Percy's POV
Ngayon dapat ang oras ng pagbalik ko sa amin para mag report sa mga nangyayari dito sa mundong ito
Pero hindi ko pa rin nahahanap ang armilla at kailangan ko ding pumunta kina Jean para hanapin iyun
Kasi baka naitago lang yun ni Jean
Pero bakit parang may parte sa akin na masaya na hindi ako makakauwi, bakit kaya?
Ngayon ko lang ito naranasan
Inantay ko munang makaalis ang Mama ni Jean at siya
At saktong pagtago ko sa damuhan ay nagpaandar na sila ng sasakyan at pumunta na sa paaralan ni Jean
Pumasok ako sa kanilang tahanan at iniscan ang mga bagay doon sa kusin at sala pero wala eh, wala akong mahanap
Pumunta ako sa itaas para tingnan ang kwarto niya ngunit nang pagbukas ko ay parang may kakaibang inirhiya akong naramdaman
Pero alam kong hindi iyun ang armilla ko, pero bakit ganoon hindi maaaring wala dito dahil alam kong si Jean ang mayhawak doon
Kinalikot ko ang lahat ng bagay sa kanyang kwarto pero nang bubuksan ko na sana ang kahon sa ibabaw ng kanyang mesa ay nakita ko ang isang parang armilla pero alam kong hindi iyun
At saka bakit mayroon siyang ganito
Alam ko tong bagay na ito
Ito ang ginagamit namin kapag may labanang nangyayari para malaman namin kung sino ang kaaway at hindi
At nagbibigay din ito ng swerte sa tanong may suot nito
Ngunit bakit?
Bakit mayroon nito sa bahay na ito?
Mayroon ba akong hindi pa nalalaman dito?
Lalabas na ako at inayos ko muna ang mga kinalat ko at inilagay sa higaan ni Jean ang kanyang armilla
Paglabas ko sa pinto nila ay saktong bumalik sina Jean
"Uy Percy andito ka pala, anu ginagawa mo?" Tanong niya sa akin
Ah wah wala napadaan lang kaya pinuntahan kita pero wala ka pala
Cge alis na ako Jean, pagpapaalam ko
Jean's POV
Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe nang maalala ko na wala sa akin ang bracelet ko
Kaya pinahinto ko muna si mama at pinabalik dahil sabi niya huwag ko raw 'yun aalisin sa wrist ko
Pero nagulat ako nang makita si Percy na palabas na ng gate
Kaya bago pa siya nakaalis ay tinawag ko siya at nagtanong
Ang weird talaga ng lalakeng iyun, hindi man lang sinabi sa akin kung ano ang kailangan niya
Tumakbo ako papunta sa kwarto at nagulat ako nang sobrang linis na ng kwarto ko
I mean malinis na ito kanina pero mas malinis na ngayon
At ang bracelet ko nasa kama ko na pero sa pagkakaalala ko ay nasa ibabaw yun ng box sa mesa
Pero isinawalang bahal ko nalang iyun dahil baka nalagay ko ito sa kama ko at dahil sa pagmamadali ko ay naiwan ko ito
Kaya minsan talaga ay nafefeel ko na nagiging makakalimutin na ako, pero hindi pa naman ako ganoon ka tanda
Nagmadali akong lumabas ng bahay dahil malelate na ako pero pagkasuot na pagkasuot ko ng bracelet ko ay parang kumirot ang dibdib ko
Na para bang nagpapakawala ng malakas na inerhiya
Baka sa bilis ko lang talaga iyun
Ba't ba ang weird ng araw na ito, pero hindi na iba sa akin ang mga weirdong pangyayari
Katulad nalang ng pagilaw sindi sa may bandang kamay ko pero sa pagkakaalam ko ay iyun ang hallucinations ko
Pero hindi naman siguro ako nagaadik para sa mga ganoong bagay
Nasa University na ako at hindi pa rin maiwasan ang mga bulong bulongan sa akin ng mga bruhang studyante
Bahala kayo sa buhay niyo, dila niyo rin lang naman ang magkakabuhol buhol sa kakachismis
Nagstart na ang first subject namin at sa wakas ay nandito na rin si Reuel
Dahil parang noong isang araw ko pa siya huling nakita da cafeteria
Tulala akong nakatingin sa professor namin at wala sa kanya ang isip ko
Pakiramdam ko ay lumilipad ang isip ko sa kung saan at hindi ko na mahagilap
Natapos na ang klase at breaktime na namin pero nawala sa paningin ko si Reuel
Lumabas ako ng room namin pero ginulat ako sa may pinto ni Reuel
"Boh!" gulat niya sa akin habang humahagalpak sa kakatawa dahil sa naging reaction ko
Ano ka ba Reuel, tanong ko sa kanyang may iritadong boses kasabay ng pag tampal ko sa balikat niya
"Masyado ka namang seryoso Jean, binibiro lang naman kita"
Hindi magandang biro yun Reuel, alam mo bang muntik na ako mapasigaw ng mura dahil sa gulat
"Edi sorry, hindi ko namang akalain na gan'on ka kaseryoso seryoso, so peace na tayo ha" nagmamakaawa niyang pakiusap sa akin sabay pagpapa cute
Pero kahit hindi siya magpa cute sa akin ay na kukyutan talaga ako sa kanya
Oh cge, pero ano bang kailangan mo?
"Ah wala naman gusto lang sana kitang yayain mag dinner mamaya kung libre ka?" sabi niya sa akin
"Kung ok lang rin naman sayo, ano in ka?" Dugtong pa niya
Ouh cge in ako, masaya kong sagot habang tumalikod na sa kanya
Tapos na ang klase namin sa araw na ito at sa wakas hapon na
Makapagpahinga na rin ako sa mga tao dito
Bigla kong naalala na may lakad pala ako mamaya
Dumating na si mama at agad naman akong pumasok sa kotse
Ah ma pwede po ba akong lumabas mamaya? Mag didinner lang po kami ng kaibigan ko
"Ah sino si Percy? Tanong ni mama
Ay hindi po Ma iba hindi po si Pery
"At kelan kapa nagkaibigan dito Jean Dela Vega?"
Ah basta ma, ano po lalayagan niyo po ba ako?
"May magagawa paba ako anak?" Nangungonsensya niyang sagot
Hay salamat po Ma sabay yakap ko sa kanya
Lumabas na ako ng bahay pagkatapos mag bihis pero nang naglakad na ako palayo sa bahay ay nakita ko si Percy na may hinahanap sa paligid
Uy Percy anong ginagawa mo
"Ah wala wala may hinahanap lang, ikaw saan ka pupunta ba't parang purmado ka ngayon?" Tanong niya
Ah wala magkakape lang kasama si Reuel
Gulat siya nang banggitin ko ang pangalan ni Reuel
Ah bakit may mali ba Percy? Nagtataka kong tanong sa kanya
"Ah wala naman" nagmadali niyang sagot
Nasa coffee shop na ako kung saan sinabi ni Reuel pero wala pa siya dito
Nag antay ako ng ilang minuto at dumating na siya
Oh bakit ngayon ka lang Reuel?
"Ah natraffic lang hihihi pasensya na ah" nahihiya niyang sagot
Ok lang hindi pa naman ako gaano ka tagal dito
Tapos na kaming magkape at nagkwentuhan,
Lalabas na sana kami nang pinauna niya ako dahil iihi pa daw siya
At siyang sinunod ko naman pero paglabas na paglabas ko ay bigla akong natumba nang bigla akong pinatumba ng isang lalake na kasama rin ang pagputok ng isang baril
Nang nasa lapag na kami ay narealize ko na si Percy pala ang lalakeng iyun
Ba't mo ginawa yun Percy? Naiirita kong sagot
"Alam mo bang muntik ka nang mamatay dahil sa pagbaril ng isang estranghero?"
Nagulat ako sa mga sinabi niya at pinanatili kong tahimik ang lahat
"Nasaan ba kasi ang lalakeng nakipagdate sayo ba't ikaw lang ang nadito?"
Nand'on siya umihi
Nakita ko ang pagngisi niya sa kanyang kaliwang labi
"Umihi? Eh baka naman hindi lang pagihi lang ang pinuntahan niya" mapakla niyang sagot sa akin
Anung ibig mong sabihin Percy?
Pero bago paman akong muling magsalita ay lumabas na si Reuel
"Omaygad! Jean anong nangyari sayo?" nag aalalang tanong niya sa akin
May nagtangkang bumaril sa akin pero mabiti nalang na iniligtas ak.....
Hindi pa ako nakatapos magsalita nang nawala na si Percy sa paligid sa isang pilit lamang
"Sino Jean?"
Ah wala, paguumanhin kong sagot
Inihatid niya ako sa bahay namin at agad akong pumasok nang makaalis na si Reuel
Pero nang nagaakma na akong pumasok ay bigla nalang mayhumila sa akin patalikod
Uy Percy ikaw pala, ba't ka nawala kanina?
"Hindi na importante yun Jean ang mas importante ay ang kaligtasan mo, lumayo ka sa lalakeng iyun dahil sa tuwing napapalapit ka sa kanya ay mas malapit ka sa kapahamakan" nagbabanta niyang sagot