Chereads / My First Love by:Mj / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

Dahil nga sa mga sinabi ng kanyang kapatid, hindi niya naiwasang magdamdam. Hindi man lang kasi siya hinayaang magpaliwanag bago siya nito pagbitangang bumili ng ticket na iyon.

Nakahiga na siya subalit hindi pa rin siya abutan ng antok.

Kinuha niya ang kanyang cellphone na nasa kanyang tabi.

Hinanap niya ang pangalan ni Cedrick sa phonebook nito. Nang pipindutin na niya ang dial ay bigla itong tumunog, nagulat naman siya kaya nabitawan niya ito at tumama sa mukha niya napa-aray naman siya dahil sa sapul sa may ilong niya ang cellphone.

Nang kunin niya ulit ito para tingan kung sino ang tumatawag ay nabigla siya.

"Si Cedy?" Ang sama ng loob sa kanyang kapatid ay biglang naalis ng makita sa screen ng cellphone kung sino ang tumatawag.

Pinalipas niya muna ng ilang minuto bago niya ito tuluyang sinagot.

"H-hello?"marahang niyang saad sa kabilang linya

"Oh! Hi! Naka-istorbo ba ako? Matutulog ka na ba?" Nag-aalangang tanong nito sa kanya

"No..no.. okay lang hindi pa naman ako inaantok eh! Sa katunayan tatawagan na sana kita naunahan mo lang ako." Nahihiyang sagot nito

"Oh! I see...natanggap mo ba yung re-" naputol ang pagsasalita ni Cedy ng biglang magsalita si Lorraine.

"Salamat nga pala sa regalo mo. Napakasaya ko dahil sa wakas makikita ko na ang Idolo ko... pero-"

"Oh! Bakit hindi mo ba nagustuhan?

"Hindi naman sa ganun, ang saya ko nga eh! Kaya lang nag-aksaya ka ng pera- nakakahiya"

"Ano ka ba, maliit na bagay lang yan at alam ko magiging masaya ka kapag nakita mo ang idolo mo at isa pa bigay ko yan sayo dahil sa muli nating pagkikita." Masayang saad nito sa kanya.

" Teka paano mo nga pala nalaman na Idol ko si Rowoon?" Takang tanong niya sa kausap

"Hindi ba obvious sa facebook account mo? Puro litrato niya ang nakalagay sa wall mo at isa pa yung pinost mong malapit na ang concert pero hindi ka makakapunta"natatawang sagot niya.

Nahiya naman siya sa kababata, masyado pa lang obvious na patay na patay siya sa artistang iyon.

"Kaya nung malaman ko kung saan ang adress mo , agad akong bumili ng ticket para sa concert na pang surpresa ko sayo dahil alam matutuwa ka... hindi nga ako nagkamali". Masayang saad nito

"Salamat...maraming salamat huwag kang mag-alala babawi ako sayo." Biglang saad niya

" No, it's fine. Gift is a gift kaya mag-enjoy ka na lang sa sunday okay." Sagot nito

"Of course." Masayang sagot niya.

"Teka kumusta na pala sina tita at tito?"

" Okay naman sila, si Daddy may buseness trip sa Cebu kaya wala siya ngayon and si mommy okay naman, tumatanda na." Sagot nito

"Ah!mabuti naman... nakakamiss din pala, "bigla niyang sabi

"Nakakamiss ang alin?" Natatawang saad nito sa kanya

"Nakakamiss maging bata, akala mo ikaw ang na miss ko no? Asa  ka!" Natatawang sagot niya

Tumawa lang ang nasa kabilang linya.

Napangiti naman siya sa kanyang sinabi.

Sa totoo lang ay talagang namiss niya ang kanyang kababata. Dahil bata pa lamang sila ay malapit na ang loob nila sa isa't isa lalo pa noong namatay ang kanyang mga magulang.

Nagkahiwalay lang sila noong magdesisyong kupkupin sila ng kanyang tiyahin at lumipat dito sa maynila.

"Oh! Sige. Medyo gabi na kailangan ko ng matulog . Alam mo na Linggo bukas, kailangan naming magsimba at isa pa diba bukas ng gabi ako pupunta sainyo hindi ba?."

"Ah!Yes! Susunduin na lang kita diyan sainyo.."tugon nito

"Okay, ikaw ang bahala ..good night.."palaam nito

"Good night little messy." Masayang saad nito sa kanya

"Hindi mo pa rin pala nakakalimutan yan? Move on din pag may time,nagbago na ako no." Sagot nito.

Tawa lang ang naging sagot ng nasa kabilang linya pagkatapos noon  ay pinatay na niya ang kanyang cellphone. Ipinatong na niya ito sa ibabaw ng lamesa.

At pagkatapos ay ipinikit na niya ang kanyang mga mata ng may ngiti sa  kanyang mga labi.

*******

Ng malaman ni Sean na galing pala ang ticket sa kababata ni Lorraine ay agad siyang nakonsensya. Hindi man lang niya kasi ito binigyan ng pagkakataong magpaliwanag.

Nabigla lang naman kasi siya dahil ang mahal ng ticket na iyon halos abutin ng sampung libo kaya nauhanan na siya ng galit at isa pang dahilan ay pagod rin siya sa trabaho.

Pero kahit ganun ay dapat hindi siya agad nagsalita ng masama sa kapatid.

"Patawarin niyo po ako mama,papa. Hindi ako nagiging mabuting kapatid sa kanila. Alam ko minsan napagsasabihan ko sila pero alam ko namang iyon ang makakabuti para sa kanila eh." Napapikit siya sa sama ng loob. Biglang tumulo ang kanyang mga luha ng maalalang wala na ang kanyang mga magulang.

"Sana nandito kayo...sana buo pa rin tayo ngayon...sana may nagpapaalala sa akin kung paano maging isang kuya para sa kanila. Patawarin niyo po sana ako. Lagi niyo po sana kaming bantayan lalo na ang mga kapatid ko...Mahal na mahal ko po kayo mama,papa." Pagkasabi noon ay tuluyan ng tumulo ang kanyang mga luha halos mabasa ang kanyang unan sa pag-iyak.

Kahit lalaki siya ay nasasaktan at napapagod din siya. Sa pag-iyak na lang niya tuwing gabi nailalabas lahat ng sama ng kanyang loob. Hindi naman niya masabi sa mga kapatid dahil ayaw niyang mag-alala ito sa kanya.

Kaya idinadaan na lang niya sa pagiging strikto ang lahat.

******

Maagang nagising si Lorraine para magluto ng almusal. Linggo ngayon at araw ng pagsisimba. Nakagawian na nila itong gawin kahit noong nabubuhay pa ang kanilang mga magulang.

Nagluto siya ng tatlong scramble egg, pritong tinapa na simahan ng kamatis.

Pasado alas-singko y medya na ng sabay na lumabas sa kanilang silid ang magkapatid.

Naupo na ang tatlo ng maihanda na ang pagkain sa mesa.

Hindi pa rin nagkikibuan sina Lorraine at Sean. Kapwa sila walang imik sa nangyari kagabi.

"Ahmm...ang bango ate ahh!, inspired ka?" Saad ni Lily kay Lorraine para basagin ang katahimikan.

"Kumain kana lang okay?" marahan subalit may pataray na usal nito sa bunso

"Sungit ahh! May regla ka ngayon te?"pang-aasar na sabi pa nito

"Kapag hindi ka pa tumahimik talagang makaktikim ka na sakin" sagot nito sabay tingin ng matalim

"Ayan na naman kayong dalawa, kakain na nga lang tayo mag-aasaran pa kayo. Kung hindi kayo kakain maligo na at magbihis nang makaalis na tayo." Saway nito sa dalawa.

Natahimik na lang ang dalawa.

Bigla namang napatingin si Lorraine sa  kanyang kuya ng kausapin siya nito.

"P-pasensya na nga pala kagabi  hindi ko naman kasi alam na sa kababata mo galing yung ticket eh! Pasensya na pagod lang siguro ako" paghingi ng paumanhin nito

Ngumiti naman si Lorraine saka nagsalita.

" okay lang kuya naiintindihan ko naman eh! Saka pasensya rin kung pasaway kami ni Lily...huwag kang mag-alala sa susunod lalagyan ko na ng tape ang bibigyan niyan para hindi na makasagot" natatawang saad nito.

Tumingin lang sa kanya si Lily na pigil ang tawa.

"Oh! Ilabas mo na yang itatawa mo baka mamaya mautot ka pa" dugtong pa nito

Bigla namang tumawa ng malakas si Lily. Sabay namang tumingin ang dalawa sa bunsong kapatid.

"Alam niyo nakakatawa kayong dalawa."natatawang saad niti

"At bakit?" Seryosong tanong naman ni Lorraine habang nagliligpit ng kanilang pinagkainan.

"Kasi kagabi nag-away at ngayon bati na naman kayo.Tapos sa susunod niyan magbabangayan na naman kayo...nakaka sawa na mga ate kuya"pabiro nitong sabi.

"Ahh! Ganun pala ahh!" Sabay tayo ni Sean at inilipag naman ni Lorraine sa mesa ang mga platong hawak hawak. At saka sabay na kiniliti ang bunsong kapatid.

Halos maiyak sa Lily sa kakatawa.

Napuno naman ng tawanan ang munting bahay na iyon ng tatlong magkakapatid.

-end of chapter-

❤❤❤