Chereads / Semi Permanent / Chapter 3 - Chapter 1 Pagliligtas

Chapter 3 - Chapter 1 Pagliligtas

Jean's POV

Nang makarating na ako sa bahay ay tumambad sa akin ang madilim at walang tao naming tahanan

At nakapatay pa ang ilaw

Saan kaya si mama pumunta at napabayaan niyang patay ang ilaw at hindi ni lock ang pinto

Pumasok ako at sala umupo muna, ngunit naghihintay pa rin ako kay mama dahil wala pa siyang niluluto na pagkain

Kumakalam na ang sikmura ko sa gutom

Sa tagal kong naghihintay ay napag desisyunan ko nalang munang pumunta sa pinaka paborito kong lugar

Ito ay ang likod ng aming bahay kung saan malapit lang rin doon ang masukal na gubat na ibinanduna na ng may ari nito

Sa pagkakaalam ko ay amin ang lupang ito dati

Ngunit dahil sa mga ganid na mga tao ay ninakaw sa lola ko ang titulo ng lupa kung saan naroroon ang gubat

Sa pagkakatanda ko ay parang sina Mr. Filipe F. ang tawag sa kanya nina Papa

Ang weird nga eh kasi hindi nila gustong ikwento ito kapag nandoon ako

Pero wapakels naman ako kasi bata eh, anong bang alam ng isang batang katulad ko na puro laro lang ang iniisip.

Nang makapasok na ako sa gubat ay sinalubong agad ako ng malamig na hangin na naging rason ng paghawi ng iilang hibla ng aking buhok

Naglakad ako ng naglakad papunta sa favorite place ko na medyo kalayuan na rin sa bahay

Nahinto ako sa paglalakad nang makita ang parang kumikislap at umuusok na bagay hindi kalayuan sa kinatatayuan ko

Pinilit kong tingnan kung ano ang meron doon pero hindi ko talaga makita dahil madilim na rin kasi

Kaya dahil sa curiosity ko ay agad ko itong pinuntahan,

Nang malapit lapit na ako ay bigla nalang may kung anu ang naturok sa bandang likod ko

Dinampian ko ito ng kamay ko sa pag aakalang isa lang itong lamok kaya nagpatuloy akong maglakad pero mas binibilisan ko na ang lakad ko dahil parang natatakot na rin ako

At habang ako ay naglalakad papalapit ay parang bumibigay ang tuhod ko at bumibigat na ang talukap ko

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nagiging ganun ang katawan ko, lung dahil ba ito sa gutom o sa pagod

Unti unti na akong bumabagsak sa lupa dahil hindi ko na talaga mapigilan ang katawan ko

Ngunit bago paman ako matumba at makatulog ay nakita ko ang isang lalakeng parang umiilaw ang mata at walang damit pang itaas at parang asul ang kulay ng kanyang balat.

Nagising nalang ako na nasa kwarto na pala ako at nakitang nakatitig si mama na halatang nag aalala

Nang pinilit kong itayo ang sarili ko ay agad akong natumba na agad namang tumakbo si mama palapit

Sa akin upang ako ay alalayan

"Huwag ka munang tumayo at nanghihina kapa Jean, ako nalang ang magdadala ng pagkain dito" sabi niya na halata ang pagpiyok ng boses niya

Agad naman akong sumang ayon dahil nanghihina talaga ako

Nakaupo pa rin ako at habang inaantay si Mama na bumalik ay inaalala ko ang mga nangyari sa akin pero wala pa akong masyadong naaalala

Biglang bumukas ang pinto at pumasok na si mama na may dala dalang pagkain

Umupo ito sa tabi ko at sinabayan akong kumain.

Habang kami ay kumakain ay naalala ko ang nangyari kanina sa akin

Tinitingnan ko lang siya at naghihintay ng tamang tyempo para mag tanong

Nang nahanap ko na ang pagkakataon upang tanongin siya ay

tumikhim muna ako at nag tanong sa kanya kung saan siya galing kanina at iniwan niya ang bahay na bukas

Agad nito nasamid sa kanyang kinakain at tumingin sa akin at umiling sabay ngiti na nagsasabi na huwag na akong mag tanong sa kanya.

Ganun talaga si Mama kapag ayaw niyang sagutin ang tanong ko kaya nasanay na ako at iniintindi nalang siya

Nang matapos kaming kumain ay iniwan na agad ako ni mama ng mag isa sa kwarto at sinabihang mag pahinga na daw ako

Pero hindi pa ako inaantok dahil galing lang din ako sa tulog

Pumunta ako sa bintana at umupo at naka titig sa mga bituin na kumikislap at parang nagsasayawan sa kalangitan

Habang ako ay nakatunganga ay umilaw ang cellphone ko na agad ko namang kinuha

Nakita ko na may notification ito at binasa ang isang sulat troniko na may sinasabi na

"Kabahan kana sa susunod"

Hindi ko alam kung kanino toh galing kasi hindi ko maintindihan ang nakasulat sa kanyang pangalan dahil iba ang pagkakasulat nito

Para bang hindi saklaw ng tao ang mga letra na nakasulat

Binalewala ko nalang yun at ipinasawalang bahala at pumunta nalang sa higaan at nagpahinga nalang

Dahil ayaw ko munang magpaka stress ngayon

Umidlip na ako dahil nabahiran na ako ng antok sa kaiisip ng kung ano ano

***

Nagising ako ng tama sa oras at agad kumain, naligo at nagbihis

Maya maya pa ay nagpaalam na ako kay mama

Aalis na sana nang pinigilan niya ako at ibinigay ang isang bracelet na goodluck charm daw

Silver ito at parang may mga nakasulat na hindi ko maintindihan

Huwag ko daw itong tatanggalin kahit anu man ang mangyari, at agad naman akong sumang ayon sa kanya at naglakad palabas

Habang ako ay naglalakad ay parang may nararamdaman akong may nakamasid sa akin at araw araw talaga ganito ang nangyayari

Ngunit ipinasawalang bahala ko nalang iyun dahil baka guni guni ko lang talaga ito

Pero iba talaga ang pakiramdam ko dito, dahil imposible naman na araw araw akong nagkaka guni guni na kapareho lang din sa nararamdaman kk ngayon

Bigla nalang ako napatigil nang may marinig na parang may sumisipol at parang tinatawag ako

Tumingin tingin ako sa paligid at hinahanap kung saan nangagaling ang sipol

Nang mahanap ko na ito ay agad ko naman iyun sinundan

Ngunit laking gulat ko nang marealize kung saan ako papunta

Sa isang gubat na naman na hindi ko pa napuntahan dahil pinagbabawalan akong pumunta doon

At ang kanilang panakot sa akin noong bata  ay may mga alien daw na nakatira dyan at nangangain ng mga makukulit na bata

Pag apak ko sa kaliwa kong paa ay may narinig akong putok ng baril na ikinabugaw ng mga ibong naninirahan sa gubat

At agad akong napaluhod dahil sa takot, pero habang tumatagal ay may naaaninag akong lalake na walang pang itaas na parang nakita ko narin

hindi ko lang alam kung saan pero sigurado akong nakita ko na siya

nang makalapit ako sa kanya ay may narinig akong sinabe niya na hindi ko talaga maintindihan kung anu.

Persephone POV

Naka ilang beses na ako o ilang siglu na akong nakakabalik dito sa mundo ng mga tao at napag aralan ko na rin ang mga linguwahe ng mga ito

Palagi nalang akong nakatago at nag aaral ng mga panibagong techniques

At yun hindi ako nagkamali at may nalaman akong bago

Yun ay ang shape shifting technique kung tawagin nila dito, pero isa lang ang nagagawa kong katawan

At ito ay ang katawan ng isang lalake na matipuno at medyo matangkad na rin para tawaging gwapo

Pero ang inaalala ko talaga ang mga kailangan kong gawin dito

Yun ay ang pagmanman sa mga kilos ng tao alamin ang kahinaan nila upang masalakay sila sa lalong madaling panahon

Pero habang ako ay nagmamanman ay nakita ko ang isang mahiyaing babae na hindi gaano matangkad mahaba ang buhok may taglay rin namang kagandahan

Pero sa tagal ko na pabalik balik dito sa mundong ito ngayon lang ako nag karoon ng interesado na malaman ang buhay niya

Palagi ko siyang tinitingnan kung saan siya pupunta pero ang weirdo ng pakiramdam ko

Ngayon lang ako nakaramdam ng kaba sa buong buhay ko bilang isang heneral sa hukbo ng mga mananalakay sa aming planeta

Nakita ko siyang nakaluhod at aa pangalawang pagkakataon ay nilapitan ko siya upang patahanin ang tumatangis niyang mukha sa takot sa mga nangyari kanina

Ba't ba nililigtas ko ito palagi na babae sa kapahamakan

Dapat pinapatay ko siya dahil yan din ang isa sa mga plano namin pero hindi eh

Hindi ko magawa

Nang tumahan na siya ay tinitigan niya ako at niyakap

Dahil sa gulat ko ay nawala ako sa sarli at naitulak ko siya papuntang bangin na kunti nalang ay mahuhulog na siya

Nang mahuhulog na siya ay hindi ko napigilan ang sarili ko na tumakbo sa kanya at kunin ang kamay niya

Nang mahawakan niya ako ay nadulas ang kanyang kamay at napahawak sa armilla na nasa kamay ko at kasabay ng kanyang pagkahulog ang pinaka importanteng bagay para makabalit ako sa aming planeta

Nang nahulog siya ay ginamitan ko siya ng freezing technique na naaral ko lang din dito at agad na huminto ang lahat

Pero nang mailapag ko siya sa lupa ay laking gulat ko nalang nang wala akong nakitang armilla sa paligid

Hinanap ko yun ng hinanap pero wala talaga eh

Nang magising na siya ay nakatitig lang ito sa akin at makikita sa kanyang mukha ang takot

Pinuntahan ko na siya at napagdisisyunang mamaya ko nalang hanapin yun

Pagkapunta ko sa kanya ay napaatras siya dahil parang hindi ito nagtitiwala ng kahit na sino

Nang hinawakan ko ang kanyang balikat ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko na nangguguliata sa inis na kahit ang buhay ko at mission ay nawala dahil sa kanya

Bakit ba inililigtas kita?

Gulat na gulat siya sa mga sinabe ko at ang tangi ko lamang narinig ay ang mga huling katagang binitawan niya bago mahimatay

Yun ay "Pasensya at salamat sa pagliligtas".