Chereads / All About Her (Tagalog) / Chapter 31 - #ElaiNiel

Chapter 31 - #ElaiNiel

Dalawang araw na simula ng makauwi kami galing kina Nanay. Ayoko pa sana ako kailangan na talaga si Jared sa trabaho nya.

"Kuya, Tito Tristan keep on pestering me! He's looking for you." Boses kaagad ni Jewel ang narinig ko pagbaba ko galing kwarto.

"What's his problem? Sinabi ko na sa kanya na papunta na ako." Natataranta naman si Jared habang inaayos ang coat nya. Nilapitan ko sya at tinulungan.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang tie nya.

"I think there's a spy in my company. Laging nabubulilyaso ang mga pinaplano namin." Nakakunot na ang noo nya.

"May hinala ka na ba?" Inayos ko ng kaunti ang buhok nya.

"Wala pa. Pero mamaya sa meeting, I'll make sure na mabubuking ko sya." Kampante na sagot nya.

Hanga ako sa asawa ko. Pagdating sa trabaho ay kayang-kaya nyang basahin ang isip ng isang tao, lalo na ang mga business partner nya.

"Kuya, sasabay na ako sayo sa office. I have a meeting with some organizer." Nginitian ako ni Jewel bago sya naunang lumabas ng bahay.

"Are you sure hindi mo na kailangan ng kasama dito?" He wrapped his hands around my waist.

"Oo. Kaya ko naman ang sarili ko." Tinawanan ko sya. Kanina nya pa kasi ako kinukulit, tatawagan nya daw ang mama nya para may makasama ako.

"Just make sure na tatawagan mo ako if something bad happen. Okay?" He kissed my forehead.

God, I love this man. Hinatid ko sya sa labas. I waved them goodbye.

Papasok na sana ako sa loob ng makita ko si Nathaniel. Kaagad kong binuksan ang gate at tumakbo sa kanya, sinalubong ko sya ng yakap.

"Nathaniel! I missed you!" Hindi ko alam pero bigla na lang akong naluha.

"Ang laki na ng tyan mo." Nakangiting sabi nya habang nakatitig sa tyan ko.

"Oo, at healthy baby boy sya." Inakay ko sya papasok sa bahay.

"Saan ka nakatira ngayon? Paulit ulit kitang tinatawagan kaso laging out of coverage area ang cellphone mo! Saan ka ba naglalagi?" Tumayo ako sa harapan nya habang nakapamewang.

Tumawa sya. "Nag ikot-ikot lang ako sa mundo."

Sinimangutan ko sya. "Hindi mo manlang sinabi sa akin kung saan ka pupunta. Nag alala ako sayo."

"Okay at buhay pa naman ako, so nothing to worry. Anyways, sino ang kasama mo dito?" Lumingon lingon sya sa paligid.

"Ako lang. Kinailangan ni Jared pumunta sa opisina nya, may problema daw kasi." Naupo ako sa tabi nya. Inabutan ko sya ng juice at chocolate cake.

"Mag isa ka lang? Hindi manlang sya nag hire ng katulong para may kasama sya?" Nahimigan ko ng pagkainis ang boses nya.

"Kaya ko naman ang sarili ko, pati gastos lang ang katulong." Hinawak-hawakan ko ang buhok nya. Madalas kong gawin sa kanya 'to kapag nag uusap kami.

"I miss you doing this." Hinawakan nya ang kamay ko.

"Namiss kita, Nathaniel. I think hinahanap ka ni baby, namiss nya rin ang Tito Nathaniel nya." Napahawak ako sa tyan ko.

"Ang bilis nyang lumaki. Ano ang ipapangalan nyo sa kanya?"

"Jared Montefalcon Jr." Nakapangiti ako.

"Jr?! Nako! Panigurado matigas ang nyan." Natawa kami pareho. Tumayo sya bigla. "Halika. Mamasyal tayo."

Nakatingin lang ako sa kanya. Tinatamad kasi akong tumayo.

"Tara na!" Inalalayan nya akong tumayo.

---

Dinala ako ni Nathaniel sa mall. Ayoko talagang umalis sa bahay dahil tinatamad ako, kaso talaga mapilit si Nathaniel. Nagtext na rin ako kay Jared na aalis kami, hindi nya kasi sinasagot ang tawag ko kanina.

"Anong gusto mong kainin?" Napahinto kaming dalawa gitna ng mall ng tanungin nya ako. Pinakiramdaman ko ang sarili ko.

"Hmn. Gusto ko sa KFC, napanood ko kahapon sa commercial 'yung fill up box, masarap kasi ang mushroom soup." Naexcite akong kumain.

Nakakunot noo naman sya. "What? Kfc?"

Napahinga ako ng malalim. Seryoso? Hindi nya alam 'yun?

"Tara na nga!" Hinawakan ko sya sa kamay at hinila. Parang iniisip nya kasi ng malalim kung saan at ano ang kfc.

Pagpasok namin sa kfc ay halos hindi maipinta ang mukha nya. Tinatanong nya ako kung wala ba daw waiter at kailangan pang pumila ng tao, tinawanan ko na lang sya.

"Good afternoon, ma'am and sir. What's your order?" Masiglang tanong nung kahera sa amin.

"Isang fill up box, dine in. Anong gusto mo?" Nilingon ko si Nathaniel na kanina pa nakasimangot.

"Ikaw nang bahala. Yung kagaya na lang din ng sayo." Tinignan nya yung kahera. Nakatulala kasi.

"Miss, dalawa na." Si Nathaniel na ang nagbayad. Medyo naiinip na sya dahil ang tagal daw.

"Pwede ba na i-serve na lang. Buntis kasi 'tong kasama ko, masamang mapagod." Nginitian ni Nathaniel yung kahera.

"S-Sige po Sir. A-Ano... Ano ba 'to? I-seserve na lang po n-namin." Natataranta na tuloy 'yung kahera. Muntik na akong matawa.

Masarap ang naging usapan namin ni Nathaniel. Marami syang naikwento tungkol sa mga lugar na pinuntahan nya. May mga nakilala syang babae na naging kafling, hindi na ako nagtaka roon.

Inaya ko syang mag dinner sa bahay pero tumanggi sya, may lakad pa raw sya.

"Gabi na. Saan ka pa pupunta?" Tanong ko pagbaba sa kotse nya.

"Didiretso ako sa bahay, sinisermunan na ako ni Mommy dahil hindi ako umuuwi." Natawa sya ng bahagya.

Siguro kung mas una kong nakilala si Nathaniel, malamang sya ang minahal ko. Hindi mahirap ibigin si Nathaniel, sya 'yung tipo ng tao na ibibigay sayo ang mundo para lumigaya ka. Swerte ang mamahalin nya.

Niyakap ko sya. "Alam kong matatagalan ulit bago tayo magkita." Sabi ko.

"Mukhang masaya ang pasyal nyo ha."

Napahiwalay ako kay Nathaniel ng marinig ko ang boses ni Jared. Lumapit sya sa amin at niyakap si Nathaniel, may binulong sya dito pero hindi ko narinig.

"Bye guys. Balitaan nyo ako kapag lumabas na si baby."

Tinignan lang namin papalayo ang sasakyan ni Nathaniel.

Sa mga tingin nya sa akin kanina, alam ko na may nararamdaman pa rin sya sa akin. Mabuti na lang at hindi naungkat 'yun kanina, dahil baka mailang lang ako sa kanya.

Sana mahanap nya na ang kaligayahan nya.