Sa bahay ng mga Ferrer.
Abala ang lahat ng kasambahay sa paghahanda para sa magaganap na salu-salo mamayang gabi.
May kinuha ring magaling na chef ang mag-asawang Ferrer para sa gabing iyon. Dahil gusto nilang maging maganda ang kalalabasan ng salu-salo lalo na sa isang napakahalagang okasyon.
*******
Sa kabilang banda hindi naman mapakali ang isang babaeng kanina pa naghahanap ng maisusuot. Halos lahat na atang damit na nasa aparador ay nahalungkat at naisukat na niya.Tumigil lang ito ng may isang babaeng pamilyar ang mukha ang pumasok sa kanyang kwarto.
"Mommy?" nakangiti nitong tawag sa ina.
"Here.."sabay abot ng damit sa anak.
Namangha naman ito ng makita ang damit na ibinigay ng ina. Isang kulay pulang bandage dress na hindi kahabaan na babagay sa kanyang maputing kulay.
Nang isuot na niya ito ay nagpaikot-ikot siya sa harap ng salamin. Masaya naman siyang pinagmamasdan ng kanyang butihing ina.
"Are you ready Elice?"sabay tanong ng ina,napalingon naman ito sabay lapit dito. Yinakap niya ito ng napakahigpit.
"Thank you mommy."saad nito sabay ngiti sa ina. "Mommy,hindi ba siya mabibigla sa gagawin nating ito? I mean what if hindi siya pumayag?"may pag-aalang tugon nito sa kanyang ina.
" Don't worry,nag-usap na kami ng Daddy mo. At sinigurado niya na hindi sila aatras sa engagement niyo...kaya huwag ka ng mabahala okay...oh! Siya maghanda ka na at maya-maya lang ay aalis na tayo." Pagkasabi nun ay lumabas na ito.
Humarap muli siya sa salamin. Tinitigan niya ang kanyang sarili. Sabay ngiti niya sa harap ng salamin.
Masaya siya siya ngayon dahil matutupad na ang kanyang mga pangarap. Ang maikasal sa taong pinakamamahal niya.
*******
Eksaktong alas-otso y medya nakarating sina Cedrick at Lorraine sa mansyon ng mga Ferrer.
Halos lumuwa ang mga mata ni Lorraine sa laki ng bahay ng kanyang kababata. Hindi niya akalain na mas malaki pa pala ang bahay ito ngayon kaysa sa bahay nila sa probinsya.
Pinagbuksan naman sila ng isa sa mga katulong nito. Mas lalong humanga si Lorraine ng makita pa ang loob ng bahay ni Cedrick. Halos kompleto ito at may malaki pang chandelier na nakasabit at kumikinang pa sa ganda.
Iginiya sila ng katulong patungo sa dining area. Napakalawak nito at halatang mayaman ang nakatira.
Sumunod lang siya sa kababata. Hindi naman mapawi ang ngiti sa mga labi ni Cedrick.
Nang tumama ang kanyang paningin sa dalawang taong hindi katandaan na kasalukuyang nakatayo sa may dining area agad lumapit dito at sabay halik sa pisngi nito bilang pagbibigay galang.
"Hi tita..hi tito, kumusta po kayo?"bati niya sabay ngiti
Masaya naman ito ng makita siya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Waring kinikilatis siya sa mga tingin nito.
"Wow! You look gorgeous,Iha, halos hindi kita makilala ang laki ng pinagbago mo"nakangiting saad ng ama ni Cedy na si Don Rafael.
"Yes, you're right ,Rafael, parang kailan lang eh dalaginding ka palang- ngayon isa ka ng ganap na dalaga."pag-sang ayon naman ng ina na si Doña Cristina.
"Thank you tita...tito." maikling sagot nito na parang nahihiya.
Hindi nga maikakaila ang kanyang kagandahan kahit simple lang ang kanyang suot. Isinuot na niya ang dami na regalo ng kanyang kapatid ito ang classic stripes top with leather mint na sinamahan pa ng 3inches high heels. Inilugay niya lang ang kanyang buhok dahil mas bagay ito sa kanyang suot.
" Oh! Let's sit."sabay aya nito.
Hindi pa siya nakakaupo ng may biglang dumating na ibang bisita. Napalingon silang lahat ng may taong papalapit sa kanila.
Biglang napangiti ang mag-asawa lalo na ang ina ni Cedy na para bang inaasahan na nila ito.
Isang di kalayuan ang edad sa mga magulang ni Cedy at isang napakadang babae na siguro ay kasing edad nila ni Cedy. At may isa pang pamilyar ang kanyang nakita.
"K-kuya Sean?mahinang saad niya sa kanyang sarili " wala siyang kaedi-ideya sa mga nagaganap na iyon.
Nang tiningnan niya si Cedy ay napansin niyang dumilim ang mukha nito, nakakuyom din ang mga kamay nito na animo'y nakakita ng kaaway. Hindi niya maintimdihan ang nangyayari. Ang buong akala niya ay siya lamang ang bisita ng araw na iyon subalit hindi pala.
"I'm sorry we're late"sabay saad nito sa mag-asawa. Nag beso-beso naman ito sa bawat isa.
"No,it's okay,sakto lang ang pagdating niyo."nakangiting saad ng ina ni Cedy sa mag-asawang dumating kasama ang anak nito.
"Oh! Elice...how are you honey?"sabay yakap sa babaeng kanina pa niya tinitingnan.
Nang tumingin siya sa gawi ng kanyang kapatid ay halatang nagtataka rin ito. Kasama nito ang nobya na si Hannah.
"I'm good tita,"maikling sagot nito habang nakangiti.
"Oh! By the way this is my beautiful niece, Hannah and her-"hindi nito natapos ang sasabihin ng makilala kung sino ang lalaking kasama ng kanyang pamangkin.
Namangha ito sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.
"Is that you Sean?" Masayang saad nito
Nagulat naman ang mga magulang ni Elice dahil kilala nila ang kasintahan ng kanilang pamangkin.
"Hi tita Christina.,Hi tito Rafael ,hey bro.." sabay kaway nito kay Cedy Ngiti lang ang naging sagot nito.
"You know him,Cristina?takang tanong naman nito sa ina ni CCedy
"Yes,of course ,naging kaibigan sila ni Cedrick noong nasa probinsya kami, at-"tumingin ito sa gawi niya " kapatid niya si Lorraine na kababata ni Cedrick" masayang saad nito.
Namangha naman ang ina ni Elice.
"What a small world" nakangiting saad nito.
Kasalukuyang naka-upo na ang mga ito. Masaya silang nagku-kuwentuhan samantala tahimik lang na nakamasid ang kanyang kapatid sa kanya, hindi pa rin mawala ang pagtataka nito.
Napatingin naman sila ng biglang tumayo ang mga magulang ni Cedrick at Elice. Kinuha nito ang mamahaling baso na may lamang alak saka itinaas sa ere. Bakas sa mga mukha nito ang kasiyahan subalit si Cedrick ay hindi maipinta ang mukha sa mga nagaganap.
Tumayo naman sila saka kinuha ang baso na may lamang wine.
"Let's toast for today's announcement...The engagement of my Son Cedrick and Elice" masayang saad ng Ama ni Cedrick.
Nagulat naman si Cedrick sa sinabing iyon ng kanyang ama. Bigla niyang ibinagsak ang kanyang baso kaya naman napatingin sa kanya ang lahat
"Mom,Dad, what's going on here? Engagement with her?"mahina subalit may diin saad nito sabay tingin kay Elice, nabigla naman ito sa kanyang sinabi, biglang lumungkot ang mukha nito.
"You heard me right, Son.You and Elice will getting married,"seryosong saad nito.
"Why ,iho ayaw mo bang maikasal sa aming anak?"saad naman ng ama ni Elice na si Marcos
"Im sorry I think this is not right" pagkasabi ng mga salitang iyon ay biglang umalis si Cedrick. Nabigla ang lahat.
Ang kaninang masayang tagpo ay napalitan ng lungkot.
"CEDRICK! CEDRICK COME BACK HERE!" paulit ulit na sigaw ng ama subalit hindi man lang ito lumingon.
Sinundan naman ito agad ni Elice. Susundan niya rin sana si Cedrick subalit biglang tumingin sa kanya ang kapatid sabay iling nito kaya hindi na siya sumunod pa.
Galit naman ang naramdaman ng ama ni Elice.
"Rafael akala ko ba papayag ang anak mong maikasal sa anak ko? Pero ano ito bakit ganito!" Madiin at may halong galit na saad nito.
"I'm sorry Marcos.Kakausapin lang namin ang anak ko. Don't worry maikakasal sila kahit anong mangyari."determinadong sagot nito
"Siguraduhin niyo lang, sa lahat ng ayoko ay yung nasasaktan ang aming anak. Lalo na ni Cedrick. Let's go Brenda" sabay talikod sa mga ito.
Napatimbagang naman ang ama nito.
"I'm sorry Lorraine, Sean and also Hannah,hindi ko inaasahan na ganito ang kalalabasan ng gabing ito."hinawakan niya ang kamay ni Lorraine halos maiyak ito sa kahihiyan na ginawa ni Cedrick.
Subalit hindi naman nila ito masisisi dahil hindi nila pinaalam na ipapakasal na pala ito sa babaeng hindi niya mahal. Kahit naman siguro sino ay ganito ang magiging reaksyon.
"Okay lang po tita,hmm siguro po mauuna na po muna kami,"
"Sige, mag-iingat kayo" saad ng ina.
Lumabas na ng bahay sina Lorraine kasama ang kanyang kuya Sean at kasintahan nito.
Nagpasya naman si Hannah na ihatid ang magkapatid dahil siya lang naman ang may sasakyan at si Sean na ang nagmaneho.
Pinutol naman ni Hannah ang katahimikang sa loob ng sasakyan.
"Hindi ko alam na kababata mo Lorraine si Cedrick"sabay saad nito
"Nagulat din po ako nung makita ko kayo ni kuya Sean, at kamag-anak niyo pala si Elice" mahinang saad nito
"Oo, pinsan ko siya,kapatid ni Papa si Tita Brenda"maikling sagot nito.
Tumango lang siya sa pahayag nito. Para kasing wala siyang ganang makipag-usap dito.
"Kuya Sean, ibaba mo na lang ako diyan sa may tabi, magco-commute na lang ako pauwi."bigla nitong sabi sabay tigil naman ni Sean sa sasakyan
"Ha? At bakit? May pupuntahan ka pa ba?"takang tanong nito
"W-wala naman, paano si ate Hannah, hindi naman pwedeng siya magmaneho ng sasakyan pauwi diba? Sagot niya
"It's okay Lorraine, sanay naman akong magmaneho ng gabi" saad nito sa kanya "At isa pa maaga ang pasok ng kuya mo bukas kaya kailangan na niyang umuwi"dugtong pa nito
Wala naman siyang nagawa kaya nagpatuloy naman sa pagmamaneho ang kanyang Kuya.
Alas-onse na sila ng makarating sa bahay. Nang magpaalam na siya kay Hannah ay agad siyang dumeritso sa kanyang silid. Pabagsak siyang humiga sa kama sabay ipinikit ang kanyang mga mata.
Akala niya magiging masaya ang gabing iyon subalit kabaligtaran pala ang mangyayari.
At nakita pa niyang sabay na umalis si Cedrick at Elice gamit ang sasakyan nito. Nakaramdam siya ng lungkot at bigat sa dibdib ng makita niya ito.Nagtama naman ang kanilang mga mata habang dahan dahan itong umalis.
*******
Nang makalabas ng mansyon si Cedrick ay agad niyang pinaandar ang kanyang sasakyan subalit hindi pa naman siya nakakalabas ng gate ay humarang na sa kanya si Elice. Agad itong pumasok sa sasakyan at tumabi sa kanya. At dali-dali niyang pinaandar ang sasakyan. Subalit ng lumingon siya sa may pintuan ng kanilang bahay ay sakto naman ang paglabas ni Lorraine at nagtama ang kanilang mga mata, arang wala na siyang mukhang maihaharap dito.
Ayaw sana niyang umalis subalit kailangan niyang maliwanagan kung ano ba ang nangyayari lalo na sa pilit na pagpapakasal sa kanila ni Elice.
******
End of chapter 6
Thank you❤❤❤