Jean's POV
Lumabas na ako dahil tapos na ang klase namin ngayong umaga dahil half day lang daw kami
Kase may meeting daw ang mga faculties
Kay paglabas na paglabas ko sa gate ay nakita ko na agad si Percy na nag aantay sa labas
Sobrang seryoso niya
Pumasok na ako at hindi ko lang siya kinikibo dahil iniisip ko ang mga sinabi ni Lucy sa akin kani-kanina lang
"Uy Jean okay ka lang ba, Ba't parang wala ka sa isip nagyon?" tanong niya sa nagtataka niyang wangis
Ah wala may iniisip lang ako
"Talaga ba Jean, pwede mo naman akong sabihan ng problema mo dahil tayo na naman" puna niya sa akin
Eh kasi...
"Eh kasi ano?"
Eh kasi nakita ko kanina ang babaeng umaway sa akin tapos may mga sinabi siya sa akin na hindi ko maintindihan
"Sino! Sino ang babaeng yan, isa ba siya sa dalawang babaeng nanghingi ng tawad sayo?"
Hindi Percy, hindi sila yun
Binalot kami ng katahimikan habang papunta sa bahay pero bakit hindi ito ang tinatahak namin
Percy saan tayo pupunta, hindi naman ito ang daan papunta sa bahay ah
"Mamamasyal tayo Jean, pupunta tayo sa isang festival doon malapit sa bayan"
Anooo! Teka lang hindi ako nakapag paalam kay Mama
"Wag kanang mabahala Jean ako na ang nagpaalam kay Mama na may oupuntahan tayo kaya baka gabihin ka ng uwi"
Sumang ayon napang ako dahil wala naman ako magagawa doon dahil siya naman ang masusunod
"Nandito na tayo Jean"
Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako sa daan, kaya agad kong inayos ang damit ko at lumabas na
Uy teka lang Percy samahan mo ako dahil magpapalit ako ng damit kasi naka uniporme pa ako
"Ah sige sige"
Mabilis akong nagpalit at pumunta na kami sa mga bilihan ng pagkain at bumili
Aaminin ko, nawala lahat ng problemang iniisip ko dahil masaya talaga dito
Last ko na punta dito ay noong kami pa ni Papa at masayang masaya kaming namamasyal dito
Pero nandito na naman ako kasama ang isang lalake na minamahal ko din
Sumakay kami ng Ferris wheel at masayang masaya ako dahil first time kong makasakay sa mga rides
Napaka rami talagang first time na nangyari sa buhay ko nagsimula nang makilala ko tong mokong na toh
Matapos kaming sumakay ng Ferris wheel ay sumunod naman ang Viking
At napaka weirdo talaga ng lalakeng ito dahil pinili namin na umupo sa dulo para daw mas masaya, pero habang nag nag sisway na ay wala man lang kaimoimosyon ang lumabas sa mukha niya, habang ang iba ay magkandaugaga na sa pagsigaw pero siya ay ni pagkurap man lang
Hay nako bilib lang talaga ako sa lalakeng ito, ewan ko lang talaga kung may kinatatakutan pa ito
Natapos na ang Viking at ang sinabi niya lang ay "Tapos na ba yun?"
Haros kumuyom ko na ang kamao ko dahil napikon ako sa kanya
Alam niya talaga ako kung paano pikonin, hay nako
"Saan tayo next Jean?" Pamimikon niya pa sa akin
Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad
"Uy saan ka pupunta, hintayin mo ako"
Sa kotse uuwi na tayo
"Ano! Huwag na muna, eh nag eenjoy pa ako eh"
Enjoy! Halos sigaw ko sa kanya
Eh wala man lang kaemoemosyon dyan sa mukha mo at sinasabi mo pang enjoy
"Oh sorry na, di na po mauulit" pag papaumanhin niya sabay pagpapa cute
Pero aaminin ko na epektibo yun
Pasalamat talaga siya at ang cute niya, nako kung hindi
Pinuntahan namin ang pinagtitipunan ng mga tao at nakita namin ang eating onion na contest
Hindi ko namalayan na wala na pala si Percy sa tabi ko at nang aalis na sana ako para hanapin siya nang marinig ko na inannounce ang kanyang pangalan bilang manlalaro
Bumagsak ang panga ko nang makompirma na siya talaga ang maglalaro
Nababaliw na ata tong lalakeng ito, seryoso siya?
Baka ikamatay niya yan kung makakain siya ng tatlongpo na sibuyas
Percy's POV
Nang napag alaman ko na may ganoon palang patimpalak dito ay pinuntahan ko ito dahil ang tinatawag nilang sibuyas ay parang kaparehas ng prutas sa amin
Medyo maliin lang ito pero parang ganoon din
Kaya pumunta agad ako sa intablado at sonabihan ang tagasalita na sasali ako
Nakita ko ang paglaglag ng panga ni Jean nang malaman na kasali ako dito
Gustong gusto ko talaga siya lag napipikon, ang ganda niya kasi ng sobra
Nagsimula na sila sa pagkain at ako ay sinubo ko na rin ang sibuyas, kaya lang parang nag iba ang ihip ng hangin ng malasahan ang sibuyas
Bakit ganito eh ang tamis tamis ng prutas na ito sa amin
Haros maiyak ako ay dumuwal na nang sinubo ko ang pangalawang sibuyas
Pero bago ko paman yun malunok ay nangangati ako at parang maykakaibang nanguayari sa katawan ko
Kaya tiningnan ko ang kamay ko at nakita na bumabalik ako sa tunay kong wangis
Bakit ako nagkakaganito, hindi ito maaari, hindi dapat ako makita ng mga tao kung ano talaga ako at lalong lalo na si Jean
Tumakbo ako papunta sa labas at alam kong pinagtitinginan ako ng mga tao
Pero bago paman ako nakalabas ay nakita ko si Jean na papunta sa akin
Kaya pinaalis ko siya at sinabihang mauna nalang munang umalis pero hindi niya talaga ako tinantanan kaya napilitan akong gamitin ang freezing technique ko
Mabuti nalang na umipekto ito bago pa magbago ng tuluyan ang katawan ko
Pero bakit ganito, bakit bumalik ako sa dati nang kainin ko yun, hindi ito maaari dahil parang matatagalan pa para makabalik ako sa dati
Pero hindi aabot ng isang oras ang pag epekto ng pagfreeze ko sa kanila
Kaya nakaisip ako ng paraan
Bago pa bumalik ang lahat sa dati ay umalis ako malayo kay Jean para hindi niya ako masundan
Pumunta ako sa isang bakanteng lote at doon nagpalipas ng bente minuto
Habang ako ay nakaupo ay bumabalik na ako sa dati
Pero bago pa ako makabalik sa pagiging tao ay narinig ko ang pagtakbo ng isang lalake
Natakot ako dahil baka nakita niya ako at makilala
Susundan ko na sana siya nang biglang may humawak sa braso ko at nakita ko si Jean
"Hoy Percy bakit bigla ka nalang umalis at hindi nagpaalam?" Sabi niya sa akin na nanggagalaiti sa galit
Ay sorry Jean may nangyari lang na masama
Tumawa ito ng malakas sa sinabi ko
Bakit may nakakatawa ba doon sa sinabi ko
"Hay nako Percy bakit ka kasi nagpadalos dalos sa pagkain non, ayan tuloy nasira ang tiyan mo" natatawa niyang sambit
Eh akala ko prutas yun eh, malay ko ba
"Aano! Hindi mo alam na hindi prutas ang sibuyas, normal ka ba talaga Percy o kung ano? Sa tingin mo sinong tao ang magaakala na prutas ang sibuyas"
Akala ko nga lang eh
Sige na Jean tara na baka may kung ano na namang mangyari sa akin dito na masama
Umalis na kami pero hindi pa rin maalis sa isip ko kung nakita ba talaga ng lalakeng iyun kung ano ako
Someone's POV
Tumakbo ako ng mabilis nang makita ako ng taong iyun o kung tao ba talaga yun o maligno na tumatakbo ako
Halos madapa na ako dahil sa takot ma maaabutan niya ako pero mabuti nalang na hindi
Pero ang lalakeng iyun ay parang pamilyar sa akin, pero hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita dahil hindi rin naman ako sigurado sa kanyang mukha dahil hindi pa ito buo
Nakakapagtaka kung bakit nagiba ang kanyang anyo
Pero mabuti lang din yun para may idea na ako kung ano ba talagang klase na tao yun.