"Anak...gising na..anak tanghali na malilate na kayo sa klase niyo." mahinang yugyog ng ina sa himbing na himbing na anak.
Nagising siya sa mahinang yugyog ng ina sa kanyang balika. Iminulat niya ang kanyang mga mata at marahan itong kunusot-kusot ng kanyang dalawang kamay. Nakita niya agad ang ina na nakaupo sa kanyang tabi. Nakangiti ito sa kanya at marahang hinahaplos ang kanyang mga buhok.
"Mama?" mahinang tawag niya dito
"Oh! sa wakas gising kana napakahimbing ng tulog ng anak ko ahh!, bumangon kana at may klase pa kayo." marahang saad nito sabay tayo. "Nakahanda na ang agahan, ikaw na lang ang hinihintay, ang kuya mo nakabihis na."nakangiti nitong sabi.
Agad naman siyang bumangon,dideretso na sana siya sa banyo ng bigla siyang pigilan ng ina.
"Oops..oopss. Aba! may nakakalimutan ata ang baby ko ah!" nakangiti nitong sabi sabay turo sa kanyang kama. Gumanti naman siyang ngiti rito.
"Ayy oo nga po pala." sabay peace sign niya sa ina.
"Naku anak, dapat ang mga ganyang bagay ay hindi dapat kinakalimutan. Kailangan makasanayan mo na yang simpleng gawain sa bahay. Ang pagliliglit ng higaan, paglilinis ng bahay dahil paano kung--" hindi na niya ito pinatapos sa pagsasalita, lumapit siya rito at agad niya itong yinakap.
"Mama, alam ko po yun,nakalista na po yan sa utak ko" sabay ngiti sa ina. Pinisil naman nito ang kanyang pisngi.
"aray mama,"sabay hawak sa kanyang pisngi.
"Naku! Ikaw talagang bata ka, sige na bilisan mo na at baka malate pa kayo ng kuya mo. At saka may e-dideliver pa kami ng papa mo. Kaya dapat maaga namin kayong maihatid...kaya sige na ligo na."
"Okay po" sabay takbo nito sa kanilang banyo.
Dali-dali siyang naligo. Pagkaraan ng ilang minuto ay tapos na siya. Nakapagbihis na siya ng uniporme at saka bumaba.
Patalon-talon pa siya habang palalabas ng kanyang silid.. Subalit napawi ang ngiting iyon ng wala ang kanyang mga magulang sa kusina. Wala rin ang kanyang kuya. Nagtataka naman siya kung bakit wala ang mga ito sa kanilang hapag kainan na gaya ng sabi ng ina ay nakahanda na ang kanilang agahan subalit ng makita niya ito ay napakalinis at wala ni isa mang pagkain na nakahain sa mesa.
"Iniwan na ba nila ako? ang sabi ko bibilisan ko lang eh!" nakasimangot na saad niya sa sarili.
"Teka baka niloloko lang ako nila mama.Hahanapin ko sila." patakbo niyang tinungo ang likod ng kanilang bahay at marahang tinawag ang kanyang mga magulang at kapatid.
"Mama...Papa?? Kuya ??. Andaya niyo naman eh! Huwag na kayong magtago... Labas na. pleasee."sigaw pa rin niya subalit wala itong naririnig na sagot mula rito.
"Mama...Papa..Kuyaaa!" hindi na niya napigilang umiyak. Umupo siya sa harap ng kanilang pintuan at saka umiyak ng umiyak. "Mama..Papa!..Kuya!" sunod-sunod niyang tawag subalit wala talagang sumasagot.
Tiktok...tiktok...tiktok(tunog ng alarm clock)
(alas-sais na ng umaga)
Nagising si Lorraine sa isang panaginip na iyon. Hindi niya masabi kung masama ba ito o magandang panaginip. Kaya lalo pang nadaragdagan ang kanyang lungkot ng maalala niya ang kanyang mga magulang.
Napansin niyang may luhang pumatak sa kanyang mga pisngi.Marahan niya itong pinahid ng kanyang mga kamay at saka kinuha ang kanilang family picture na nakalagay sa frame na nakapatong sa ibabaw ng kanyang mesa. Hindi niya alam kung bakit iyon na naman ang laman ng kanyang panaginip. Siguro dahil sa namimis na niya ang mga magulang. Umupo siya at sumandal sa head ng kama. Marahan niyang hinaplos haplos ang imahe ng kanyang mga magulang habang patuloy pa rin sa pagtulo ang kanyang mga luha.
Kahit limang taon na ang nakakaraan ng mamatay ang kanilang mga magulang ay sariwa pa rin ang sakit sa kanilang mga puso lalo na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam kung sino ang driver ng bus na nakabangga sa sasakyan ng kanilang mga magulang na naging dahilan ng pagkasawi nito.
"Mama..Papa ..mis na mis ko na po kayo..mis na mis ka na namin..."saad nito sabay halik sa litrato ng kanyang mga magulang. "Sana andito kayong dalawa kasama namin. Sana...sana hindi na lang kayo namatay! sana may nanay at tatay pa kaming kasama hanggang ngayon!" halos mamaga na ang kanyang mga mata sa walang tigil niyang pag-iyak. Hindi niya rin napansin na pumasok pumasok na pala ang kanyang dalawang kapatid. Agad itong lumapit sa kanya at yinakap siya.
"Tahan na a-ate..huwag ka ng umiyak...ang tanda-tanda mo na iyakin ka pa rin." pabiro nitong sabi na nakisabay na rin sa pag-iyak.
Kumalas siya pagyakap sa dalawa. Tiningnan sila ng kanilang kuya at saka hinawakan ang mga kamay nila. Pinagpatong-patong nito ang kanilang mga kamay.
"Kayong dalawa kahit anong mangyari o problema niyo huwag kayong magdalawang isip na sabihin sakin ha kuya niyo ako,tatay at nanay pa. Kahit wala sila andito ako para sainyo. Lorraine pwede mo akong kausapin kung may problema ka at ikaw bunso kahit ano huwag lang pera ha!" mahaba nitong saad sa dalawa. Napangiti naman siya sa sinabi nito.
"Salamat kuya." nakangiting sagot nila ni Lily, sabay nagyakap ulit sila.
"oh! Siya tama na ang drama sa umaga. Lorraine maligo ka na. Amoy panis na laway ka pa eh!natatawang biro ni Sean sa kapatid. Humalakhak naman si Lily sa sinabing iyon ng kanyang kuya.
"Grabee ate kaya pala" natatawang saad nito.
"Kayong dalawa talaga...napaka bully niyo. " nakasimangot na saaad nito subalit kalaunan ay ngumiti na siya.
"Sige na labas na kayong dalawa"pagtataboy niya. Magka akbay namang lumabas ang dalawa niyang kapatid habang nagtatawanan pa rin.
Kahit papaano ay nakaramdam siya ng saya at pansamantalang nawala ang kanyang lungkot na nararamdaman.
Naaalala pa rin niya ang nangyari kagabi. Alam niyang wala siyang karapatang magselos dahil wala naman silang relasyon ng kababata at malinaw pa sa tubig ng mineral ang kanilamg relasyon at iyon ay bilang isang matalik na magkaibigan lamang.
Inayos na rin niya ang kanyang kama, pinagpagan at tinupi ang kumot gaya ng laging bilin ng kanyang ina sa kanya. Pagkatapos ay kinuha na niya ang tuwalya at saka pumunta ng banyo at naligo.
*******
-Sa Ospital-
Hindi pa rin nagkakamalay ang ama ni Cedrick at halos wala rin silang pahinga ng kanyang ina sa pagbabantay rito. Ayaw naman nitong iwan ang asawa hangga't hindi ito nagigising.
Ayon naman sa doctor na sumuri rito ay nasa maayos na kalagayan na ito. Nagka cardiac arrest ito dahil sa nangyari at hindi ito nakayanan ng puso ng ama. Mabuti na lamang daw at agad itong nadala sa ospital at kung hindi ay baka malala pa ang nangyari rito.
Nakaupo ang kanyang ina sa tabi ng kama nito. Hawak-hawak ang kamay habang hinahaplos-haplos.
Nagdesisyong umuwi muna si Cedrick para kumuha ng ilang gamit ng ama at para rin makapagbihis na rin siya. Hindi pa rin kasi siya nakakapagihis mula kagabi. Naka suit pa siya na naging agaw pansin naman sa mga tao sa ospital na iyon.
Pasado alas-otso na ng umaga ng mga sandalibg iyon. Habang nasa byahe siya ay naalala niya ang reaksyon ni Lorraine ng e-announce ng ama na ipapakasal siya kay Elice. Hindi niya mawari kung pareho lang ba sila ng nararamdaman ng kababata o siya lang ba ang may nararamdaman dito. Napabuntong hininga na lamang siya sa ala-alang iyon.
******
End of chapter.❤
Hi👋 Salamat po sa mga nagbabasa o nag v-view. Kung may opinyon po kayo para mas maging maganda po ang paggawa ko ng kwento feel free to comment po. 😊
Keep safe everyone❤