Chereads / Semi Permanent / Chapter 11 - Chapter 9 Katutuhanan

Chapter 11 - Chapter 9 Katutuhanan

Percy's POV

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang matapos kong aminin kay Jean ang nararamdaman ko

Matapos n'on ay binalot na kami ng katahimikan at umuwi kami ng walang kibuan

Alam ko naman na hindi kami pwede sa isa't isa dahil tao siya alien ako at hinding hindi pwede magiging kami

Marami ang balakid sa amin pag mangyari iyun

Lalo na pag malaman ng aming pinuno ang mga kahibangan kong ginagawa dito at isa pa hindi dapat puso ang oinapauna dapat isip

Nagiging tao na rin ba ako?

Hindi ito pwede, pero bakit nasasaktan ako sa tuwing may nangyayaring masama kay Jean

At kanina grabe ang hinagpis sa aking puso, at alam kong siya lang ang makakagamot nito

Dahil siya ang naghanap at nagturo kung paano gamitin ang puso

Umuwi na ako sa condo na walang Jean ang humatid sa akin at hindi ako sanay doon

Pero ano ba ang magagawa ko doon kundi ang magtiis, mahal ko siya hindi bilang kaibigan, mahal ko siya dahil siya ang nagmamay ari ng puso ko

Natulog nalang ako ng matiwasay at pinili ko nalang na hindi kumain dahil hindi pa naman ako nagugutom

Jean's POV

Nang Makauwi ako ay nakonsensya ako dahil sa ginawa ko

Hindi ko dapat 'yun ginawa dahil alam ko sa sarili ko na nasaktan ko siya pero ano bang magagawa ko dahil hindi ko talaga siya kayang mahalin na higit pa sa pagkakaibigan

Nang binuksan ko ang pinto ay tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni mama na animoy nang aasar

Dumiretso na ako sa kwarto pero nang papasok na sana ako ay napansin kong nasa likod ko na pala si mama

"Oh may problema ba Jean, nag away ba kayo ni Percy?" pauna niya

Ah hindi po Ma wala lang talaga akong gana

"Hay nako anak kilala kita pag may problema ka dahil ganito palagi ang inaasta mo"

Ma paano kung sabihin ko sayo na umamin si Percy sa akin na may nararramdaman daw siya sa akin

"Anak kung ano ang laman dyan sa puso mo (sabay turo sa dibdib ko) ay dapat mong sundin yan, huwag na huwag mong kakalabanin ang puso mo dahil ikaw ang talo dito" sagot niya sabay yakap sa akin

Ma eh wala naman ako talagang nararamdaman kay Percy

"Wala ba talaga o kung tinatago mo lang dahil ayaw mong masaktan ulit"

Kilala nga talaga ako ni Mama

"Sige anak matulog kana at may gagawin tayo bukas" pagpapaalam niya sa akin

Hay nako ano ba naman itong nangyayari sa akin ba't ang raming problemang dumadating sa akin

Ba't ang ilap sa akin ng swerte

Pumunta ako sa bintana at umupo sa paborito kong salumpwet at pinanuod ang mga bituin

Ang ganda talaga ng kalawakan parang walang gulo dito, gusto ko talagang makalabas ng Earth at manirahan sa ibang planeta

Nako kung pwede lang talaga

Punumta na ako sa kama at natulog nalang kahit wala kaming pasok bukas, pero may pupuntahan daw kami ni Mama eh

***

Umaga na at bumaba na ako dahil pinapababa na ako ni Mama dahil kakain na daw kami

Kumain kami at nagkwentuhan ni Mama sa gagawin namin ngayon

Pupunta pala kami sa police station dahil nakita na raw ang nagtangkang pumatay sa akin at dahil yun sa tulong ng cctv ng coffee shop

Sumakay na ako ng sasakyan at papunta kami sa police station pero nang nadaanan namin condominium na tinitirahan ni Percy ay napalingon ako

At nagbabakasakaling makita siya pero bigo ako dahil wala siya sa laba ng condominium

Nakarating na kami sa police station at nang palasok na sana kami ay pinigilan kami ng polis dahil may nag wawala raw na mama doon

Sinilip ko ng bahagya ang mama, bakaitim ito na may mahabang biguti at may peklat sa mukha

Nang tiningnan niya ako sa mga mata ko ay bumaling nalang sa iba ang atensyon ko dahil nakakatakot ang mukha nito

Pinapasok na kami dahil nakulong na raw ang lalakeng iyun at nang pinaulo na kami sa isang salumpwet ay agad nilang kinuha ang lalakeng kanina pa nakaupo at tahimik na tahimik

"Ito po ba ma'am ang nagtangkang bumaril sayo?" Turo ng pulis sa lalake

Ah hindi ko po nakita kuya kung sino kasi sobrang bilis po ng mga pangyayari

"Siya lang po ang nakita sa cctv na huling may hawak ng baril at tinutok ito sa kung saan at iksakto rin po ito sa oras at araw ng muntik kang mapahamak"

"Ah sige po sir ikulong niyo na po ang hinayupak na 'yan" sigaw ni Mama

Pero nang dadalhin na sana siya sa selda ay may sinabi ito sa akin sa maliit na boses

"Hindi pa ito ang huli nating pagkikita eneng tandaan mo ito" sabay halakhak ng mahina

Natakot ako sa mga sinabi niya at agad akong pumunta kay Mama dahil aalis na raw kami

Nasa bahay kami ngayon at nakita kong papunta doon si Percy at nagulat ako nang tumingin ito sa akin

Lumabas si Mama sa kotse at tinanong si Percy

Sa pagkakarinig ko ay gusto raw ako makausap niya na agad rin naman akong lumabas at pinuntahan siya

Ano ang gusto mong sabihin Percy? Pauna ko

"Gusto ko lang magtanong kung totoo na ba talaga ang mga sinambit mo kahapon" sagot nito sa mahinhin na tono

Percy ikaw ang pinakamabait kong kaibigan at ayaw kitang saktan at paasahin

Kung sabihin ko ba sayong Oo ay maniniwala kana?

"Lumapit ka sa akin Jean at tumingin ka sa mga mata ko at sabihin na hindi mo ako gusto"

Tumingin ako sa mga mata niya at pinilit magpakatatag

Percy hindi ki.....

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang tumagaktak ang luha sa mga mata ko

Hindi ko kaya Percy, dahil mahal narin kita

Ngumisi ito at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi

"Hinding hindi ka magsisisi na mahalin ako Jean" lagpapatahan niya sa akin

Alam ko Percy pero ayaw kong magmahal ng lalake dahil ayaw ko nang masaktan muli

Ayaw kong mawala ka sa akin katulad ng pagkawala ni papa sa amin

Labis ang hinagpis ko ng mawala siya sa akin Percy at ayoko na pati ikaw ay mawala rin sa akin

"Alam mo Jean our planet is such a grain of sand in the beach, sobrang lawak ng daigdig at kung hindi tayo itinadhana sa isa't isa bakit pa tayo pinagtagpo"

Alam ko Percy alam ko pero.....

Hindi ko na matuloy ang sinasabi ko nang yakapin niya ako na nagpatahan sa tumatangis kong puso at mata

"Hinding hindi ako mawawala sayo Jean, at kung mawala man ako ay babakil at babalik pa rin ako sayo, dahil kung wala ka, wala akong puso, at ikaw lang ang buhay ko Jean"

Hinagkan ko siya sa pisngi dahil sa mga sinambit niya.