Masayang umalis si Cedrick sa bahay ni Lorraine. Halos hindi siya makapaniwala na nagkita muli sila. Matagal din kasi ang ginugol niya sa paghahanap sa kanyang kababata. At noon ngang nahanap na niya ay hindi na siya nag aksaya pa ng oras at panahon, agad na niya itong pinuntahan sa adress na nakalagay sa facebook account nito.
Habang binabagtas ang kahabaan ng Edsa ay muling sumagi sa kanyang isip ang napakaganda… hindi lang ang mukha pati na rin ang kalooban nito.
Napapa-iling na lamang habang naiisip ang wangis ng kababata.
Oo, inaamin niya na noon pa man ay may lihim na pagtingin na siya sa kababata subalit dahil nga sa mga menor-de--edad pa sila noon ay ipinagpa-liban niya muna ang kanyang nararamdaman, ang mahalaga ay magkaibigan sila noon.
Tatlong oras ang kanyang byahe bago siya nakarating sa kanilang bahay. Halos may katagalan din ngunit sulit naman ito dahil sa muli nilang pagkikita.
Pagbukas ng gate ng kanilang kasambahay ay agad siyang pumasok sa kanilang magarang bahay.
Maituturing na talagang mayaman sila. May sariling kompanya ang kanyang mga magulang ito ay ang isa sa pinaka malaking Food company sa Pilipinas. May sarili rin siyang negosyo at ito ang Auto Cars Inc. Kung saan namana niya sa kanyang namayapang Lolo.
Pagkapasok niya ay nakita niya agad ang kanyang ina, abala ito sa paghahanda ng hapunan.
Lumapit siya at binati ito.
" Hi, mom." Sabay halik sa pisngi ng ina.
"Oh! Son your here, kumusta ang lakad mo, nagkita na ba kayo?" Masayang tanong nito na patuloy pa rin sa paglalagay ng pagkain sa mesa.
Napangiti naman ito sa tanong ng ina.
" Of course ma, she looks really pretty- I can't imagine na ganun siya kaganda sa personal unlike before she looks messy that's why I keep calling her Little messy when we are young" masayang kwento nito sa ina.
"Really? That's good to hear son, after what happened to their parents." Saad nito
"Yeah!"
"By the way, did you invite them on Sunday ?" Biglang tanong nito na kasalukuyang nakaupo na sa harap ng mesa.
"Yes ma, she'll be here but I'm not sure kung sasama yung dalawa niyang kapatid." Sagot niya
"Sana makarating sila dahil para na silang bahagi ng ating pamilya lalo pa at may announcement akong sasabihin" tugon naman nito
Napatigil naman sa pagkain si Cedrick sa sinabing iyon ng kanyang ina.
"Announcement? Anong announcement ma? Takang tanong nito
"Secret... sa linggo mo na malalaman at sigurado akong matutuwa ka." Nakangiting tugon ng ina.
Naguguluhan man ay hindi na niya tinanong pa ang kanyang ina dahil alam niyang hindi rin naman nito sasabihin kung ano ang announcement iyon. Kaya nanahimik na lang muna siya.
Natapos ang hapunan ng may pagtataka sa kanyang isip kung ano ang ibig sabihin ng ina. Wala siyang kahit anong ideya kung ano ang announcement na iyon.
Pagkatapos ng hapunan ay umakyat na siya sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Pagkapasok niya ay agad siyang naligo at nagbihis. Nagsuot lang siyang boxer at wala ng pang itaas. Iyon na ang kanyang nakasanayan dahil mas komportable siyang matulog kung walang pang itaas na damit.
Hindi lang mukha ang kanyang panlaban dahil may anim na monay rin siya na talaga namang kahit sino ay mahuhumaling sa kanya.
Sa katunayan ay naging model rin siya ng isang sikat na magazine sa Pilipinas. Subalit ng mamatay ang kanyang Lolo ay itinigil na niya ito at nag pokus na lamang siya sa ipinamang negosyo ng kanyang Lolo.
Labis ang panghihinayang ng kanyang manager ng mag desisyon siyang lisanin ang mundo ng pag-momodelo subalit wala na itong nagawa sa kanyang desisyon.
Nahiga na siya sa kanyang kama.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata.
Bigla itong napabangon ng maalalang kailangan niyang matawagan si Lorraine kaya kinuha niya ang kanyang cellphone na nasa lamesa, na katabi ng kanyang kama.
Agad niyang dinayal ang kanyang cellphone, nag ring naman agad ito.
*******
Hindi pa rin siya makapaniwala sa laman ng kahon halos tumalon sa tuwa ang kanyang puso ng buksan ang regalong bigay ng kababata.
Ang laman lang naman ng kahon ay dalawang ticket sa concert ng kanyang minamahal na asawa. Ito ang kanyang pinag-iipunan simula ng mag announce na may concert ang kanyang Idolo sa Pilipinas subalit naudlot ang pag-iipon niya ng magastos niya ang kanyang inipon ng kailanganin niyang ibili ng laptop ang kapatid na kailangan sa pag-aaral nito.
Kaya back to zero na naman siya at nawalan na siya ng pag-asa na makita ang kanyang idolo. Pero hindi na ngayon dahil hawak hawak na niya ang ticket para sa darating na concert sa susunod na linggo. Hindi na ito isang panaginip ,kundi totoo na talaga!
Pero nagtataka siya kung bakit alam niyang may concert si Rowoon sa Pilipinas. Ibig sabihin nagpanggap lamang siya na hindi kilala si Rowoon ng sinabi niyang asawa niya ito.
" Ako ata ang na-prank ni Cedy ahh!" naiiling na saad niya sa kanyang sarili.
Hindi naman magkamayaw ang kanyang kasiyahan dahil sa nalalapit na pagkikita nila ng Idolo niya lalo pa't nasa unahan siya ng entablado. Siguradong kitang-kita niya si Rowoon.
"MAGKIKITA NA RIN TAYO SA WAKAS MY LABS" saad niya sa kanyang sarili. Halos hindi mapawi ang ngiti sa kanyang mukha. Sobrang excited na siya sa susunod na linggo.
Kung pwede nga lang pabilisin ang oras ay ginawa na niya sa sobrang tuwa.
Nang marinig niyang nagbukas ang kanilang gate ay lumabas na muna siya ng silid, dumating na kasi ang kanyang Kuya Sean.
Pasado alas-otso na at kailangan na niyang maghanda para sa hapunan.
"Hi! Kuya.How's your day? Are you tired? Do you need anything? Tell me." Sunod-sunod namang tanong niya sa kanyang kuya, nagulat naman ito sa inasal niya.
Tiningnan siya nito ng may pagtataka. Lumapit at dahang dahang hinawakan ang noo nito sabay hawak din sa noo niya. Itinaboy naman niya ito agad.
"Kuya,wala akong sakit ano ka ba." Natatawang saad nito sabay kuha ng kawali sa aparador kung saan nakalagay ang mga gamit panluto.
"Eh!bakit ang saya mo ata saka ngayon ka lang nagtanong sakin kung okay lang ako ah! Aba! Nakakapangilabot yan Lorraine ahh! Wala akong perang pang-pautang sayo." Seryosong saad nito sa kapatid. Naupo naman ito sa sofa habang nanonood ng tv.
" Grabe ka kuya ah! Para namang ang sama kong kapatid niyan. Bakit hindi ba pwedeng masaya lang kasi makikita ko na ang asawa ko?" Masaya nitong sabi, pasayaw-sayaw pa ito at pakanta-kanta habang nagpi-prito ng telapia para sa kanilang hapunan.
"Asawa?Magkikita kayo? Saan ? Sa panaginip o sa ilusyon mo?" Pang-aasar nito.
Linapitan naman niya ito habang kinukuha ang ticket na inipit niya sa kanyang short sa likuran. Sabay abot nito sa kapatid.
"Oh! Ano ito? Bill na naman ba?" Sarkastikong tanong nito
"No..no... open it"
Nang binuksan ito ay agad itong nagulat. Sabay tingin sa kanya ng masama.
"Binili mo ito ano-- hindi ba ang sabi ko kailangan nating mag-ipon" sabay balik nito sa kanya ng padabog " Lorraine naman alam mo namang may kailangan tayong bayaran hindi ba?. Sana bago ka bumili nito nag-isip ka muna" galit subalit mahinang saad nito sa kapatid.
Hindi naman siya nakapag salita sa mga sinabing iyon ng kanyang kapatid.
"K-kuya h-hindi ko nama-" hindi na siya pinatapos nito agad na siyang tinalikuran nito at dumeritso sa kwarto. Tiningnan lang niya ito.
Tiningnan niya ulit ang hawak-hawak na ticket halos magusot ito dahil sa padabog na iniabot sa kanya ng kanyang kuya.
"Hindi ko naman ito binilin eh! At anong masama kung bumili ako ng ticket, may trabaho naman ako ahh!" Maktol nitong sabi sa sarili
Sa narinig na pagtatalo ng kapatid ay saka naman lumabas si Lily, sakto ang paglabas niya ng makapasok na rin sa kwarto ang kanyang kuya Sean.
Nakita niya rin ang kanyang kapatid na kakatapos lang magluto ng hapunan. Pagkatapos nitong takpan ang niluto ay pumunta na siya sa kanyang silid.
"Ate kakain na ba tayo?" magalang niyang tanong sa kanyang ate na mukhang bad mood ata.
"Kumain ka na diyan, hindi ako nagugutom," pagkasabi niya ay agad na siyang pumunta sa kanyang kwarto.
Hindi na rin nagawa pang magtanong ni Lily sa kanyang ate dahil alam niyang galit ito o masama ang loob nito.
Alam niyang nagtalo na naman ito saka ang kuya Sean niya.
Maya-maya lang bumaba muli si Sean para maghapunan. Kunuha ito ng plato,kutsara at tinidor saka umupo sa mesa. Naroon din si Lily na kasalukuyang kumakain.
"K-kuya nag-away ba kayo ni ate Lorraine? Tanong nito.
"Hindi, may hindi lang kami napagkasunduan" maikli nitong sagot na patuloy pa rin sa pagkain
"Hmm. Kuya natatandaan mo ba si Kuya Cedrick?. Bigla nitong tanong
" Cedrick? Sinong Cedrick naman yan?sarkastikong tanong nito sa kanya. Naiinis pa rin ito.
" Si Kuya Cedrick, yung nakalaro natin noon ,nung nasa probinsya pa tayo? Yung kababata ni ate Lorraine."
"Oh! Bakit? Anong meron dun?"
"Pumunta siya rito, binisita si ate Lorraine. Kinumusta niya rin tayo. May regalo pa nga siya eh!" Paliwanag nito
"Regalo?" Takang tanong nito
Tumango naman ang bunsong kapatid sabay turo sa paper bag na nakapatong sa ibabaw ng mesa.
"At alam mo ba kuya kung anong regalo niya kay ate Lorraine?" Excited na saad nito, tiningnan naman niya ito.
"Ano?"
"Ticket para sa concert ng idolo ni ate, grabe ang sweet no?" Masaya nitong sagot sa kapatid
Napatigil naman si Sean sa pagsubo sabay tingin ulit sa kaharap na kapatid.
"Anong sabi mo? Yung ticket regalo sa kanya? Pag-uulit nito
"Hmm opo, kaya nga ang saya ni ate eh! Di mo ba nahalata?"masayang sagot nito
Hindi naman makapaniwala si Sean sa narinig, nakonsensya tuloy siya sa mga sinabi niya sa kanyang kapatid alam niyang nasaktan niya ang loob nito.
"Bakit kuya may problema ba?"tanong nito "Teka? Huwag mong sabihin na iyon ang pinag-awayan niyo ni ate Lorraine? Saad nito
Wala namang maisagot ang kapatid , tahimik lang siya hanggang sa matapos itong kumain.
"Bilisan mo na diyan," pagkasabi nun ay agad siyang dumeritso sa kanyang silid.
Napa-buntong hininga na lamang si Lily sa mga nangyaring iyon sa kanyang dalawang nakatatandang kapatid.
"Haayy.. ang hirap palang maging bunso, nakaka boring". Saad niya sa kanyang sarili habang nagliligpit ng pinagkaininan.
-End-
Thank you po in advance❤😊
Enjoy reading❤