Chereads / Semi Permanent / Chapter 6 - Chapter 4 Permanent

Chapter 6 - Chapter 4 Permanent

Jean's POV

Masaya akong umuwi sa bahay namin dahil sa wakas ay may kaibigan narin ako

Pero bakit ko nararamdam ito eh sanay naman ako na walang kaibigan

Pero magaan talaga ang pakiramdam ko sa kanya at parang kilala ko na siya dati pa

Noong nakauwi ako sa bahay ay tumambad sa akin si mama na naka kibit-balikat at nakataas ang kanyang kaliwang kilay

Eh kasi hindi pala ako nakapagpaalam sa kanya na pupunta sa hindi naman talaga kalayuan sa bahay

Humikbi ito at nag salita

At saan ka nanggaling Jean Dela Vega? Tanong niya

Ah eh nakipag kita lang po sa kaibigan at nagmadaling pumasok sa kwarto at hinalikan siya sa pisngi

Alam ko naman na para saakin din ang pagiging maingat ni mama kaya naiintindihan ko siya

Hindi ko maiwasang isipin si Persephone dahil sa nangyari kanina

At natulog nalang ako dahil hindi panaman ako nagugutom at kasabay ng pagbigat ng aking mga talukap

***

Umaga na at hindi  pa rin ako pina papasok ni mama dahil sa mga nangyari noong nakaraang araw

Pumunta ako sa kusina at kumain na dahil nakahanda na ang pagkain

Habang kami ay kumakain ay bigla kong natanong si mama sa nangyari sa kanya noong nakaraang  linggo

Tumawa lang ito at nagpatuloy sa pagkain at hindi narin ako nagtanong dahil alam ko na ayaw niya talagang sabihin

Nang matapos kaming kumain ay pumunta agad ako sa kwarto kasi para sa akin ang kwarto ko ang pinakagusto kong parte ng aming bahay kasi ang kwarto ko nakasaksi sa lahat ng mga masakit na nangyari sa buhay ko at ang mga hinanakit rin na nangyari sa akin

Habang ako ay nakaupo sa isang salumpwet ay bigla nalang tumunog ang bintana ko sa kwarto at noong pagbukas ko ay bigla nalang ring tumama ang maliit na bato sa may nok na naging dahilan na ako ay mapamura

Pero nawala ang lahat ng iyun nang makita si Persephone sa ibaba na sumisenyas na bumaba

Nang makababa ako ay sinabi niya sa akin na sumama daw ako sa kanya dahil mamamasyal kami

Nag paalam ako kay mama at agad namang pumayag nang makita na may kasama pala ako

Naglalakad kami at naalala ko ang ginawa niya sa akin

Tinampal ko siya sa kanyang braso at pinagalitan

May balak ka bang butasin tong noo ko ha Persephone?

Tumawa nalang ito at pinawi lahat ng galit ko nang ngumiti lang ito sa akin

Pumunta kami sa Kuya J at kumain, pero syempre libre niya eh wala naman akong pera

Tanong ako ng tanong sa kanya pero dedma lang siya sa akin at alam kong naiirita na siya sa mga tanong ko sa kanyang buhay

Saan na ba ang pamilya mo?

At kasabay ng pagtanong ko sa kanya ang pagkabigla

Ah wala na sila patay na silang lahat Jean, at ngayon ay ako naman ang natigilan sa sagot niya

Ah pasensya na Persephone kung matanong ako ah

Ah pwede ba kitang tawaging Percy kasi ang haba naman ng pangalan mo eh, at sabay na tumango

Natapos kaming kumain at sumunod ay pumunta kaming SM at hindi ko alam kung ano ang gagawin namin doon eh wala naman akong pera

Uhm Percy anu ang cellphone number mo?

Huh wala akong ganyang gamit, anu ba yan? Tanong niya

Haaaaa wala kang cellphone, taga saan kaba at wala kang alam kung anu yan?

Tara sumama ka sa akin at ipapakita ko sayo kung anu ang cellphone

Pumunta kami sa pamilihan ng cellphone at tinanong ko siya kung may pera ba siya

At tumango naman ito

Ako pa ang pumili ng cellphone niya at binili iyun pero syempre pera niya

Ito eh ang liit lang naman ng bagay na ito, bat ganun kalaki ang binayaran nakin, tanong niya

Eh basta 'wag ka nalang mag tanong at tutiruan kita kung paano ito gamitin

Naku talaga jusko ba't ba ako nagkaroon ng kaibigan na mangmang sa mga bagay bagay

Habang kami ay naglalakad at tumitingin sa mga paninda ay napansin ko na ang damit niya kahapon ay ganoon pa rin ngayon

Nagbihis ka ba Percy?

Ha hindi, bakit importante ba yun? Tanong niya

Nako talaga at masusuntok ko tong lalakeng ito,

Eh tara na nga umuwi nalang tayo at mag bihis ka, dahil parang may amoy ka na kasi eh

Sinamahan ko siya sa condo niya at kalola ay naghagdan kami papunta sa 9th floor

Ano ba ang alam nitong lalakeng ito

Hinila ko siya at pumunta kami ng elevator at tinuruan siya kung paano ito gamitin dahil hindi daw niya alam na mayroon palang ganoon

Hay nako nagtitimpi nalang talaga ako sa kanya

Nang binuksan niya ang pinto ng condo niya ay bumungad sa akin ang napaka kalat na bahay

Nakakalat ang mga damit na may price tag pa at mga pagkain na hindi naman ubos pero may kinainan na

Ang sofa ma wala sa ayos ang pagka lagay

Eh ayaw na ayaw ko talaga ang makalat na bahay dahil parang na susuffocate ako pag ganoon ang kalagayan

At hindi ko na napigilang tampalin ulit siya at pagalitan

Tumawa lang ito at sabay kamot ng kanyang ulo

Inayos ko ang mga kalat na ginawa niya

Nilagay ang mga damit niya sa cabinet at nakakaloka ay wala siyang breif sa lalagyan ng mga damit niya

Kaya pagkatapos kong ilagay ang mga damit at shorts niya ay pinabili ko muna siya ng underwear at mga sabong panligo at shampoo dahil wala rin siyang ganun

Pagkatapos at pagkatapos kong iligpit ang lahat ay dumating na itong damuhong na ito at sobrang raming binili

Na akala mo naman ay mag lolockdown dito sa Manila

At sinabihan ko siyang maligo

Habang siya ay naliligo ay ako naman ay nakaupo at kumakain ng chips

Sumigaw siya at nagtanong kung ano ang gagamitin niya sa pagligo

Saboooooooon sigaw ko

Paglabas niya sa banyo ay puno siya ng bula sa katawan na agad kong tinulak pabalik at sinabihang mag banlaw

Jusko para akong nag aalaga ng limang taong bata

Pero grabe rin ay agad namang naging magaan ang pakiramdam ko sa kanya kahit kakakilala lang namin

Nagbihis siya at nagpabango nang pinatayo niya ako at yumakap sa akin na ikinatigil ko at siya naman ay nagpasalamat sa akin

Lumabas kami sa condo at ihinatid niya ako pauwi sa amin

Habang kami ay naglalakad ay napatanong ako kung ano ang trabaho niya

Umiling ito at sinabi na wala

Walaaa! Eh saan ka kumukiha ng perang marami kung wala kang trabaho at kung wala na ang mga magulang at kapatid mo?

Wala siyang imik at nagpatuloy siyang mag lakad na sinundan ko naman

Nang nasa tapat na kami ng aming bahay at magpapaalam na sana ako nang bigla itong nagtanong

Paalam naba talaga, magkikita pa ba tayo? Ang dali namang matapos ng araw, sabi niya

Ganyan talaga Percy parte yan sa ating buhay minsan masaya minsan malungkot, minsan nasa taas ka minsan nasa baba ka

Wala kasing permanente dito sa mundo.