Chereads / Semi Permanent / Chapter 5 - Chapter 3 Pagkikita

Chapter 5 - Chapter 3 Pagkikita

Jean's POV

Pinakita ako ni mama sa spesyalista kung ano ang nangyari sa akin

Tinanong ko si Mama kung ano ang sinabi sa kanya ng doctor pero parang nag alinalngan itong sumagot

Ang weird ng kinikilos ni Mama ngayon

Tinanong ko siya ulit pero umiling lang ito at sinabing baka maraming lang daw akong iniisip kaya nagkaganun

Kaya pag uwi namin ng bahay ay ipinagpahinga niya ako at sinabihang huwag lang daw muna akong papasok bukas kasi baka maulit na naman daw ang nangyari

Nagpahinga ako at kinalimutan muna ang mga alinlangan na kanina pa bumabagabag sa isip ko

***

Persephone's POV

Lumabas na ako sa gubat dahil hindi pa ako makakabalik sa amin dahil nawala ang armilla ko

Hinanap ko ang babaeng yun matapos ko na naman siyang iligtas sa mga nagtangkang magnakaw sa kanya

Pero wala, hindi ko siya nakita ngayong dumaan dito sa kagubatan

Umalis na ako ng gubat at naglibot libot sa lugar na ito upang maghanap ng titirahang bahay

Sa pagkakaalam ko ay mahalaga sa mga tao ang mga ginto at diyamante upang gawing kagamitang pangkatawan

Marami ang ganoon sa lugar kung saan ako lumalag kaya kumuha ako ng marami upang mapalitan ito ng pera na gagamitin ko sa paghanap ng matutuluyan

Matagal tagal rin ang paghahanap ko ng makakapagpalit noon pero buti nalang ay may nagturo sa akin kung sa ko dapat ito ipapalit

Kaya noong nabinta ko na iyun ay nakakuha ako ng mahigit 40 million, ayun sa nakasulat sa maliit na papel

Ang halaga pala talaga nito sa kanila dahil nang pinapalitan ko ang maliit na papel na yun ay binigyan ako ng sandamakmak na kulay asul na papel

Gabi na at naglalakad pa rin ako nang mapalingon ako sa bandang kaliwa ng nilalakaran ko

Nakita ko at rinig ko rin ang hiyawan ay nagsasayawang mga tao, na parang ang saya saya nila sa ginagawa nila

Agad ko itong pinuntahan at nagbakasakali na makita doon ang babaeng hinahanap ko kanina

Nang binuksan ko ang pinto ay bumungad agad saakin ang napakaraming nagsasayawang tao

Gulat na gulat ako kaya nagamit ko ang freezing technique ko at agad na huminto ang oras, mga nagsasayawang tao, ang nakakadurog tengang tunog, lahat

Agad kong inisa isa ang mga babae pero wala akong makita eh

Kasi noong oinuntahan ko siya at nagmanman sa kanilang bahay ay wala din siya

Saan na kaya ang babaeng iyun?

Uminom muna ako ng mapaklang lasa ng alak at lumabas

Pag labas ko at naglakad ulit ay bumungad sa akin ang tinatawag nilang condominium

Kung saan may mga tao doon na naninirahan

Kaya bago ako pumasok ay inayos ko muna ang damit ko na gusot na gusot pa dahil kinuha ko lang ito sa walang taong bahay malapit sa gubat

Pero bago pa ako makapasok ay hinarang ako ng mga naka armadong mga lalake at pinalabas

Bawal dito ang pulubi, wala kang kailangan dito taong grasa, sabi nila

Pero bago paman nila masabi ang idudugtong nila ay hininto ko na ang lahat at agad na tumakbo papasok sa condominium

Pumunta ako sa mga pinagpipilahan ng mga tao at agad ring pumila

Pero pagdating ko doon ay agad nah sialisan ang mga tao, tawang tawa ako sa mga inasal nila

Mabuti pala na ganito ang sinuot ko dahil mas napapadali ang pagpila ko

Nang makapunta na ako sa babaeng may pormal na suot ay agad siyang nag alinlangan ng pakikipag usap sa akin

Ah miss magkano ang isang condo dito?

Haros mapatay ko siya nang tumawa ito nang tumawa at naging dahilan upang ilabas ko ang kapangyarihan ko sa mga mata ko na naging dahilan nang pagkasamid niya sa kakatawa

Ah eh sir sigurado po ba kayo? Tanong niya

Sinikreto ko siya at sinabi sa kanya na papatayin kita kung gugustuhin ko pero hindi pa ngayon ang panahon

Haros maiyak ito nang sumagot sa akin

Ah uhm sir 4 million po

At kinuha ang papel na binigay sa akin ng taong binigyan ko ng mga ginto

At nalaglag ang kanyang panga ng makita ang nakalagay doon na forty million pesos

Agad niyang ibinigay sa akin ang papel na pipirmahan ko at ibinigay ang susi sa akin na nakalagay ang numirong 202

Pumunta ako sa sinasabing bahay at pumasok doon

Ah ganito pala ang bahay ng mga tao maraming gamit at may mga salumpwet na malalambot

Iniscan ko ito at nalaman kung paano ito gamitin at anu ang mga tawag dito

Lumabas muna ako at bumili ng mga damit kasi sabi sa akin ng nagturo sa akin kailangan ko daw ito dahil mabaho na daw ako, at sabay turo niya kung saan ako bibili

Nang makapunta ako sa malaking gusali na ito ay bumungad ang napakaraming tao kaya agad akong pumunta sa mga damitan at kumuha ng marami

Kailangan paba ang magsuot ng ganito

Sa amin kasi pwede naman na walang damit na maglakad

Nang nakapili na ako ay pinasukat sa akin ito at agad ko namang hinubad ang mga damit ko sa harap ng nagtitinda

Nang huhubarin ko na sana ang pangibaba ko ay sumigaw siya at sinabihang pumunta sa pasukatan

Bakit ba ganito ang mga tao dito, tinatago nila ang kanilang katawan

Bakit wala namang mawawala sa akin kung makita nila ang katawan ko

Nang makauwi na ako sa condo ay nagpahinga ako dahil napagod ako sa mga nangyari sa akin

***

Nagising na ako dahil nakaramdam ako ng sakit ng tiyan na una ko palang natamdaman sa talambuhay ko

Wala akong makain dito kasi wala dito mga khadya para sa mga paraka

Baka kung malason ako kung kakainin ko ang pagkain nila, pero masakit na ang tiyan ko

Bakit ba ako magkakaganito?

Dahil ba ito na wala na sa akin ang armilla ko kaya nararamdaman ko na rin ang mga nararamdaman ng mga tao

Lumabas ako upang magtanong kung saan makakabili ng pagkain at agad naman nilang tinuro

Kumain ako at dahil masarap pala ang pagkain ng mga tao

Hindi pa ako nakakain ng ganitl sa talambuhay ko

Nang lumabas ako sa kainan ay naisipan kong puntahan ang babae sa kanilang tahanan upang makita siya pero bago paman ako makadaan sa kanilang bahay ay nakita ko na agad siya na nakatutok at nanlilisik ang mga mata sa akin

Pumunta siya sa akin at nagulat ako nang niyakap niya ako na ikinaatras ko

Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito basta nasa tabi niya ako, parang may mali dito

Jean's POV

Napagdisisyunan kong lumabas sa bahay at magpahangin nang makita ang lalakeng nagligtas sa akin ng maraming beses

Kaya noong nakatitig siya sa akin ay sinigurdo ko muna kung siya ba talaga iyun kaya noong masigurado ko na siya na iyun ay hindi ko na napigilan ang sarli ko at dumapo sa kanya at agad siyang niyakap

Pero napaatras siya dahil doon

Salamat, salamat sa pagkiligtas ng buhay ko, utang ko sayo ang lahat ng ito

Makakabawi din ako sayo, sabi ko sa kanya na parang namumula

Sa wakas ay nagkita na rin kami na walang kapahamakang nakasagabal

Ah anung pangalan mo? Tanong ko sa kanya na umiling lang

Dahil matagal siyang hindi sumagot ay ako nalang ang umuna

Ako nga pala si Jean, Jean Dela Vega, ikaw

Ah eh Persephone, sagot niyang nag alinlangan pa

Persephone?

Persephone la wala nang iba, dugtong pa niya

At agad akong nakipag kamay sa kanya at tinanong na kung pwede ko ba siyang maging kaibigan na tumango lang naman

Siya ang pinaka unang tao na natanong ko ng ganon dahil wala rin naman akong kaibigan sa school namin at nagtitiwala rin naman ako sa kanya dahil ilang beses nya nang iniligtas ang buhay ko.

Naglakad kami at hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil siya naman ngayon ang nakikioag usap sa akin

Nasa tapat kami ng isang mamahaling condominium at halatang dyan siya nakatira

Hindi ko alam na ang yaman pala ng lalakeng ito pero infairness hindi halata

Kasi simple lang naman siya manamit pero halatang bago ang mga damit niya o hindi lang talaga niya sinusuot

Bago paman niya akong iwan ay may sinabi na ako sa kanya

Ah Persephone salamat talaga ha sa lahat at masaya ako na nag kita na tayo sa pang apat na pagkakataon at nag lakad ako pauwi

Hindi man lang yun marunong maging gentleman, pero masaya ako sa aming pagkikita.