Chereads / My First Love by:Mj / Chapter 9 - Chapter 9

Chapter 9 - Chapter 9

Para akong lutang ng araw na iyon.Halos hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko. Balisa pa rin ako sa mga nangyari noong gabing iyon. Gusto kong tawagan si Cedrick pero hindi ko alam ang sasabibin ko. Wala naman akong karapatan para magtanong dahil personal na buhay na niya iyon.

"Ano ka ba self! gumising ka nga l, MAGKAIBIGAN LANG KAYO OKAY! MAGKAIBIGAN LANG!" saad nito sa sarili habang tinatapik ng dalawang kamay ang kanyang pisngi.

Napansin naman ito ni Jia(matalik niyang kaibigan at isa itong guro sa paaralang pinagtatrabahuhan niya). Nakaupo lang din kasi ito sa kabilang table. Habang nag-aayos ng kanyang gamit para sa paghahanda sa pagtuturo.

"Uy! Lorraine , okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"pag-aalalang tanong nito habang patuloy sa pag-aayos ng gamit.

Napatingin naman siya bigla rito. Hindi niya akalain na mapapansin siya nito dahil nga busy ito sa pag-aayos. Pasado alas-7 na kasi at 7:30 ang class schedule nito ngayong umaga.

Ngumiti siya rito at tumango. Napailing naman ito sa kanya na waring naguguluhan.

"Sige na, aalis na ako ha! Ayokong ma-late ngayon at baka mapagalitan na naman ako ni Madam principal eh!" Dali-dali itong lumabas ng kanilang opisina, bitbit ang mga kagamitang pampagtuturo. Hindi pa siya nakapagsasalita ay lumabas na ito ng pintuan.

"Okay bye".maikli niyang saad. Hindi na ata siya narinig dahil hindi na ito sumagot. Napailing na lamang siya.

Sa katunayan maaga pa talaga, kaya lang nasa 3rd floor pa ng kabilang building ang room nito. Halos abutin din ng sampung minuto bago marating ang klasrum kaya naman kadalasan ay late ito at dahilan para mapagsabihan ito ng kanilang Principal.

Pasado Alas-dyes na ng umaga.

Natapos na niyang e-encode lahat ng schedule ng mga guro sa kanilang paaralan para sa susunod na semester. Patapos na rin kasi ang taon kaya naman abala na siya sa paggawa ng schedule. Kailangan pa kasi itong i-pinalize at papirmahan.

Masaya naman siya sa kanyang trabaho bilang isang sekretarya kahit mahirap. Subalit hindi ito nagiging sapat. Kaya Nagbabalak siyang mag-resign na at gusto siyang pag-aplayin ng kanyang kaibigan sa kompanyang pinagtatrabahuhan nito sa Korea. At dahil nga sa Korea, ay halos gusto na niyang umalis agad dahil matagal na niyang pangarap makapunta sa Korea dahil andun ang kanyang mga "OPPas" subalit nagbago ito ng dumating si Cedrick.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang kanyang wallpaper-Si rowoon- ang kanyang ultimate oppa🤗 . Napabuntong hininga na lamang siya at ibinaba niya ang kanyang selpong hawak.

Napatingin siya sa may pintuan dahil may biglang kumatok rito.

"Pasok"maikli niyang sagot.

"Good morning...a-ano-" hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin ng isang pamilyar na tao ang kanyang nakita. Hindi niya inaasahan na pupuntahan siya nito sa kanyang trabaho.

"Cedrick? A-anong ginagawa mo dito? nagtatakang tanong niya. Pinaupo naman niya ito at inalok ng maiinom subalit tumanggi ito. Dahil ayon dito ay hindi naman daw siya magtatagal.

"N-npadaan lang ako,hmmm gusto lang kitang makita at kumustahin."nahihiyang saad nito sa kanya.

Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Halos tumalon ito sa tuwa. Subalit hindi niya ito pinahalata. Dahil baka kung anong isipin pa nito.

"Nagbibiro ka ba? Hindi ba nagkita lang tayo kagabi?" pabiro niyang sabi rito. Mabuti na lamang at wala ang kanyang mga kasamahan at kung hindi baka siya pa ang simulan ng chismis.

"I know... "

"Teka,kumusta pala si Elice?Nagka-usap na ba kayo? Si tita at tito kumusta sila?" bigla niyang pag-iiba ng usapan.

"Hmm about Elice hindi pa kami nagkikita mula kagabi. Nasaktan ko siya and, she needs time to accept it. And si D-dad nasa ospital siya ngayon."saad nito. Napatingin naman siya rito

"H-ha? Ospital? Bakit? Anong nangyari? napatayo siya sabay lapit sa kinaroroonan ni Cedy. Tumabi siya sa kina-uupuan nito at hinawakan ang balikat nito

"Anong nangyari Cedy?" marahan niyang sagot.

"Inatake sa puso si Dad, d-dahil sa ginawa ko kagabi.Hindi niya kinaya kaya siya inatake sa puso.But don't worry he's fine.Gising na rin siya at bukas makakalabas na siya ng ospital."

Nakahinga siya ng maluwag ng marinig na maayos na ang kalagayan ng ama ni Cedy.nag-aalala siya rito dahil malapit ito sa kanila lalo na sa kanya.

"Oh! Sige I have to go. May pupuntahan pa kasi ako eh! ,dumaan lang talaga ako rito " sabay tayo nito. Tumayo na rin siya at ihintid niya ito sa may pintuan.

"Sige mag-iingat ka" isasara na sana niya ang pinto ng bigla pa itong magsalita

"L-lorraine, available ka ba mamayang gabi?bigla nitong sabi.

Hindi naman agad siya nakasagot.

"Ha? Bakit?

"Basta,available ka ba"pag-uulit nito

"Sige,susubukan ko"sagot niya bigla.

"Talaga? Sige, sunduin kita mamaya sa bahay niyo okay? Sige Bye."

Nagtataka man subalit hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin. Pinagmasdan niya ito habang papalayo. Nakangiti siya at halos makalimutan niya na ang mga nangyari kagabi dahil sa pag-aaya sa kanya ni Cedrick. Pero nag-aalangan pa rin siya rito. Ayaw niyang masaktan dahil sa pag-ibig. Lalo na sa kanyang first love.

*******

Pagkagaling ni Cedrick sa pinagtatrabahuhan ni Lorraine ay agad siyang bumalik ng ospital. Hindi niya pa rin lubos na maisip na bigla niyang niyaya si Lorraine sa kabila ng nangyari sa kanyang ama. Subalit buo na ang kanyang desisyon... ang desisyon na kailangan niyang gawin at panindigan. Bahala na kung ano ang magiging resulta nito at kung paano niya masusulosyonan ang magiging problema.

Nakarating siya ng ospital ng may ngiti sa labi. Subalit nang buksan niya ang pinto ay agad ring napawi ang mga ngiti nito ng makita kung sino ang nasa loob ng kwartong iyon.

End of chapter 9*

Hi everyone??Kumusta po? Happy po ba ang New Year niyo? 👋👋 Salamat po pala sa mga nag-vview .❤ Kahit alam ko ang iba hindi binabasa but still thank you❤ GoodNight😴