Chereads / Semi Permanent / Chapter 16 - Chapter 14 Nibiru

Chapter 16 - Chapter 14 Nibiru

Percy's POV

Nanlambot ako nang inaalala ang mga nangyari sa amin ni Jean kagabi

Halos hindi na nga ako makatulog nang inaalala ko ang mga binanggit niya

Pero hindi ko pa rin maiwasang isipin na hindi tama ang ginagawa ko, tao siya alien ako, at kapag nahanap ko na ang armilla ko ay kinakailangan ko ng lumisan

Hinding hindi ko gusto mawala sa piling ni Jean lalo na ngayon na napamahal na ako sa kanya

Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit pero magaan talaga ang loob sa kanya

Pero sa tuwing inaalala ko na nasa kanyang katawan ang armilla ko minsan napapa isip ako na baka dahil dito kaya ganito ang nangyayari sa akin sa tuwing nandito sa tabi ko si Jean

Dahil may kanya kanyang armilla ang bawat nilalang sa nibiru at kung ito ay mawala sayo ay hindi ka makakahinga at hindi ka mabubuhay doon

At natatakot ako na kapag mangyari na ang pagsalakay namin dito ay pati si Jean ay mawala na sa akin

Na siyang hinding hindi ko matatanggap, hindi ko kayang mawala si Jean sa mga sandaling sasalakay na sila dito

Hindi ko lubos maisip kung bakit pa kailangan nilang patayin ang mga tao para mabuhay sila

Dahil naniniwala kami na darating ang panahon na ang mundong ito at ang nibiru cataclysm na aming planeta ay maghaharap at babangga ang aming planeta dito

Isa lang sa dalawang planeta ang makakaligtas kay sinisiguro namin na ang nibiru iyun

Kaya uunahan na nilang wasakin ang planeta ng mga tao bago pa dumating ang takdang panahon na naka sulat sa Mayan Calendar

May isang Connie form ang nakita ng mga kapwa kong alien na may isang planeta raw ang mababangga sa isang planeta

At paniwala nila na ang nakasulat doon ay ang planetang nibiru na hindi na raw ito matagal na mangyayari, ayon sa mayan calendar

Kaya ako ay pinadala nila dito ilang siglu na ang nakalipas upang magmanman at magbigay babala sa mga tao

Pero mas pinili nilang tawanan ako kaya naging ganito katagal ang pagsalakay namin

Kahit ako ay natatakot na dumating ang pangyayaring iyun lalo rin akong natatakot para kay Jean dahil kung dumating na ang panahon na iyun ay alam kong hindi ko mapipihilan ang sarili ko kapag nakitang masaktan si Jean ng kapwa ko

Ano pa ang silbi ng pagliligtas ko sa kanya kung mamamatay lang din naman siya dahil rin sa akin

Lumabas ako ng condo at nagtanong sa mga naglilinis kung paano ba mawala ang problema sa isipan

At isa sa mga sinabi nila ay alalahanin ang mga masasayang alaala at yun ang isipin

Jean's POV

Matapos ang pangyayaring iyun ay umuwi na si Percy dahil des oras na ng gabi

At baka maano pa siya sa daan, lalo na't maraming mga hindi magandang pangyayari sa buwan na ito

Ewan ko ba kung bakit pero parang nefefeel ko na may nagbabadyang masama na paparating pero hindi ko alam kung ano ito

Medyo natatawa lang ako dahil may pagkaseloso pala itong si Percy

At ang cute niya pag nagseselos siya, lalo na ang nguso niyang nakasimangot at ang kilay niyang nakaharap sa isa't isa

Papasok na ako Ma! sigaw ko nang palabas na ako sa bahay

Nakita ko si Percy na nakakibit balikat lang at para bang may iniisip at napapangiti siya ng bahagya

Ang weirdo talaga ng lalaking 'to

"Uy Jean andyan ka na pala, kanina ka pa?"

Ah hindi naman kakarating ko lang, tara na

Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan niya at pinapasok ako sa loob

Tahimik lang kaming nagbabyahe na nagpataka sa akin kung bakit, dahil hindi ako sanay na tahimik lang siya at hindi tanong ng tanong

Ano kaya ang iniisip niya, ba't siya nagkakaganito at parang nabibingi ako sa katahimikan

Dumating kami sa University ng hindi nag uusap

Nag usap lang kami nang magpaalam na ako sa kanya na agad niya namang sinang ayunan

Hindi ko maintindihan kung ba't siya nagkakaganon o sadyang weird lang talaga siya

Pagtapak na pagtapak ko sa luob ng campus ay si Reuel agad ang bumungad sa akin

"Jean ba't nawala ka nalang bigla kagabi ng hindi nagpapaalam sa akin, nag alala tuloy ako sayo" pangunguna niya na nakataas ang dalawang kilay

Ah sorry Reuel ha dahil biglaan lang kasi ang pagkuha sa akin ng jowa ko at hindi na ako nakapag paalam sayo

"Okay lang pero bumawi ka sa akin"

Huh anong bawi, para namang grabe ang kasalanan ko sayo ah, eh tapos na naman tayo sumayaw

"Kahit na, hindi ka kasi nagpaalam sa akin at pinag alala mo ako"

Kung makaano naman toh dinaig pa ang jowa, pasikreto kong sagot

Oh sige sige, ano bang gusto mo?

"ilibre mo ako mamaya"

Hay nako yun lang pala, sige mamaya pag break time na

Tumango siya at pumunta na kami sa klase, at for the first time hindi kaming dalawa ang late

Umupo kami at nag antay ng iba naming kaklase

Nang makaupo na ako ay may narinig akong bumulong sa bandang likod ko, kaya binaling ko dito ang pansin ko

At nakita si Reuel na nang iinis at sinasabi na "Jean mamaya ha"

Ang kulit ng lalaking ito, sinabi na ngang oo ayaw pa rin tumigil sa pangdidistorbo

Dumating na ang professor namin at nagstart na sa pagtuturo

Pero hindi ko pa rin magawang alisin sa isip ko kung bakit naging ganoon si Percy kanina

Oo weirdo siya pero mas lumala kanina dahil hindi man lang niya nagawang balingan ako ng tingin na para bang wala ako sa tani niya

Pero baka may problema lang siya sa pamilya, pero sabi niya wala na siyang pamilya

Kung hindi pamilya eh ano naman ang iba niyang poproblemahin pero kanina ay ngumingiti siya so baka wala siyang problema

Eh hay nako ba't ba ako nag iisip ng ganoon, dapat ay nakikinig nalang ako

Natapos na ang first two subjects namin at breaktime na, at tulad nga ng napagsunduan namin ni Reuel ay papunta na kami ngayon sa canteen at bumili ng pagkain

Nang makarating kami sa canteen ay pinagtinginan kami ng mga studyante doon at pinagchichismisan

Pipila na sana ako nang binangga ako ng isang babae na matagal ko ng pinagkukuluan ng dugo ko

"Oh hey Jean, nice to see you again"

You know Lucy, you don't have to act like were friends

Umalis nalang siya at inirapan ako

Nakakapangigil talaga ang babaeng iyun, parang gusto ko pa ng second round ng away namin

Nako lang talaga!