Chereads / Semi Permanent / Chapter 8 - Chapter 6 Pagpapatawad

Chapter 8 - Chapter 6 Pagpapatawad

Jean's POV

Umaga na naman at ayaw ko ang umaga na ito dahil pupunta na naman ako sa mga libiradong mga tao

At yung nga dahil na rin sa nangyari kahapon at alam kong hindi ako titigilan ng mga taong iyun

Nang pumasok na ako sa aming klase ay bigla akong sinabihan ng professor namin na pinapatawag ako at pinapupunta sa principals office

Ramdam ko ang binti ko na nangangatog dahil parang alam ko na ang rason ng pagpapatawag sa akin

Sana lang talaga hindi ko na siya pinatulan at para hindi mapapatawag

Buong buhay ko ngayon lang ako pinatawag dahil sa pakikipag away

Nang makapasok ako sa office ay hindi nga ako nagkakamali dahil nakita ko ang mga bruha doon

"Ah ok mabuti at nandito kana Miss Dela Vega" pauna ni Principal Pangilinan

Ah ba't niyo po ako pinatawag Ma'am?

"Eh dahil may nakapag report sa akin ang nangyari sa inyo kahapon sa cafeteria" sagot nito habang may hinahanap na kung anu

"Eh siya naman talaga ang nauna Ma'am eh, ba't kami hihingi ng tawad da babaeng kupad na yan?" pasigaw na tanong ni Lucy

Nabigla ako sa mga narinig ko

Aano daw hihingi sa akin ng tawad?

"Oh yes Miss Meaker, dahil ang sabi dito na ikaw daw ang nagsimula ng gulo kahit ikaw naman ang nakabangga kay Miss Dela Vega" mahinhing sagot ni Principal

Ah kung yun lang po ma'am okay na po yun kasi nakabawi na naman po ako eh

"Huwag ka ngang magmagandang luob freak dahil hindi sayo bagay"

Pinigilan na agad siya ng kanyang mga kaibigan at sinabihang huwag na siyang mag tapang tapangan dahil sali sila sa gulo

"No Miss Dela Vega, hindi pwedeng palampasin ito dahil masasanay ang mga studyante dito na gumawa ng kasalana, pero kung ayaw mo silang patawan ng parusa ako ang magpapataw sa kanila" sabi ni Principal

"Ah okay Miss Meaker and kayo ding dalawa, bibigyan ko kayo ng 2 weeks suspension, okay that's it for this morning" dugtong pa niya

Lumabas sila sa principals office ng masama ang tingin sa akin, eh bakit ba kasalanan ko bang ginawa nila yun, eh hindi man lang nila inisip ang kahihinatnan ng mga pinanggagawa nila

Lalabas na sana ako nang pigilan ako ni Principal

"Ah wait Miss Dela Vega"

Ah anu po yun ma'am?

"Kung guguluhin ka pa nila 'wag kang mahihiyang magsabi sakin ha, ayaw kong mapahamak ka hanggat may katungkulan ako dito sa Unibirsidad na ito, dahil ok pinangako ko sa ama mo na poprotektahan kita dito"

Gulat na gulat ako sa kanyang sinabi

Kik kilala niyo po ang papa ko ma'am? Nagtataka kong tanong

"Oo Jean kilala ko ang papa mo at hindi lang basta kilala, siya ang naging tunay kong kaibigan nong kabataan namin" matapang niyang sagot

Kung ganoon po marami pong salamat at aalis na po ako ma'am dahil may pasok pa po ako,

pagpapaalam ko sa kanya

Lumabas ako ng walang kibo dahil akala ko ay wala akong kakilala o kakilala ng pamilya ko dito sa lugar na ito

Pero nagkakamali pala ako

Akala ko ay wala na kaming masasasandalang kaibigan pero hindi mayroon pa pala

At principal pa namin ha, nakakamangha

Pasimple akong tumawa

Pagpasok ko sa klase namin ay panay ang tinginan ng mga kaklase ko sa akin

Binalewala ko lang yun hanggat magka buhol buhol ng mga dila nila

Natapos ang klase sa umaga ngunit hindi ko nakita si Reuel na pumasok, ano kaya ang nangyari sa kanya

Ah baka busy lang talaga siya sa pagiging Supreme Student Council President

Pumunta ako sa cafeteria at panay pa rin ang pagtinginan ng mga tao sa akin na may kasamang bulungan

Kumain ako at hindi ko maiwasang maalala si Percy nang unang araw naming maging kaibigan

Kumain kami at sobrang lakas niyang kumain

Na animoy hindi pa nakakatikim ng pagkain sa talambuhay niya

Ang weird talaga ng lalakeng iyun, ewan ko ba kung bakit ko siya naging kaibigan

Pagkatapos kong kumain ay lumabas ako sa cafeteria at nakita ko ang dalawa na kibigan ni Lucy na kasama sa pag bully sa akin kahapon

Iiwasan ko na sana sila nang bigla silang lumuhod sa harapan ko at humihingi ng tawa

At may sinasabi na patawarin ko na daw sila dahil ayaw pa nilang mamatay

Agad ko silang pinatayo at pinatahan

Anu ba ang nangyari sa inyong dalawa, at ano ang pinagsasabi niyo na mamamatay

"Basta please Jean patawarin mo na kami please" sabi ng isa

Oo na pinapatawad ko na kayo pero sagutin niyo mu...

Hindi ko pa natapos ang sinasabi ko nang tumakbo sila palayo sa akin na para bang may nakita silang multo

Ang weird talaga ng mga nangyayayari, hindi ko maintindiha

Nagaakma na sana akong umalis nang tawagin ako ni Percy na gumulat sa akin

Aanu ang ginagawa mo dito Percy, mabuti pinapasok ka ng guard?

"Ah yun lang ba? Sus masyado namang matatakutin ang mga tao dito sa loob ng paaralan niyo" natatawa nitong sagot sa akin

Ah ba't ka pala naparito, may kailangan ka?

"Ah wala naman, napadaan lang" ulit nito at agad nagpaalam na aalis siya

Hay nako ang weirdo talaga ng lalakeng iyun

Percy's POV

HAHAHAHA natakot talaga sa akin ang dalawang iyun dahil sa sinabi ko sa kanila

-Flashback-

Pumunta talaga ako sa paaralan ni Jean para malaman kung sino ang mga nang away sa kanya

Pero pagpasok ko ay agad akong hinarangan ng mga nagbabantay sa labas

Pero bago pa nila matapos ang sinasabi nila ay pinalabas ko ang totoo kong wangis sa harap nila at tumawa ng mapakla

Takot na takot sila na tumingin sa mga mata ko at agad akong pinapasok

Pero bago ako pumasok ay iniscan ko muna kung sila sino ang nanakit kay Jean

Pero hindi pa natatapos ang pag scan ko ay nahanap ko agad ang dalawang babaeng nagbubulungan

Pinuntahan ko sila sa kanilang kinauupuan at tinanong

Kayo ba ang nanakit kay Jean?

"Oo bakit?" Matapang na sagod ng isa

Tinapat ko ang mga kamay ko sa kanilang mga mukha at pinagbantaan

Kung hindi kayo hihingi ng tawad kay Jean ay dudurugin ko ang mukha ninyo kasama narin ng katawan ninyo

Magbibilang ako ng anim na po

At pag hindi kayo humingi ng tawad o hindi kayo mapatawad niya ay pasensyahan nalang tayo

At baka katapusan niyo na dito sa mundong ito

Dali dali silang tumakbo papunta sa kinatutunguan ni Jean at nakita kong lumuhod sila

Natatawa ako sa mga taong ito talaga dahil ubod ng duwag

Iyan talaga ang isa sa kanilang kahinaan

Tumungo ako sa kinatatayuan ni Jean pero nasa likod niya lang ako

Nang nakita ako ng mga babae ay agad tumakbo ng mabilis na animoy nakakita ng nakakatakot na wangis

Aalis na sana si Jean ng kalabitin ko ang likod niya at pagharap niya ay nakita ko sa mga mata niya ang gulat

-End of Flashback-

Hay nako mabuti nalang talaga ay mahina ang mga tao

Iyan ang napansin ko na isa sa kanilang kahinaan ay ang pagmamahal, pinapairal ang puso kaysa sa isipan, takot na mamatay

Pero maswerte ang mga babaeng iyun dahil isa si Jean sa taong mababait at mapagpatawad na nilalang dito sa mundo.