Chereads / My First Love by:Mj / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

Sa simbahan ng San Agustin, Intramuros ,Maynila sila nagdesisyong magsimba dahil malapit lang ang kanilang tinitirahan dito.

Pagkatapos ng misa ay dumiritso sila sa isang fast food chain sa parehong lugar. At dahil linggo ngayon may oras sila para mag bonding.

Kada-araw ng linggo ay nagsisimba silang magkakapatid, kumakain sa labas at nanonood ng sine. Ito na ang kanilang oras para sa isa't isa kahit na kadalasan ay nagkakaroon sila ng hindi pagkakaunawaan. At ito ang araw na kailangan nilang pagaanin ang kanilang mga loob.

Nag-order lang si Sean ng tatlong spaghetti,tatlong burger at tatlong ice crean na may kasama ng softdrinks. 

Habang kumakain napansin ni Lily na hindi masyadong kumakain si Lorraine kaya hindi ito nagdalawang isip na tanungin ito.

"Ate may problema ba? Bakit parang wala kang ganang kumain ,sawa ka na ba sa spaghetti? Natatawang saad nito sa kapatid habang isinusubo ang burger nito, napatingin naman si Sean sa kanya.

" May problema ka ba Lorraine? mahinang tanong nito.

Inilapag naman ni Lorraine ang tinidor at ipinatong ang dalawang siko sa lamesa habang ang mga kamay nito ay nasa kanyang mukha.

" kinakabahan kasi ako kuya eh! Mamaya na ako pupunta sa bahay nila Cedy, baka hindi na ako magustuhan nila tita at tito alam niyo mahirap tayo at super rich nila. NAKAKAHIYA!" Saad niya.

Bigla namang humalakhak si Lily na nakaagaw pansin naman ng mga tao sa fast food na iyon. Bigla niyang itinikom ang bibig sabay sabing " sorry po"

Nang tingnan niya ang dalawang kapatid ay halos matunaw sa kanilang mga tingin lalo na ang kanyang ate Lorraine na kulang na lang ay lamunin siya nito ng buhay.

"Ang o.a mo naman ate akala mo naman ipapakilala kang girlfriend niya. Hindi ba magkaibigan lang kayo hindi magKAIbigan" pang-aasar nito sa kapatid lalo namang nanlisik ang mga mata nito.

"Tama na yan, kayong dalawa talaga wala kayong pinipiling lugar. Hindi na kayo mga bata ahh! At ikaw Lily tama na yang pang-aasar mong ya " mahinang saway nito sa mga kapatid para hindi marinig ng mga tao sa paligid.

"S-sorry "biglang saad naman ni Lily sa kanyang ate.

"Huwag kang mag-alala Lorraine hindi naman ganun ang pagkakakilala ko kina tita at tito eh! Alam nating mabait ang mga magulang ni Cedy hindi ba? Kaya wala ka dapat ikabahala." Saad nito

Napabuntong hininga na lang si Lorraine.

Sabagay may punto naman talaga ang kanyang bunsong kapatid na wala naman talaga silang relasyon kundi isang kaibigan at magkababata lang.YUN LANG WALA NG IBA.

Natapos ang kanilang pamamasyal,bumalik na rin ang sigla ni Lorraine.

Pasado alas-tres na sila nakauwi ng araw na iyon. Kapwa sila pagod sa pamamasyal subalit naging sulit naman dahil naging maayos ang kanilang pamamasyal kahit may kaunting asaran.

Pumunta na sila sa kanila-kanilang silid.

Pagkabukas ng pinto ni Lorraine ay agad siyang humiga . Inikot ikot niya ang kanyang paningin sa kanyang silid habang pinagmamasdan ang mga larawang nakadikit sa kanyang dingding.

Napabuntong hininga siya ng malalim.

"Akala ko wala ng mas mahirap pa kaysa makita kita ng personal meron pa pala mas mahirap palang maabot ang isang taong alam mong kaibigan ka lang para sa kanya. Haay pareho lang kayo ang hirap niyong abutin." Pagkasabi nun ay ipinikit niya ang kanyang mga mata dahil mamayang alas-sain ay susunduin na siya ni Cedy kaya kailangan niya ng beauty rest.

Naihanda na rin niya ang kanyang susuoting damit na regalo pa sa kanya ng kanyang kuya Sean noong huling kaarawan niya na hindi pa niya naisusuot.

******

Habang nagbibihis si Cedrick ay biglang may kumatok sa kanyang pinto.

"Come in" maikling sagot nito. Pagkabukas ng pintuan ay bumungad ang kanyang ina na may dala-dalang black suit.

Nagtaka naman siya kung bakit iyon ang kanyang susuotin eh isang simpleng hapunan lang naman iyon.

Bigla siyang kinabahan sa ikinikilos ng kanyang ina.

"Ma, what's this? Do I have to wear this? Hindi simpleng hapunan lang ang magaganap mamaya bakit kailangang ganito pa ang isuot ko?" Takang tanong nito sa ina

" hay naku! Huwag ka ng maraming tanong anak basta iyang damit na yan ang isuot mo mamaya okay?" saad ng ina

"Wait aalis ka na  ba para sunduin ang kababata mo?"biglang tanong nito. Napangiti naman siya bigla.

"Yes,ma kailangan kung sunduin siya ng maaga para hindi kami ma-traffic mamaya,alam mo naman masyadong traffic sa Edsa." Sagot niya

"Hmm. Okay. Wait- sasama ba ang mga kapatid niya?"

"I think no,kasi sabi ni Lorraine may gagawin daw ang kuya niya and then si Little Lily may pasok naman bukas kaya hindi siya pwedeng magabihan."paliwanag nito. Tanging tango lang ang naging sagot ng ina

"Sayang naman kung ganun.oh siya. Bahala ka na muna , may aasikasuhin lang muna ako okay." Paalam nito sa  anak sabay labas nito.

Napailing na lang si Cedrick sa tinuran ng kanyang ina.

Maya-maya lang ay lumabas na siya ng kwarto,kinuha ang susi ng sasakyan at saka ito umalis.

Pasado alas-tres na siya naka-alis. At sigurado bago mag alas-sais ay narating na niya ang bahay ni Lorraine.

*****

Samantala , handa na rin si Lorraine ng mga oras na iyon.Nakapagbihis na rin siya at naghihintay na lamang sa pagdating ni Cedrick.

Hindi rin siya mapakakali dahil kahit papaano ay kinakabahan siya ng oras na iyon. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili para siyang hinahabol ng sampung aso dahil sa kabang kanyang nararamdaman.

Napalingon naman siya ng biglang may magsalita sa kanyang likuran.

"WOW ate ang ganda mo naman sa suot mo, yan ba yung regalo sayo ni kuya?"manghang tanong ng kapatid.

Tango lang ang kanyang naisagot. Pilit' naman ang kanyang ngiti

"Ate ano ka ba,huwag kang kabahan, dinner lang naman iyon eh! Saka isa pa mababait naman sila tita at tito hindi ba?" Pagpapalakas naman ng loob nito sabay tapik sa balikat ng kapatid.

"Salamat"maikli niyang sagot. Si kuya umalis na rin ba? Tanong niya rito

"Yup. May date ata sila ni ate Hannah eh!...haayy ako na lamg ata ang walang lovelife dito sa bahay ahh! Makapaghanap na nga rin" biro naman nitong sabi sa kanyang ate. Napatingin naman sa kanya ang kanyang ate

"Subukan mo lang at makakalbo kita.."sabay irap nito "Hindi ka pwedeng mag-boyfriend hangga't hindi ako nag-aasawa ahh!"seryoso subalit pabiro nitong sabi .

"Ha?ate gusto mo ba akong maging matandang dalaga?"sabay halakhak nito

"Aba! Bakit anong akala mo sakin hindi na ako makakapag-asawa?"

"Hmmm parang ganun na nga"natatawang saad nito sa kapatid. Napailing na lang siya rito.

"Teka,mag-isa ka lang dito,sigurado ka bang okay ka lang maiwan dito? Gusto mo sumama kana lang? Nag-aalalang tanong nito

"Ano ka ba ate,okay lang hindi ba ang sabi ni kuya hindi na ako bata...kaya okay lang ako. Ang mahalaga mag-enjoy ka. Kagaya ni kuya Sean.."seryosong saad nito

"Hmm. Okay..basta isasara mo ng maayos ang pinto ahh! Lalo na ang kwarto mo,"

"Opo." Maikling sagot nito.

Sabay silang napatingin sa may labas ng may sasakyang tumigil sa harapan nila.

Napangiti naman si Lorraine ng malamang nariyan na ang kanyang sundo. Si Cedrick.

"Oh! Ate andiyan na si kuya Cedrick."masayang tugon nito

"Teka pagbubuksan ko ng pinto."tatayo na sana si Lily ng bigla siyang pigilin ni Lorraine.

"Ako na, "maikli niyang tugon dito. Ngumiti naman ito sa kanya.

"OohKay-"natatawang sagot niya.

Pinagbuksan niya nga ng pintuan si Cedcrick at tumambad sa kanya ang napakagwapong mukha nito. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa.

Nakasuot ito ng black suit at leather shoer na bagay na bagay sa kanya. At ang buhok nitong nangingintantab na akala mo'y nilagyan ng baby oil.

"Ehemm...."bigla siyang nagising sa isang imahinasyon ng bigla itong nagsalita.

"L-let's go?"maikling saad nito sa kanya.

"Sure...Lily..?"marahang tawag nito sa bunso

"Yes ate?..Hi..kuya Cedy..ang gwapo natin ahh!"

" thanks little Lily"masayang sagot nito.

"Aalis na kami, mag-iingat ka dito ha!" Pagpapa-alala nito sa kapatid

"Oo na ate,hmm..kuya Cedy ingatan mo ang puso ng ate ko ahh!"pabiro nitong sabi kay Cedy

"Ha?"gulat namang tanong nito

"Ang sabi ko ingat kayo sa byahe ni ate."pagtatama nito habang nakangiti.

"Hay naku! Tara na Cedrick baka ma-traffic pa tayo.Hmm" sabay hila nito kay Cedy

"Bye little Lily."paalam nito sabay kindat sa kanya.

"Bye kuya...bye ate." Sabay kaway nito.

Napailing na lang si Lily sa kapatid. Alam na kasing may gusto si Cedrick sa ate niya at alam niya ring may gusto rin dito ang ate niya. Pero pareho silang hindi umaamin sa tunay nilang nararamdaman.

"Haay! Kaya ayaw ko pang ma-inlove eh! Napaka complicated"pagkasabi nun ay isinara na niya ang pinto at dumiretso sa kanyang silid. Dahil bukas may pasok na naman siya at hindi siya pwedeng magpuyat.

End of chapter❤