Jean's POV
Maaga akong pumasok ngayon dahil may practice daw kami para sa grand ball mamaya sa university namin
Pero kahit wala naman talaga akong interes na pumunta mamaya pero pinilit ako ni Principal Pangilinan kahapon
Kasi para sumaya man lang daw ako
Grabe siya, masaya naman talaga ako sadyang meron lang talagang isang tao na nakatadhanang buysitin ang araw mo
Kaya ayun nang sinabi ko kay principal na hindi ako pupunta ay tinawagan niya agad si Mama
Minsan talaga may pagkamakulit tong principal namin at nakipagsabwatan pa kay Mama
Hay nako
"Jean! si Percy daw ang hahatid sayo ngayon" pasigaw na banggit ni Mama
na agad kong sinang ayunan
Paglabas ko ay nakita ko kaagad si Percy na nakangiti sa akin
"Uy Jean ba't ang aga mo yata ngayon" pang aasar niya sa akin
Ah may practice kami ngayon dahil grand ball namin mamaya, kaya may practice kami ngayon
"Ggrand ball, ano yun?"
Seryoso ka Percy hindi mo alam yun?
"Hhindi"
Ang grandball ay yung parang pagtitipon naming lahat ng studyante ng university na nakasuot ng mga magagarang damit at may sayawan doon
"Ah ganoon ba"
Bakit Percy hindi ka pa ba nakakaranas ng kahit JS Prom man lang?
"Hindi pa eh"
Haynako ang weird talaga ng lalakeng ito, ewan ko lang talaga ba't ko siya nagustuhan
Nasa gymnasium na ako dahil doon daw kami magpapractice
Pagbukas ko ng pinto ay agad bumungad sa akin ang napakaraming studyante na nag uusap
Pero pagpasok ko ay agad binaling ng iba ang tingin nilansa akin at agad namang nawala nang tinawag ako ni Reuel
"Jean! Ba't ngayon kalang? Kanina pa kita hinihintay"
Ang aga na nga nito para sa akin, pabalang bakang kong sagot sa kanya
"Sige umupo ka na dahil magsstart na tayo" mabilis na sagot ni Percy na agad namang nawala dahil marami pa siyang inaasikaso
Ang hirap talaga na maging SSG President, ewan ko lang kung nakakatulog paba siya sa gabi
Pero infairness sa kanya, kahit stress na siya ay ang fresh pa rin ng mukha niya
Tatayo na sana ako para lumabas nang agad tinawag na kaming lahat papuntang gitna para magstart na daw
"Okay guys bago tayo magsimulang mag practice ay humanap muna kayo ng magiging partner niyo mamaya" pag uumpisa ni Miss Principal
Ba't pa may ganon ganong, napaka oa naman ng skwelahan na toh
"Jean!" Panggugulat ni Reuel sa akin
Ano?
"Partner tayo mamaya ha"
Ah sige, wala naman akong magagawa doon eh
Nag practice kami kung paano mag lakad papunta sa stage at nag practice kami kung paano kumain ng formal at pagkatapos non ay tumulong nalang din kami sa pag design
"Well well well, look who's here"
Nabaling sa isang babae ang atensyon ko
Ano na naman toh Lucy, lumbayan mo na ako, ayaw ko ng gulo okay
"Oh im not looking for a fight, gusto lang naman kitang kumustahin" pagmamabait niya
Hay nako nangangamoy plastic, pabulong kong sagot
"May sinasabi ka Jean?"
Ah wala naman sabi ko mabuti kung ganoon
Umirap siya sa akin bago naglakad papalayo
Tapos na kaming mag practice at umuwi na ako dahil magbibihis pa ako
"Jean meron palang pinadala na susuotin mo daw mamaya" pangunguna ni mama
Ha! Ba't naman ako pinadalhan ni Miss Pangilinan ng damit?
"Ewan ko, basta sabi niya ay yan daw ang suotin mo mamaya"
Tiningnan ko ang isang napakagarang dress
Ang mahal mahal nito, ba't pa niya inaksaya ang pera niya para dito
Isa itong magarang dress na kulay lila na may mga brillanteng maliliit na kulay kahel
Para itong apoy na desenyo na kumikislap pag iniilawan, napaka ganda
Naligo ako tapos nagpamake over tapos agad na nag bihis dahil malelate na ako
Baka panghuhugas nalang ang pupuntahan ko doon
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Reuel na naka amerikano na suot, pero aaminin ko na ang gwapo niya ngayon
Teka ba't ko ba toh pinagsasasabi, Jean may nobyo ka na
Nabaling ang atensyon niya sa akin nang pumunta ako sa kanya
"Jean, ikaw ba talaga yan napaka ganda mo, bagay sayo ang kulay lila mong dress" sambit niya na halatang
namangha sa akin
Kahit ako din naman eh, di ko inakala na ako ito dahil hindi ako komportable sa suot ko
Ba't ka pala naparito?
"Eh kasi gusto kong ako ang kumuha sayo" naiilang niyang sagot
Nako nag abala ka pa
Sige na Jean pumasok ka na dahil baka mahuli na tayo
Pumasok ako sa kanyang kotse at agad umupo dahil nabibigatan ako sa suot ko
"Alam mo Jean, mas lalo kang gumaganda kapag naaayusan ka"
Salamat ha, kahit ako hindi malapaniwala na makakasuot ako ng ganito
Nasa gymnasium na kami at napaka ingay ng speaker dito,
Yung tipo ba na haros na vibrate na ang katawan mo
Pag lakad namin ni Reuel sa red carpet ay nabaling sa amin ang tingin ng mga tao
"Ang ganda pala ni Jean noh"
"Uy si Jean ba yan, ba't parang mukhang tao yan ngayon"
"Hay nako maganda lang naman yan ngayon dahil naka make up"
"Nakakamangha siya"
Yan ang mga naririnig ko habang naglalakad kami
At halos mangatog ang tuhod ko nang marinig ko ang mga 'yun
Pakialam ba nila kung nag ayos ako ngayon, inggit lang sila
Nag start na kaming kumain at nasa tabi ko si Reuel bilang ka partner ko, kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya
Pagtingin ko sa kanya ay napansin kong nakatingin din siya sa akin na agad umiwas nang titigan ko siya
May problema ba Reuel? Tanong ko
"Ah wala naman Jean, hindi ko lang maiwasang mapatingin sayo dahil ang ganda mo talaga ngayon"
Kumain ka na nga Reuel, gutom lang yan, pang aasar kong sagot
Pero aaminin ko na kinilig ako doon dahil alam niyo naman na ex crush ko si Reuel
At sa tuwing nagsasama kami ay hindi ko maintindihan ang imosyon ko
Natapos na akong kumain nang biglang kinuha ni Reuel ang braso ko at pinapunta sa dance floor
Dahil sasayaw na daw kami
Nagsayaw kami ng nagsayaw at hindi ko maiwasang mapahinto dahil parang hindi ako masaya sa ginagawa ko dahil alam ko sa sarili ko na hindi na siya
Hindi ako dapat nakipag sayaw kay Reuel kahit na kailangan dahil para din naman ito sa Unibirsidad na ito pero bakit ganoon
Sa tuwing sumasayaw kami ay naaalala ko si Percy,
Naiimagine ko na siya ang kasama ko at hindi si Reuel
"May problema ba Jean?"
Wala naman Reuel, may iniisip lang
Siguro mas mabuti na umupo lang muna ako ha kasi wala akong ganang sumayaw
Umupo ako at uminom ng isang basong wine
Pero napansin kong nawala si Reuel at wala din siya sa loob ng gymnasium,
Saan na kaya ang lalakeng iyun?
Tumayo ako upang mag tanong tanong kung nakita ba nila si Reuel pero hindi raw eh
Napagpasyahan kong lumabas lang muna para magpahangin
Nakatingin ako ngayon sa napakapayapa na kalangitan habang pinapakiramdaman ang malamig na simoy ng hangin
Nagulat ako nang biglang may humintong sasakyan sa harap ko
"Jean tara na, uwi na tayo"
Ha pero.....
"'wag ka nang maraming tanong basta tara na"
Sumang ayon lang din ako kay Percy dahil hindi din naman ako mag eenjoy sa loob
"So Jean hindi mo man lang sinabi sa akin na may naghatid pala sa na iba" nababagot niyang sabi
Eh kasi hindi ko rin alam na susunduin niya ako, kaya sumama nalang din ako
"Pero pano kung napaha....."
Hindi na niya natuloy ang kanyang sinasabi nang huminto siya
Bakit Percy may problema ba
Lumabas kami at nasa tapat kami ng isang hotel nang biglang
BOOOOGSH!
Halos himatayin ako sa nakita kong bumagsak sa harap namin kasabay ng isang putok
Nanghina ang katawan ko nang mapatunayan na isang lalakeng bangkay ang nasa harap namin
Pinagtipunan ito ng mga tao, pero bago paman ito mapalibutan ng mga tao nang mapagtanto ko na ang lalakeng namatay pala ay ang lalakeng nag tangkang bumaril sa akin
Noong gabing nasa coffee shop ako, pero bakit siya nakalaya, diba nakulong siya
Bakit? Papaano?
Niyakap ko si Percy na wala man lang kaemoemosyon sa mukha
"Tara na Jean umuwi na tayo"
Nasa bahay na kami at uminom muna ako ng tubig bago umakyat sa rooftop para magpahangin kasama si Percy
Bumungad sa amin ang napakaraming alitaptap
Alam mo ba Percy na siya ang lalakeng nagtangka ng buhay ko sa coffee shop
"Oo Jean alam ko pero huwag mo na yung isipin dahil ayaw kitang mag alala" pagpapatahan niya sa akin
"Bakit ka ba hindi nag text sa akin nang nahatid kita kanina para masiguro na ligtas ka doon,
nag alala tuloy ako sayo?"
Eh kasi baka busy ka kaya hindi nalang kita tinawagan
"Pero kahit na baka kung ano lang ang mangyari sayo, katulad lang nung kanina"
Sige na panalo ka na, sorry na, bati na tayo ha
Ngumiti lang ito sa akin
"Eh kasi baka ka kasi makakita ng ibang lalake doon at ipagpalit mo ako" paglalambing na tono niyang sinabi yun sa akin
Hay nako Percy alam mo namang hinding hindi mangyayari yun, hinding hindi kita ipagpapalit sa kahit na sino
"Tumitingin ka pa ba sa ibang lalake Jean?"
Nagulat ako sa tanong niya
Oo Percy tumitingin pa rin ako sa ibang lalake
Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata nang marinig iyun
Yes i still look at other boys, but i dont look at them in the same way i look at you...