangan pumasok bigla?

"Yes! Yes! She told me! Pero gusto makita ng boss ko ang perma mo!" Mapilit talaga sya. Tinignan nya ako saglit.

Pinatong ni Marielle ang folder sa lamesa ni Jared, sinilip ko, wala akong maintindihan dahil ang liliit ng sulat. Nilingon ako ni Jared, pinakita nya sa akin 'yun.

"Bibilhin ng kumpanya ang resort nila sa Laguna." Sabi ni Jared. Tumango -tango ako. "This is Elaisa, my wife." Sabi nya kay Mr. Torres dahil parang kating-kati na magtanong.

"Really? Good afternoon Mrs. Montefalcon, I'm sorry sa biglaang pagpunta ko dito." Mukha naman syang mabait.

"No, it's okay." Nginitian ko sya.

"I'm done, we'll send the copy to your boss." Sabay kaming napalingon kay Jared.

"Salamat Mr. Montefalcon." Saglit na nakipagkamay si Jared sa kanya. Binalingan nya ako at nakipagkamay din. Tinignan ko sya habang papalabas ng pintuan, kasunod nya si Marielle.

Binalingan ko sya. "Bakit naman ang sungit mo sa kanya?"

"Magdedate sana tayo kung hindi lang sya makulit." Mahihimigan pa rin ng pagkairita ang boses nya. Naupo ulit sya.

"Marami pa namang araw. Gusto mo bukas?" Lumapit ako sa kanya at naupo sa lap nya. Ikinawit ko ang magkabilang kamay ko sa batok nya.

"Bukas?" Nangingiting tanong nya.

"Bukas!"