Chereads / Semi Permanent / Chapter 4 - Chapter 2 Memory

Chapter 4 - Chapter 2 Memory

Persephone's POV

Sa mga pagkakataong ito ay nag hanap ako ng nag hanap sa armilla ko pero wala talaga akong makitang armilla sa paligid.

Gawa ito sa pinaka mahal na pilak sa amin at hindi ito basta basta nadudurog o nasisira

At may mga simbolo at nakasulat doon

Sa tagal kong paghahanap ay napag desisyunan ko nalang na ibalik ito sa kanilang bahay at baka magising pa ito dito

Pinuntahan ko siya at yumuko

Nang bubuhatin ko na sana siya ay bigla nalang lumiwanag ang kanyang dibdib na para bang tinatawag ako nito

Pero hindi ko alam kung ano ang meron sa kanya at kung bakit umiilaw ito at parang may ipinapahiwatig ito

Pero isinawalang bahala ko nalang iyun

Bago paman kami makalabas ay gumamit muna ako ng freezing technique ko baka may makakita pa sa akin

Buhat buhat ko siya nang papunta na kami sa kanilang tahanan

Itinapat ko siya sa kanilang pinto at kinatukan ito.

Jean's POV

Naalimpungatan ako at nagising dahil masakit ang dibdib ko.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon basta ang alam ko lang ay mahina ang katawan ko

Pero bago paman ako makaupo ay muntikan na naman akong hindi makagalaw at nakadagdag pa dito ang weird kong panaginip

Lahat ng nangyari doon ay parang totoo, lahat ay fresh pa sa isipan ko pero kung iimaginin ko yun ay alam kong imposibleng mangyari yun sa totoong buhay

Nakasandal ako sa headboard ng kama ko habang nag iisip at nagulat nalang ako nang bumuka ang pinto sa kwarto at iniluwal si Mama na haros mahulog na ang baso sa kanyang mga palad na halatang gulat na gulat nang makita ako

Tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako habang humagolgol

Ramdam ko ang kaba sa kanyang dibdib

Ah, eh anung nangyari sayo Ma? Maalinlangan kong tanong sa kanya

"Akala ko hindi ka na gigising, alalang alala ako sayo Jean, hindi ko na alam ang gagawin" sabi niya na patuloy pa rin ang pag tulo ng mga luha niya

"Hindi ko na kakayanin kung pati ikaw ay mawala na saakin" dugtong pa nito

Ilang oras ba ako nakatulog Ma? tanong ko sa kanya

"Tatlong araw Jean, tatlong araw ka nang natutulog" pagulat niyang sagot na kumawala na sa pagkakayakap sa akin

"Nabigla nalang ako nang nakita nalang kitang nakabulantang na sa tapat ng pinto natin" pumiyok ang boses niya nang sabihin niya ito sa akin

Gulat ako nang banggitin niya ang mga katagang iyun, hindi ko makakatulog pala ako ng ganoon katagal

Agad siyang kumuha ng pagkain dahil alam ni mama na gutom na gutom na ako

Nang makuha na ni mama ang pagkain ay isinubo ko agad ito sa bibig ko dahil sa gutom

Napasarap ang pag kain ko dahil hinanda ni mama ang paborito kong pagkain

Nang makatapos akong kumain ay ay kinuha na ito ni Mama at bumalik na rin ako sa pagkakasandal ko

Parang may masakit sa dibdib ko pero isinawalang bahala ko lang iyun dahil baka sa tagal ko nang pagkahimbing lang iyun

Pilit ko talagang inaalala ang mga nangyari dahil ang inakala kong panaginip ay totoo pala lahat ng iyun

Flashback

Naglalakad ako papuntang skwelahan nang biglang may sumipol sa akin at agad ko naman itong pinuntahan at pagtapak na pagtapak ko sa gubat ay may biglang pumutok na malakas na malakas  na naging dahilan upang ako ay mapaluhod sa takot

Habang ako ay nakaluhod ay may nakita akong isang lalake na naglalakad palapit sa akin

Nang makalapit ito sa kinaluluhuran ko ay hindi ko na napigilan ang sarili at yumakap nalang ako sa kanya

Habang ako ay nakayakap sa kanya ay umiiyak ako dahil sa takot at nanginginig ang buo kong katawan

Pero bigla nalang niya ako tinulak palayo sa kanya na naging dahilan upang ako ay muntik nang mahulog sa bangin

Pinilit kong makatayo pero nang makatayo na ako ay bigla nalang ako nahulog

Pero bago paman yun mangyari ay kinuha na agad niya ang aking kamay

Pero dahil sa kaba ay naging pasmado ang kamay ko na naging dahilan upang maging madulas ito pero bago paman akong tuluyang mahulog ay nakahawak ako sa bracelet sa kamay niya

Ang huli kong naalala nang mahulog ako ay lumiwanag ang aking bracelet na binigay saakin ni Mama at naging likido ang kanyang bracelet na tumapon papunta sa kung saan

At matapos mangyari ang lahat ng iyun ay naging blackout na ang lahat sa akin

Naalimpungatan nalang ako sa lamig ng dalampasigan at nagulat dahil hindi ko inakalang buhay pa pala ako

Tiningnan ko ang kabuoan ng dagat kahit parang blurry ang paningin ko at nakita ang taong iyu na balisa at may parang hinahanap

Nang tumingin siya sa akin ay bigla nalang ito lumapit at may sinasabi pero hindi ko ito maintindihan

Bago paman ako mawalan ulit ng malay ay may ibinigkas muna ako na isang katagang

"Pasensya at salamat sa pagliligtas"

End of Flashback

Saan na kaya ang lalakeng iyun?

Para makapagpasalamat lang man ako sa mga nagawa niya sa akin at makilala din siya

Nakapagtataka lang, bakit niya ako iniligtas, kilala niya ba ako?

May connection ba kami sa isa't isa?

Hmm. Pero sa pagkaka alam ko ay wala man kaming kamag anak dito sa lugar na ito

Baka mabait lang talaga siya,

Sana nga lahat ng tao katulad niya

***

Mag aalas tres na ng umaga pero hindi pa rin ako nakatulog

As usual, nakatitig na naman ako sa kalawakan, dahil napapasaya talaga ako ng mga bituin kapag nakita ko sila

Parang tinatawag nila ako at gusto nila akong makipag isa sa kanila

Humikab ako kaya napag desisyunang pumunta sa kusina upang uminom ng gatas,

Pero parang may mali, parang may nakatitig sa akin kanina pa, hindi na talaga natural ang nararamdaman ko kanina pa

Nagmadali akong pumunta sa kwarto dahil takot na ako sa mga nangyari sa buhay ko

Humiga ako at agad din namang nakatulog

***

Tumunog ang alarm ko sa kwarto at agad ko naman itong pinatay

Naligo ako, tapos kumain at nagmadali nang lumabas at nagpaalam ako kay mama

Pero imbis na tanguan niya ako ay sinabi niya sa akin na hintayin ko daw siya dahil ihahatid niya ako kahit ang lapit lapit lang naman ng University namin sa aming bahay

Matapos siyang magbihis ay sabay na kaming pumunta sa sasakyan at nang makasakay na ako ay pinaadaran na ni Mama ito

Nang marating na kami doon ay hininto na ni mama ang sasakyan at agad ko siyang hinalikan sa pisngi at nagpaalam na

Habang ako ay naglalakad sa hallway papunta sa klase namin ay nabigla ako ng hinawakan ni Reuel ang balikat ko

Ah anu yun Mr. Pres. eh iste Reuel?

Pagtingin ko sa kanya ay halata ang gulat na gulat niyang mga mata

"Ah Jean mabuti naman na pumasok kana, anu ba kasi ang nangyari sayo bat ang tagal mong pumasok? Alam mo bang na miss kita" pabiro niyang tanong sa akin na medyo kinilig naman ako ng bahagya

Nabigla ako sa sinabi niya dahil first time kong makarinig ng ganun sa talambuhay ko dito sa Unibirsidad na ito at talagang nanggaling pa sa kanya na president ng paaralan na ito at alam niyo naman na crush ko siya

(Ene kebe, pereng shira nemen ito) sabi ko sa kanya pero syempre sa utak ko lang yun

Ah eh nagbakasyon kasi ako ng tatlong araw kaya hindi ako nakapasok

"Ah ganun ba sige tutulungan nalang kita mamaya dahil marami kapang lesson na kailangan malaman"aniya

Habang kami ay nagkaklase ay hindi niya nga ako binigo at tinulungan niya ako

Kaya natapos ang araw na ito na puro tulong niya ang naranasan ko

Maraming salamat Reuel ha

Dahil sa pagtulong mo sa akin, pag papasalamat ko sa kanya

"Ah yun lang ba? Wala yun ikaw naman, kaya simula sa araw na ito ay magkaibigan na tayo ha" sabi niya na ikinapula naman ng pisngi ko

Dahil kahit papaano, kahit kaibigan man lang ay maging close kami

"Maliwanag Jean?" Tanong niya sa pasigaw na pamamaraan

Ah oo naman walang problema yun, sagot ko sa kanya

Habang naghihintay ako kay mama dahil susunduin niya daw ako ay naalala ko ang mga nangyari sa akin sa araw na ito

Ito na siguro ang pinaka masayang araw sa buhay ko

Ang tagal namang dumating ni Mama

Tulala na ako sa kina uupuan ko nang biglang may dalawang lalakeng nakatakip ang mukha ang tumabi sa akin at biglang kinuha ang bag ko at saka tumakbo

Sinubukan ko pa silang habulin nang may isang lalake na tumulong saakin na habulin sila

Pero laking gulat ko nang sa isang pikit ng aking mata ay nakuha na niya agad ang bag ko at pinagbubuhol ang mga magnanakaw

Pero bago paniya binigay ang bag ko ay agad ko nang naramdaman na parang pamilyar siya sa akin

Binigay niya sa akin ang bag ko ng nakatalikod at agad na tumakbo palayo

Sinubukan ko pa sana siyang habulin pero nakalayo na ito, ang bilis niyang tumakbo

Parang dinaigan pa niya ang isang kabayo na nakikipag karera

Ano ba yan, hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya, pero pilit ko talagang inaalala kung sino ang lalakeng iyun

Pero sa tagal kong pagiisip at pilit inaalala siya ay sumakit ang ulo ko na parang binibiak sa sakit na naging dahilan upang mapaluhod ako sa sakit

Aaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!

Napasigaw ako sa sakit

Anu ba ang meron bat nagkakaganito ako at pakiramdam ko ay parang may mali

Parang may mali sa utak ko at nawawala ang memorya ko

Parang lumalabo na ang lahat sa akin.