Percy's POV
Late na akong nagising dahil marami akong iniisip kagabi at nagmadali na akong lumabas sa condo dahil ihahatid ko pa si Jean
Pagdating ko sa kanila ay nakita ko na agad ang nakasimangot na si Jean
At alam ko kung bakit, dahil matagal siyang naghintay
Jean sorry nalate ako dahil ngayon lang ako nagising, pauna ko sa kanya
"Okay lang ano ka ba, para ka namang tanga" pagtatahan niya sa akin
Tara na Jean baka malate ka pa
Habang kami ay nagbabyahe ay napatanong ako sa kanya
Jean naniniwala ka ba sa alien?
"Huh ano bang klaseng tanong yan Percy, para kang baliw" pang aasar niya
Humikbi nalang ako dahil parang hindi siya naniniwala
"Seryoso ka ba Percy?"
Oo nga seryoso ako Jean, so ano naniniwala ka ba sa alien?
"Syempre...."
Naniniwala ka Jean? pasigaw ko na tanong sa kanya
"Syempre hindi, sinong matinong tao ang maniniwala sa alien"
Ah okay so hindi ka nga naniniwala
"Bakit ka ba napatanong, bakit naniniwala ka ba sa mga alien o kahit na anong elemento?"
Hindi ah, sabi mo nga sinong matinong tao ang maniniwala doon
Hindi ko na namalayan na nasa paaralan na pala kami ni Jean
Mag-iingat ka Jean ha
"Okay po" pagpapaalam niya sabay halik sa pisngi ko
Jean's POV
Ano ba namang klaseng tanong yun
Ba't naman niya natanong kung totoo ba ang mga alien, eh napatunayan na naman ng siyensya na hindi totoo ang mga nilalang sa labas ng kalawakan
Hay nako talaga tong si Percy, hindi lang siguro siya weirdo baka may amats na rin yun
Pero bakit nga ba niya natanong yun, hay baliwala na nga
Umupo ako sa salumpwet ko at nagbasa nalang dahil wala pa naman ang professor at ibang kaklase namin
Habang nagbabasa ako ay nakita ko ang dalawang kataga na kumuha ng atensyon ko
Ito ang Lucid Dreaming,
At ang sabi dito
Lucid dreaming happens when you're aware that you're dreaming.
You're able to recognize your thoughts and emotions as the dream happens.
Sometimes, you can control the lucid dreams. You may be able to change the people, environment, or storyline. This type of dream of control could potentially reduce nightmares and anxiety.
Nakakamangha naman, alam kong nangyari na ito sa akin, at gusto kong mangyari ulit ito pero gusto ko kasama ko si Percy
"Let's start the class"
Simara ko na ang libro ko nang marinig iyun, pero bakit wala pa rin si Reuel
Siguro late na naman yun
Natapos na ang first subject namin at pupunta ako ngayon sa canteen upang bumili ng pagkain
Marami akong nadaanan na mga studyante at halos iluwal na nila ang kanilang mata sa katititig sa akin
Ano ba ang problema ng mga dalahirang toh sa akin
Kung makatingin sila parang may pinatay ako sa pamilya nila
Bumili ako ng onion rings at dried manggo, pero nilagay ko lang muna sa bulsa ko ang onion rings dahil mamaya ko pa ito kakainin
Nagmadali akong naglakad papunta sa next subject namin dahil nagring na ang buzzer para sa next period
Pagpasok ko ay ako na naman ang late, hay nako pinay nga naman talaga ako, palaging late
Pano kasi wala akong wrist watch dahil nasira ko yung bigay na relo sa akin ni papa at hindi ko na pinapabili si mama dahil di ko lang rin naman yun magagamit dahil palagi naman akong late
Pero laking pagtataka ko nang wala pa rin si Reuel, ano na naman laya ang ginagawa ng lalakeng yun
Kung hindi late, absent
Nagtataka tuloy ako, bakit siya ang presidente ng unibirsidad na ito, ni hindi man lang mapagalitan ang lalakeng iyun
Hay nako
Hindi na ako nakinig sa klase dahil wala akong gana sa subject na ito, at alam kong hindi lang ako, pati ang mga kaklase ko
Halos matulog na nga sila dahil wala naman silang interes dito lalo na't matanda ang professor namin
Uuga-uga na
---
Hay sa wakas natapos na rin ang klase ngayong umaga at makakauwi na rin ako sa bahay
Pahdating ko talaga ay magnanap ako dahil naaantok ako
Kinuha ko na ang onion ring sa bulsa ko at kinain dahil nakita ko na rin si Percy na papunta sa direksyon ko
Nang isusubo ko na sana ang pang limang onion rings ay bigla nalang bumigat ang talukap ko at nanghina ang mga tuhod ko
Bakit ganoon kumain naman ako kanina ng almusal ah, ba't nahihilo ako
Nangbabagsak na sana ako ay mabuti nalang na nasalo ako ni Percy
"Jean anong nangyayari, bakit ka nagkakaganito?"
Yun ang huli kong narinig at bigla nalang nagblack out na ang lahat sabay pagkawala ng malay ko
Percy's POV
Nagdadrive ako papunta kay Jean dahil nakita ko siyang naghihintay sa akin na kumakain
Paghinto ko sa harap niya ay nagulat ako nang bigla nalang nag iba ang kulay ng balat niya
Parang namutla siya at parang naging lila ang ibang bahagi nito
Babagsak na sana siya, pero mabuti nalang na nagamit ko ang freezing technique ko at nasalo ko siya
Napakalamig niya, bigla nalang may umilaw sa bandang dibdib niya na agad din namang nawala
Jean anong nangyayari sayo, ba't ka nagkakaganito?
Pero hindi na niya iyun narinig dahil nawalan na siya ng malay
Pinasok ko siya sa sasakyan at nagmadaling pumunta ng ospital
Pagdating namin doon ay mabilis siyang kinuha ng mga nakaputing lalake at binuhat papunta sa isang higaang maygulong
Tinawagan ko si tita Mabhele at sinabi kung anong nangyari kay Jean
At halata ang panginginig sa boses niya nang malaman iyun
Hindi nagtagal ay dumating na agad ang ina ni Jean at nagmadaling pumunta sa akin at pinaulanan ako ng sangkatirbang tanong
Hindi ko pa po alam Tita kung ano ang nangyari kay Jean dahil bigla nalang din siyang nahimatay
Pinatahan ko siya at pinaupo dahil wala rin namang magagawa ang pag iyak niya
Di kalaunan ay lumabas na ang manggagamot na nakaputi din at tinanong ni Tita Mabhele kung ano na ang kalagayan ni Jean
At ang sabi niya ay may nakain si daw si Jean na bawal sa kanya kay nagreact ang katawan niya, na dahilan upang mawalan siya ng malay
Pero sa ngayon si Jean lang ang makakasagot kung ano ang kanyang kinain kanina
Gumising kana Jean please
Niyakap ko siya at pinaramdam ko sa kanya ang pagmamahal ko sa pamamagitan ng pagdaloy ng kapangyarihan ko sa buong katawan niya
Para kumalma siya magising na
Hinding hindi ako papayag na mawala ka sa akin, kahit anong batas ay aking susuwayin mapasaakin ka lang
Kung mahal mo ko Jean, 'wag kang bibitaw, gumising ka na please
Pagtayo ko ay bigla nalang nagpumiglas ang katawan ni Jean na para bang nakukuryente siya ng malakas
Sumigaw ang mama niya at pinuntahan ang mga manggagamot at hindi ko magawang makatingin sa kanya dahil naaawa ako
Bakit ka ba nagkakaganito Jean, ano ba yang nakain mo para umabot ka sa ganitong punto
Gagawin ko ang lahat Jean mabuhay ka lang, please