Hindi pa man nakakalayo sa kanilang bahay si Cedrick ay bigla na niyang ihininto ang sasakyan.
"G-get out!" marahan subalit may diing saad nito kay Elice.
" W-what?" utal na sagot nito.
"I said get-out of my car!" napasigaw na siya sa galit. Nabigla naman ang babae sa ginawa niya.
"W-why? Why are you doing this to me Cedrick? Hindi pa ba sapat na pinahiya mo ako sa mga magulang mo-lalo na sa mga magulang ko? Cedrick sana naman hinayaan mo munang matapos yung gabing yun! Pero hindi eh! Nag walk out ka!" saad nito na tuluyan ng tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi.
"WHAT? hintayin kong matapos...para ano ma-engage na tayo...Elice alam mong ayaw kitang masaktan, alam mo naman hindi ba na sa una pa lang kaibigan na ang turing ko sayo at wala ng mas hihigit pa roon.! Please huwag na nating pahirapan ang mga sarili natin." marahang saad nito. Hinarap niya ito at hinawakan ang magkabilang balikat ,patuloy pa rin ito sa pag-iyak. "Alam ko hindi sapat ang paghingi ko ng tawad dahil sa ginawa ko pero sana maintindihan mo ako...I'm so sory." saad nito sa kanya
Bigla nitong tinabig ang kanyang mga kamay.
"B-bakit? Dahil ba dumating na ang first love mo?"bigla siyang napatingin rito.
Bigla itong humalakhak at pumalakpak ng napakalakas. na parang naloloko. Kung wala lang sila sa sasakyan ay baka pinagtinginan na sila ng mga tao.
"BRAVO...BRAVO...ang galing mo naman. Noong wala siya ako lagi ang nasa tabi mo. Kapag may problema ka ako ang takbuhan mo...kapag nag-aaway kayo ng Daddy mo ako ang unang tinatawagan mo PERO dahil diyan sa babaeng Lorraine na yan nagbago ka! sunod-sunod na saad nito.Hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak.
"Tama na Elice...Ihahatid na kita,mag-usap na lang tayo kapag pareho ng malamig ang mga ulo natin" saad niya rito.
"T-tama na? At bakit sino ka para patigilin ako?Pati ba naman pagsasalita pipigilan mo? Ano ka batas? At huwag kang mag-alala hindi na ako 7 years old para magpahatid pa sa yaya! kaya kong umuwing mag-isa!"pagkasabi noon ay agad itong lumabas at padabog na isinara ang pinto ng kotse.
Hindi na ito napigilan ni Cedrick dahil nakita niya itong sumakay ng taxi.
Nakaramdam naman siya ng konsensya dahil sa kanyang ginawa subalit wala na siyang magagawa nangyari na ang dapat mangyari. At ang iniisip niya ngayon ay kung paano niya haharapin ang kanyang ama at ina.
Iniliko na niya ang kanyang sasakyan at dumiretso sa kanilang bahay.
******
Sa Mansyon ng mga Ferrer
Hindi pa rin makapaniwala ang mga magulang ni Cedrick sa ginawa niya halos atakihin sa puso ang kanyang ama sa galit.
Naka-upo ito ngayon sa sofa at may hawak na baso na may alak. Pagkapasok pa lang ni Cedrick ay agad na siyang sinugod ng ama. Sinuntok siya nito bigla, napahiga naman siya sa sahig dahil sa lakas ng pagsuntok nito.
akmang susuntukin pa siya nito ng awatin na ito ng kanyang ina.
"Rafael tama, huwag na kayong mag-away pakiusap!" pag-awat ng ina ,hindi na rin nito napigilang umiyak.
"Bakit mo nagawa samin ito Cedrick? Bakit mo kami pinahiya ng mommy mo sa mga magulang ni Elice! Wala ka man lang konsensya!" galit na saad nito sa kanya. Halos lumabas na ang mga litid nito sa leeg dahil sa sobrang galit.
"B-bakit Dad, hindi ba kayo nakonsensya na ipakasal ako sa babaeng hindi ko naman gusto? Hindi niyo man lang sinabi sakin na may plano pala kayong ipakasal ako? Dad, hindi pO ako gamit na pwedeng ipamigay kung gugustuhin niyo! Dad, anak niyo ako...anak niyo Ho ako!" marahan subalit may galit na saad nito, tumulo na ang kanyang mga luha na kanina pang gustong lumabas.
"DAD...Mom..p-please, pwede bang hayaan niyong ako naman mag desisyon pagdating sa sarili kong buhay? Hindi na po ako bata. Nakikiusap po ako sainyo!" malumanay na saad nito.
"Bakit ayaw mong pakasal kay Elice, hindi ba matagal na rin kayong magkaibigan?Matagal na kayong magkakilala! Sa tatlong taon na yun wala ka man lang naramdaman para sakanya?"tanong ng ama. Mahinahon na ito kumpara kanina.
"I'm sorry Dad, pero kaibigan lang ang turing ko sa kanya."sersyong sagot niya rito. Nang marinig nito ang kanyang sinabi ay tumalikod na ito. Subalit hindi pa man ito nakakailang hakbang ay biglang bumagsak ito. Napatakbo naman siya at ang kanyang ina para saklolohan ang ama.
"Rafael..Rafael wake up !" sigaw ng ina habang yinuyogyog ang asawa.
"Dad!"
"tumawag ka ng ambulansya!" saad ng ina sa kanya.
Dali-dali niyang kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa at tinawagan ang emergency hot line. Sabay sabay namang lumapit ang mga katulong para umalalay rito.
******
Hindi pa rin tumitigil ang pag-iyak ni Elice kahit na ito ay nasa loob pa ng taxing sinasakyan. Tinitingnan lang siya ng palihim ng driver.
Ilang oras din bago siya nakauwi sa kanilang bahay. Halos hindi siya makalakad ng maayos dahil sa panghihina. Parang naubos yata ang kanyang lakas sa mga nangyaring iyon.
nang makapasok siya sa kanilang bahay ay agad niyang nakita ang kanyang ama at ina. Nakaupo ito sa sofa. Nang makita siya nito ay agad siyang yinakap ng kanyang ina.
"It's okay honey...it's okay.Stop crying." saad nito habang hinahaplos ang kanyang likod.
Pinaupo siya nito sa sofa at agad na pinahid ang mga luha nito sa kanyang pisngi. Wala namang kibo ang kanyang ama.Bakas sa mukha nito ang awa at galit.
"Anong nangyari nakapag-usap ba kayo? Nabigla lang ba siya dahil sa nangyari? Ano anak?Papayag na ba siya na magpakasal kayo?"sunod na sunod na tanong ng ina
Subalit imbis na magsalita siya ay luha ang tanging naisagot niya. Umiyak na naman siya na para bang wala ng katapusan ang kanyang pag-iyak.
"Stop crying! hayaan na lang natin ang desisyon niya. Siguro mas mabuti rin ito dahil kung magpapakasal ka tapos ikaw lang ang nagmamahal hindi ka magiging masaya anak, kaya huwag ka ng umiyak"saad nito .Yinakap siya muli ng ina.
"Mommy, bakit ganun? Bakit sa dinami-rami ng taong mahahalin ko e doon pa ako sa taong hindi ako gusto! ganito na ba kalupit ang mundo sa akin?Mommy b-bakit ganun? humagolgol na siya sa pag-iyak
"Alam ko anak, pero hindi natin masisisi ang kapalaran sadyang ganyan talaga. Anak hindi lang si cedrick ang lalaki sa mundo. Mayaman ka,maganda,matalino.Nasa iyo na an lahat,marami ka pang mahahanap na lalaking mamahalin ka at mamahalin mo rin"nakangiti nitong sabi sabay haplos sa mga pisngi nito. "Bata ka pa anak, marami ka pang mahahanap na mas deserving sa pagmamahal mo." yakap lang ang naging sagot niya sa sinabing iyon ng ina. kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam sa mga sinabing iyon ng ina. Pailing-iling naman ang ama ng makita niya ito. halatang galit pa ito sa mga nangyari kaya nilapitan niya ito at yinakap.
"I'm sorry Dad"maikling saad niya rito.
"Hindi ko gusto ang ginawa sayo ng Cedrick na yan! Ayoko na siyang makikitang kasama mo at kung hindi ipapalapa ko siya sa buwaya!" seryosong saad ng ama. Napangiti naman siya rito.
"D-dad?" saad niya rito sabay yakap ulit.
Pagkatapos ng kanilang mahabang pag-uusap ay umakyat na siya sa kanyang silid.Nagbihis ng damit pang tulog at saka humiga na. Dahan dahang ipinikit ang kanyang mga mata kasabay ng mga luhang pumapatak na naman sa kanyang mga pisngi.
********
End of chapter
Salamat po sa lahat kung sino man po ang matiyagang nagbabasa nitong kwento ko.
Feel free to comment po,kung pangit ba,o may mga mali.😊 Para malaman ko po kung ano dapat ang ayusin😊 Thank you and God bless.❤ Keep safe everyone.😇😇❤❤
#newbie