Chereads / Semi Permanent / Chapter 10 - Chapter 8 Pag amin

Chapter 10 - Chapter 8 Pag amin

Jean's POV

Breaktime na namin at nandito ako sa room pa rin namin dahil hindi pa naman ako nagugutom

Ilang araw narin ang nakalipas nang muntik na akong mapahamak

At utang ko ang buhay ko kay Percy, siya naman ang palaging sumasagip sa akin kapag may nakaabang na disgrasya sa akin

Ilang araw ko natin siyang hindi nakita, kumusta na kaya siya

"Jean tara punta tayong canteen" pagulat na sambit ni Reuel

Ay sige ikaw nalang hindi pa naman ako nagugutom

"Ang KJ mo naman Jean, hindi mo ba alam kung anong meron sa araw na ito"

Huh anong ibig sabihin mo?

Wala naman akong alam kung anong meron ngayon

Bakit anong okasyon ngayon Reuel? Nagtataka kong tanong

"Today is my birthday Jean, nakakainis ka naman akala ko alam mo" iritable niyang sagot

Haaaa birthday mo ba ngayon?

Hala sorry ngayon naba yun?

Sorry nakalimutan ko Reuel

"Sige ayos lang basta sumama ka sa akin sa canteen, libre ko, nakabawi ka lang man ngayon sa akin"

Hay sige na nga pasalamat ka na birthday mo ngayon, naku kung hindi lang

Nasa canteen na kami at hindi pa rin naaalis ang mga tinginan ng mga studyante sa akin

Hay nako hindi ba nila alam kung ano ang tunay na nangyari?

"Anong gusto mo Jean?"

Ikaw

"Huh ano?"

Ah este ikaw kung anong gusto mo ikaw nalang bahala

Muntik na ako d'on ah

Bumalik na kami sa classroom at napagpasyahang doon nalang kami kumain dahil hindi talaga ako komportable dito

Naglalakad kami sa hallway nang may bigla siyang tinanong sa akin

"Ah Jean okay ka lang ba talaga sa nangyari noong lumabas tayo?"

"Sorry talaga ha na wala ako doon kasi may lalake pa akong nakaaway doon sa cr eh"

Ah yun ba okay na yun ano ka ba wala tun, may tumulong naman sa akin

Tapos na ang klase namin ngayon at inalok ako ni Reuel na sabay na daw kaming umuwi na agad ko namang tinanggiham dahil susunduin naman ako ni mama eh

Nasa bahay na kami at pupunta na sana ako sa kwarto ko nang biglang tinawag ako ni mama

"Ah anak gusto ka raw makita ni Percy, sabi niya sa akin kanina"

Ah saan daw po ma?

"Ewan ko basta bigla lang niya yun sinabi sa akin at nagmadali nang umalis, na para bang may hinahanap"

Ah ok sige po

Ano na naman kaya ang gusto ni Percy, ba't kaya niya ako gustong makausap

Hay nako minsan talaga may pagka weirdo ng lalakeng iyun

Ewan ko ba kung saang planeta siya galing

Para bang walang alam dito sa mundo

Minsa bigla bigla nalang sumusulpot sa kung saan, pero minsan naman bigla nalang naalis ng walang pasabi

Ewan ko ba kung bakit ko siya naging kaibigan, siguro dahil parehas kaming may pagka weirdo

Pero hindi naman siguro ako weird sadyang may nangyayari lang talaga sa akin na pagka weird

Pinuntahan ko siya sa kanyang condo at nagulat ako nang sobrang linis na ng kanyang condo

Parang noong una kong punta dito ay daig pa ang dinaanan ng bagyo na bahay pero ngayon ay daig pa ang hindi ginagamit na bahay dahil sa sobrang linis

"Uy Jean andito ka na pala, sige pumasok ka"

Ah sige, ano bang gusto mong sabihin Percy?

"Ah wala naman medyo nayayamot lang ako sayo kasi hindi ka na pumupunta dito"

Hay nako ikaw talaga syempre busy ako ngayon kasi marami kaming project

Pero maiba ako ba't ang linis linis ng condo mo, aba marunong ka nang maglinis ah

Good for you

"Hay nako kayo talagang mga tao, pagmakalat ayaw niyo pero pag malinis inaasar niyo"

Huh anong mga tao bakit hindi ka ba tao Percy?

Siguro multo ka noh, oh baka naman maligno ka, oh baka naman alien ka

"Haaaa anong bang pinagsasasabi mo tumigil ka nga" iritado niyang sagot sa akin

Uy pero ang gwapo mo ngayon, naka ligo ka noh? Pang aasar ko sa kanya

"Eh may pupuntahan tayo, pero teka lang magbibihis lang ako"

Sige sige

Pumunta kami sa isang burol malapit sa bayan at naglatag ng tela

Ano na ang update sa buhay mo Percy? Pauna ko sa kanya

"Ah wala naman, ikaw?"

Eto medyo busy noong nakaraang araw

"Alam mo ba kung sino ang nagtangkang bumaril sayo?"

Ah hindi pa eh wala pa namang report ang mga pulis kay mama

"Ah yun ba, kung sabihin ko ba na alam ko kung sino ang nagtangka ng buhay mo maniniwala kaba?"

Ano ba ang sinasabi mo, para kang baliw Percy

"'wag na nga lang" iritable niyang sagot

"Kumuha ka nalang ng pagkain dyan sa lalagyan kung gusto mo" utos niya sa akin

Hindi ba alam ng lalakeng ito ang maging isang gentleman

Hindi ko tuloy napigilan na matanong siya

Nagka nobya ka naba Percy?

Halatang gulat na gulat siya sa tanong ko

Umiling siya

Aanu! Hindi ka pa nagka jowa, seryoso ka ba?

Kaya naman pala ganyan ka kung umasta

Bakla ka ba?

"Hindi ako bakla sadyang hindi ko lang alam kung paano mag mahal"

Alam mo Percy mararamdaman mo kung mahal mo ang isang tao kapag gusto mo siyang makita, hindi mo gustong wala siya sa tabi mo at kapag nasa tabi mo siya ay mabilis ang pagtibok ng puso mo

"Pano kung sabihin ko sayo na hindi ko alam kung saan ang puso ko" mahina niyang sagot pero sapat lang para marinig ko

Aano hindi mo alam kung saan ang lokasyon ng puso mo? Nagtataka kong tanong

Tumayo ako at pumunta sa harapan niya at umupo

Nasa bandang kaliwa ng dibdib mo ang puso mo at yan ang tumitibok at nakakabuhay sa atin

Pero nang hawakan ko ang kanyang dibdib ay nagulat ako nang ang lamig na lamig niyang dibdib kanina ay biglang uminit at lumakas ang pintig ng kanyang puso

"Ano ba ang ginawa mo sa akin ba't ako nagkakaganito? Sa tuwing nariyan ka sa akin ay nagiging ganito ako palagi"

"Ano ba ang meron sayo Jean na nagpabago sa akin, ang nawala kong puso ay nahanap ko ng dahil sayo"

"Nang mahanap ko ito ay matigas pa ito, kasing tigas ng isang dyamante pero pag nariyan ka ay natutunaw ito na parang tubig na umaagos sa buo kong katawan"

"Nahuhulog ba ako sayo tulad ng pagkahulog mo noong nasa bangin ka?"

"Ito ba ang sinasabi mong pag-ibig?"

"Bakit ikaw pa Jean, bakit ikaw lang ang nagpaganito sa akin?"

Napahinto ako sa mga sinambit niya at binalot kami ng katahimikan

Lumakas ang simoy ng hangin na dahilan ng pagsabay ng aking mga buhok

Ttotoo ba ang mga sinabi mo Ppercy? Tanong ko sa nakayuko na si Percy

"Lahat ng iyun ay totoo Jean, hindi ako marunong magsinungaling lalo na sa taong nagpabago sa akin" mahina niyang sagot na ngayon ay nakaharap na sa akin

"Mahal na yata kita Jean" sigaw niya sa akin

Namula ang mga pisngi ko at nangangatog ang mga tuhod ko na animoy bibigay na ito

Pasensya na Percy pero pagiging kaibigan lang talaga muna ang mabibigay ko sa ngayon sa iyo

Pero hindi ibig sabihin na hindi na kita mamahalin pero bilang kaibigan lang talaga at kung lumagpas man roon ay pasensya at hindi ko yun kayang ibigay sayo

Pero salamat pa rin sa pagiging matapang at pagiging totoo sa akin at salamat sa pag amin.