Percy's POV
Matapos ang ara na 'yun ay kumain kami sa kanila, nagkwentuhan at masaya akong umuwi sa condo ko
Pagdatin ko dun ay kinuha ko ang cellphone ko at saka naghanap doon kung paano manligaw ang mga tao
Desidido na ako kay Jean at kahit ano pang batas ay kaya kong suwayin mapa sakin lang siya
Alam kong itinadhana akong pumunta dito para makilala ang taong nagpabago sa akin
Ang nagturing sa akin na hindi lang ang utak ang palaging pinapairal, dapat pati ang puso
Nakita ko kung paano manligaw ang isang tao, 'yun ay sa pamamagitan ng pagkanta sa tapat ng kanilang bahay
At nagdadala ng mga bulaklak at sabay tugtog sa isang instrumento, pero saan ako makakahanap ng ganitong kagamitan
Ni hindi ko alam kung paano ito gamitin
Lumabas ako at tinanong ang mga naglilinis kung paano ba ang mangharana at saan ako makakabili ng mga kagamitan
Tinuro nila sa akin na mayroon daw guitara sa mall at may nagtuturo din doon kung maano ito gamitin
Pumunta ako sa mall at naghanap ng guitara at hindi nga sila nagkakamali, mayroon ngang ganito sa mall pero saan naman ang nagtuturo
Lumingon lingon ako at 'yun nahagilap ng mga mata ko ang nakasulat na "Roon for Guitar Lesson"
Pumunta ako doon at nagpaturo
Jean's POV
Hay nako hindi ko alam kung ano ang gagawin, bakit ko yun sinabi sa kanya
Sana nalang talaga hindi ko 'yun sinabi dahil ayaw kong mawala siya sa akin
Dahil lahat ng lalakeng minamahal ko ay nawawala
Pero bakit sinasabi nila na masarap daw ang magmahal pero sa sitwasyon ko parang ayaw kong magmahal dahil alam kong masasaktan din ako sa huli
Pero hindi eh, hinding hindi natuturuan ang pag ibig, at kung kakalabanin ko ito ay alam kong ako ang talo
Nakatunganga pang ako sa higaan nang biglang bumukas ang pinto at nakita ko si mama
Ano po yun ma? panguna ko
"Anak alam kong naguguluhan ka sa ngayon, pero 'wag mong lolokohin ang sarili mo, dahil alam niya kung ano talaga ang nararamdaman mo" sagot niya
"Hindi dapat sa lahat ng oras ay maging pihikan ka sa lalake, dahil hindi sa lahat ng oras ay naririto ako, dadating ang panahon na mawawala ako at ang magiging pamilya mo lang ang masasandalan mo sa oras ng kahirapan" dugtong la niya
Hindi naman po ako pihikan Ma ayaw ko lang talaga na dumating ang panahon na pagmahalin ko na siya ng lubusan ay bigla nalang sila mawala
Ayaw kong masaktan muli sa lalake dahil hindi ko na kakayanin Ma pag may mawala pa sa buhay ko lalo na ikaw
"Wala kang magagawa Jean kung utos na ito ng tadhanang mawala sila"
"Sige anak matulog ka na"
Sige po Ma, i love you
***
Umaga na at magsisimba kami ni Mama ngayon dahil linggo ngayon
Naligo ako at nagbihis dahil hindi kami kumakain ng kanin kapag nagsisimba dahil naging tradisyon na namin 'yun
Papunta na kami ngayon sa simbahan at napaka aliwalas ng gising ko na animoy wala akong iniisip na problema ngayon
Dumaan kami sa condominium ni Percy at hindi ko maiwasang mapatingin ako doon pero wala akong Percy na nakita
Kaya binaling ko nalang sa iba ang atensyon ko
Nang makarating kami sa simbahan ay agad kaming umupo ni Mama at lumuhod at nagdasal
Panginoon ko sana'y patnubayan mo ako sa lahat ng mga desisyong gagawin ko at sana'y gabayan mo kami ni Mama palagi at pati narin ang lalakeng tinitibok ng puso ko at maraming salamat po sa lahat ng biyaya na iyung ibinigay sa amin, yun lang po Amen
Matapos akong magdasal ay kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang isang text mula kay Percy
"Good morning Jean" sabay may emoji na puso
Hindi ko na siya nereplayan dahil dumating na ang pari at nagsimula na siyang mag salita
Natapos na ang simba at pauwi na sana kami ni Mama nang bigla akong nahilo dahil masakit na talaga ang tiyan ko sa gutom dahil hindi ako uminom ng gatas man lang kanina
Bumigat na ang mga talukap ko at unti unting nangingitim na ang paningin ko pero mabuti nalang na nasa tapat na kami ng pinto ng sasakyan at yun wala na akong malay
Nagising ako na nasa kwarto na ako at sa sobrang ingay rin ng alarm ko
Bakit ba nag alarm ang cellohone ko, hindi naman ako naglagay nito
"Ako Jean, ako ang naglagay ng alarm sa cellohone mo para magising ka dahil hindi ka pa kumakain Jean" sabi ni Mama na halata ang pag aalala sa mukha
Ah ganoon po ba, ano na po ba ang oras ngayon? sabay tingin sa orasan
Nagulat ako ng mag aalas sais na ng hapon at wala pa rin akong kain
"Ito Jean dinalhan kita ng pagkain"
Habang kumakain ako ay nagulat ako nang biglang may tumunog na gitara sa labas
From the moment I saw you
From the moment I looked into your eyes
There was something about you I knew, I knew
Nang marinig ko ang mga kantang iyun ay pinilit kong makatayo sa nanghihina kong tihod
That you were once in a lifetime
A treasure near impossible to find
And I know how lucky I am to have you
Tumayo ako sa tapat ng bintana at nagulat nang nakita ko ang isang napaka gwapong lalake
Cause I've seen rainbows that could take your breath away
The beauty of the setting sun, on any given day
Pumikit ako at pinakiramdaman ang kanta
And when it comes to shooting stars I have seen a few
But I've never seen anything as beautiful as you
Nangangatog ang tuhod ko at namumula ang pisngi sa kilig
I can't believe that I have you.
I can't believe that you're here in my arms
I've been waiting a lifetime for you, for you
Ang ganda ng boses niya
And I've dreamed about you, pictured in my mind who I would see
But I?d never imagined just how beautiful you'd be.
___
No I've never seen?..anything as beautiful as you
From the moment I saw you,
From the moment I looked into your eyes.
Matapos niyang kantahin iyun ay agad kaming bumaba ni Mama at pinuntahan si Percy
"Jean mahal na mahal kita, pwede ka bang maging Cinderella ng buhay ko?" sambit nito sabay luhod sa harapan ko
Hindi pwede Percy, hinding hindi ako ang Cinderella ng buhay mo
Sabay pagkagulat nilang dalawa ni Mama na tumingin sa akin
Hinding hindi ako pwedeng maging Cinderella mo dahil sayo na si Jean Dela Vega at akin kana Persephone
Tumayo ito at niyakap ako nang dahilan upang mangatog at manghina ang tuhod ko dahil sa kilig
"Hinding hindi ka magsisisi sa naging desisyon mo dahil ako ang magiging panangga at kalasag mo sa panahong mapaphamak ka Jean, hinding hindi ako papayag na mawala ka sa akin"
"Te amo, mi amor"
Mahal din kita Percy....