Chereads / Semi Permanent / Chapter 13 - Chapter 11 Surprised

Chapter 13 - Chapter 11 Surprised

Percy's POV

Ngayon ang unang araw na kami na ni Jean at maaga ako nagising dahil ako ang maghahatid kay Jean ngayon

Mabuti nalang talaga na may mga naging kaibigan ako doon sa pag music lesson ko at natulungan nila ako

At malaki rin ang tulong ng pagiging alien ko dahil mabilis akong natuto sa mga tinuro sa akin

Habang ako ay kumakain ay inaalala ko ang nangyari kahapon, masaya talaga ako ngayon dahil kay Jean

Flashback

M

atapos ako sinagot ni Jean ay niyaya ko siyang kumain sa labas pero agad namang tumutol ang kanyang ina

Dahil kakagising lang daw ni Jean dahil nahimatay daw siya kahapon sa police station

Nag alala ako at agad namang nirespeto ang sinabi ng kanyang ina dahil para kay Jean rin naman yun

Kaya doon nalang kami sa kanilang bahay kumain at nag order nalang kami ng pagkain

Bago paman dumating ang inorder naming pagkain ay pinagpahinga ko lang muna si Jean dahil alam kong nanghihina siya

Pero ba't ganon, ba't hindi ko siya mascan?

Sige Jean magpahinga ka lang muna mahal ko at alam kong nanghihina ka pa, paguumpisa ko

"Sige lang magiging okay din ako basta nandito ka" mahina niyang sagot at agad namang sumandal sa braso ko

Dumating na ang aming pagkain at agad kaming pumunta ng mesa para kumain

"So Percy nasaan ang pamilya mo ba't di mo pa pinapakilala?" nagtatakang tanong ng mama ni Jean

Ah wala na po sila Tita, patay na po sila

"Oh i'm sorry to hear that"

Ok lang po matagal ko na pong tanggap

"Dahil tayo ngayon Percy may itatanong sana ako sayo" pagputol ni Jean sa amin ni Tita Mabhele

Ah ano naman yun Jean?

"Ano ang totoo mong pangalan Percy?"

Ah eh kasi,

Bago paman ako makasagot ay napalingon ako sa TV at nakita ang pangalan doon

Ako si Persephone Miguel Cruz pero mas okay naman sa aking tawagin akong Percy

"Ah okay, grabe ka ha kung hindi ko pa tinanong sayo ay hindi mo sasabihin"

Nagpatuloy kaming kumain at masayang nagkwentuhan sa mga nakaraan ni Jean

End of Flashback

Lumabas na ako at kinuha ang bago kong biling sasakyan

Noong isang araw ko lang din ito binili dahil nakita ko na nobenta porsyento ng tao dito ay may sasakyan at mamaya pa ako kukuha ng lisensya dahil yun ang sabi sa akin ng binilihan ko

Nasa tapat na ako ng bahay ni Jean at pumunta ako sa pinto sabay katok

Bumungad sa akin ang pinaka magandang babae sa buong kalawakan

Si Jean

Tara na Jean sumakay ka na

Agad siya sumakay sa likod ko na agad kong pinatayo at pinaupo sa tabi ko

Simula sa araw na ito Jean ay dito la na uupo at lahat ng sakin ay sayo na rin

"Ah ganon ba, salamat ha" nagaalinlangan niyang sagot sabay pamumula ng pisngi

Sabihin mo lang sa akin Jean kapag may manakit sayo ha at agad akong pupunta dito

"Hinding hindi na yun mangyayari mahal ko dahil alam kong ligtas ako sa piling mo" sabay halik sa pisngi ko at bumaba

"Mauna na ako Percy ha baka malate na ako" dugtong nito

Jean's POV

Nang makababa ako ng kotse niya ay halos matunaw ako dahil doon

Hindi ko inakala na mayroon pala siyang kotse at lalo akong kinilig ng sambitin niya ang mga katagang

"Lahat ng sakin ay sayo"

Omaygash ba't ba ako nagkakaganito at hindi pa ako nakakaranas ng ganito

Pagpasok ko sa gate ay bumungad sa akin si Reuel na nakangiti

"Sino yun Jean, kuya mo?" panimula nito

Ah hindi, boyfriend ko yun, sagot ko sabay iwas ng kanyang tingin

"Ah anooo, may jowa ka Jean, kelan pa?" tanong niya sa pasigaw na pamamaraan

Ah basta wala kana doon Reuel

Nagmadali ako sa paglakad dahil iniiwasan ko ang mga tanong niya dahil nakakapikon narin

"Jean! Teka lang hintayin mo ako"

Pumasok na kaminsa klase namin at asusual ay kami na naman dalawa ang late

Oh Mr. Francisco and Ms. Dela Vega your late again, sabi ng professor namin sabay taas ng kanyang kilay

I'm very sorry ma'am

Agad kaming umupo sa aming upuan at nakinig nalang ako sa kanya kahit wala naman talaga ako interes sa subject na ito

Dahil alam ko na din naman ito eh

Nag surprise quiz siya sa amin na ikinangiwi ng pisngi ng mga kaklase ko dahil alam kong hindi sila nag aral

Mabuti nalang talaga na nag advanced study ako kaya kahit hindi ako makinig sa kanya ay napag aralan ko na yun

___

Natapos kaming mag checking ng mga papel namin at agad kinuha ni maam lahat ng ito at binasa ang mga score

Marami ang nag reklamo sa kanya dahil nahihiya sila, at pati rin naman ako dahil baka maliit ang score ko dahil marami akong nakalimutan na sagot

Pero wala kaming magagawa doon dahil siya rin naman ang masusunod

Miss Pontajes you've got 9/30

Mr. Ramirez you've got 13/30

___

Kinakabahan ako sa score ko

Mr. Francisco you've got 28/30

Wow 28 si Reuel, ang talino niya talaga

And Miss Dela Vega....

Oh wow you impressed me 'cause you've got a perfect score

Nalaglag ang panga ko ng marinig ko ang mga sinabi niya

Pinagtinginan ako ng mga kaklase ko nang marinig nila yun,

Alam ko rin naman kung bakit nila ako pinagtinginan dahil pati rin naman ako ay nagulat rin sa score ko

Lumabas na ang professor namin at agad akong pinuntahan ni Reuel

"Wow Jean galing mo naman" pang aasar niya sa akin

Tumigil ka Reuel baka masapak kita

"Suplada naman nito"

Kinuha ko ang cellphone sa bag at nakita na nag text si Percy

"Have a great day mahal ko"

Hay nako ewan ko ba pero sa tuwing niririnig ko yun ay parang gusto na aking kunin ng kalawakan at dalihin sa kung saan

Agad ko siyang nireplayan at ibinalik ang cellphone sa bag dahil pumasok na ang mga kaklase ko at alam ko na papunta na ang professor namin para sa susunod na suject

Pero lumabas muna ako dahil naiiihi na ako

Nagmadali akong pumunta sa cr pero bago pa ako makapasok cr ay bumungad sa akin ang nakakibit balikat na si Lucy

Iniwasan ko lang siya pero hinila niya ang braso ko at hinigpitan ang kapit dito na dahilan upang masaktan ako

Ano ba Lucy tantanan mo nga ako pwede ba!

"Oh Jean matapang ka pala, you've surprised me" agad niya akong binitawan at humalakhak ng patago

"We'll see about that" dugtong nito sabay alis sa cr